Maria Sienna Rosales De Dios
“MARIA Sienna De Dios!” malakas na sambit ng isang babaeng company staff sa aking pangalan. Ako ang kaunahang tinawag nang magsimula ang interview kahit na hindi ako nakigulo sa pakikipag-unahan sa pila at pagkuha ng number kanina. Nagtataka tuloy ang mga kapwa kong aplikante ngunit wala naman akong pakialam. Inaasahan ko nang ako ang unang tatawagin dahil may backer ako sa branch ng MARIA Corp dito sa probinsiya ng Laquiero. “Maria Sienna De Dios!” ulit na tawag ng babae kaya ako napilitang tumaas na ng kamay at sumigaw na nandito ako. Tamad na tamad akong naglakad papunta sa kaniya. Parang ako lang yata ang nalulumbay samantalang ang iba ay kanina pa mataas ang enerhiya at nagpa-practice ng kanikanilang mga linya. Kung wala lang talagang masamang balak sa buhay ko ang aking ama at kung hindi lang naisip ng aking mga kaibigan na ito ang solusyon upang makatakas ako sa aking napipintong kapalaran ay hindi ako maghahanap ng trabaho. Putragis! Ang sarap kayang sumagap ng tsismis sa barangay hall! “Huwag po kayong masyadong kabahan, Ma'am,” payo sa akin ng babae, subalit nagpanting ang aking mga tainga nang tawagin niya akong Ma'am. Kinunutan ko tuloy siya nang noo at sinamaan ng tingin. “Sir,” agad kong pagtatama kaya napanganga ito at mabilis na humingi ng paumanhin. Mapagkakamalan pa ba akong babae sa lagay na 'to? Kitang-kita naman sa wolf-cut hair ko na tinernohan pa ng suot kong puting polo, itim na slacks at itim na sapatos na ibang kasarian ang inilalarawan ko. Well, physically pwede, pero sa puso, isip at kaluluwa ko ay hindi. Matindi ang aking paniniwala na lalaki ako na nakulong lamang sa katawan ng isang babae. “Next!” sigaw ng isang lalaki sa loob ng interview room kaya naputol ang aking pag-iisip. Papasok na sana ako sa loob nang bigla na lang hawakan ng babae ang aking kaliwang braso, dahilan ng lalong pagkunot ng noo ko sa kaniya. “Ma'am—Sir, hindi ko po kayo matutulungan gaya ng sinabi ni Zemira.” Bigla akong napangiti nang malaman kong siya ang aking backer. Subalit ilang sandali lamang ang aking pagdariwang dahil unti-unti nang rumehistro sa isip ko ang kaniyang tinuran. “Bakit hindi mo ako matutulungan?” mahina kong pag-aasik habang nagpa-panic. Hindi pwedeng mabulilyaso ang mga plano ko dahil katapusan na ng aking maliligayang araw kapag nangyari iyon. “Nasa loob po kasi ang isa sa mga big boss. Siya po ang pipili—” Pinutol ng isang singhal ng lalaking nasa loob ang linya ng aking kausap. “Our time is gold! Kung naduduwag sa interview, umuwi na lang kamo!” sikmat pa nito kaya kusang tumaas ang aking isang kilay. Tila pamilyar din ang boses ng lalaki, pero hindi ko alam kung saang lupalop ko iyon narinig. “Good luck po, Ma’am,” the woman cheerfully said, but I glared on her. Sinabing hindi nga Ma'am ang dapat na itawag sa akin. Inaya na ako ng babaeng staff na pumasok kaya tinanguan ko na lang siya at sumunod kahit na lihim akong ninenerbiyos. Putragis naman, e! Hindi ako nag-search ng sample questions and answers sa interview. Kumalma-kalma lang ako nang makita ko ang kabuuan ng opisina. Napansin ko kasing mas marami pa ang nakatambak na mga papel kaysa sa mga mwebles na nasa loob. Hindi rin gaanong malawak ang opisina ngunit sapat na naman ang isang mahabang mesa para sa tatlong interviewer. Hindi ko tuloy lubos na akalaing jewelry company itong pag-a-apply-an ko. Kung wala nga akong nakita na modelo at sample designs ng kwintas at singsing kanina sa lobby ay aakalain kong lending company ito. “What position are you applying for?” a familiar and manly voice asked that made me stop from surveying the room. Paupo na ako sa isang monoblock chair ngunit napatayo akong muli nang tuwid nang