"Ale," pagkuha ni Aliyah sa atensyon ng matanda. Tumigil naman ito sa pagwawalis at nilingon siya. "Magandang araw ho. Itatanong ko lang kung may alam kayo kung saan pwede mangupahan ng bahay?" maayos niyang tanong rito.
Kanina pa kinakabahan si Aliyah dahil hindi siya pamilyar sa lugar na binabaan niya. Basta na lang niya pinara ang bus na sinasakyan at sinabing dito siya bababa. Tatlong oras ang layo mula sa pinanggalingan niya. Sinundan niya ng tingin ang tinuro ng matanda. "Kumaliwa ka doon sa kanto. Sa pagkaka-alam ko may pinapaupahan na bahay doon. Itanong mo lang sa mga tao doon kung wala pang nakakuha," aniya at bumalik sa pagwawalis. "S-sige ho. S-salamat," aniya at mablis na humakbang. Bigla siyang natakot sa matanda sa hindi niya malaman na dahilan kahit mukha naman itong mabait. Magkadikit ang mga bahay ngunit iilan lang ang mga taong narito ang nakita niya. Kadalasan nakasarado ang kanilang bahay, naka lock ang gate, at walang mga ingay. Ang peaceful but a little scary to Aliyah. Siguro dahil magtatakip-silim na kaya ganito ang mga tao rito, may respito sa privacy ng bawat isa. Hinihingal siya nang makaliko sa kanto na tinuro ng matanda. Saglit siyang nagpahinga at pinagmasdan ang paligid. Unlike sa kabilang kanto may buhay ang lugar na pinuntahan niya. May mga batang naglalaro sa gilid ng daan. May nagtitinda ng ihaw-ihaw. Nagpapalakasan ng tugtog ang bawat bahay. Napangiwi si Aliyah nang marinig ang malakas na boses ng isang babae, mukhang galit ito habang pinapangaralan ang anak sa loob ng kanilang pamamahay. "Maingay. Ngunit natitiyak ko na masiyahan ako sa pagtira ko dito." Naglakad siyang muli para humanap ng mapagtanungan. Pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. At sana may bakante pang bahay dahil hindi na niya kayang maglakad para maghanap pa. "Tisay, bago ka rito, 'no?" Alanganin siyang ngumiti at tumango sa dalaga na nagpapaypay ng tinitinda nitong inihaw na isda. "O-oo, naghahanap ako ng mauupahan na bahay kahit maliit--" "Tama ka ng pinuntahan!" palatak ng dalaga na ikinagulat ni Aliyah. "Buti hindi ka doon sa kabila," ang tinutukoy nito ay doon sa kabilang kanto "tiyak kahit isa wala kang maging kaibigan doon. Ako nga pala si Kisses, isang batang ina na iniwan ng walang bayag na lalaki at dito ang bahay namin," turo niya sa likuran nito. "Ah," walang masabi si ALiyah dahil nabigla siya sa pagiging prangka ni Kisses. "Saan banda dito ang for rent na bahay?" balik niya sa usapan. "Ika-apat na bahay mula dito. Pero walang tao doon, e. Minsan lang pumupunta si Sir Dylan diyan. Pero 'wag kang mag-alala," aniya at kinuha ang cellphone nito na nakasuksok sa loob kaniyang bra na siya namang ikinagulat ni Aliyah, " Tatawagan ko siya para sayo," nakangiti na dugtong nito. Nakahinga ng maulwag si ALiyah. Ilang segundo ang nakalipas kausap na ni Kisses sa kabilang linya ang may-ari ng bahay. Nakatingin lang siya sa babae na malaki ang ngiti sa labi at pigil na pgil sa-- "Bakit siya kinikilig?" mahinang usal ni Aliyah. "Crush niya siguro ang may-ari ng bahay na iyon." "Ayan! Kaya ka nabuntis ng maaga dahil sa kalandian mo!" singhal ng matanda na kararating lang at may karga itong bata na tantiya niya nasa dalawang taong gulang na ito. "Pati sa taong may asawa kinikilig ka! Oh, anak mo, hinahanap ka na!" Kaagad namang yumakap ng mahigpit sa leeg ni Kisses ang anak niya. Napangiwi nalang ang babae dahil nasakal siya. "Ganito siya kapag