Share

Chapter 65

Author: Cathy
last update publish date: 2025-07-10 08:44:28

Vanilla

Pakiramdam ni Vanilla, biglang nanlaki ang ulo niya sa kanyang mga nakita. Paano ba naman kasi, hindi lang cellphone ang laman ng nasabing paper bago kundi mga larawan niya. Iba't ibang larawan at iba't-ibang kuha.

"Paanong nagkaroon ako ng ganitong mga larawan?" wala sa sariling bigkas niya. Wala sa sariling napatitig siya sa banyo...kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

HIndi kayang tangapin ng puso at isipan niya na ang lalaking labis niyang minahal ay nagawa siyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jannuell Arceos Agudo
parang ayaw kona ituloy ang sakit kc
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Kawawa Naman SI Vanilla...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 65 (book 4)

    DEVI POV Ilang sandali pa ay biglang tumakbo papunta sa amin si Febe habang basang-basa ang katawan. "Ate! Ate Devi! Ano ba naman! Kayo lang ang hindi naliligo! Halika na!" masigla niyang wika. "Ano na naman iyan? Ang kulit mo talagang bata ka!" natatawang wika ni Mommy. Ngunit, imbes na pansinin ang sinabi ni Mommy, lumapit si Febe sa akin at hinila ang kamay ko. "Tara na, Ate! Promise, sobrang saya!" Napailing ako habang natatawa. "Hindi muna siguro." "Please?" "Pabayaan mo muna siya, Febe. Kapag gusto na niyang lumangoy, kusa rin iyang sasama." Sabat naman ni Mommy. Napasimangot si Febe ngunit ilang segundo lang ay muli rin itong ngumiti. "Sige! Pero mamaya wala ka nang takas!" wika nito. At pagkatapos noon, patakbo na siyang bumalik ng pool. Napailing na lamang ako habang pinapanood ang masigla niyang personalidad. Kung tutuusin…nakakagaan talaga ng pakiramdam ang presensya ni Febe. Ngunit kahit gaano pa kasaya ang paligid, hindi pa rin maalis sa isip

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 64 (book 4)

    DEVI POV "Excuse me po...maraming salamat po sa masarap na tanghalian." seryosong wika ko pagkatapos noon, mabilis na din akong tumayo at nagpaalam sa kanila HIndi ko na hinintay pa ang magiging sagot nila. Direcho na akong lumabas ng dining area at naglakad palabas ng Villa "Devi." narinig kong tawag ni Winston sa akin. Sinusundan niya ako pero hindi ko siya pinansin Wala na akong balak na makipag-usap sa kanya ng matagal. Mahirap na, baka kung ano pa ang isipin sa amin ng mga taong nakapaligid sa amin eh Ayaw ko silang mag-isip ng kahit na ano pa man. "Devi, sorry sa mga sinabi kanina nila Lolo at Lola. Promise, hindi na mauulit iyun." muling wika ni Winston. Napahinto ako sa paghakbang at seryoso siyang tinitigan. "It's okay.....wala lang sa akin iyun. Walang dapat na ikabahala." seryosong bigkas ko. Nakita ko na bahagya siyang napangiti "Thank you. Ang akala ko talaga, nagalit ka eh." sagot niya "Hindi..." sagot ko din naman na sinabayan ko ng sunod-sunod na p

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 63 (book 4)

    DEVI POV "Magandang hapon po." Mahinahon kong bati sa mag-asawang nakaupo sa mahabang mesa ng hapag-kainan. Pareho silang sabay na napatingin sa akin. Si Don Amador ay tahimik lamang na humihigop ng kape habang nakababa ang salamin sa dulo ng kanyang ilong. Samantalang si Donya Celestina naman ay may bahagyang ngiti sa labi, ngunit hindi ko mabasa kung ano talaga ang nasa likod niyon. Sa totoo lang, gusto ko na lang na huwag na munang pumasok dito sa dining area. Gusto ko na lang magdahilan na hindi pa naman ako nagugutom. Kung maaari nga lang ay lumabas na lang ako dito sa villa at magkunwaring mas interesado akong mamasyal na lang muna kaysa kumain. Hangat maaari, ayaw ko kasi muna silang makaharap. Ayaw ko din silang makipagkuwentuhan. Hindi dahil natatakot ako sa kanila kundi dahil hangang ngayun, hindi pa rin palagay ang loob ko sa kanila. "Magandang hapon din sa'yo, iha," nakangiting tugon ni Donya Celestina. "Halika. Maupo ka na rito at sabay na tayong kumain." Si

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 62 (book4)

