Naka awang ang labi, nahahabag na nakatingin si Kisses kay Aliyah kung paano siya pinahiya ni Nyxia sa maraming tao. Gusto niya itong lapitan at tulungan ngunit napako ang kanyang mga paa sa labis na pagkabigla ng makita ng dalawang mata niya kung anong kahihiyan ang sinapit ng kaibigan."Di ' ba siya rin ang babae na iyan na pinahiya doon sa labas ng simbahan noong linggo?""Oo siya yun. Nasaksihan ko kung paano siya ipagtanggol ni Dylan. Tahimik lang siya habang binabato siya ng mga masakit na salita.""Naku kawawa naman. Sa tingin ko hindi naman siya nagsisinungaling. Sa hitsura niya mukhang hindi naman siya ang tipo ng babae na papatol sa may asawa na. Ang ganda niyang bata.""Hindi talaga siya kabit ni Dylan. Wala silang relasyon dalawa. Kapitbahay ko iyan si Aliyah at minsan kong narinig ang kanilang usapan, anak-mayaman pala siya at mayroon na siyang kasintahan at ikakasal na sila. Kaya imposibleng maging kabit siya ni Dylan."Iyan ang mga salita na narinig ni Kisses. Bigla s
Hindi na umuwi si Dylan sa kanilang bahay kung hindi tungkol kay Cianne. Ayaw niyang makabitiw pa ng masakit na salita para kay Nyxia dahil may respeto parin siyang natitira para sa babae. Sadyang kailangan niya lang ipagtapat kay Nyxia ang lahat para malinis ang pangalan niya. Kahit kay Nyxia lang, iyon ang mahalaga kay Dylan. Ngunit wala na siyang plano na bigyan ng karapatan si Nyxia na mamahala sa tindahan. Ayaw na niyang bumalik sa lugmok. At pinag iipunan niya rin ang perang pinahiram ni Aliyah sa kanya kahit naka kolateral ang kanyang bahay sa babae. Galit na galit siya kay Nyxia sa ginawa nitong pananakit kay Aliyah. Kung hindi lang naki usap si Aliyah hindi niya iiwan ang dalaga na luhaan at umiinda ng sakit sa katawan na natamo. Ngunit hindi na hahayaan pa ni Dylan na mangyari ulit ang pananakit ni Nyxia kay Aliyah.Hindi matiis ni Dylan na hindi balikan si Aliyah. Nag alala siya ng subra sa babae gayong nakita niya na may sugat ito. Bumili muna siya ng mga gamot at makakai
Ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa ni Nyxia. Kahit anong pagsisi at paghinayang niya hindi na niya maibabalik pa sa dati ang lahat dahil sumuko na ng tuluyan si Dylan. Ang pagiging kasal lang nila ang pinanghahawakan niya ngayon at kahit ano pang gawin ni Dylan hinding-hindi niya iyon isusuko. Hindi parin siya bibitaw hanggat dito pa sa kanila umuuwi si Dylan dahil kahit saang anggulo tingnan kasal parin silang dalawa, mag-asawa parin sila.Bumalik ulit sa kanyang alaala ang mga panahon na lahat ng galit, sakit at pagkamuhi niya sa ama sa ginawa nitong pagtataksil at pagsinungaling. Wala siyang mapagsabihan ng mga panahon na iyon dahil kahit sa dalawa nitong kapatid alam niyang hindi siya pakikinggan. Umiwas siya sa lahat. Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino dahil natatakot siya na kapag may kausap siya mabunyag niya ang sekreto ng ama.Nagkamali lang siya sa parteng pati si Dylan nilayuan niya. Na pati sa kanyang asawa itinago niya ang nalalaman at hinayaan na sisihin ng lahat
Simula ng araw na iyon halos hindi na lumalabas sa bahay si Aliyah kung hindi naman kinakailangan. Siya na ang umiwas sa mga tao para hindi siya pagpiyestahan sa labas ng mga salita. Tumigil na rin siya sa pakikiusap kay Dylan na tumigil na ito sa kahibangan niya dahil bingi naman ang lalaki sa pakiusap niya.Patuloy parin ang magandang takbo ng maliit niyang negosyo at nadagdagan pa ng ibang klase ang paninda niya. Samantala, sa isang iglap naputol ang ugnayan niya sa nag-iisang kaibigan niya dito sa village. Naputol ang ugnayan niya sa buong pamilya ni Kisses. Hindi na pinakita pa ni Aliyah ang sarili sa pamilya ng dalaga kahit masakit iyon para sa kanya tinanggap na lang ni Aliyah ang katotohanang hanggang dito na lang ang relasyon niya sa pamilyang minsan ay minahal niya.Hindi na binabanggit ni Dylan ang salitang panliligaw. Pero sa ginagawa niya ay ganoon parin ang patutunguhan--nanliligaw parin siya. Walang umaga na hindi nakatatanggap ng bulaklak si Aliyah. Madalas rin niya it
Kahit anong pilit mong ibalik ang masayang nakaraan kung wala ng pagmamahal sa isa sa inyo wala parin patutunguhan.Kahit papaano nabutunan ng tinik ang puso ni Dylan matapos pakawalan ang matagal ng kinikimkim na hinanakit. Napagod na rin siyang magtago ng sekreto. Patay na rin ang matanda. Kahit isiwalat pa iyon ni Dylan wala na ring silbi. Alam niyang nasaktan niya si Nyxia sa kanyang mga sinabi ngunit mas mainam na iyon kaysa itago niya ang katotohanan.Tungkol sa tindahan, hindi na talaga hahayaan ni Dylan na maulit muli ang pang abuso na ginawa ni Nyxia sa pera. Hindi na niya hahayaan na gagamitin sa sugal ni Nyxia ang pinaghirapan niya. Sinadya niyang isekreto iyon dahil wala namang maitutulong si Nyxia kundi ang waldasin sa hindi makabuluhang bagay ang pera. Bago nagtungo sa kanyang tindahan, dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak na ibibigay niya kay Aliyah. Isang tangkay ng red roses. Wala siyang balak na humarap sa babae baka hindi na siya maka alis pa. Na
"Umuwi ka na sa inyo, kuya. Dalawang araw ka ng nandito," utos ni Lowela. "Magaling na ako. At saka uuwi na rin mamaya ang asawa ko.""Hintayin ko na lang ang pagdating ni Stevan at uuwi ako," pagmatigas ni Dylan sa utos ng kapatid. "Talaga bang iyon ang gusto mo o may iniiwasan ka?" nanunuri na tanong ni Lowela. Umayos siya ng upo at seryosong hinarap ang kuya niya. "May gusto ka bang i-share sa akin, kuya?"Isang maliit na ngiti ang ginawad ni Dylan at napabuntonghininga rin kalaunan nang kunutan siya ng noo ng kapatid niya. "Masama na ba akong tao, Lowela, kung may ibang babae ng tinitibok ang puso ko?"Umawang ang labi ni Lowela sa gulat. Ngunit naintindihan niya ang kuya niya kung may iba na itong nagustuhan lalo na sa sitwasyon na mayroon sila ni Nyxia. Pero kahit ganoon pa man hindi niya kayang i-tolerate ang kuya niya sa naramdaman nito. Hangga't maaari mapigilan niya ang kuya niya na makagawa ng kasalanan. "Oo, kuya, maging masama kang tao kung may minamahal kang iba gayong