PUPUNGAS-PUNGAS ako sa harap ng monitor ng computer kasabay ng aking pagpapadyak sa sahig. Sumandal ako sa likod ng aking upuan at nag-inat pagkatapos ay tumingala ako sa ilaw na nasa ceiling upang magmuni-muni.
Ilang gabi na akong walang matinong tulog at araw-araw na rin akong umuuwing lantang bulaklak sa rami ng pinagagawa at utos ni Yevhen.Putragis!Simula noong unang pasok ko rito noong nakaraang linggo ay parang inalipin niya na ako.Tulad na lang ngayon!Wala ng katao-tao sa buong building. Pati 'yong mga empleyado na nag-overtime ay kanina pa nakauwi.Lampas na nga rin 'yong eight hours na pagtatrabaho ko pero ayaw niya pa rin akong pauwiin dahil may kailangan pa raw kaming tapusin. Nag-iinit tuloy ang ulo ko at nauubusan na talaga ako ng pasensiya.“Hindi na 'to makatarungan,” umiiling kong monologo. “Kung isumbong ko na kaya siya sa DOLE?!”Mabilis akong tumayo at hinubad ang aking ID bago ko iyon hinampas nang malakas sa aking mesa. Sa aking ginawa ay para bang handa na akong magwelga.“Sobra na 'to! Hindi pa rin ba siya maka-move on sa pagsapak ko sa kaniya noon? Bakit hindi na lang siya gumanti at sapakin na lang din ako?!” sigaw ko pa habang nakatingin sa nakasaradong pinto ng kaniyang opisina.Nang hindi na talaga ako makatiis ay walang sabi-sabi ko na siyang pinuntahan. Hindi ako kumatok, kundi basta ko na lamang binuksan ang pinto.Seryosong itsura niya naman ang bumungad sa akin habang nakatitig siya sa screen ng kaniyang laptop. Upang pakalmahin nang kaunti ang aking sistema ay huminga muna ako nang malalim.“Sir, alam kong dedicated ka sa trabaho mo, pero huwag ka namang mandamay ng ibang tao.” Pilit na pilit akong ngumiti kahit na nagngingitngit na ang aking buong pagkatao.Ngunit parang wala lang siyang narinig at hindi niya ako pinansin. His attention is still focused on what he was doing.Natampal ko ang aking noo at sa lihim kong inis ay pasalampak na lamang akong umupo sa couch na nasa loob ng kaniyang opisina.Kung hindi ko lang talaga naiisip ang pangdidikta ni Ama sa buhay ko ay nagpasa na agad ako ng resignation letter, ora mismo.“Wala na akong masasakyan, Sir,” salaysay ko pa ngunit sandali niya lang akong tiningnan pagkatapos ay nagbasa na siya ulit ng dokumento at nag-type sa laptop.“Bakit? Nasaan ang sumusundo sa'yo palagi?” pag-uusisa niya kaya napataas ang aking isang kilay.Alam niyang sinusundo ako palagi?“Ah. May trabaho si Devin ngayon. Hindi niya ako maaasikaso,” sagot ko bago ko naalala na limang araw nga palang hindi makakauwi ang nakatatanda kong kapatid dahil sa trabaho nito.Sa halip na malungkot ay nagbubunyi pa ako dahil sa wakas, makakapambabae na rin ako.Putragis! Kinikilig agad ako sa mga chikababes.“I’ll give you a ride,” he suddenly said which left me confused for a while. Nang makabawi ako ay dismayado na lang akong napasandal sa upuan bago ko hinubad ang pares ng aking sapatos.“Nagugutom na ako,” pasaring kong muli kasunod ng pag-akto kong sumasakit ang tiyan. Napailing naman ako sa frustration nang marinig ko ang kaniyang sagot.“There's a lot of food in the pantry room. Go and eat as much as you want.” Hindi ako makapaniwala. Wala ba siyang pakiramdam?Gusto ko nang umuwi! Iyon ang gusto ko, hindi pagkain.“Sir, inaantok na ako. Tingnan mo ang orasan, alas-diyes na ng gabi. Call-center ba 'tong pinasok ko?” hindi ko na napigil na reklamo bago itinuro ang limang wall clock sa loob ng kaniyang opisina na may iba-ibang time zone.Ngunit napipilan agad ako nang bigla na lamang siyang tumayo sa kaniyang upuan.