NAPAHIYA ako! Mali. Mali.
Ipinahiya ako ni Yevhen sa lahat ng mga taong nasa loob ng interview room matapos niya akong pagtawanan.“Bes, kumalma ka.” Inis kong nasabunutan ang aking sarili dahil sa narinig kong payo ni Zemira sa kabilang linya.“Kalma?! Putragis, pare!” maangas kong sigaw saka ako mariing pumikit at huminga ng malalim. Sumandal din ako sa likod ng silya na aking inuupuan saka ko sandaling inilayo ang cellphone ko sa aking tainga.Itinapat ko naman iyon muli sa aking pandinig matapos king huminga nang malalim.Nandito pa rin ako sa labas ng interview room. Inaabangan ko si Yevhen. Sisiguraduhin kong ngayon ay sadya ko na siyang sasapakin.“Nasaaan ka ngayon? Pupuntahan kita.” Her voice sounded in a rush as I heard her daughter cry. Lumambot tuloy ang aking ekpresyon at bigla akong nakonsensiya.Abala na nga siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak tapos dumadagdag pa ako sa alalahanin niya.“Nakakapikon naman kasi talaga 'yang pinsan mo. Hindi pa ako mapatawad-tawad sa nagawa ko, e, talagang hindi ko naman sinasadya.” Pinilit kong maging mahinahon para hindi siya masyadong mag-alala.“Kakausapin ko si Yevhen,” seryoso niyang sagot na mabilis kong tinanggihan.“Huwag na! Gaganti na lang ako bago ako umalis dito,” banggit ko sa aking maitim na balak.Hindi naman pupwede sa akin na palampasin ko lang ang ginawa ng lalaking iyon kanina.“Masien,” pananaway niya gamit ang pagtawag sa aking pangalan. Napangisi naman ako at napatingin sa aking paligid.“Hindi ako uuwi, Zemira,” mariin kong anunsyo habang umiiling.“Hangga't wala akong nakukuhang trabaho, hindi ako magpapakita sa inyo,” determinado ko pang dugtong bago walang paalam kong ibinaba ang tawag.Hindi talaga ako uuwi sa amin dahil kapag nalaman ni Ama na nagsinungaling lang ako ay baka ibigay niya na ako nang tuluyan kay Mark.Putragis! Hindi ko kakayanin iyon!“You like ba talaga ng work?” biglang sabat ng isang ginang na bigla na lamang sumulpot sa aking tabi.Sa pagkakatanda ko ay wala naman siya rito kanina. Napasarap siguro ako ng pagrereklamo kay Zemira kaya hindi ko napansin na naupo siya sa tabi ko.Wala sana akong planong pansinin ang ginang pero dahil sopistikada siya kung manamit at parang nakita ko na siya sa TV noon ay napukaw ang aking interes.May talaga kamukha siya. Hindi ko lang maalala ang pangalan at kung sino.“Hindi ka na ma-sa-sad if bibigyan kita?” dagdag niya pa lalong nagpalalim ng aking kuryosidad. Kumunot tuloy ang aking noo.Sino ba ito? Bakit parang nagtutunong scammer?“Ako po ba ang kausap niyo?” kunwaring pagmamaang-maangan ko habang nakaturo ako sa aking sarili.Putragis! Pinag-ti-trip-an yata ako nito.“Mukha ka namang kind and you’re so pretty, too. Gusto mo ba? I will hire you agad, now na, if you want.” Napapangiwi ako sa paraan ng kaniyang pagsasalita pero pinalampas ko iyon. Mas naintriga kasi ako sa inaalok niyang trabaho sa akin.“Legal po ba iyan, Ma'am?” naniniguro kong tanong bago ako pilit na ngumiti. Kung hindi lang siya mukhang mayaman ay hindi ko siya papatulan.Nagpalinga-linga rin ako sa aming paligid para suriin kung may kasabwat ba siya, ngunit tanging mga abalang aplikante lang ang aking nakita.“All you need to do is to create daily and weekly schedules, set dates for meetings and make a coffee,” she enumerated that made my eyes blink.“Personal assistant ba ang hinahanap niyo?” pag-uusisa ko ulit kasabay nang pagkabuhay ng aking dugo.Unti-unti na akong naniniwala at parang gusto ko nang tanggapin ang trabaho kahit pagtitimpla lang ng kape ang alam kong gawin sa mga binanggit niya.