PINALAYAS niya ako sa loob ng kaniyang opisina dahil ayaw niya raw akong maging kaibigan. Putragis! Kaysa naman ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya ay bumalik na lang ako sa aking mesa. Naiinis man ay kinumusta ko pa rin ang very reliable source ko para manghingi ng impormasyon.Sigurado akong isasama na ako ni Yevhen kapag nalaman ko kung nasaan si Lucas Rivera.“Miss Masien.” Napalingon ako at napatayo nang makita ko si Kimberly. Naitago ko rin ang aking cellphone sa bulsa ng blazer ko bago ko napansin ang kasama niyang tatlong lalaki na may dala-dalang tig-iisang kahon. “Ano’ng masamang elemento ang nagdala sa’yo rito? May sasabihin ka ba?” Hinarap ko siya at humalukipkip. Ngumisi lang naman siya saka niya sinenyasan ang mga lalaki na ilagay sa mesa ko ang mga kahon.Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya hindi natuloy ang kanilang binabalak.“Kinakausap na kasi ni Chairman si Sir Xavier. Narinig kong boss ko ang ipapalit niya kay Sir Yevhen,” aniya na hindi ko na ikinagulat. “T
TANG INANG iyan. Kung halik ang kapalit para maging magkaibigan kami, huwag na lang pala.“Ano'ng sinabi mo?” Devin asked, stopping me from thinking of Yevhen and his friendship's condition.Nakalimutan kong magpapaalam nga pala ako sa putragis kong kapatid na daig pa ang mga imbestigador kung mag-interview.According to my very reliable source, nasa norte ang taong hinahanap namin. Sinabi ko naman agad iyon kay Yevhen at nagdesisyon siyang sumakay na lang kami ng bus patungo roon dahil ayaw niya raw mapagod na mag-drive ng kaniyang kotse.Napag-usapan din namin na sa terminal ng bus na lang kami magkita bukas nang madaling araw.“Masien, saan ka pupunta?” pag-uusisa niyang muli kaya ngumiti ako upang ulukan siya.“Sa Hielo nga, Kuya,” nakangiti kong sagot kaya napanganga siya. Tinatawag ko lang kasi siyang kuya kapag mayroon akong hinihingi.“Sa Friday na nang gabi ako uuwi,” dagdag ko pa habang magkatabi kaming nakaupo sa couch. Pinapanood namin sa TV 'yong ipinagmamalaki niyang pel
NAPAKAHIRAP magpanggap na babae at asawa ni Yevhen. Sa lahat na lang ba naman ng oras ay kailangang nakayakap siya sa akin o 'di kaya naman ay nakaakbay.“Bitiwan mo na nga ako. Gabi na, wala nang makakakita sa atin,” naiinis kong komento bago ko mabilis na tinanggal ang braso niyang nakalingkis sa aking baywang.Naglalakad na kami pabalik sa hotel dahil kagagaling lang namin sa bahay ng isang magsasaka upang magtanong-tanong tungkol kay Lucas Rivera. Doon na nga kami naghapunan, ngunit wala pa rin kaming napala.Pang-apat na araw na namin dito, pero hindi pa rin namin alam kung nasaan at sino ang hinahanap namin.“I give up.” Bigla siyang tumigil siya sa paglalakad kasunod ng pag-iwas niya ng tingin sa akin. “Let's just both leave the company. We can also talk to Ate Zemira. You're her best friend, I'm sure she'll help us build a new one, right?” pagpapatuloy niya pa kasunod ng kaniyang malakas na pagbuntonghininga. Napakamot naman ako sa aking batok. Hindi namin akalain na sobrang
AYAW ko pang pumasok sa loob ng kwarto namin. Putragis naman kasi. Bakit ba hindi muna ako nag-isip bago ko sinabi sa kaniyang mamasahihin ko siya? Pwede namang ipagtimpla ko na lang siya ng kape, e!“Ma'am, ito na po 'yong ni-request niyong isang baso na may tubig na mainit at kutsara,” tawag-pansin sa akin ng isang hotel clerk na naka-assign sa kitchen. Nginitian ko naman siya saka ko kinuha ang baso na nakalagay sa isang maliit na tray.Nang mawala ang empleyado sa aking paningin ay nataranta na naman ako at hindi ko na naman alam ang gagawin.“Sandali! Walang malisya iyon, Masien,” paalala ko sa aking sarili bago ako nagpatango-tango.Bakit ako kinakabahan, e, pareho naman kaming lalaki?!Ipinagsawalang-bahala ko aking pagkailang bago ako lumabas ng cafeteria ng hotel. Tinanggal ko na rin ang natitira ko pang kaba habang naglalakad patungo sa aming kwarto.“Sir!” sigaw ko matapos kong buksan ang pinto ng aming silid. Wala namang sumagot kaya hinanap ko siya sa sofa kung saan siya