magtama ang mga paningin namin ng lalaking . . . minsan ko nang nakaaway! “Y-Yevhen?” paniniguro ko sabay turo sa kaniya. Ano’ng ginagawa ng h*******k na ito rito? Putragis! Wala namang nabanggit si Zemira na rito nagtatrabaho ang pinsan niya! “Tell us about yourself.” Hindi niya ako pinansin, para bang nagkukunwari siyang hindi kami magkakilala. Umawang tuloy ang aking mga labi at hindi makapaniwala. “Miss?” seryosong tawag niya sa aking pansin na nahimigan ko naman ng panunudyo. Sigurado akong nang-iinis siya pero hindi ako dapat na magpaapekto. Sa isip-isip ko rin ay baka makabuti na nandito siya dahil hindi na ako matutulungan ng aking backer. “I am Maria Sienna De Dios, Masien for short,” panimula ko bago ako tumikhim at lumingon sa kaniyang dalawang kasama. Nginitian ko rin ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay kanilang boss. “We already knew that. Tell us something that is not written on your resume, Miss,” nananadya na niyang sambit pero pilit pa rin akong ngumiti para ipakita sa boss nila na mayroon akong pleasing personality. “I want your real answer. Why are you applying for this job? Maraming businesses dito sa Laquiero, bakit dito mo naisip na mag-apply sa MARIA?” Tinadtad niya ako ng maraming tanong kahit na hindi pa man ako nakakapag-isip ng isasagot. Ano ba ito?! Interview under pressure?! Napatingin akong muli sa dalawa niyang kasama at sa babaeng staff na nakaupo sa hindi kalayuan. Lahat sila ay napapaiwas ng tingin sa akin kaya naman bumaling ako kay Yevhen at pinanlakihan ko na siya ng mata. Sisirain pa yata niya ang diskarte ko, sa halip na tulungan na lang ako. “Pinapunta ako ni Zemira dito.” Bumuntonghininga ako at nagsabi ng totoo. Baka kapag binanggit ko ang pangalan kaniyang pinsan ay bigla siyang bumait. “Why would she do that?” Mapanuring tingin ang ibinigay niya, tila naninimbang kung paniniwalaan niya ang aking mga sinasabi. “Kailangan ko ng trabaho. Ano pa po sa tingin niyo kung bakit?” Ramdam ko ang paglabas ng mga galit na ugat sa aking leeg pero sinubukan ko pa ring maging magalang dahil nakakahiya sa kaniyang boss na nandito. Baka hindi ako tanggapin. “Bakit kailangan mo ng trabaho?” namimikon niyang pag-uusisa kasunod ng pagtaas ng kaniyang kilay. Muntik na tuloy akong mapamura, mabuti na lang ay nakagat ko agad ang aking dila at napigilan ko ang aking sarili. “For financial purposes. May iba pa po ba?” I carefully rebutted as I tried to compose myself. “Ah,” mahaba niyang reaksyon kasunod ng pagbasa niya sa resume ko na ang mga kaibigan ko ang gumawa. Lihim naman akong nagalak dahil malakas ang kutob kong titigil na siya sa pagpapaulan ng mga tanong sa akin. “Miss Masien De Dios, I’m sorry. You’re not accepted,” he suddenly announced as he looked at me with a blank expression. Natigilan ako nang ilang sandali saka dahan-dahang gumuho ang aking mundo. Nasabi ko na sa aking ama na nagsisimula na ako rito sa MARIA kaya kapag umuwi akong hindi ako empleyado ay malalagot ako. “P-pakiulit ng sinabi mo?” mahinahon ngunit nagngingitngit ko ng tanong bago ako huminga nang malalim, ngunit nang hindi siya sumagot ay nawalan na ako ng kontrol sa sarili. “Sinabi nang ulitin mo ang sinabi mo!” hindi ko napigilang pagwawala pagkatapos ay inisa-isa kong hakbangin ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Nang makalapit naman ako sa harap niya ay mabilis kong hinampas ang mesa. Putragis! Hindi ako pwedeng umuwi nang walang maipagmamalaking trabaho! “Hindi ka tanggap, Maria,” mariin at walang pakialam niyang salaysay bago niya inutusan ang babaeng staff na tawagin na ang aking kasunod. Napailing naman ako saka ko itinaas ang mga manggas ng suot kong polo. “Bakit, sino ka ba para