“What's your name?”“Maria Sienna De Dios, Ma'am.”“Oh, I like your name. Maybe it's tadhana!”Tila giliw na giliw siya sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya ngumiti na lang ako nang pilit at tumango-tango.“Maria, you’ll be the executive secretary of MARIA Corp if you accept the job. The CEO keeps on firing his previous ones kasi.” Malawak na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, samantalang hindi naman agad ako nakapagsalita pagkatapos ay napanganga pa ako.Magiging secretary ako ng CEO?!Putragis! Makakatakas na nga talaga ako kay Ama at makakapunta pa ako sa lungsod ng Liazarde.“Kailan po ako pwedeng magsimula?” My excitement was seen on how big my grin was. Tumayo pa ako at nagsusuntok sa hangin dahil sa nag-uumapaw kong kaligayahan.Heto na ang sagot sa problema ko! May maipagmamalaki na rin ako sa wakas.“Why are you still here?” biglang tanong ng lalaki sa aking likuran kaya natigil ang aking pagkasabik. Bigla na lang tuloy naningkit ang aking mga mata nang makilala ko ang may-ari nang boses na iyon.It's Yevhen. Mag-isa lang siya at titig na titig sa akin habang papalapit sa pwesto namin ng ginang.Ito na sana ang magandang tiyempo para bigwasan siya pero naisip kong baka makaapekto pa iyon sa bago kong trabaho.Kaya magpasalamat siya at nagbago na ang isip ko. Hindi ko na siya sasapakin, tutal mas mataas naman ang posisyon ko sa kompanya kaysa sa kaniya na pang-Laquiero branch lang.“My son,” the woman suddenly called him as she stood up. Nanlaki naman ang aking mga mata at mabilis na nagpabaling-baling sa kanilang dalawa.“A-anak niyo po siya?!” nauutal ngunit malakas kong tanong pagkatapos ay itinuro ko pa si Yevhen para makasigurado. Nalaglag ang aking panga nang tumango at ngumiti ang ginang.Putragis!“You should be in your office. I already said na ako ang magse-search ng bago mong secretary, right?” Nagbesohan silang dalawa sa aking harapan saka ko unti-unting napagtanto ang lahat.“I-ikaw ang CEO ng MARIA?!” Natampal ko ang aking noo. Sinaway niya naman ako saka siya tumingin sa paligid.Pinagtitinginan pala kami ng mga aplikante kaya bigla kong itinikom ang aking bibig at napamura na lang ako sa aking isip.Putragis! Siya ang magiging boss ko?!“Let’s go, Mom,” pag-aaya niya sa kaniyang ina na hinawakan niya ang kamay. Pinitigil naman siya nito.“Wait, Yevhen. This is Masien De Dios, your new secretary,” his mother said before she moved closer to me. Nginitian ko naman siya para magpakilala muli.Wala nang atrasan. Papatusin ko nang trabaho na ito kahit siya ang magiging amo ko kaysa naman matali ako sa isang lalaki at matuluyan na akong hindi makapambabae.“I don’t like her,” he instantly said while he was looking at me. Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa kaya awtomatikong inayos ko ang aking tindig.“Ano ba'ng mali sa'kin, ha?!” hindi ko napigilang paninigaw bago ako bumaling sa kaniyang ina upang humingi ng tulong na kaagad ko namang natanggap.“Listen to me, son. Your enemies and your grandfather is being suspicious of you. Kailangan natin ng kakampi.” His mother lectured him. Nanahimik tuloy siya at tila nag-iisip.Kumunot naman ang aking noo. Para kasing may naaamoy akong paparating na mabango at masarap tsismis.“But why her—him— damn it! Marami na akong problema, idagdag ko pa ang pronoun niya,” iritable niyang pahayag pagkatapos ay matalim niya akong inirapan kaya dismayado akong napanganga.“Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng discrimination? May ninong akong judge sa kapitolyo!” pag-aamok ko naman ngunit nang maalala kong nasa tabi ko nga pala ang kaniyang ina ay bigla akong huminahon at ngumiti na lang kahit labag sa loob ko.“Suspicions might decrease if I have a woman. Hindi ka naman babae,” paliwanag niya na lalo kong ikinataka.Mas ginaganahan tuloy akong makapasok bilang sekretarya niya dahil kung saan may tsimis, doon ako sasaya.“Babae ako!” malakas kong salaysay na sa aking tanang buhay ay hindi ko na-imagine na sasabihin ko.“At bilang sekretarya mo, handa akong paglingkuran, bantayan at protektahan ka,” pagmamayabang ko pa bago ko ipinakita sa kaniya ang pinatigas kong braso.“Bravo! We, humans need each other to survive,” proud na proud na salaysay ni Ma'am na ikinabigla ko nang malaman ko na kung sino siya at kung saan ko siya nakita.“Esmeralda Mercado?!” malakas kong sambit kaya nagkagulatan kaming dalawa.“Yes, I am,” malumanay niyang sagot kaya nalaglag ang aking panga.“Ms. Universe Philippines 1997?” manghang-mangha ko pa ring tanong at nang tumango siya ay nagtatalon ako sa tuwa at wala sa oras na nayakap ko pa siya.Putragis! Akalain mo nga naman. Si Esmeralda Mercado pala ang ina ni Yevhen?!“Idol na idol kayo ng nanay ko, Ma'am. Nakamatayan niya na nga 'yong pagme-memorize sa winning answer niyo noon,” masaya kong pakukwento na pinutol lang ni Yevhen.“Enough with your fangirling—fanboying or whatever. Do you really want to be my secretary?” May paghahamon sa kaniyang boses bago niya hinuli ang aking paningin.“Sir, yes, Sir!” Mabilis akong sumaludo sa pag-aasam na tatanggapin niya na ako.“Then change the way you dress. I like pretty and sexy girls, Miss Maria,” nakangisi niyang anunsyo kaya natuod ako sa aking pwesto.“Sandali lang. Oo, babae ako! Pero bakit kailangan ko pang baguhin ang sarili ko? Ayos naman 'tong style ko,” kontra ko bago ako tumingin sa kaniyang ina na tila ayaw akong kampihan.“Take my offer or be married with a man,” he muttered which left me with no choice.“Magkano ang suswelduhin ko?” pag-uusisa ko upang tantiyahin kung kaya kong gampanan ang pagiging sekretarya niya base sa halagang kaniyang ibibigay.Hindi niya naman ako sinagot at iritable lang siyang nagbuntonghininga bago niya kinausap si Ma'am Esmeralda.“Mommy, please guide her. Formal tops and skirts will do. She also needs to wear high-heeled shoes and a long black wig,” he declared while he was studying my body. Mariin tuloy akong napalunok at kinilabutan.P-putang ina. . . A-ano raw?!PIKIT-MATA kong tinanggap ang kondisyon ni Yevhen para lamang matakasan ko ang aking napipintong kapalaran, pero. . . Putragis! Kahit may trabaho na ako ay hindi pa rin matanggap ni Ama na hindi matutuloy ang kasal namin ni Mark.“Devin! Hindi pa ba tayo aalis?!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa aking relong pambisig. Alas-sais na nang umaga. Kung hindi traffic ay aabutin kami ng mahigit-kumulang tatlong oras bago makarating sa lungsod ng Liazarde, pero paano kung traffic?!Paniguradong late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabaho!“Parang mas mami-miss mo pa 'yang motor mo kaysa sa amin, Maria,” komento ni Ama na hindi ko namalayang nasa likuran ko.Himas-himas niya ang kaniyang panabong na tandang bago siya tumabi sa akin at sa motor kong ayaw ko sanang iwanan. “Anak, hindi pa huli ang lahat. Dito ka na lang,” pangungumbinsi ni Ama na ilang daang beses ko nang narinig magmula noong ianunsyo ko ang tungkol sa aking trabaho.“Saka kung magpapakababae ka lang din naman, bak
