Share

Chapter 3

Shannica's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Kash dito sa CBM Building (College of Business Administration) para ihatid ako sa room ko. You wonder why I call Xavien, 'Kash' aside from it is his second name, I am the only one who calls him using his second name, and I like it. 

At kanina pa din ako naaasiwa dahil sa mga naririnig ko simula pa lang sa parking lot.

Sabay kasi kaming pumunta ni Kash sa school, actually sinundo niya ako sa bahay kanina. 

Hindi naman kasi kami nagsasabay nito, ever since kahit na mag bestfriend na kami. 

Hindi kasi kami yung typical na mag bestfriend na yung close na close ang relasyon at hindi mapaghiwalay. 

Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ko na maiangat yung ulo ko sa mga bulong-bulungan na naririnig ko.

Bumulong pa sila, bakit kaya di na lang nila isigaw ng ma e-share nila ng todo sa iba pang estudyanteng nakatingin sa amin ngayon. 

Kakairita ha! 

"Bakit sabay silang pumasok? Di ba si Nyla naman yung palaging hinahatid ni Xavien sa klasi noon?" -girl 1 

"So totoo yung bali-balita na hiwalay na nga tong si Xavien at Nyla?" -girl 2 

"Ay girl saan ka ba galing at di mo pa alam na last 2 weeks pa nag-drop si Nyla sa university?" -girl 3 

"Di nga?" -girl 2 

"At take note, umalis siya patungong Australia." -girl 3 

"Hala! Third party kaya ang dahilan ng paghihiwalayan nila?" -girl 1 

"Di pa ba halata?" -girl 3, sabay tingin ng masama sa akin. 

Kung makaasta naman tong babaeng to akala mo kung sinong anghel! Nilapitan ko nga. 

"Problema mo?!" -sabay taas ng isang kilay ko at tingin sa kanya. 

"Wala! Ikaw, problema mo!? Akala mo naman kung sino!" -sagot niya sakin. 

Nakakakulo ng dugo tong babaitang to ha. Hindi naman kagandahan. Pasensya naman po! 

Saka lang siguro napansin ni Kash na hindi na ako nakasabay sa kanya kasi nakikita ko siyang nakatanaw na din sa amin ngayon. Nagtatanong yung mga mata niya. 

"Problema ko?!IKAW!" -barahan ba gusto niya. Pwes di ko sya uurungan. 

"Miss bakit ka ba nakikialam sa buhay ng may buhay?" -dagdag ko pa. 

"Kung maka-chismis ka naman sa buhay ni Xavien at Nyla, akala mo kung sinong ka close mo sila. At higit sa lahat, hindi mo ako kilala para pagbintangan mo nang kung ano-ano!" -litanya ko pa. 

"Eh, lumabas din! Bakit napaka-defensive mo naman ata. Baka nga totoo yung chini-chismisan namin ngayon na ikaw yung dahilan ng hiwalayan nila. Well, di na ako magtataka!" -at tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa. 

Nag-iinit na yung ulo ko sa kanya ha. Lalapitan ko na sana siya nang may naramdaman akong yumakap galing sa likuran ko at binulungan ako. 

"Shan stop. She's not worth it! Let's go." -Kash said. Habang hinihila na ako para mapalayo sa umbukan ng mga etschuserang mga estudyante. 

"Ito na nga bang sinasabi ko Kash eh! Ayoko ng ganito! Nagugulo na yung buhay ko dito sa university." -ako 

"Just don't mind them." -maikli niyang pahayag. 

Pati ako nayayamot na din dito kay Kash ha. Pasalamat siya. Naku! 

"Kash, maybe next time just don't walk me here in my class. We don't need to do this." saad ko. 

"No, it's fine with me. Sige na pumasok ka na." - Kash

Is he doing this so he could move on with Nyla quickly? 

"Kash you know I hate--" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko at nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. 

Oh god. Shoot. Why did he do that!?? 

Sinong di magugulat sa ginawa niya. 

Ang dami kayang nakakita at hindi lang yun pati sila na shock din sa nasaksihan. 

"That will answer all their questions and not to mess up with you anymore. See you later." -at nagsimula nang maglakad si Kash paalis sa building namin. 

Ako na man andito pa din nakatayo sa labad ng classroom namin. 

Totally shock sa nangyari. 

Pano ba naman, HE KISSED ME ON MY LIPS! 

And people, a lot of people saw it! Oh gosh, kainin nalang sana ako ng lupa. He's really acting weird. 

But... H-HE'S MY FIRST KISS.

Is he just trying to use me? 

Kahit smack lang yun, i-coconsider ko pa din na first kiss ko yun. 

WHAT A DAY! 

Umaga pa lang pero and dami ng pasabog!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status