HINDI NA namin pinag-usapan ni Uno ang namagitan sa amin na dalawa. Hinayaan ko na lang din. Wala akong lakas ng loob para ako ang magsimula ng topic na iyon pero hindi na ulit nangyari iyon. Naisip ko na baka dahil lasing siya at nakainom ako kaya nangyari iyon. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa'kin. Mas naging sweet pa nga siya at mas naging maaalaga sa akin.
Habang gumagawa ako ng report ko ay tumabi sa desk ko ang katrabaho ko at kaibigan na rin na si Veron. Mugto ang mata nito at halatang galing sa pag-iyak."Ano'ng nangyari sa iyo? Umiyak ka ba?" tanong ko sa kaniya. Late rin ito pumasok ngayon. Halos kakarating lang niya."Si Steve kasi..." panimula niya at tila naiiyak na naman siya. Mabuti na lang at may meeting mga head namin kaya hindi kami makikitang nagkukuwentuhan lang ngayon.Tuloy pa rin naman ako sa ginagawa kong report habang nakikinig sa kaniya."Ano'ng nangyari sa inyo ni Steve?""Ang hirap nang ganito, Ellie. Iyong hindi ko alam kung ano ang papel ko sa buhay ni Steve. Kung ano ang relasyon naming dalawa. Nasasaktan ako dahil may bagong katrabaho si Steve na magandang babae at madalas silang magkasama ngayon dahil may project sila. Pero wala naman akong karapatan na pagbawalan siya dahil magkaibigan lang kami."Napahinto ako sa pagtatype sa computer at bumaling sa kaniya. Akala ko ay masaya sila ni Steve. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kaniya. May nangyari na kaya sa kanila tulad sa'min ni Uno?"B-akit hindi mo siya tanungin sa tunay na estado ng relasyon niyong dalawa?" tanong ko kahit nararamdaman ko ang nararamdaman niya dahil hindi ko rin magawa iyon kay Uno.Sino nga ba ang dapat magtanong o magopen ng gano'n topic? Dapat ba ay lalaki dahil sila naman itong nagpaparamdam nang may meaning. Bakit hindi na lang kasi nila sabihin na gusto nilang manligaw?"Hindi ko kaya, Ellie. Buti pa kayo ni Uno, mukhang okay na okay kayong dalawa. Sana ay gano'n din si Steve sa'kin." Napabuntong hininga ito pagkatapos at halatang problemado.Matagal na rin kaming magkatrabaho at magkaibigan ni Veron. Naikuwento na niya sa'kin noon pa na simula College pa lang sila ay magkaibigan na silang dalawa ni Steve.Para sa makakarinig sa problema niya, iisipin lang nila na madali lang naman ang ganitong sitwasyon- ang tanungin kung ano ang tunay na estado ng relasyon. Pero kapag nasa gano'ng sitwasyon ka na, hindi mo maiwasang mag-aalala at mabahag ang buntot sa takot na baka kung ano maging resulta kapag tinanong mo iyon. Paano kung biglang umiwas? Madaming takot at pangamba ang nasa puso't isipan ko rin tulad ni Veron kaya hindi ko rin magawa."Yeah. Ayos naman kaming dalawa ni Uno. Uhm... may tatanong ako sa'yo. Huwag ka sanang ma-offend.""Ano iyon?"Huminga muna ako nang malalim. "M-ay nangyari na ba sa inyo ni Steve?"Yumuko si Veron at saka tumango. "Oo. Ang tanga ko 'di ba? Matagal na kaming magkaibigan ni Steve at matagal na rin may nangyayari sa amin pero walang malinaw o wala kaming pormal na relasyon. Ramdam ko naman na mahalaga ako sa kaniya, Ellie. Kaya lang, parang nastuck na kami sa ganitong sitwasyon."Mas lalo akong natakot para sa amin ni Uno. Pero knowing Uno, alam kong hindi naman niya ako sasaktan. Inuuna niya ang kapakanan ko. Label lang naman ang kulang sa'min na dalawa ni Uno. Pero sa paraang nang pag-aalaga at pakikitungo namin ni Uno sa isa't isa ay higit pa sa magkaibigan ang turingan namin na dalawa. Tanging kami lang ang nakakaunawa sa kung ano ang mayro'n kami."Sa palagay ko, pagkatiwalaan mo si Steve. Mahalaga ka sa