Share

Kabanata 4.3

Maxine's POV

"Ano bang pinagsasasabi mo, Arnolfo?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan nang lahat ng ito!" Sigaw ni mama habang nanlalaki ang mga sa galit.

Tumingin sa gawi ko si papa at kitang-kita ko kung paano dahan-dahang tumulo ang mga luha nito pababa sa kanyang pisngi.

Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito. Ang makitang nasasaktan s'ya ay mas labis na sakit ang nararamdaman ko.

"Matagal ko nang alam, Maribeth.." ani nito habang tulala lamang sa kawalan. "Matagal ko nang alam na hindi ko anak sina Maxine at Lutcho!"

Napaawang ang aking mga laki sa gulat at kasabay no'n ay ang tuluyang pagtakas ng mga luha sa aking mga mata. Nanigas naman si mama sa kinaroroonan nito at para bang sinampal sa napakalaking katotohanan.

"H-Hindi sila nanggaling sa akin 'di ba?.." dagdag pa ni papa at mas lalo akong nadurog nang pumiyok na nang tuluyan ang boses nito. "Baog ako, Maribeth! At iyon ang dahilan kung bakit pumunta ako sa Maynila upang ipakonsulta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status