LOGINDEVI POV AT HINDI nga ako nagkamali. Dahil kinabukasan, pagpasok ko ng School, biglang nagbago ang lahat sa akin Ang dati kong mga kaibigan na malapit sa akin ay bigla nalang lumayo. Na para bang may nakakahawa akong sakit Kabilaan din ang mga gossip tungkol sa akin at sa Mommy ko. Na kesyo, pumatol daw si Mommy kay Vicente Imperial para makaraos sa kahirapan At bilang anak, masakit sa akin iyun. Kung hindi lang ako graduating ng Senior High School, baka ayaw ko nang pumasok ng School eh. Isang buwan na lang at graduation na namin at hanga't maaari, ayaw kong sayangin iyun. Kaunting tiis na lang at kapag college na ako, hihiling ako kay Mommy na kung pwede sa Manila na lang ako mag-aaral Iyun lang kasi ang alam kong paraan para makalayo ako sa lugar na ito eh. Hindi ko kaya ang kabi-kabilaang tsismis. At dumating pa sa punto minsan na nabu-bully ako "Devi...hi...sa wakas, natiyempuhan din kita!! isang araw, nagulat na lang ako nang bigla na lang akong in- approach ng
DEVI POV CONTINUATION OF FLASHBACK Ang akala ko talaga, masaya na dahil nakita kong nasapak si Winston ng ama niyang si Tito Vicente. Pero nagkamali ako Noong nalaman kasi ito ng mga Lolo at Lola ni Winston, bigla silang napasugod dito sa bahay. Nagkagulo at sinisisi kami ni Mommy kung bakit nangyari ito "Sinabi ko naman kasi sa iyo na wala talagang matinong mangyayari iyang pag-aasawa mo ulit. Tingnan mo kung ano ang nangyari? Nagawa mong saktan ang anak mo dahil lang sa isang maliit na bagay!' galit na wika ni Donya Celestina. Halos murahin kami ni Mommy at kung wala lang siguro si Tito Vicente na handa kaming ipagtangol, baka higit pa sa mura ang ginawa niya sa amin eh. "Mom, buhay ko ito. Tsaka, kailan ba naging mali ang disiplinahin ang sarili kong anak?" sagot din naman kaagad ni Tito Vicente. Kaya lang, muling nagkagulo dahil bigla na lang tumayo si Don Amador at walang sabi-sabing basta na lang nitong sinikmuraan si Tito Vicente. Gulat na gulat naman ako sa aking
DEVI POV Nauunawaan ko na ang ibig sabihin ng salitang iyon, pero ramdam ko ang sakit na dala nito. Parang sinasabi niya na yaman lang ng angkan nila ang habol ni Mommy kaya bigla itong nagpakasal sa Daddy nito. Hindi ko na mapigilan ang maluha pero kaagad kong pinunasan iyun.. Pakiramdam ko, bigla akong nagising sa isang mahabang panaginip. Na kahit gaano kaganda ang bahay, kahit gaano kalambot ang magiging higaan ko, hindi kami ni Mommy kailanman magiging bahagi ng pamilya nila. Dahil, hindi pala kami tangap sa pamiyang ito. Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Ngunit pinigilan ko itong pumatak. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong isipin niyang natatakot ako. "Kung goldigger kami, mapang husga ka naman!" sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ni Manang. Samantalang si Winston ay tila hindi makapaniwala na sinagot ko siya. "Ano'ng sinabi mo?" naniningkit ang mga mata niyang tanong. "Masama kang tao!" ulit ko habang nakataas ang baba. “Devi!!!’ galit niyang
DEVI POV "AYAW KO NANG PAG-USAPAN ANG TUNGKOL SA BAGAY NA IYUN. Matagal nang nangyari at nakalimutan ko na." malamig ang tono ng boses na wika ko kay Winston. Naramdaman ko ang mga kakaibang pagtitig niya sa akin ngayun. Pero, ako, deadma lang. Tumitig ako sa labas ng bintana kung saan, hindi ko na maalala itong daan na dinadaanan namin Labimpitong taon. Ganoon kabilis lumipas ang panahon pero ang sugat sa puso ay sariwa pa rin. "Devi, paano mo nagawang bigla na lang umalis?" muling wika ni Winston. Napabaling ang tingin ko sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon, doon ko nakita ang lungkot sa mga mata niya "Hmmp, para yatang nakalimutan mo na wala akong dugong Impreial at noon pa man, hindi na ako tangap ng mga Lolo at Lola mo." seryosong sagot ko sa kanya Gusto niya ng prankang pananalita, pwes pagbibigyan ko siya. Gusto niya nang katotohahan, sasabihin ko sa kanya. "Hindi ganoon iyun. Istrikta lang talaga ang mga abuelo at abuela ko pero hindi sila masamang tao." ser