NAKALIMUTAN niya ang nangyari.Nakauwi tuloy kami sa Liazarde na nagtataka siya kung bakit tahimik ako at hindi siya pinapansin.Putragis! Kasalanan talaga iyon ng putang inang kape na dinala ni Devin sa bahay.Maganda nga iyon sa lalaki pero. . . pero sa lalaking may asawa na o sa lalaking active sa sex life. Puta. Hindi ko nabasa ang lahat ng information na nakalagay sa sachet. Inilahat ko pa man din ang laman ng kape!“Maria.” Pinanindigan ako ng balahibo at kinilabutan nang marinig ko ang nakakairitang si Yevhen na basta-basta na lang lumabas ng kaniyang opisina.“Putang ina! Ano?! Bakit?!” hindi ko napigilang sigaw kaya nagulat siya at napatigil sa paglalakad papalapit sa akin.“May I remind you that I am still your boss until tomorrow. Huwag mo akong sinisigawan,” he argued before he continued his walk towards my desk. Napaiwas naman ako ng tingin saka ako lihim na napasinghap ng hangin. “S-sorry, Sir. Ano ba'ng kailangan mo?” pagpapakumbaba ko para mabilis nang matapos ang us
“WAS that real? May nangyari sa ating dalawa?” A series of serious questions came out of his mouth. Napalunok naman ako at tinitimbang kung magsasabi ako ng totoo.“Let’s go to my office.” Mabilis niya akong hinawakan sa aking palapulsuhan pagkatapos ay hinila niya na ako papasok sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ko na tuloy nailapag ang bag ko sa aking mesa.“Maria,” punong-puno ng pag-aalala niyang tawag sa aking pangalan matapos niyang isara at i-lock ang pinto. Umatras naman ako nang lumapit siya sa aking pwesto.“Sir, wala,” matipid kong sagot bago ko iniwasan ang kaniyang mapanuring mga mata.“I clearly saw in my dreams that w-we . . . w-we’re both naked and I am fucking—” Sinaway ko siya agad at bumuntonghininga.“May damit tayo at walang nangyari sa atin, okay?! Kalimutan mo na o ituring mo na lang na panaginip ulit,” tila pagsasawalang-bahala ko kahit na palakas na nang palakas ang kalampag sa loob ng aking dibdib.Putragis! Hindi ko na gustong maalala pa ang tagpong iyon.“
SIMULA noong matapos ang pag-uusap naming iyon sa bahay hanggang sa opisina ay iniwasan ko na siya nang mabuti.Naudlot na naman tuloy ang plano kong pakikipagkita sa mga chikababe ko dahil bigla akong na-stress sa paulit-ulit na pagbabalik sa aking memorya ng sinabi sa akin ni Yevhen.Putragis!“Miss Masien, masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Eva na kapapasok lamang sa pantry room. Walang imik ko naman siyang tinanguan habang nagtitimpla ako ng gatas upang mainitan ang aking sikmura.Nakita niya kasi ako kaninang umaga na nagsusuka sa comfort room. Nalamigan yata ako kaya ako sinisikmura.“Araw-araw ka nang wala sa mood. Lagi ka pang inaantok,” komento niya pa bago siya tumabi sa akin sa harap ng mesa at nagtimpla naman ng kaniyang kape.Sa kaniyang paglapit ay nakakasulasok niyang pabango ang aking nasinghot kaya nagtakip agad ako ng bibig at ilong.Putragis na babae 'to! Ipinaligo na yata 'yong pabango niya!“Lumayo ka nga sa akin, Eva. Ang sakit sa ilong ng amoy mo,” s
“PUTANG ina,” mahina kong pagmumura bago ko binitiwan ang mouse ng computer na nasa aking harapan.Malapit nang mag-uwian, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matapos-tapos ang ipinagagawa ni Yevhen dahil hindi ako makapag-concentrate sa trabaho.Simula kasi noong isang araw, hanggang ngayon na nakapagpasukat na ako't lahat para sa magiging gown ko ay umiikot pa rin sa aking isip 'yong panghuling sinabi ng kaniyang ina. “Huwag mong isipin, Masien,” saway ko sa aking sarili bago ako huminga nang malalim.Nag-sorry na naman siya sa akin. Nangako na rin siya na hindi na babanggitin ang ano mang nangyari sa amin sa probinsya ng Hielo, pero putragis! Ano itong nararamdaman ko?!Noong una ay natutuwa ako dahil wala nang nangungulit sa akin, pero nang lumipas na ang ilang araw ay tila hinahanap-hanap ko na ang kaniyang atensiyon.Puta. Natatanggal na naman ang angas ko!Hinilamos ko ang aking mukha bago ko muling humarap sa monitor ng computer. Nag-iisip-isip ako ng mga maaaring dahilan