“If you only did your job well. Ikaw dapat ang gumagawa ng schedule ko, hindi ako na boss mo!” galit niyang sambit. Nakagat ko tuloy ang aking pang-ibabang labi.Putragis! Oo nga pala.Sa sobrang dami ng ipinagawa at ipina-print niya sa akin kanina ay nawala sa isip kong ilang araw na rin pala siyang nahihirapan dahil sa mga maling schedule na nagawa ko.“Galit ka?” paninigurado ko bago ako marahang tumayo at isinuot muli ang aking sapatos. “Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,” pagbawi ko agad.Mahirap na. Baka bigla niya na lang maisip na sisantehin ako.“Come here,” bigla niyang utos saka niya ako sinenyasan na lumapit sa kaniya. Umiling naman ako at hindi pumayag.“Sorry na, Sir. Matutuhan ko rin iyan, saka at least loyal ako sa'yo,” paghingi ko ng tawad na nauwi lang sa pagyayabang.Sa isang linggong pagpasok ko rito sa kompanya ay nakikita ko na ang kaniyang problema. Maraming mga mata ang nakatingin sa kaniya, hindi lang mga empleyado kundi mga board member na lahat ay mga kamag-anak niya.Nakatitiyak akong sila ang mga taong sinasabi niyang kaaway niya na plano siyang pabagsakin.Pero hindi naman ako papayag na mangyari iyon. Handa akong protektahan si Yevhen laban sa kanilang lahat dahil siya lang ang kaisa-isang pag-asa ko sa buhay ngayon.Kung mawawala siya sa MARIA, hindi ko alam kung saan ako pupunta.“Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Bilisan mo na. I’ll teach you how to sort my meeting schedules, Maria,” pahayag niyang may pagmamadali at iritasyon kaya mabilis akong gumalaw at naglakad papalapit sa kaniya.“Sit down,” he commanded before he pulled his chair. Nang hindi ako gumalaw dahil sa pagkalito ay bigla niya na lang akong hinila at pilit na pinaupo sa kaniyang upuan.Rumubdob tuloy ang pagtibok ng aking puso lalo na nang maamoy ko ang kaniyang pabango.Putragis! Lalaking-lalaki ang dating.“Don't look at me. Focus on the monitor,” saway niya nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Inayos niya rin ang swivel chair na kinauupuan ko paharap sa laptop na nasa ibabaw ng kaniyang mesa.He then leaned closer to me as he held and clicked the mouse while he was saying a lot of instructions about his schedule.Lihim naman akong napalunok nang aksidenteng dumapo ang aking mga mata sa kaniyang kamay. Tipikal na lalaki, maugat.Pero, putragis! Bakit naaadik yata akong tingnan?!“Ganito lang ang gagawin mo,” pahayag niya pa bago niya lalong inilapit ang kaniyang sarili sa akin. Sa halip tuloy na tumingin sa laptop ay sa galaw ng mga daliri niya ako nakamasid.Hindi ako makapag-concentrate!P*****a. Mabuti na lang ay hindi niya napapansin.“Naiintindihan mo na?” he inquired before he suddenly looked at me. Nanlaki naman ang aking mga mata sa gulat nang ma-realize kong sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.Mabilis tuloy akong napatayo at lumayo sa kaniya.“M-madali lang pala, Sir,” pagsasawalang-bahala ko sa nangyari kahit na hindi ko maipaliwanag ang mabilis na pagkabog ng aking puso.Hindi naman siya nagsalita. Umupo lang ulit siya sa kaniyang upuan at sinave sa laptop ang dokumentong ginawa namin.“I’ll send this to you. I-print mo bukas.“ I heard the clicking sound of the mouse before he emailed me the file and then he shut down the gadget.Istrikto siya at metikuloso pagdating sa trabaho. Ayaw na ayaw niya ring na-le-late sa meeting kaya sandamakmak na sermon ang inabot ko nang mali ang ginawa kong pag-aayos ng kaniyang schedule.Problemadong-problemado siya kaya kinuha niya na lang ulit ang mga folder na ibinigay niya sa akin nitong nakaraan at siya na mismo ang maghapong gumawa ng kaniyang schedule matapos niyang i-cancel ang lahat ng mga dapat niyang gawin.