inaantok na, hinahanap ako," aniya habang hinahagod ang likod ng anak. "Ten minutes nandito na raw si sir. Hintayin mo na lang raw siya doon para makapag-usap kayo tungkol sa bahay niya." "Ha? E, pa'no ko malalaman kung siya ang may-ari ng bahay na iyon?" "Kapag may auto kulay pula na huminto at may pogi, makisig, mabango at kagalang-galang ang suot na bumaba doon," kinikilig niyang sambit. "Confirm, si Sir Dylan na iyon." Nakangiwi ang labi ni Aliyah habang nakikinig kay Kisses kung paano nito i-discribe si Dylan. Ganoon ba talaga iyon ka gwapo para kiligin ang isang babae kahit may asawa na iyong lalaki? Napatango, ngumingiti lang si Aliyah habang nakikinig sa mga sinasabi ng babae. At pakiramdam niya, ngayon lang nagkaroon ng kakuwentuhan si Kisses dahil ramdam niya ang excitement at kagustuhan nito na ilabas ang nais niyang mga sasabihin. "O, siya pumunta ka na do'n at doon na lang siya hintayin. Sa ika-apat na bahay mula rito, ha?" Aliyah smile genuinly. "Thank you, Kisses. I will visit you some other time." "Sige, thank you kahit hindi ko naintindihan yung english," aniya at humagikhik. Natatawa na lumakad si Aliyah. Natutuwa siya at hindi niya lubos akalain na may tao kaagad na kusa siyang tinulungan pagkarating niya sa lugar na wala siyang ka alam-alam. Magaan ang loob niya kay Kisses at gusto niya itong kaibiganin. Natutuwa siya dahil bukod sa madaldal si Kisses masarap rin itong kakuwentuhan. Gusto niya rin itong kilalanin dahil sabi nga nila "ang taong masayahin ito ang mga taong may malalim na pinagdaanan, mga taong may pinagdararaanan, they mask their true colors behind the laugther and beautiful smile." Napatingala siya sa tapat ng bahay na pinaghintuan. Umawang ang kaniyang labi at nanlaki ang mata nang mapagtanto na literal pala na bahay ang rerentahan niya. Hindi lang basta bahay na katulad ng mga nandito dahil ang bahay na ito ay two story house. "Tama ba itong bahay na tinuro ni Kisses?" hindi napigilan na usal ni Aliyah. Hindi niya kasi maaninag ng maayos dahil madilim na at kakarampot na liwang mula sa ilaw sa terasa ng bahay ang silbing liwanag sa buong paligid. "Baka may kalakihan ang renta nito," napakamot sa ulo na wika niya. "Bakit kasi bahay ang sinabi ko ayan tuloy literal na bahay nga ang ibinigay sa akin," maniyak-ngiyak na reklamo niya. Napalingon siya nang may pumarada na sasakyan. 'Red auto,' usal niya sa isipan. Bumukas ang bintana ng auto at tumambad kay Aliyah ang isang lalaki na naka sky blue long sleeve. 'Check, kagalang-galang ang kasuutan. Tuxido na lang ang kulang.' Napakislot si Aliyah nang magsalita ang lalaki mula sa loob ng sasakyan. Walang ilaw sa loob kaya hindi niya maaninag ng maayos ang mukha ng lalaki. "Miss, ikaw ba iyong naghahanap ng house for rent?" kaswal nitong tanong. Sunod-sunod na tumango si Aliyah. "Yea." "Oh? Are you a run away bride?" kaswal nitong tanong ngunit naniniguro. Nagsalubong ang kilay ni Aliyah sa tanong ng lalaki. Hindi parin ito bumababa sa kaniyang sasakyan na para bang may gusto pa itong kompirmahin bago bumaba at harapin ng maayos si Aliyah. "No. Why? Do I look like a run away bride?" balik tanong niya saka tiningnan ang sarili. Naka rubber shoes, denim pants at t-shirt siya, paano nito nasabing run away bride si Aliyah gayong wala namang kahina-hinala sa dalaga. "Ang laki kasi ng bagahe mo. Ganiyan kasi ang napapanood ko sa pelikula," ani ng lalaki at bumaba ng sasakyan. 