Share

Kabanata 2

PIKIT-MATA kong tinanggap ang  kondisyon ni Yevhen para lamang matakasan ko ang aking napipintong kapalaran, pero. . .

Putragis!

Kahit may trabaho na ako ay hindi pa rin matanggap ni Ama na hindi matutuloy ang kasal namin ni Mark.

“Devin! Hindi pa ba tayo aalis?!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa aking relong pambisig.

Alas-sais na nang umaga. Kung hindi traffic ay aabutin kami ng mahigit-kumulang tatlong oras bago makarating sa lungsod ng Liazarde, pero paano kung traffic?!

Paniguradong late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabaho!

“Parang mas mami-miss mo pa 'yang motor mo kaysa sa amin, Maria,” komento ni Ama na hindi ko namalayang nasa likuran ko.

Himas-himas niya ang kaniyang panabong na tandang bago siya tumabi sa akin at sa motor kong ayaw ko sanang iwanan.

“Anak, hindi pa huli ang lahat. Dito ka na lang,” pangungumbinsi ni Ama na ilang daang beses ko nang narinig magmula noong ianunsyo ko ang tungkol sa aking trabaho.

“Saka kung magpapakababae ka lang din naman, bakit hindi mo pa pakasalan si Mark?” Ama looked so happy and proud as he surveyed how I was clothed today. Sumikip tuloy ang aking dibdib sa sobrang inis.

“Devin, ano ba?! Late na late na ako!” sigaw ko muli sa aking kapatid para iwasan ang pilit na gustong mangyari ni Ama.

Hindi niya ako magagawang ipakasal kay Mark. Imposibleng mangyari iyon.

“A-asawa ko, ikaw ba iyan?” Mabilis akong napamura nang bigla kong mabosesan kung sino ang bagong dating na nagsalita.

“Putragis, Devin! Hindi ka ba talaga lalabas diyan?!” singhal ko na hindi man lamang tinapunan ng tingin ang aking kababata.

Kung minamalas ka nga naman, oo! Lunes na Lunes, naba-badtrip kaagad ako!

“A-ang ganda mo,” nauutal na puna ni Mark kaya napalingon na ako sa kaniya.

Tumawa naman nang mahina si Ama sa aking tabi at tinutukso pa kaming dalawa sa isa't isa. Sinamaan ko tuloy silang dalawa ng tingin.

Itim na mini-skirt at itim na long-sleeve tops nga ang isinuot ko dahil nagluluksa ako sa pagkawala ng totoo kong pagkatao, tapos ang ganda ko raw?!

Napabuga na lamang ako ng hangin.

“Gusto mo bang masapak, Mark?” pananakot ko sa kaniya ngunit nginitian lang ako ng puta.

Kung pwede ko lang tanggalin ang mahabang wig na suot ko ngayon ay ihahambalos ko iyon sa pagmumukha niya, pero hindi ko iyon gagawin. Ang haba-haba ng oras na ginugol ko para maikabit iyon sa ulo ko tapos sasayangin ko lang dahil sa kaniya.

“Masien, let's go.” Devin finally went out of our house while he was staring at Mark who quickly greeted him.

Hindi niya naman ito pinansin kaya awtomatiko akong napatingin kay Ama at napangiti.

Very good, Devin!

Lalo pang lumawak ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong bitbit ng aking nakatatandang kapatid ang bag at sapatos ko na ipinatong ko kanina sa sofa namin.

“Ama, aalis na ako,” paalam ko sa aking tatay bago ko binigyan ng dalawang middle finger si Mark. Iyon nga lang, sa halip na ma-turn off ay kinilig pa yata ang p*****a.

Matapos naming magpaalam ni Devin ay mabilis na kaming naglakad papunta sa kalsada kung saan nakaparada ang kaniyang kotse.

Wala kaming pansinan hanggang sa makapasok na kaming dalawa sa loob ng sasakyan.

“Nasa loob ng bag mo ang duplicate key ng condo unit ko. Huwag kang mag-alala, hindi mo ako palaging makikita,” walang amor niyang pahayag bago niya inabot sa akin ang aking mga gamit.

Tahimik ko lang naman na tinanggap ang mga iyon saka ako nag-seatbelt at sumandal sa passenger's seat.