“Hindi na ako magkakamali, promise!” masaya kong banggit ngunit blangko niya lamang akong tiningnan, para bang siya naniniwala sa akin.“Nasa table mo na bukas 'yan, pagdating mo,” dagdag ko pa bago ako muling ngumiti.Nang tumayo na siya at kinuha ang kaniyang suit sa suit rack ay napasuntok ako sa hangin.“Get your things. Uuwi na tayo,” he declared which made me shout in sudden happiness.Yes! May oras pa ako para makapambabae.Patakbo na sana ako palabas ng kaniyang opisina, pero napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto.“Yevhen,” tawag ng isang hindi ko kilalang lalaki kaya kumunot ang noo ko at mabilis na dumapo ang aking tingin kay Yevhen.“Hero, what are you doing here?” he asked the intruder. Tumawa lang naman ito nang mahina saka pageywang-geywang na naglakad papunta sa amin.“Who is she, huh?” tanong nito habang hinahagod ako ng tingin. Kumunot naman ang aking noo at naintriga rin ako dahil tila may halong pagtatampo ang boses na iyon.“She's Maria, my secretary.” Nangungunting tumingin sa akin si Yevhen bago niya ipinatong sa mesa ang kaniyang suit saka siya lumapit sa lalaki at inalalayan ito.“You're drunk,” Yevhen commented in a low tone. Minura lang naman siya ng lalaki saka itinulak.“Bagong babae na naman, T,” the man exclaimed before he threw me a death glare which was quickly stopped by Yevhen.“Maria, hintayin mo na lang ako sa kotse. Take my key. It's in my drawer,” utos niya na hindi ko alam kung bakit ko sinunod agad.Habang hinahanap ko ang susi ng kaniyang kotse ay hindi mawala-wala ang tanong na namumuo sa aking isip.Sino kaya itong Hero na ito? Kilala ba siya ng mga guard kaya madali siyang nakapasok sa loob ng building?Saka. . . Magkaano-ano silang dalawa?“Sir,” tawag ko kay Yevhen na pilit pinauupo sa couch ang lalaki. Lumingon naman siya sa akin at tumango ng ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong susi.“Ako na ang bahala rito. Lakad na,” sagot niyang tila tinataboy na ako. Wala tuloy akong choice kundi ang lumabas na ng office.Nang makabalik sa aking mesa ay tinurn-off ko na agad ang aking computer at inilagay ko na rin sa bag ang aking mga gamit kasama ang susi ni Yevhen bago ako nagdesisyong iwanan silang dalawa.Nasa isip ko na ang mga chikababes ko, ngunit bigla na lang gumana ang aking pagkatsismosa.Putragis!Hindi ko itinuloy ang pagpunta sa parking lot tulad ng inutos ni Yevhen, sa halip ay dali-dali akong naglakad papalapit sa opisina.Idinikit ko ang aking tainga sa pinto. Noong wala akong narinig ay maingat kong pinihit ang seradura ng pinto at binuksan ito nang kaunti. Pasikreto rin akong sumilip sa maliit na siwang.Subalit natulala ako nang magulat ako sa aking nakita.Putang ina.Magkayakap si Yevhen at 'yong lalaking tinawag niyang Hero kanina.“Babe, I love you,” lasing na salaysay ng lalaki kaya nanlaki ang aking mga mata at napatakip ng bibig.Nalintikan na.B-bakla si Yevhen?!INIHATID ako ni Yevhen na parang walang nangyari dahil hindi niya alam ang nakita ko.I was also bombarded with so many questions. Hindi ko alam ang gagawin at hindi ko na rin alam kung paano aakto sa kaniyang harapan.Putragis! Nalimutan ko na tuloy ang plano kong mambabae, sa halip ay magdamag na nagpabalik-balik sa isip ko ang pigura nilang dalawa ng kaniyang lalaki habang magkayakapan.“Miss Masien, ang haggard mo ngayong umaga. May tinda akong facial mask, baka gusto mo. Murang-mura lang,” puna ni Eva, isang excecutive staff na kilalang nagbebenta ng kung ano-anong produkto dito sa kompanya kahit na bawal.Nginitian ko lang naman siya at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng pantry room para magtimpla ng gatas ko.My head is aching because of Yevhen. Binigyan niya kasi ako ng malinamnam na tsismis na hindi ko naman pwedeng ipagkalat.Naninikip tuloy ang dibdib ko!“Uy, Miss Masien, ha. Plano ka na yatang ibahay ni Sir Yevhen dito sa opisina,” salaysay ng isa sa dalawang
