MARIAM POV
Sa wakas ay nakarating din ng ligtas si Mariam sa Marilag Beach Resort ng hapon na iyon. Mahaba ang biyahe but it’s worth it. Napakaganda ng lugar lalong-lalo na ang dagat. Parang gusto na tuloy agad niyang mag-swimming. Nag-check-in siya gamit ang coupon at nagtungo sa kanyang kuwarto.
Inaayos niya ang kanyang mga gamit ng tumawag si Violet. Paniguradong magbibigay ito ng update tungkol sa naunsyami niyang kasal. Maghapon kasing naka-off ang phone niya at sandamakmak na mga mensahe at misscalls ang sumalubong sa kanya. Sinagot niya agad ang tawag.
“Hello Vi,” kinakabahang tanong niya.
“They knew. Ako agad ang una nilang tinawagan as we expected,” pagbabalita ng kaibigan.
“I’m sorry for dragging you into this mess. Anong sinabi mo sa kanila?” pag-aalalang tanong ni Mariam.
“I told them I don’t know. Ilalaglag ba naman kita. All I know is everything is in chaos now,” ani ni Violet. Napabuntong-hininga ng malalim naman si Mariam. She know this would happen pero kailangan niya itong panindigan.
“Thank you, Vi. Sana mapatawad nila ako balang-araw,” malungkot na tugon ni Mariam.
“I know it’s hard for you too. But you must be prepared. Hindi sila titigil hangga’t hindi ka nila nahahanap lalong-lalo na si Michael. You know how much he likes you,” concern na babala ng kaibigan.
“Yes, I know. I’ll come up with a plan while I’m here. Ikaw na muna bahala diyan, Vi. Maraming salamat uli, I owe you one,” pasasalamat ni Mariam. Sobrang laki ng naitulong ng kaibigan.
“You’re welcome, girl. Just take your time to relax and release all the tension. I’ll call you again for the update, at ikaw din tawagan mo ko if you need help, okay?” bakas sa boses ng kaibigan ang concern na labis na naa-appreciate ni Mariam. She’s so lucky to have a friend like Violet. “Mag-iingat ka diyan. Love you, ” pahabol nito.
“I will. Ikaw din, ingat ka. I love you. See you soon.” Pagkatapos ng tawag ay dumungaw si Mariam sa bintana niya kung saan tanaw ang dagat.
“I won’t waste Violet’s help. Tama siya… I will use this short vacation to relax and pacify my mind. Then, I will think of what I will do in my life.” Agad-agad nagpalit ng damit si Mariam ng pang-ligo. Napili niya ang thin white swimming dress na tingin niya ay tamang-tama sa beach. She looks so pure and sexy sa damit.
She heard na maganda panoorin ang sunset sa beach and wants to watch it while dipping in the sea. Nakahanap siya ng tagong spot sa beach, gusto niya kasi ay tahimik na ambiance. She slowly dip into the sea at naglakad palayo hanggang waist level na niya ang tubig.
Hanggang sa may natanaw siya na alon na paparating. She smiles… It’s been a while since she played with the waves. She’s a good surfer, and this type of wave won’t faze her. She had dealt with larger waves before. Nagulat na lamang siya ng may marinig siyang nasigaw sa likod niya.
“Miss!” Boses ito ng lalake na mukhang papalapit sa kanya. Ngunit bago pa siya tuluyang makalingon ay naakap na siya nito mula sa likod at nakadakma ng mahigpit ang mga kamay sa kanyang dibdib. Sabay hampas ng alon sa kanila. As expected, hindi iyon ganoon kalakas kaya hindi sila natangay ng sobra.
Nanatiling nasa dibdib pa rin niya ang mga kamay ng lalaki na labis niyang ikanahiya at ikinagalit. Pilit siyang kumawala at hinarap ito. Sinampal niya ito ng ubod ng lakas na may kasamang panglilisik ng mga mata sa galit. Tinakpan niya agad ang kanyang dibdib ng kanyang mga braso.
“Manyak!” ani niya. Halatang-halata ang panggigil sa boses niya. Nagulat naman ang lalake habang sapo-sapo ang kanyang pisngi.
“Manyak!? Iniligtas na nga kita nakuha mo pa kong sampalin! Is that how you thanked a person who just saved you from danger?” pangangatwiran ng lalaki.
Nakita ni Mariam na marami ng tao sa paligid dahil sa nangyari na insidente. Lalo siyang nahiya dahil sa nangyari.
“You just touched my breasts. Hindi ba manyak ang tawag doon?” Gustong sumigaw ni Mariam ngunit pinili niyang hinaan ang boses upang di na marinig ng mga tao sa likod.