Sa condo unit niya muna ako tutuloy habang nasa Liazarde ako. Sabi ni Levi, ang pangatlo sa aming magkakapatid, si Devin daw muna ang bahala sa akin.

“Alam mo ba talaga ang pinapasok mo? Hindi biro ang MARIA Corp.” Kumunot ang aking noo at napatingin sa kaniya.

“Pwede bang mag-drive ka na lang at ihatid ako roon? Huwag nang maraming satsat,” pagtapos ko agad sa gusto niyang sabihin.

Nakatitiyak akong parusa itong ibinigay sa akin ni Levi. Alam niya namang hindi ko kasundo ang isang ito, tapos dito niya pa ako pasasamahin.

“Tatawagan kita kapag hindi ako makakauwi,” dagdag niyang salaysay na hindi pinansin ang sinabi ko kanina.

Nang hindi siya nakakuha ng sagot sa akin ay binuhay niya na lang ang makina ng kaniyang kotse at nagsimulang magmaneho.

Doon ako nakaisip ng magandang plano. Tutal, ayaw naman namin sa isa't isa bilang magkapatid, bakit hindi na lang ako humiwalay sa kaniya?

“Walang makakaalam, Devin. Kay Klein mo na lang ako patuluyin,” suhestiyon ko bago ako bumaling ng tingin sa kaniya. Nagsalubong lang naman ang kaniyang mga kilay habang nakatingin siya sa daan.

“Your favorite bro is currently on a medical mission. Sumunod ka sa bundok kung si Klein ang gusto mong makasama,” masungit niyang banat kaya napangiwi ako at napabuntonghininga.

“You can work with me, Masien. Hindi mo kailangang manamit ng ganiyan kung hindi ka komportable.” Napapikit ako at humalukipkip. Isa pa siyang walang tiwala sa akin.

“May gusto akong patunayan,” mabilis kong pagtanggi dahil kapag nalaman ni Ama na kay Devin ako dumipende ng trabaho ay parang sinabi ko na rin na hindi ko kayang mabuhay nang mag-isa.

Upang hindi niya na muling buksan ang topic na iyon ay pinagmadali ko na lamang siya. Nag-aalala ako na baka kainin ko ang aking mga sinabi kung masisisante agad ako sa unang araw ko sa trabaho.

Ang kaso, pareho kaming walang nagawa nang maabutan kami ng traffic sa daan.

Putragis!

Aburidong-aburido tuloy ako lalo na nang tumawag si Ma'am Esmeralda upang sabihin sa akin na nasa opisina na si Yevhen.

“Bilisan mo, Devin! Diyan mo na lang ako ibaba.” Itinuro ko ang gilid ng kalsada nang makita ko ang building ng MARIA. Mabilis ko ring isinukbit ang bag ko at saka ko isinuot ang sapatos kong may mataas na takong.

“Ako na ang mag-aayos ng mga gamit mo sa bahay. Tawagan mo ako kapag pauwi ka na. Susunduin kita,” pahabol niya na hindi ko na naman inintindi dahil kumaripas na ako ng takbo papasok ng building.

Muntik pa nga akong matapilok kahit na isang linggo naman akong nag-practice maglakad ng naka-heels bago ako nagsabi kay Yevhen na handa na ako.

“Masien!” Malakas na tawag ni Ma'am Esmeralda ang bumungad sa akin sa lobby. Sinensyasan niya akong magmadali kaya kahit iika-ika ako sa paglalakad ay binilisan ko pa rin.

“Mamaya ka na mag-explain,” she said as she hurriedly pulled me towards the elevator.

“Your table is located outside his office. Mag-ri-ring ang intercom beep when he needs you,” pahayag niya nang makapasok kami sa loob ng elevator.

Marami pa siyang pinagsasabi ngunit nawala sandali akong nawala sa realidad nang may nakita akong isang napakagandang babae.

Putragis! Nararamdaman ko nang gaganahan akong magtrabaho rito.

“You’re a woman, Masien,” komento ni Ma'am Esmeralda nang mapansin niya ang aking ikinikilos. Napilitan tuloy akong tumango at sumang-ayon sa kaniya.

Nakalimutan ko.

Kasama nga pala sa trabaho ko bilang sekretarya ni Yevhen na maging babae.

“Let's go,” pagmamadali ni Ma'am  matapos bumukas ang pinto ng elevator sa pinakamataas na floor ng building.