kaniya kaya hindi naman niya iyon basta-basta itatapon. Hindi na no'n sasaktan." Pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.Nginitian niya ako. "Salamat, Ellie. Pinagaan mo ang loob ko. Wala kasi akong mapagsabihan dahil alam ko na ang sasabihin ng ibang tao sa'kin, na ang tanga ko na pumapayag ako sa ginagawa namin ni Steve na walang label.""I understand. Ganyan din naman kami ni Uno. Mahirap talaga. Pero wala, e. Mahal natin. Hanggang sa kaya natin magtiis, magtitiis tayo.""Kaya nga. Martir nating dalawa." Sabay kaming napatawa sa narealize.***HABANG HINIHINTAY ko si Uno sa labas ng building namin ay nagba-browse lang ako sa social media ko. Parang tinusok ng karayom ang dibdib ko sa nakitang post na nakatag si Sandra pero hindi nakatag kay Uno.Magkasama silang kumain kanina ng lunch sa isang restaurant in Quezon City. Nabanggit nga iyon ni Uno kanina na may kameeting siya sa Quezon pero hindi niya sinabi na magkasama silang dalawa ni Sandra.Nakalagay sa caption nang nagpost.'Happy to see these two lovely couple.'Malapad ang ngiti nilang pareho. Binasa ko ang mga comment. Nagkita lang daw sila ni Uno kanina nang 'di sinasadya ayon sa comment ni Sandra. Hindi niya kinorek na hindi sila couple na dalawa ni Uno.Namasa ang mata ko at tila nilalamon na naman ako ng insecurities ko kay Sandra. Madaming may boto kay Sandra para kay Uno, panigurado. Halos tuwing pinapakilala ako ni Uno sa ibang mga kaibigan niya o kakilala ay nagugulat sila at gano'n palagi ang reaksyon nila na 'Ah, akala ko kayo ni Sandra.'Napabalik ako sa ulirat nang nagbusina si Uno. Nasa harapan ko na pala siya. Mabigat ang paa kong lumapit sa sasakyan niya at pumasok sa loob ng kotse niya.Hinalikan niya ako sa labi pagkapasok ko. Pagkatapos ng may nangyari sa'min ay hanggang halik lang ang ginagawa namin. Mabilis na halik lang iyon, bilang pagbati lang."What's wrong?" tanong niya habang sumusulyap sa'kin at nagdadrive."Saan ka galing kanina?"Kumunot ang noo niya. "Sa office? Sa kameeting ko sa Quezon. Why? 'Di ba nabanggit ko na iyon sa'yo kanina? Saan mo gustong kumain?""Sino ang kasama mo?" hindi ko naiwasang maging tunog bitter o parang girlfriend na naghihinala sa kaniyang boyfriend. Pero gano'n ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to."Client. Iyong Manager ng branch ng restaurant ko sa Tagaytay. At saka nagkita kami ng 'di sinasadya ni Sandra kanina. May kameeting din pala siya sa restaurant na kinainan namin. Tapos nagkita kami ng mga college friends din namin nang 'di rin sinasadya. That's all.""Bakit hindi mo nabanggit sa'kin kanina iyon?""Ellie, what is your point?" medyo naiirita niyang tanong. "I'm tired. Galing ako ng Tagaytay tapos nagdrive papuntang Quezon dahil naroon ang client namin. And then we went to Pampanga. Tell me exactly what's going on in your head."Nagpupuyos ang kalooban ko sa inis. Kung hindi ko pa nakita ang post na iyon hindi ko malalaman. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nagkasama kayo?""I told you, hindi naman iyon sinasadya. Hindi ko na rin nasabi dahil busy ako. Do I have to report all the names of the people that I talked to?"Napalabi ako dahil naiiyak ako sa inis. Hindi niya magets ang point ko. Kaibigan niya si Sandra kaya imposible naman na hindi niya maalalang banggitin sa'kin dahil nagkikita sila nina Logan ay sinasabi niya sa'kin."Okay. Hindi ko sinabi ang tungkol kay Sandra dahil alam kong naiinis ka kapag tungkol sa kaniya. I just don't like it when you get upset."Kaya okay lang sa kaniya na maglihim. Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw ko nang palakihin ang simpleng bagay na ito."Ellie..." Tawag niya sa'kin. Tinaas ko ang isang kamay ko tanda na ayaw ko nang makipag-usap sa kaniya. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa labas ng sasakyan.Bakit ba kasi hindi ko magawang makipagpalagayan nang loob kay Sandra? Pakiramdam ko kasi ay may gusto siya kay Uno at naghihintay lang siya ng pagkakataon."I'm sorry, okay? Nagseselos ka ba kay Sandra?"Hindi agad ako nakasagot. "Bakit? Kung nagseselos nga ako, iiwasan mo ba siya para sa'kin?""Ellie, kaibigan ko si Sandra simula mga bata pa lang kami. Magkaibigan ang mga parents namin. I can't stay away from her just like that. Pero wala ka naman kailangan ipagselos sa kaniya dahil bilang kapatid lang ang turing ko sa kaniya. But you...you're special to me."Napamaang ang labi ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya. Special? Hindi mahal. It's different. Pero puwede na kaysa ang turing na kapatid.Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "Selosa."Napanguso ako sa sinabi niya.HABANG nakakatitig si Ellie sa natutulog na asawa ay hindi niya maipaliwanag ang labis na kasiyahan na nararamdaman. She's beyond grateful for everything that God has given to her. Ang makasama si Uno habang buhay at mabiyayaan ng mga anak ang kaniyang labis na pinagpapasalamat. Nabuo ang pinapangarap niyang masayang pamilya na hindi niya naranasan noon. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Uno habang nakatitig siya rito. Ang ngiti niya sa labi ay hindi maalis-alis. Sa tuwing naaalala niya ang pinagdaanan nilang dalawa noon ay hindi niya akalain na si Uno pa rin ang makakasama niya habang buhay. Madaming masasakit na alaala pero higit na madami ang masasaya. Bahagyang gumalaw si Uno at niyakap siya nito kaya napangiti siya lalo. Si Uno ang higit na maalaga sa kanila. Lahat ay binibigay nito at sinisiguro na maayos ang lahat para sa kanila. Hindi rin ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito. Palagi pa rin silang nagdedate na dalawa at palagi pa rin siyang sinusurpres
"REYNE, dito ka. Huwag mong harangan ang panunuod ng kapatid mo," saad ni Ellie sa pangalawang anak. Nasa home theater silang lima habang hinihintay ang pagdating ni Uno. Apat na taon na si Reyne, ang sumunod ay si Ysabel na tatlong taong gulang at ang bunso ay si Jacob na isang taong gulang.Nakatayo kasi si Reyne sa gitna at ginagaya ang pinapanuod sa movie. Si Ysabel at Mikhay ay hindi na nakakapanuod nang maayos dahil sa kaniya."I want to sing and dance, mommy." Protesta ni Reyne sa sinabi ni Ellie. Kahit ilang beses na nga ba nilang pinanuod ang paborito nitong movie ay hindi pa rin nagsasawa si Reyne."Your siblings are watching, too.""They've watched it already." Hindi pa rin talaga ito natinag at doon pa rin pumuwesto sa gitna si Reyne. "And you've watched it several times already." Nakangusong sagot ni Mikhay. "Ikaw na lang lagi ang nasusunod sa pinapanuod na movie.""Because I love this movie." Tumigil sa paggaya ng sayaw si Reyne at nilingon ang kaniyang ate. "Girls, s