'What the freck! Confirm! Pogi, makisig at mabango. Kaya pala kilig na kilig si Kisses sa married man na ito,' himutok niya sa sarili ng makita ang kabuoan ng lalaki. Piniling niya ang ulo at kaswal na hinarap ang lalaki. "Are you sure you want to rent a house?... alone?" naniniguro na tanong ni Dylan. "Yeah, of course. If I can afford the monthly rental of this house." "5k a month," ani Dylan at binuksan ang naka kandadong gate. " Take a look inside. Baka magbago ang isip mo kapag nakita mo ang kabuuan," dugtong niya at nagpatiunang pumasok. "Ikaw na ang magbabayad ng electric bills, tubig at wifi connection," nilingon niya ang dalaga. "Is it okay for you?' "No problem. Pero saan ako magbabayad? I am not familiar with this place." "Sa akin," he said and open the main door. Namangha si Aliyah dahil ang buong akala niya isa itong concret house ngunit hindi pala dahil ang loob ng bahay ay mga gawa sa kahoy. Pati ang second floor gawa rin sa kahoy at ang hagdan paakyat sa itaas, mga upuan, cabinet, center table para itong mga antigo na pinama pa ng mga ninuno nila. Biglang nakaramdam ng takot si Aliyah dahil isa siya sa mga taong hindi gusto ang mga antigo na bagay. "I desinged this house when I was single. But my wife didn't like it. Anyway, kompleto ang mga kagamitan dito. May isang kwarto dito sa ibaba, at dalawa naman doon sa taas at parehong may mga sariling cr," aniya habang iniikot ang ibabang bahagi ng bahay. Nakasunod naman si Aliyah kay Dylan habang nagtitingin sa paligid. Namamangha siya sa disenyo ng bahay. Paanong naging kahoy ang pader sa loob gayong gawang semento ito sa labas? Ibinalik ni Aliyah ang atensyon kay Dylan. Nagustuhan niya ang bahay. Wala namang problema sa monthly payment dahil kaya niya iyon bayaran. At ang mura ng 5k a month sa ganitong kalaki na bahay. "Hindi na kita sasamahan sa itaas para tingnan ang kwarto roon. Ikaw na lang ang bahala mamimili kung alin doon ang gusto mo," anito. Napatingala si Aliyah sa itaas nang uminto si Dylan sa tapat ng unang baitang ng hagdan. HIndi naman mukhang nakakatakot ngunit nagtataka lang si Aliyah kung bakit ayaw ni Dylan na umakyat silang dalawa doon. "Maraming tsismosa sa labas. Baka anong isipin nila kapag nakita nila tayong dalawa doon sa itaas. I have a wife, you know," paliwanang ni Dylan nang makita ang nagtatanong na mukha ni Aliyah. Napatango nalang si Aliyah. Bigla siyang nailang nang mapagtanto na silang dalawa lang pala ng lalaki ang nartio sa loob ng bahay. At tama si Dylan, hindi magandang tingnan sa makakita sa kanila na magkasama doon sa itaas dahil kwarto na iyon. "Sige, kukuhanin ko na," pinal na wika ni Aliyah. "Kailangan ba ng down payment? One month deposit or what?" Umiling si Dylan. "No need. Next month ka na mag start ng bayad," sumunod si Aliyah nang lumakad si Dylan sa sala. "Baka hindi ka abutin ng isang linggo dito masayang lang ang ibayad mo." "What do you mean?" kunot-noo na tanong ni Aliyah. Kanina pa siya nahihiwagaan sa mga salita ni Dylan na may bahid ng pagdududa. Inilagay ni Dylan ang kamay sa magkabilang bulsa na suot nitong fitted slacks at mapanuri na tumingin kay Aliyah. "Are you sure you are not a run away bride? Baka bukas o sa sunod na araw may pulis ng mag raid dito sa bahay ko," napasinghap si Dylan, salubong ang kilay at dahan-dahan na lumapit kay Aliyah. "If you are not a run away bride... wanted ka ba?" Nanlaki ang mata ni Aliyah. Uminit ang kaniyang buong