DEVI POV Maaaring isa nang makapangyarihang tao si Winston ngayon. Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking ito. Dahil siya ang isa sa mga taong unang sumira sa tiwala ko. Isa siya sa mga dahilan kung bakit natuto akong umiwas sa mga lalaki. Kung bakit hanggang ngayon ay hirap pa rin akong magtiwala. "Sasama ka sa akin sa ayaw at gusto mo." muli niyang wika na para bang walang lugar para humindi ako. “No!” maiksi kong sagot. Bigla naman siyang napaseryoso. "Alam mo bang ilang araw nang naghihintay ang nanay mo? Araw-araw kang inaabangan lalo na nang sinabi niyang darating ka daw." seryosong sambit niya. Bahagya akong natawa. Ang gago, kailan pa siya naging malapit kay Mommy? Hindi kami magkadugo ni Winston. Siya ang anak ng unang asawa ng ama niya. At ako naman ay anak ni Mommy sa dati nitong karelasyon. Nang magkatuluyan sina Mommy at ang ama ni Winston, akala ko magkakaroon ako ng buong pamilya. Akala ko magkakaroon ako ng tahanan. Pero, nagkamali ako.
DEVI POV "Sino ka? Kilala ba kita?" mariin kong itinanong iyon habang diretso siyang tinitigan. Kahit na kinakabahan, pinilit kong manatiling kalmado. Pinilit kong magkunwaring estranghero lang siya. Pinilit kong manindigan. Dahil kapag inamin kong kilala ko siya, para ko na ring inaming hindi ko kailanman nakalimutan ang nakaraan. "Tsk, Devi, little sister, hanggang kailan ka makikipagmatigasan? Hanggang kailan ka tatakbo at magtatago sa pamilyang matagal nang naghahanap sa'yo?" muling wika ni Winston habang hindi mapigilan ang napapailing. Nanigas ako. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Little sister? Parang gusto kong matawa. Kapatid? Talaga lang ha? Kailan ba ako itinuting na kapatid ng kumag na ito? Noong mga panahong magkasama kami sa iisang bahay, ni minsan hindi ko naramdamang bahagi ako ng pamilya nila. Hindi ko naramdamang may kuya ako. Hindi ko naramdamang may lugar ako sa pamilyang Imperial. At ang lalaking nasa harapan ko ngayon...
VANILLA POV "Gusto niyo bang uminom? Para naman hindi lang kaming dalawa ni Zakari ang malasing ngayung araw. Dapat kayo din." nakangiting wika ni Darren pagbalik naming dalaw ni Lexi dito sa table nila. Naupo ako sa tabi ni Zakari samantalang si Lexi naman ay naupo sa tabi ni Darren. Hindi pa
LEXI POV Nagsusumigaw ang pagdikta ng konsensya ni Lexi na kailangan niyang tangihan si Darren pero tinatraydor naman siya ng kanyang sariling katawan. Hindi niya kayang umiwas sa tukso. Ang bawat paghaplos sa kanyang katawan ni Darren ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang init na tanging si Da
VANILLA "Dalawang taon na ang relasyon naming dalawa ni Darren at iyun din ang mga taon kung gaano na kita katagal na kilala. Lahat ng mga nangyari sa buhay mo lalo na pagdating sa pag-ibig ay alam ko. Hindi mo ba ako tatanungin sa mga bagay-bagay na nakalimutan mo na?" nakangiting muling tanong
"Zakari, teka lang makiayon ka naman. Ang bigat mo kaya. Teka lang, nasaan ba sila Manang para magpatulong ako sa kanila." hindi maiwasang angal ni Vanilla habang pilit niyang pinapahakbang si Zakari. Hindi pa man sila nakakapasok sa loob ng Villa feeling niya, hinihingal na siya sa sobrang bigat n