    DEVI POV MABUTI na lang talaga at hindi na kami nagtagal pa sa loob ng palengke. Nang mas lalo pang dumami ang mga tao, wala nang nagawa si Winston kundi ang sundin ang payo ng mga security niya na bumalik na ng sasakyan. At mabuti na lang din at nakinig siya kung hindi, baka mas nauna na akong nagwalk-out Hindi dahil sa nag-iinarte ako kundi, hindi lang talaga ako sanay na maraming mga taong kumukuha ng larawan sa amin At bago kami umarangakada paalis, inuutos na lang ni Winston sa isa sa mga bodyguards niya kung ano pa ang mga dapat bilihin "Ayaw ko nang dumaan sa kahit saan, Winston ha!!. Antok na antok na talaga ako at uuwi na tayo.'" naiinis ko pa ngang wika sa kanya "Okay, uuwi na tayo." sagot din naman niya sa akin. Hindi na ako umimik pa dahil gusto kong ipakita sa kanya na naiinis talaga ako sa kanya dahil sa mga pinanggagawa niya Pero, mahirap pala kapag sobrang tahimik na din ng buong paligid. Dahil sa matinding antok, hIndi ko kasi namalayan na nakatulog pala a

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 61

    DEVI POV "ANO ITO? SAAN ITO?" kunot noong tanong ko kay Winston. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga siya pero parang ganoon na nga. Tuluyan nang lumiwanag ang buong paligid at kung hindi pa ako tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan, hindi ko malalaman na nandito pala kami sa isang palengke? Matao sa labas, may mga nakikita din akong mga vendors na abala sa pagtitinda ng kani-kanilang mga produkto sa bungad pa lang At ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang rason nitong si Winston at kung bakit nandito kami ngayun sa isang lugar na maraming tao "Ano na naman ito?" naguguluhan kong muling tanong sa kanya "Hey, relax...ako ang bahala." sagot din naman niya kaagad sa akin Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa inis. Imagine, buong gabing walang tulog tapos dadalhin niya ako sa palengke? Para saan? "Winston, hindi nakakatuwa." yamot kong wika "I know....pero, utos ito ng Mommy natin." nakangiting sagot niya "Ano? At paano na naman nadamay ang Nanay ko

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   Chapter 60 (book4)

    DEVI POV "Bakit ka nakasimangot?" puno ng panundyo sa boses nitong si Winston habang nandito na kami sa loob ng kotse niya Oo, nakakain naman kami kanina sa loob ng coffee shop, nainom ko din ang hot chocolate na inorder niya, nakain ko din ang ilang slice ng pizza na inorder niya din para sa kanya. Pero, masama pa rin ang loob ko lalo na at bigla na lang dumami ang mga nagpapicture kanina at hindi ko alam kung bakit sa lahat ng oras na pagkuha ng larawan, walang ibang ginawa itong si Winston kundi ang akbayan ako. "Saan mo pa gustong kumain?" muling tanong niya sa akin. Na para bang hindi niya gets na naiinis na ako. Ang dami niyang mga pasakalye at imbes na sundin niya ang nais ko na umuwi na kami, nandito pa rin kami sa parking area ng coffee shop "Winston, halos alas sinko na ang umaga. Palagay mo ba may mapapasyalan pa ng ganitong oras ng umaga?" seryosong tanong ko sa kanya Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya at kung bakit siya ganito.

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #113

    "Mahirap talagang pasunurin si Darren! Ini-expect ko na mahihirapan ka sa kanya pero sa nakita ko kanina, mukhang nakahanap na ng katapat ang anak ko, Venus.” Seryosong muling wika ni Madam laura sa kanya. Nandito sila sa garden ngayun dahil gusto daw siya nitong makausap bago siya bumalik kay Darr

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #112

    Hindi mapigilan ni Venus na mapakagat labi nang marealized niya ang ginawa niya sa bago niyang alaga. Hindi niya talaga nakontrol ang inis niya at talagang nasabunutan niya ito kaya ang ending, halos umusok ang ilong nito sa galit sa kanya.Sabagay, sino ba namang amo ang matutuwa kung sasabunutan

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   98

    JANNA “Darren, ano ang ginagawa mo?” galit niyang sigaw dito. Pilit nitong hinuhuli ang labi niya pero patuloy din siya pag-iwas dito. Nakadagan ito sa kanya habang pilit niya naman itong tinutulak. “Ako ang mahal mo, Janna! Nakalimutan mo na ba? Palagi natin itong ginagawa noon at alam kong mag

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #105

    VENUS “ANAK ang aga mo yatang gumising ah? May lakad ka ba?” nagtatakang tanong ng Nanay niya nang madatnan siya nito sa kusina na nagkakape habang sinasabayan niya ng pagkain ng pandesal. Sabado ngayun at balak niyang lumabas para maghanap ng trabaho. Hindi nga siya susuko diba? Lahat gagawin niy

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status