PUPUNGAS-PUNGAS ako sa harap ng monitor ng computer kasabay ng aking pagpapadyak sa sahig. Sumandal ako sa likod ng aking upuan at nag-inat pagkatapos ay tumingala ako sa ilaw na nasa ceiling upang magmuni-muni.Ilang gabi na akong walang matinong tulog at araw-araw na rin akong umuuwing lantang bulaklak sa rami ng pinagagawa at utos ni Yevhen.Putragis! Simula noong unang pasok ko rito noong nakaraang linggo ay parang inalipin niya na ako.Tulad na lang ngayon!Wala ng katao-tao sa buong building. Pati 'yong mga empleyado na nag-overtime ay kanina pa nakauwi.Lampas na nga rin 'yong eight hours na pagtatrabaho ko pero ayaw niya pa rin akong pauwiin dahil may kailangan pa raw kaming tapusin. Nag-iinit tuloy ang ulo ko at nauubusan na talaga ako ng pasensiya.“Hindi na 'to makatarungan,” umiiling kong monologo. “Kung isumbong ko na kaya siya sa DOLE?!” Mabilis akong tumayo at hinubad ang aking ID bago ko iyon hinampas nang malakas sa aking mesa. Sa aking ginawa ay para bang handa na
INIHATID ako ni Yevhen na parang walang nangyari dahil hindi niya alam ang nakita ko.I was also bombarded with so many questions. Hindi ko alam ang gagawin at hindi ko na rin alam kung paano aakto sa kaniyang harapan.Putragis! Nalimutan ko na tuloy ang plano kong mambabae, sa halip ay magdamag na nagpabalik-balik sa isip ko ang pigura nilang dalawa ng kaniyang lalaki habang magkayakapan.“Miss Masien, ang haggard mo ngayong umaga. May tinda akong facial mask, baka gusto mo. Murang-mura lang,” puna ni Eva, isang excecutive staff na kilalang nagbebenta ng kung ano-anong produkto dito sa kompanya kahit na bawal.Nginitian ko lang naman siya at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng pantry room para magtimpla ng gatas ko.My head is aching because of Yevhen. Binigyan niya kasi ako ng malinamnam na tsismis na hindi ko naman pwedeng ipagkalat.Naninikip tuloy ang dibdib ko!“Uy, Miss Masien, ha. Plano ka na yatang ibahay ni Sir Yevhen dito sa opisina,” salaysay ng isa sa dalawang
“STOP following me, Maria,” seryoso ngunit naiinis na niyang saway nang magpang-abot kaming dalawa sa labas ng opisina ng Chief Financial Officer.Buong umaga at hapon na kasi akong bumubuntot sa kaniya at alam niya na rin siguro na hindi ko talaga siya titigilan kaya sinabihan niya na ako kanina na umuwi ng maaga.Pero hindi iyon mangyayari. Buhay ko ang nakataya rito kaya hindi pwedeng basta ko na lang siyang hayaan.“Umuwi ka na,” pagtataboy niyang muli bago niya ako iniwan. Napairap naman ako saka ako muling sumunod sa kaniya.“Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumibigay,” walang sawa kong pangungulit pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay huminga lang siya nang malalim at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.Putragis! Pakipot talaga ang bakla!“Sir, sagutin mo na kasi ako!” pikon kong sigaw kaya siya napatigil. Nang harapin niya ako ay magkasalubong na ang kaniyang mga kilay.Nginitian ko naman siya at humingi agad ng paumanhin sa aking inakto. Ang problema nga lang ay huli na nang