mukha sa sinabi ni Dylan. "Sa mukha kong 'to?!" aniya at tinuro pa ang sarili. Matunog siyang suminghap. "Wanted?" Dylan shruged. He step back and didn't look away to Aliyah. "Looks can be deceiving." "What the fuck!?" "Watch your mouth lady," seryosong usal ni Dylan. Sa hindi malamang dahilan naging maamong tupa si Aliyah. "Anyway, sabi ko nga kanina, sa akin ka magbabayad ng electric bill at water bill mo. Tuwing petsa 30 ng buwan ang bayad kaya sa 29 palang kukuhanin ko na ang bayad. May itatanong ka ba? Disagree sa bills or anything?" "Wala namang problema sa akin tungkol sa bayarin. I can pay." "Mabuti naman kung ganun. So, close na ang deal? Ito ang susi ng bahay. May mga label na iyan para hindi ka malito," anito at inabot sa dalaga. "Safe naman dito sa subdivision pero kailangan mo parin manigurado ng safety mo. Make sure naka lock lahat ng pinto at bintana lalo na sa gabi. Mag-isa ka at babae pa." "I know. But, thanks for reminding me." "I'll go ahead. Welcome to your new home." "Wait," natigil sa paghakbang si Dylan at muling hinarap ang dalaga. "May itatanong pala ako," Dylan nooded kaya nagpatuloy sa pagsalita si Aliyah. "Saan pala dito ang market to buy a foods and anything?" "15 minutes ang biyahe papuntang bayan. Pero may convienience store dito. Nasa main road. Pwede mong lakarin, pwede ka rin sumakay ng tricycle." "Oh, okay. Mmm, yun lang naman ang tanong ko. Thank you." Hinatid ni Aliyah hanggang sa labas ng gate si Dylan para na rin isarado iyon. Tama nga si Dylan, may mga tsismosa nga dito dahil nagkandahaba ang leeg ng mga kapit-bahay nang lumabas silang dalawa ni Dylan. " Nakalimutan kong sabihin, hindi pala naka connect ang electric stove mo. Siguro babalik ako bukas para ikabit iyon. What do you think." "Sure, okay lang. Thank you, sir." Dylan chucled. "Sir is to formal-" "Manong then," supladang sambit ni Aliyah at mabilis na sinara ang gate at walang lingon na bumalik sa loob ng bahay. "Ganoon na ba ako ka tanda sa kaniya para tawagin niya akong manong?" natatawa na usal ni Dylan at napailing na tinungo ang kaniyang sasakyan.Naka awang ang labi, nahahabag na nakatingin si Kisses kay Aliyah kung paano siya pinahiya ni Nyxia sa maraming tao. Gusto niya itong lapitan at tulungan ngunit napako ang kanyang mga paa sa labis na pagkabigla ng makita ng dalawang mata niya kung anong kahihiyan ang sinapit ng kaibigan."Di ' ba siya rin ang babae na iyan na pinahiya doon sa labas ng simbahan noong linggo?""Oo siya yun. Nasaksihan ko kung paano siya ipagtanggol ni Dylan. Tahimik lang siya habang binabato siya ng mga masakit na salita.""Naku kawawa naman. Sa tingin ko hindi naman siya nagsisinungaling. Sa hitsura niya mukhang hindi naman siya ang tipo ng babae na papatol sa may asawa na. Ang ganda niyang bata.""Hindi talaga siya kabit ni Dylan. Wala silang relasyon dalawa. Kapitbahay ko iyan si Aliyah at minsan kong narinig ang kanilang usapan, anak-mayaman pala siya at mayroon na siyang kasintahan at ikakasal na sila. Kaya imposibleng maging kabit siya ni Dylan."Iyan ang mga salita na narinig ni Kisses. Bigla s