“I didn’t know. All I know is I need to save you. Hindi solusyon ang pagpapakamatay sa problema, miss,” seryoso na sagot nito. Hindi naman makapaniwala sa narinig si Mariam.
“Hindi ako nagpapakamatay ‘no! I’m just enjoying the sea and the sunset!” Hindi na napigilan pa ni Mariam ang sarili na lakasan ang boses. She’s not suicidal for Christ’s sake!
“Aba malay ko. That’s what it looks like,” tugon ng lalake.
“Ayun din ang akala ko,” ani ng babae na isa sa nakikiusyoso. Lalo naman nahiya si Mariam. Baka nga iyon ang dating sa kanila.
“M-malay ko din ba? I was shocked by what you did,” palusot niya.
“Now, apologize for slapping my face and calling me a perv,” seryoso ang boses ng lalake at matiim ang tingin sa kaniya. Doon niya napansin na pamilyar ang lalake. Lalong nagpagwapo at nagpakisig sa kanya ang kanyang expressive eyes. Nakakatunaw ito tumingin kaya naman umiwas siya ng tingin dito.
“Self-defense lang ang ginawa ko. I think we should call it quits,” ma-pride na sagot ni Mariam. Ang totoo ay may punto ang lalake subalit naunahan siya ng pride niya. Halata namang nadismaya ang lalake.
“Ayaw mo? Then you should talk to my lawyer,” maawtoridad na sagot nito.
“At bakit ko naman gagawin iyon? Sino ka ba sa akala mo?” pagtataray ni Mariam. Medyo nayabangan siya sa turan nito. May lawyer pang nalalaman. Napangisi naman ng sarkastiko ang lalake.
“Stanley Montecillo.”
Napabalik ang tingin niya dito. Doon niya narealize kung sino ang lalaking kaharap at bakit pamilyar ito.
“No way! Is he the Stanley Montecillo of the Montecillo Group of Companies!?” natanong ni Mariam sa sarili. Nanlumo siya sa kanyang kinatatayuan. “Oh, no! I’m in big trouble.”STANLEY POVIt was a sudden decision. Bigla lang naisip ni Stanley, but he thinks it’s a great idea kung sumama nalang siya kay Mariam.Halata namang nagulat si Mariam at namula. “You’re kidding, right?” paninigurado ni Mariam.“Seryoso ako,” sagot naman ni Stanley.“Bakit ka sasama sa akin?” tanong ni Mariam.“Wala, gusto ko lang… I think mas okay kung mag-abroad na lang. Tutal hindi ko rin nakikita ang future ko dito sa Pinas,” chill na sagot ni Stanley.“Okay, you don’t see your future here. Pero bakit kailangan mo pa sumama sa akin? Pwede naman sa ibang lugar nalang,” nagtatakang tanong ni Mariam.“Because I want to be near you.” Ito ang gustong isagot ni Stanley subalit hindi niya masabi dahil alam niyang maiilang nanaman lalo si Mariam.“Bakit ba? Eh, gusto ko rin sa Melbourne magpunta e,” pangungulit ni Stanley.“No. Find some other place,” sagot ni Mariam.“Bakit naman? I’ll go wherever I want to go,” pagmamatigas ni Stanley.“But not near me,” firm na sagot ni Mariam.“Why?”