NAGISING AKO na may luha sa mata at sa boses ng anak ko. Inikot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Puting silid. May dextrose ang isang kamay ko. Nanghihina ang pakiramdam ko at nanunuyo ang lalamunan ko.Nasaan ako?"Mommy?" Nasa gilid siya ng higaan ko at katabi si Reese."Mark, tumawag ka ng Doctor," utos ni Reese sa asawa niya at sinunod naman agad ni Mark. "Kumusta ang pakiramdam mo, Ellie?" Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Reese. "Huwag ka munang bumangon. Magpahinga ka muna. Hintayin lang natin ang Doctor."Masakit ang ulo ko. Pinilit ko pa rin talagang bumangon at inabot si Mikhay. "H-i, baby." Pilit na ngumiti ako kay Mikhay."Mommy, okay na po kayo?" I nodded with my daughter's question.Bigla kong naalala si Uno at Judah. "Sina Uno? Kumusta na sila?" Kinakabahan kong tanong dahil ang huling tanda ko sa sinabi ng Doctor ay hindi maganda.Hindi na ako nasagot ni Reese dahil pumasok ang Nurse at Doctor. Chineck agad nila ako. May mga ilan na binilin sila sa akin p
"ELLIE..." Tawag sa akin ni Lolo Ronaldo. Nakaupo ako sa bench habang hinihintay ang paglabas ng Doctor at sabihin ang magandang balita na ligtas na sina Uno at Judah.Parehas na nasa loob ng operating room ang dalawa at parehas na nag-aagaw buhay.I loathed Judah, but I never wished for him to die. Hindi ko rin pala kaya na makita siya na walang ng buhay. Naging parte ng siya ng buhay ko, sa masaya at kasama ko noong mga panahon na akala ko ay tuluyan na akong iniwan ni Uno. Kanina ko pa nararamdaman na gusto akong kausapin ni Lolo Ronalo ngunit tingin ko ay humahanap lang ng tiyempo. Si Logan ay kausap ng mga pulis sa labas. Si Mikhay ay nakaconfine at natutulog na ngayon. Nilagnat si Mikhay dahil naulanan din kami. Dumating sina Logan kasama si Ronaldo para tulungan kami. Mabuti na lang at nakasunod agad sila kaya naitakbo agad ang dalawa sa hospital. Sina Tita Criselda at Tito Lorenzo ay papunta na. Naospital pala si Tita Criselda nang nabalitaan mula kay Sandra na nakasunod di
HUMINA NA ANG ulan habang binabaybay namin ang kagubatan. Nanginginig na ang katawan ko sa lamig. Hawak-hawak ako ni Uno sa isang kamay habang karga niya si Mikhay. Pagod na pagod na rin ang pakiramdam ko sa paglalakad. Lakad-takbo para makalayo nang tuluyan lugar na ito."Uno, tigil muna tayo sandali," hingal na hingal kong pakiusap sa kaniya. Para na akong babagsak. Para nang babagsak ang dalawa kong tuhod sa pagod. Kinakapos na rin ako ng hininga."Babe —"We heard gunshots. Umaalingawngaw ang putok ng baril. Napahinto kami at pinakiramdaman ang paligid. Malapit lang sa kinaroroonan namin. Niyakap agad ako ni Uno. Mukhang nasundan kami kung saan kami tutungo. Nakarinig na kami ng mga boses ng mga tao at mukhang marami sila. Hindi iyon mga tauhan ni Logan.Dinala niya kami sa malaking batuhan na natatakpan ng mga puno. "Daddy..." Yumakap nang mahigpit lalo si Mikhay kay Uno nang makarinig ulit kami ng putok ng baril. Sinasadya yata talaga nilang magpaputok para matakot kami. "I'm s
PINAGLUTO ko si Uno ng paborito niyang pagkain. Gusto kong bumawi sa kaniya. Kahit naging biktima rin ako ng kasamaan nina Judah ay gusto ko pa rin bumawi kay Uno. Nasaktan ako noon pero mabigat ang pinagdaanan ni Uno noon.Gusto ko rin siyang ipakilala nang pormal kay Mikhay. Ilang araw pa lang kami nandito at hindi pa rin sila talaga nagbobonding na mag-ama. Palagi kasing naririnig ni Uno na hinahanap ni Mikhay si Judah bilang daddy niya. She's too young to be involved with our issues with Judah. At natutuwa ako kay Uno dahil hindi niya binigla si Mikhay na kilalanin siya bilang daddy nito. "Magaling pala kayong magluto, Ma'am Ellie. Siguradong madaming makakain si sir Uno. Favorite niya itong lahat na pinaghanda niyo," puring-puri ni Aling Sonya sa mga niluto ko. Sila na ang naghanda pagkatapos kong magluto.I smiled. "Salamat. Siguradong namiss kasi iyan ni Uno kaya pinagluto ko siya." Tinulungan ko na rin sila maghanda. Aakyatin ko rin ang mag-ama ko pagkatapos ng ginagawa ko ri