magdesisyon?! Nasaan ang pinakamataas niyong boss dito? Ikaw ba?!” Tuluyan na akong sumabog. Ito na ang kahuli-hulihan kong pag-asa para makawala sa sumpaan ng aking ama at ng kaniyang matalik na kaibigan. Bakit ipinagkakait niya pa?! College graduate naman ako. Kursong business management din naman ang kinuha ko kaya bakit hindi ako tanggap? “Ma'am—Sir, huminahon po kayo,” pigil ng babae na nasa likod ko na pala. Sinubukan nitong hawakan ang aking braso upang kumbinsihin akong lumabas, subalit hinawi ko lang ito at sinamaan ng tingin bago ako muling bumaling kay Yevhen. “Bakit ayaw mo akong tanggapin? Hindi ka pa rin ba maka-move-on sa pananapak ko sa'yo noon?” A series of questions came out of my mouth. Nagkatinginan tuloy ang lahat ng mga taong kasama namin. “Humingi na ako ng tawad. Nagpaliwanag na rin ako at sinabi ko na sa'yo noon din mismo na kaya ko lang ginawa iyon ay dahil gusto kong protektahan ang inaanak ko,” dagdag ko pa upang ipagtanggol ang aking sarili. Kasalanan ko bang napraning ako noong napagbintangan ko siyang kidnapper?! Kapapanganak pa lang kasi ng kaibigan ko ay kinukuha niya na aagd ang bata sa nurse. Akala ko tuloy ay kasabwat siya ni Dela Riva na nang-iwan kay Zemira. Prente siyang sumandal sa kaniyang upuan habang nakatitig sa akin. Magkasalubong din ang kaniyang mga kilay. “Get out,” he suddenly declared, proving that he really hates me. Bumagsak tuloy ang langit at lupa sa aking kinatatayuan kaya napapikit ako at napapadyak. “Tanggapin niyo na ako. Tulungan mo ako,” parang bata kong pamimilit bago ko sila inisa-isang tingnan. Lumapit din ako sa matandang lalaking boss nila para magmakaawa ngunit umiwas lang ito ng tingin sa akin. Nangilid tuloy ang aking mga luha bago ako muling bumaling kay Yevhen na inaabala na ang kaniyang sarili sa pagbabasa ng ibang mga resume. “Yevhen, ipakakasal ako ni Ama sa kababata kong lalaki,” pahina nang pahina kong sambit kasunod ng pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Natigilan naman siya at napatanga. Hindi yata makaniwala sa rebelasyong aking idineklara.SHE and our baby became my inspiration to work harder and to create jewelry designs better.Simula noong nakuha namin ang kontrata sa Miss Universe Organization, nagsunod-sunod na kaming kinuha ng iba pang beauty pageant organization.That was just a dream before, but damn, it came true.May bonus pa akong magandang asawa at mga magiging anak pa namin.“YEVHEN, uwi ka na, please. Nandito si Chairman sa bahay,” she said over the phone, making me rush to go home.She’s in her sixth month.Nagkaayos na naman sila bago kami ikinasal pero inamin niya sa akin na hindi pa rin siya sanay kaya hindi ko mapigilang mag-alala.Sumobra kasi ang bait ni Lolo lalo na simula noong nagbitiw na siya sa posisyon niya sa MARIA Corporation. Kahit nga kay Daddy na hindi niya matanggap-tanggap noon ay gustong-gusto niya nang kasama ngayon.I hurriedly went out of the office to get in to my car. Mabuti na lang ay hindi pa traffic hours kaya nakauwi agad ako sa bahay.“Lolo, what brings you here? Akala ko na
*Love Magnet* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I’M always ready since the day I fixed the company, so when I got the chance to ask her, I immediately proposed right away. We married each other again on our birthday. Hindi na sa papel lang, sa totoong simbahan na. “Yevhen!” My body tensed and I jolted in the kitchen right away when I heard her shout. Baka kasi kung ano na ang nangyayari. “Yes, love? What happened?” may pag-aalala kong tanong sinuri ang kaniyang kabuuan. Gumaan lang ang pakiramdam ko nang makita kong walang masamang nangyari sa kaniya. “Ang sabi ko sa’yo, bilhin mo lang 'yong mga kailangan natin sa bahay. Saan natin ilalagay ’tong mga labis na chicken, pork, and beef? Hindi na kasya sa ref,” sermon niya kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ayaw ko lang naman na lalabas pa siya ng bahay namin kapag wala nang stocks. Ayaw niya rin naman kasing maghanap kami ng kasambahay dahil kaya niya naman daw. “I’ll just order a new freezer,” panlalambing ko ka