MARIAM POVMariam is stunned. Iba talaga ang karisma ni Stanley. Habang tumatagal ay lumalakas ang epekto nito sa kanya. The annoying part is nahihirapan na siyang i-resist ito.Stanley throws her a mesmerizing gaze, ‘yung tipong nakakapanghina ng tuhod. Luckily, hawak nito ang bewang niya kung hindi ay kanina pa siya nahulog.“I can’t give in to his charm. Not this way…” Tinulak ni Mariam ng palayo si Stanley upang makawala sa pagkakahawak nito. Lagi na lang siyang pinagtritripan nito.“Ano nanaman sinasabi mo? It was just an act. Ngayon, mas marami nang naniniwala about our fake relationship,” wika ni Mariam. “Balik muna ako sa kwarto.” She is about to leave when Stanley grabs her hand. Nilingon niya ito ng may halong pagtataka.“Maya na tayo bumalik sa kwarto, hon,” sagot ni Stanley may halong paglalambing. Nagulat siya sa akto nito, lalo na nang niyakap siya nito ng mahigpit.“What are you doing?” bulong ni Mariam na bahagyang tinutulak si Stanley. Nang marinig niya ang boses ni
MARIAM POVNabigla rin si Mariam sa kanyang sarili. Para bang awtomatikong gumalaw ang katawan niya. Pero bakit!? Dahil ba nagseselos siya? “No!” Agad siyang huminto sa paglalakad. Nagtaka naman si Mika na kasalukuyang sumusunod sa kanya na siyang napahinto rin. “Bakit ka huminto? Tara puntahan natin ang mga babaeng ‘yan!” Sulsol ni Mika. Mukhang inis-inis din ito sa mga babae.“Baka naman may tinatanong lang,” mahinahon niyang tugon. Hanggang sa napansin niyang nagtatawanan na ang mga ito at pabirong pinalo ng isang babae si Stanley. “At gustong-gusto naman niya!” inis na nasambit ni Mariam sa isip.Naalala niya na ito rin ang mga babae noon sa buffet restaurant.“Ayan ba ang may tinatanong!? They are obviously flirting with your husband!” puna ni Mika. Parang biglang kumulo ang dugo ni Mariam nang makita ang ginawa ng babae gayon din ang reaksiyon ni Stanley. Nanggigigil siya sa mga ito! Mika is right. They are intentionally flirting with Stanley.“How should I handle this?” Pin
STANLEY POV Inabangang maigi ni Stanley kung ano ang isasagot ni Mariam sa kanya. He decided to make a move, and flirting with her is the start.Tinitigan ni Stanley ng matiim si Mariam, ngunit nanatiling tahimik lang ito.“Hey, I’m asking you?” tanong ni Stanley.“I think I don’t need to answer that. It’s my private thing,” sagot ni Mariam.“Yes, but my name was being mentioned,” pilit ni Stanley.“Bakit? Ikaw lang ba ang Stanley na kilala ko?” Nakataas ang kilay na sagot ni Mariam. Hindi naman agad nakasagot si Stanley.Medyo dismayado siya na hindi niya nakuha ang sagot na gusto niya. Bakit nga ba siya umasa na makakaisa siya kay Mariam e saksakan ng pagkama-pride at konserbatibo nito?Napabuntong-hininga na lamang siya. Maya-maya ay tumunog ang phone niya at nakitang natawag si James. Sinagot niya ito agad.“Hello, pre,” ani niya. “Pre… Baka naabala kita, gising na ba kayo ng misis mo?” tanong ni James. Tumingin si Stanley kay Mariam, ngunit nanatiling poker-faced ito. “Gising
MARIAM POV Lumapit pa si Stanley kay Mariam kasama ang kanyang upuan at kinulit muli ito.“Bakit hindi ka na sumagot diyan?” tanong nito na nakangisi pa. Hindi naman alam ni Mariam ang isasagot niya. “Totoo ba? Narinig niya akong nagmo-moan? At paano niyang nalaman na kasama siya sa panaginip ko?” Hindi makapaniwala si Mariam na narinig siya ni Stanley. It’s supposed to be a secret!“Mag-isip ka, Mariam! Huwag mo siyang hayaang isipin na nagkaroon ka ng wild dream about him.” Nag-isip ng maigi si Mariam kung ano ang pwedeng i-alibi.“Hay naku! Wala akong alam sa sinasabi mo. Lasing nga ko, remember?” pagpapalusot ni Mariam. Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng sabaw na kunwari ay walang pakialam.Napatawa naman bigla si Stanley habang pinapanood siya. “Anong nakakatawa?” tanong ni Mariam.“You’re not good at lying, aren’t you?” Pang-aasar ni Stanley.“Lying ka d’yan. Tigilan mo na nga ako. Let me eat in peace,” pilit na umiiwas si Mariam. Sa totoo ay hindi talaga siya marunong magsin
STANLEY POVMuling nagbalik sa alaala ni Stanley ang nangyari kinagabihan, nang hawakan ni Mariam ang kanyang kamay at hilingin na huwag siyang iwan.He was so happy after hearing it and had decided to stay. “Okay, I’ll stay,” ani ni Stanley. Umupo siya sa gilid ni Mariam na hawak pa rin ang kanyang kamay. Hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mga mata nito.Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Napakaamo ng mukha nito na para bang isang anghel. Ngunit kung anong amo ng mukha nito ay siyang ilap naman na parang usa.Kung hindi pa ito nalasing nang ganito, ay paniguradong hindi siya makakalapit at mapapagmasdan ang mukha nito ng ganitong katagal.“Hindi siya nakakasawang tignan,” nasabi ni Stanley sa isip. Hanggang sa tumagilid ito ng higa kaya naman napunta ang buhok sa mukha nito.Lumipat si Stanley ng pwesto at pumunta sa harap nito upang hawiin ang buhok nito at nilagay sa likod ng tainga. Hanggang sa hindi niya napigilan ang sarili na humiga katabi nito while facing her.He strok