Share

XXV

HALOS MABITIWAN NI SHEN ang cellphone dahil sa panlalamig ng mga kamay. Kada salita na lumalabas sa bibig ng reporter ay doble niyon ang bilis ng pagtahip ng dibdib niya.

"Nitong umaga ay muling namataan ang bangkay ng panibagong biktima ng panggagahasa sa isa sa mga kwarto ng Hotel Krista dito sa Ortigas. Ayon sa imbestigasyon ay kagabi naganap ang krimen at nitong umaga nga lang nakita ng isa sa mga housekeeper ang nasabing bangkay. Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima. Kamakailan lamang ay nasangkot din ang nasabing hotel sa kaparehong kaso na cased close na dahil sa kawalan ng ebidensya. Nangako naman ang mga pulisya na gagawin ang lahat para matukoy na ang suspek..."

Hindi na niya tinapos ang panonood at agad na ibinigay kay Stephen ang cellphone nito. Sa sobrang tensyon na lumulukob sa sistema niya ay wala sa sariling napasipsip siya sa kaniyang frappe. Sa sob

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status