“STOP following me, Maria,” seryoso ngunit naiinis na niyang saway nang magpang-abot kaming dalawa sa labas ng opisina ng Chief Financial Officer.Buong umaga at hapon na kasi akong bumubuntot sa kaniya at alam niya na rin siguro na hindi ko talaga siya titigilan kaya sinabihan niya na ako kanina na umuwi ng maaga.Pero hindi iyon mangyayari. Buhay ko ang nakataya rito kaya hindi pwedeng basta ko na lang siyang hayaan.“Umuwi ka na,” pagtataboy niyang muli bago niya ako iniwan. Napairap naman ako saka ako muling sumunod sa kaniya.“Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumibigay,” walang sawa kong pangungulit pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay huminga lang siya nang malalim at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.Putragis! Pakipot talaga ang bakla!“Sir, sagutin mo na kasi ako!” pikon kong sigaw kaya siya napatigil. Nang harapin niya ako ay magkasalubong na ang kaniyang mga kilay.Nginitian ko naman siya at humingi agad ng paumanhin sa aking inakto. Ang problema nga lang ay huli na nang
“PUTRAGIS! Sino ba 'yong lalaki na iyon?” tanong ko sa aking sarili bago ko kinuha ang isang lapis na ipinangkamot ko lang naman sa aking ulo.Nakanguso ako sa tapat ng computer habang umiiling at malalim na nag-iisip. Lumipas man ang ilang araw mula noong tangkain niyang manghalik ay tumitindig pa rin ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan.Putang ina!Hindi na ako sigurado kung bakla nga siya o hindi. Basta isa lang ang natitiyak ko. May something talaga sa kanila ng Hero na iyon.Instead of doing work-related stuff, I searched for the name Hero on all of social media platforms. Tiningnan ko rin kung internet friends sila ni Yevhen, pero dahil sobrang private ng hinayupak ay wala tuloy akong nakita.“Maria.” Mabilis at awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang boses na iyon pagkatapos ay agad ko ring in-exit ang tabs ng lahat ng social media platform na binuksan ko sa computer.“S-Sir,” nauutal at nakangiti kong bati sa kaniya matapos kong bumaling ng tingin sa kaniya.Hindi ak
NAPUNO ako ng pag-aalala matapos kong lumabas ng conference room. Dahil doon ay hindi ko na naimis ang mga folder na ginamit namin kanina.Hindi siya galit. Mukhang hindi niya rin ako sinisisi. Pero kasi, binabagabag pa rin ako at nakokonsensiya dahil may parte ako roon sa pagkapahiya niya sa harap ng board members.“Matatanggal kaya siya sa posisyon?” Wala sa sariling nasabunutan ko ang aking wig. Mabuti na lang ay hindi iyon natanggal sa pagkakabit sa ulo ko.Putragis!Gusto ko sana siyang sundan para humingi ulit ng tawad o 'di kaya ay paganin na lang ang kaniyang loob pero hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta.Dumiretso ba siya sa office niya o sumunod sa lolo at pinsan niya?Nagpabalik-balik ako sa harap ng conference room. Punyeta. Pinag-o-overthink ako ni Yevhen!“Kung kausapin ko na lang kaya si Chairman?” suhestiyon ko sa aking sarili pero agad din naman akong napailing. “Baka masisante ako. Nakakapangilabot pa naman ang tingin ng matandang iyon,” pagpapatuloy ko bago