Noong oras na makita siya ng mga excecutive staffs ay tumayo agad ang mga ito at sinalubong kaming dalawa ng masiglang pagbati.

“Good morning, everyone! This is Miss Masien De Dios, your CEO's new secretary. Please take care of her,” anunsiyo ni Ma'am kaya isa-isa nila akong binati. Ngumiti naman ako at sumaludo pa.

“You’ll know what to do. Go to Yevhen's office,” she muttered before she bid her good bye. Napanganga naman ako at hindi makapaniwala.

“Hindi niyo na ako sasamahan, Ma'am?” I panicked, thinking I lost my human shield.

Late ako. Siguradong magbubuga iyon ng apoy at sisisantehin ako kung wala ang kaniyang ina sa tabi ko.

“I'm scared of my son when he's galit, so kaya mo na iyan. Tell him not to fire you, ha.” Tinapik-tapik niya ang aking balikat saka niya ako iniwan at sumakay muli sa elevator nang walang pag-aalinlangan.

Gusto ko sanang umalma pero bigla na lang may lumapit na babaeng staff sa akin at nagsabi na ihahatid niya ako sa aking table. Napangiti tuloy ako nang makakita na naman ako ng isang anghel.

“Miss, may boyfriend ka na ba?” pasimple kong pag-uusisa habang naglalakad kami sa hallway.

Sasagutin niya na sana ang aking tanong, kaya lang ay bigla na lamang naming nakita si Yevhen na nakasandal sa hamba ng isang pintuan na parang mayroong hinihintay.

“You’re here. Follow me,” malamig niyang bati bago siya tumalikod at walang pasabing pumasok sa loob ng nakabukas na kwarto.

Nagpaalam agad sa akin ang babaeng staff na kasama ko, pero bago siya umalis ay itinuro niya muna ang aking mesa at opisina ng CEO kung saan pumasok si Yevhen.

Ang bait-bait niya nga dahil sinabihan niya akong huwag iiyak at huwag mag-re-resign agad.

Nang ako na lamang mag-isa ay hindi ko na naman alam ang gagawin. Paano kung tanggalin agad ako ng h*******k na iyon?!

Pumikit ako nang ilang sandali at saka huminga nang malalim. Nang kumalma ay hindi ko na binababa ang aking bag at nagdiretso na agad sa loob ng opisina ni Yevhen.

Naabutan ko siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair, sa harap ng magara niyang mesa.

“Miss Maria, here's the list of the company's executive ranks, departments and shareholders. Memorize them,” he muttered before he tapped the several thick folders on his table.

Napangiti naman ako sa tuwa nang hindi ko siya maaninagan ng galit. Lumapit din agad ako sa kaniyang mesa para kuhanin ang mga dokumento.

“After that, create my day and weekly schedules based from this documents. You'll be the one to set and adjust my meetings,” dagdag niya pagkatapos ay ibinigay niya rin sa akin ang tatlo pang folders.

“Iyan lang ba?” pagmamayabang ko kahit na wala akong kaalam-alam kung paano magsisimula.

“Also, check your computer. Read every email and report it to me,” he nonchalantly mentioned which made me gulp.

“And lastly, make me a brown coffee. No sugar, please,” pagpapatuloy niya pa kaya lumukot na ang aking mukha.

Putragis! Wala pa akong trenta minutos dito pero nalulula na agad ako sa dami ng mga gagawin.

“Sige, Sir,” pilit na pilit kong sagot bago ko kinuha ang lahat ng mga papeles na kakailanganin ko.

Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang lantaran niyang pag-e-examine sa aking kabuuan.

“Ano? Ayos ba 'tong suot ko?!” may pagmamalaki kong tanong bago ako nag-pogi sign sa kaniyang harapan.

“You’re cute. You better wear pink, next time,” he suddenly exclaimed before he smiled at me. Nalaglag tuloy ang aking panga at napailing.

“Pambakla ang pink, Sir,” sagot ko pero bigla siyang napaubo kaya kumunot ang aking noo.

Putragis!

May sakit ba siya? Hindi siya pwedeng mawala sa pwesto bilang CEO. Paano na ako at ang trabaho ko?!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Evy GE
magpink ka raw next time masien, bagay na bagay sau!!! HAHAHAHA...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status