Hindi na umuwi si Dylan sa kanilang bahay kung hindi tungkol kay Cianne. Ayaw niyang makabitiw pa ng masakit na salita para kay Nyxia dahil may respeto parin siyang natitira para sa babae. Sadyang kailangan niya lang ipagtapat kay Nyxia ang lahat para malinis ang pangalan niya. Kahit kay Nyxia lang, iyon ang mahalaga kay Dylan. Ngunit wala na siyang plano na bigyan ng karapatan si Nyxia na mamahala sa tindahan. Ayaw na niyang bumalik sa lugmok. At pinag iipunan niya rin ang perang pinahiram ni Aliyah sa kanya kahit naka kolateral ang kanyang bahay sa babae. Galit na galit siya kay Nyxia sa ginawa nitong pananakit kay Aliyah. Kung hindi lang naki usap si Aliyah hindi niya iiwan ang dalaga na luhaan at umiinda ng sakit sa katawan na natamo. Ngunit hindi na hahayaan pa ni Dylan na mangyari ulit ang pananakit ni Nyxia kay Aliyah.Hindi matiis ni Dylan na hindi balikan si Aliyah. Nag alala siya ng subra sa babae gayong nakita niya na may sugat ito. Bumili muna siya ng mga gamot at makakai
Ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa ni Nyxia. Kahit anong pagsisi at paghinayang niya hindi na niya maibabalik pa sa dati ang lahat dahil sumuko na ng tuluyan si Dylan. Ang pagiging kasal lang nila ang pinanghahawakan niya ngayon at kahit ano pang gawin ni Dylan hinding-hindi niya iyon isusuko. Hindi parin siya bibitaw hanggat dito pa sa kanila umuuwi si Dylan dahil kahit saang anggulo tingnan kasal parin silang dalawa, mag-asawa parin sila.Bumalik ulit sa kanyang alaala ang mga panahon na lahat ng galit, sakit at pagkamuhi niya sa ama sa ginawa nitong pagtataksil at pagsinungaling. Wala siyang mapagsabihan ng mga panahon na iyon dahil kahit sa dalawa nitong kapatid alam niyang hindi siya pakikinggan. Umiwas siya sa lahat. Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino dahil natatakot siya na kapag may kausap siya mabunyag niya ang sekreto ng ama.Nagkamali lang siya sa parteng pati si Dylan nilayuan niya. Na pati sa kanyang asawa itinago niya ang nalalaman at hinayaan na sisihin ng lahat
Simula ng araw na iyon halos hindi na lumalabas sa bahay si Aliyah kung hindi naman kinakailangan. Siya na ang umiwas sa mga tao para hindi siya pagpiyestahan sa labas ng mga salita. Tumigil na rin siya sa pakikiusap kay Dylan na tumigil na ito sa kahibangan niya dahil bingi naman ang lalaki sa pakiusap niya.Patuloy parin ang magandang takbo ng maliit niyang negosyo at nadagdagan pa ng ibang klase ang paninda niya. Samantala, sa isang iglap naputol ang ugnayan niya sa nag-iisang kaibigan niya dito sa village. Naputol ang ugnayan niya sa buong pamilya ni Kisses. Hindi na pinakita pa ni Aliyah ang sarili sa pamilya ng dalaga kahit masakit iyon para sa kanya tinanggap na lang ni Aliyah ang katotohanang hanggang dito na lang ang relasyon niya sa pamilyang minsan ay minahal niya.Hindi na binabanggit ni Dylan ang salitang panliligaw. Pero sa ginagawa niya ay ganoon parin ang patutunguhan--nanliligaw parin siya. Walang umaga na hindi nakatatanggap ng bulaklak si Aliyah. Madalas rin niya it
Kahit anong pilit mong ibalik ang masayang nakaraan kung wala ng pagmamahal sa isa sa inyo wala parin patutunguhan.Kahit papaano nabutunan ng tinik ang puso ni Dylan matapos pakawalan ang matagal ng kinikimkim na hinanakit. Napagod na rin siyang magtago ng sekreto. Patay na rin ang matanda. Kahit isiwalat pa iyon ni Dylan wala na ring silbi. Alam niyang nasaktan niya si Nyxia sa kanyang mga sinabi ngunit mas mainam na iyon kaysa itago niya ang katotohanan.Tungkol sa tindahan, hindi na talaga hahayaan ni Dylan na maulit muli ang pang abuso na ginawa ni Nyxia sa pera. Hindi na niya hahayaan na gagamitin sa sugal ni Nyxia ang pinaghirapan niya. Sinadya niyang isekreto iyon dahil wala namang maitutulong si Nyxia kundi ang waldasin sa hindi makabuluhang bagay ang pera. Bago nagtungo sa kanyang tindahan, dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak na ibibigay niya kay Aliyah. Isang tangkay ng red roses. Wala siyang balak na humarap sa babae baka hindi na siya maka alis pa. Na