LINGGO nang umaga.Nagising ako at naalimpungatan sa pag-ri-ring ng aking cellphone. Wala na sana akong balak na sagutin ang tawag pero paulit-ulit iyon at hindi na ako makatulog.Putragis! Wala nga akong pasok ngayon pero ang aga-aga namang mambulabog ng mga kaibigan ko.Pero kagagawan ko rin naman. Every week kasi ay may conference call kami, alinsunod na rin sa kagustuhan ko dahil nag-aalala ako para kina Adeena at Zemira.Sa pangambang baka may nangyari nang masama sa kanila ay pipikit-pikit kong kinuha sa ilalim ng aking unan ang cellphone, saka ko sinagot ang kanilang tawag nang hindi binasa kung sino ang gumawa ng conference call.“Adi, ano? Gusto mo na akong ampunin diyan sa Micora?” salubong kong tanong sa kabilang linya na hindi naman sumagot kaya naisip kong baka wala pa sa tawag si Adeena.“Oh, Zemira, pare, may problema ba kay Hera o kay Onion?” nakapikit ko pa ring pag-uusisa bago ko minura nang malakas 'yong putang inang lalaking nang-iwan sa kaniya.Pero wala na naman
“TAKE this as an opportunity, Sir. Minsan lang ako tumulong,” pagbibida ko kahit na kaninang-kanina pa namumula ang kaniyang mukha sa galit.“I-I don’t need these toys!” he answered, blurting out as he forcefully gave back the box to me. Napaatras tuloy ako nang maramdaman ko ang impact.“Iuwi mo na iyan!” mariin niya pang utos habang nakaturo sa malaking kahon na ngayon ay yakap-yakap ko.Umiling naman ako upang umapela. Putragis!“Isang buwan kong sahod ang isinakripsiyo ko rito, tapos ayaw mong gamitin,” mahina kong sumbat kasunod ng paghinga ko nang malalim. Nakakadismaya. Ngayon lang ako nakita ng taong niregaluhan na, hindi pa natuwa.“Did I tell you to buy those things for me?” Sinamaan niya ako ng tingin bago umigting ang kaniyang panga. Isang matalim na irap naman ang nakuha niya mula sa akin.“Hindi mo sinabi, pero hindi ba pwedeng tanggapin mo na lang at mag-thank you ka sa'kin, Sir?” Pinagdiinan ko ang pagtawag ko sa kaniya, ngunit lalo lang tumindi ang galit niya sa aki
PUTRAGIS! Hiyang-hiya akong tumakbo papalabas ng kaniyang bahay matapos kong ma-realize ang katangahang ginawa ko.Putang ina. Bakit ko isinubo?!Huminga ako nang malalim na malalim. Hindi na sana ako magpapakita sa kaniya ngayong araw na 'to dahil sigurado akong wala na naman akong babalikang trabaho.Iyon nga lang ay bigla siyang tumawag kagabi. Hindi niya ako sinesante, pero ramdam kong mas pinahirapan niya naman ako sa trabaho.“Did you really change my coffee?” he asked after he took a sip on the cup of coffee. Lihim namang napuno ng inis ang aking dibdib dahil parang ipauulit niya naman yata sa akin ang kaniyang kape.Putragis!Hinihingal na ako sa kapapabalik-balik sa pantry room at sa kaniyang opisina, pero wala pa rin yata siyang balak na pagpahingahin ako.“Sir, sinunod ko na 'yong gusto mo kanina. Nilagyan ko na ng asukal iyan,” imporma ko habang nagtitiis na ngumiti. Nang marinig ang aking tinuran ay mabilis niyang ibinaba ang baso sa kaniyang mesa. Lantaran na tuloy akong
KALIWA’T kanan ang reklamo ng mga empleyado dahil sa executive order ni Yevhen na 'No Office Romance.'Hindi dapat ito ang pinoproblema namin kundi 'yong issue niya kay Sir Xavier, pero sadyang iniiwasan niya lang ang diskusyon sa tuwing babanggitin ko iyon sa kaniya.“Maria, nasabihan mo na ba ang head ng Product and Design Department?” Napatigil ako sa pag-ta-type sa computer nang marinig ko ang aking boss. Lumabas pala siya sa kaniyang lungga at kasalukuyang papalapit pa sa aking mesa.“She’s late for our meeting. Sinabihan mo ba talaga?” tanong niyang nagtunog na nagdududa. Agad naman akong tumango at tumayo upang salubungin siya.“Oo naman, Sir. Pinuntahan ko talaga iyon. Narinig ko pa nga ang reklamo ng mga staff tungkol sa No Office Romance policy mo,” nakangiti kong sagot na punong-puno ng hinanakit.Binanggit ko rin sa kaniya na hindi lang mga empleyado sa Product and Design Department ang hindi sang-ayon sa kaniyang desisyon, kundi lahat ng mga tauhan niya sa kompanya.“Why