*Banana Needs Help!* Yevhen Thyne Mercado Villamayor AFTER all those months that we were apart, she was still scared to take me back. Fuck. Has she forgotten me already? Oh, God. I would not allow that. Kung nakalimutan niya na ako, paiibigin ko ulit siya. ’Yong mas malalim para wala na talaga siyang kawala pa. “You can’t escape me, Maria. Hindi kita hihiwalayan kahit kailan.” I sighed out loud before I looked at the evening sky. Nandoon siya sa pool area kasama ng mga kaibigan niya, samantalang nandito naman ako sa dalampasigan, nag-iisa. Maliwanag pa rin ang paligid dahil maraming poste ng mga ilaw sa tabong-dagat, pero parang ang lungkot-lungkot pa rin. Maybe because my heart was breaking. Damn it. “Humanda ka sa akin, love. Hindi ka talaga makakalakad kapag nagkaayos na tayo,” salaysay ko sa hangin kasunod ng pagsipa ko sa mga inosenteng bato sa buhanginan. Kaunting tiis pa. Naayos ko na naman ang lahat sa kompanya kaya libre ko na siyang masusundan kahit na saan. “
*Lonely Kimchi and Sad Banana* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I thanked Ama a million times after his daughter and I got married. Hindi man kami kinasal sa simbahan, pero at least may papel na akong panlaban kay Maria. I already imagined a happy ever after with her, but our marriage was immediately tested when I discovered her past relationship with her brother. Naging sila pala noong iniwan ko siya. “Y-Yevhen, please magpapaliwanag ako.” She hugged me as she panicked while I was trying really hard to digest her brother’s revelation. I couldn’t feel anything as I couldn’t believe it. H-how could he fucking do that?! Kahit ampon lang siya, hindi niya dapat ginawa iyon kay Maria. Siya ang mas nakatatanda kaya siya dapat ang may alam ng tama at mali. “Sorry na. Gulong-gulo ako noong oras na iyon. Pinipilit akong magpakasal ni Mark tapos iniwan mo ako tapos. . .” Bigla akong natigilan at hindi makahinga ng maayos. Right. That was my fault. Kung hindi ko siya iniwa
*By hook or by crook* Yevhen Thyne Mercado Villamayor The following days were the fucking happiest days of my life. Damn it. I would always sleep and wake up with a smile. Wala nga yatang kayang magpasimangot sa akin simula noong naging kami. Yeah. Yeah. I know. Malala na ako, pero ano’ng magagawa ko? Binabaliw ako ni Maria araw-araw. “Sir, excuse po.” My heart automatically hammered when I heard her voice. Nang sulyapan ko siya habang nasa meeting kami with the board of directors ay hindi ko na napigilang mapangiti. Fuck. “Sir, ito po 'yong mga scheduled events ng kompanya. Nag-email na po ako sa mga secretary nila, pero mas maganda na sabihin niyo pa rin para hindi kayo mahirapan sa huli,” pormal na pormal niyang salaysay kaya napatikhim na lang ako para pigilan ang pagtawa. Damn it. Hindi ko alam na nakakabading pala ma-inlove kay Maria. I cleared my throat again. “May email ang secretary ko sa mga secretary niyo. Kindly check it, and the meeting is adjourned,” I anno