“PUTRAGIS! Sino ba 'yong lalaki na iyon?” tanong ko sa aking sarili bago ko kinuha ang isang lapis na ipinangkamot ko lang naman sa aking ulo.Nakanguso ako sa tapat ng computer habang umiiling at malalim na nag-iisip. Lumipas man ang ilang araw mula noong tangkain niyang manghalik ay tumitindig pa rin ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan.Putang ina!Hindi na ako sigurado kung bakla nga siya o hindi. Basta isa lang ang natitiyak ko. May something talaga sa kanila ng Hero na iyon.Instead of doing work-related stuff, I searched for the name Hero on all of social media platforms. Tiningnan ko rin kung internet friends sila ni Yevhen, pero dahil sobrang private ng hinayupak ay wala tuloy akong nakita.“Maria.” Mabilis at awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang boses na iyon pagkatapos ay agad ko ring in-exit ang tabs ng lahat ng social media platform na binuksan ko sa computer.“S-Sir,” nauutal at nakangiti kong bati sa kaniya matapos kong bumaling ng tingin sa kaniya.Hindi ak
NAPUNO ako ng pag-aalala matapos kong lumabas ng conference room. Dahil doon ay hindi ko na naimis ang mga folder na ginamit namin kanina.Hindi siya galit. Mukhang hindi niya rin ako sinisisi. Pero kasi, binabagabag pa rin ako at nakokonsensiya dahil may parte ako roon sa pagkapahiya niya sa harap ng board members.“Matatanggal kaya siya sa posisyon?” Wala sa sariling nasabunutan ko ang aking wig. Mabuti na lang ay hindi iyon natanggal sa pagkakabit sa ulo ko.Putragis!Gusto ko sana siyang sundan para humingi ulit ng tawad o 'di kaya ay paganin na lang ang kaniyang loob pero hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta.Dumiretso ba siya sa office niya o sumunod sa lolo at pinsan niya?Nagpabalik-balik ako sa harap ng conference room. Punyeta. Pinag-o-overthink ako ni Yevhen!“Kung kausapin ko na lang kaya si Chairman?” suhestiyon ko sa aking sarili pero agad din naman akong napailing. “Baka masisante ako. Nakakapangilabot pa naman ang tingin ng matandang iyon,” pagpapatuloy ko bago
LINGGO nang umaga.Nagising ako at naalimpungatan sa pag-ri-ring ng aking cellphone. Wala na sana akong balak na sagutin ang tawag pero paulit-ulit iyon at hindi na ako makatulog.Putragis! Wala nga akong pasok ngayon pero ang aga-aga namang mambulabog ng mga kaibigan ko.Pero kagagawan ko rin naman. Every week kasi ay may conference call kami, alinsunod na rin sa kagustuhan ko dahil nag-aalala ako para kina Adeena at Zemira.Sa pangambang baka may nangyari nang masama sa kanila ay pipikit-pikit kong kinuha sa ilalim ng aking unan ang cellphone, saka ko sinagot ang kanilang tawag nang hindi binasa kung sino ang gumawa ng conference call.“Adi, ano? Gusto mo na akong ampunin diyan sa Micora?” salubong kong tanong sa kabilang linya na hindi naman sumagot kaya naisip kong baka wala pa sa tawag si Adeena.“Oh, Zemira, pare, may problema ba kay Hera o kay Onion?” nakapikit ko pa ring pag-uusisa bago ko minura nang malakas 'yong putang inang lalaking nang-iwan sa kaniya.Pero wala na naman
“TAKE this as an opportunity, Sir. Minsan lang ako tumulong,” pagbibida ko kahit na kaninang-kanina pa namumula ang kaniyang mukha sa galit.“I-I don’t need these toys!” he answered, blurting out as he forcefully gave back the box to me. Napaatras tuloy ako nang maramdaman ko ang impact.“Iuwi mo na iyan!” mariin niya pang utos habang nakaturo sa malaking kahon na ngayon ay yakap-yakap ko.Umiling naman ako upang umapela. Putragis!“Isang buwan kong sahod ang isinakripsiyo ko rito, tapos ayaw mong gamitin,” mahina kong sumbat kasunod ng paghinga ko nang malalim. Nakakadismaya. Ngayon lang ako nakita ng taong niregaluhan na, hindi pa natuwa.“Did I tell you to buy those things for me?” Sinamaan niya ako ng tingin bago umigting ang kaniyang panga. Isang matalim na irap naman ang nakuha niya mula sa akin.“Hindi mo sinabi, pero hindi ba pwedeng tanggapin mo na lang at mag-thank you ka sa'kin, Sir?” Pinagdiinan ko ang pagtawag ko sa kaniya, ngunit lalo lang tumindi ang galit niya sa aki