*Falling Slowly In Love with You* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “SIR, Sir, Sir.” Napapikit ako sa inis nang marinig ko ang boses na iyon na kapapasok lang sa loob ng office ko. She’s here. Wala na akong nagawa noong si mommy mismo ang nagsabi na si Maria ang magiging bago kong sekretarya. That time, I agreed because my plan is to just use her. Kung siya ang makakasama ko ay hindi na kami pagdududahan ulit ni Clementine ng board of directors. Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay umaayaw na ako at parang gusto ko na siyang sisantehin. “Sir, nakikinig ka po ba? Putragis! Dangal mo ang iniingatan natin dito kaya makinig kang mabuti,” maangas niyang pahayag bago siya pumadyak-padyak na tila nagdadabog. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa aking mesa. Hinilot ko na lang tuloy ang aking sentido. I really fucking hate this woman—lesbian, everyday. “Not now, please. Sumasakit ang ulo ko, Maria,” pagsisinungaling ko para matakasan ko lang ang tsimis na ibibida niya. “
*Enemies at first sight* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “I’m already here, Kuya Blade. Ano’ng room number ni Ate?” I asked over the phone while I was walking inside the hospital. Nang mabalitaan ni mommy kanina na kapapanganak lang ng pinsan ko ay pinagmadali niya na agad akong pumunta rito. Mas excited pa kasi siyang makita ang baby kaysa kay Ate Zemira. “Fourth floor, Yevhen. Room 407. Lumabas lang ako sandali, nandoon si Hera Leigh sa tabi ng ate mo,” sagot niya bago kami nagpaalam sa isa’t isa. At dahil alam ko na kung saan matatagpuan si Ate ay dumiretso na agad ako papunta sa elevator at hindi na nagtanong sa nurse’s station. I just need to take pictures of the baby then I’m done. Nautusan lang talaga ako ni mommy. “Room 407,” I murmured after the elevator opened on the fourth floor. Nang lumabas ako ay nagpatingin-tingin ako sa bawat nakasaradong pinto hanggang sa matunton ko ang aking hinahanap. “Ate,” I called her as I knocked on the door, twice. Pinihit ko na rin an
“H-HINDI pwede. Hindi pa kami nagkakaayos.” Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo habang dala-dala ang mabigat na damdamin. Nagdarasal akong hindi sana totoo ang sinabi ni Ryu, ngunit nang makarating ako sa dalampasigan ay unti-unti nang gumuho ang aking mundo. Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Yevhen na nakahiga sa buhangin habang pinagkakaguluhan siya ng kaniyang mga kasama. Na-estatwa ako. Ni hindi ko magawang humakbang at lumapit sa kaniya dahil samu't saring emosyon na bumalot sa aking pagkatao. “Ayun sila,” may pagmamadaling pahayag ni Ryu nang maabutan nila akong nakatitig lamang sa dati kong asawa na wala ng malay. “Masien, Masien, makinig ka sa akin.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ni Cyllene sa aking pisngi kasunod ng isa-isa nilang pagyakap sa akin habang umiiyak. Hindi ito totoo! Tang ina. Buhay pa siya. Magkausap lang kami kanina. “B-buhay pa siya, 'di ba? Hindi pa kami nagkakabalikan.” Ngumiti ako, ngunit hindi ko na napigil ang aking damdamin. “I’
HINDI ko tinanggap ang alok niyang trabaho, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakain ako ng konsensiya ko. Tang ina naman kasi, e. Bakit ba gusto niya pa akong makatrabaho ulit sa kabila ng lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya? M-mahal niya pa ba ako? “Imposible,” umiiling-iling kong bulong bago ko ginulo ang aking maiksing buhok. Hindi na ako mahal niyon. Tanga na lang ang taong may mararamdaman pa rin sa taong nananakit at nang-iwan sa kaniya. “Bes, kasama ka ba namin? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo,” pagpansin sa akin ni Elle na sinamahan niya pa ng pagkalbit kaya bigla akong matauhan. Sa buong araw naming magkakasama na magkakaibigan ay mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nakipagkwentuhan sa kanila. Ewan ko ba. Nawawalan talaga ako ng gana sa tuwing naiisip ko si Yevhen. Putragis. “Kaninang umaga niya pa kasi pinoproblema ’yong pagtanggi niya kay ex-husband. Madilim na at lahat ang paligid, hin