"Umuwi ka na sa inyo, kuya. Dalawang araw ka ng nandito," utos ni Lowela. "Magaling na ako. At saka uuwi na rin mamaya ang asawa ko.""Hintayin ko na lang ang pagdating ni Stevan at uuwi ako," pagmatigas ni Dylan sa utos ng kapatid. "Talaga bang iyon ang gusto mo o may iniiwasan ka?" nanunuri na tanong ni Lowela. Umayos siya ng upo at seryosong hinarap ang kuya niya. "May gusto ka bang i-share sa akin, kuya?"Isang maliit na ngiti ang ginawad ni Dylan at napabuntonghininga rin kalaunan nang kunutan siya ng noo ng kapatid niya. "Masama na ba akong tao, Lowela, kung may ibang babae ng tinitibok ang puso ko?"Umawang ang labi ni Lowela sa gulat. Ngunit naintindihan niya ang kuya niya kung may iba na itong nagustuhan lalo na sa sitwasyon na mayroon sila ni Nyxia. Pero kahit ganoon pa man hindi niya kayang i-tolerate ang kuya niya sa naramdaman nito. Hangga't maaari mapigilan niya ang kuya niya na makagawa ng kasalanan. "Oo, kuya, maging masama kang tao kung may minamahal kang iba gayong
Natinag si Aliyah ng may kumuha sa kanyang pinamili na nalaglag sa sahig. Nag aalangan na tinulungan niya ang lalaking may edad na ngunit hindi nito binitawan. "Sasakay ka ba ng tricycle, miss?" tanong nito kay Aliyah. Suno-sunod na tumango si Aliyah. "Tara."Muntik ng mawalan ng balanse si Aliyah dahil sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Ngayon niya lang naramdaman ang panghihina ng maka recover sa paghaharap nila ni Nyxia. Sumunod siya sa drayber na nakayuko ang ulo. Nagtitinginan kasi ang ibang mga tao doon at nagbubulungan. Mariing pinagsiklop si Aliyah ang kanyang palad ng maka upo sa loob ng trycicle dahil nanginginig din ito."S-sa phase 4, m-manong," nauutal sa sabi ni Aliyah. Gusto na niyang umuwi. Takot na siyang makarinig pa ng masakit na salita, nang hindi makatotohanan. Gusto na niyang lumayo sa mapanghusga na tingin ng mga tao sa kanya. Napapagod siyang magpaliwag dahil wala namang makinig at maniwala sa kanya."Saan dito banda ang inyo, miss?" "Doon po sa dulo banda.
"Nababaliw ka na nga talaga," Aliyah said with fear in her heart. Hindi na niya alam kung anong pakiusap ang sasabihin niya para lang magbago ang isip ni Dylan. Natatakot siya na makasira siya ng pamilya kung itutuloy ni Dylan ang sinabi niyang mag file ng annulment. Ayaw niyang mangyari na siya ag maging dahilan para mawalan ng buong pamilya ang isang walang kamuwang-muwang na bata."Hindi ako nababaliw, Aliyah. Sana nga noon ko pa ito ginawa," Dylan said. There was a finality in the voice. "Ngayon ko lang napagtanto na mas lalo lang namin pinapahirapan ang anak namin sa sitwasyon na pinagkasunduan namin dalawa. Ngayon, may dalawang dahilan na ako para ituloy iyon.""Pero hindi nga kita gusto," naubos ang pasensya na singhal i Aliyah."Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako," kinuha niya ulit ang bulaklak. Napakislot si Aliyah ng abutin ni Dylan ang kamay niya at inilagay roon ang bulaklak. "At habang pinoproseso ko ang annulment paper namin, liligawan kita. I will make you f
Natinag si Aliyah sa sunod-sunod na paglagabog ng gate. Hindi niya alam ang gagawin kung papasok ba siya sa loob ng bahay at mag lock o kung haharapin niya ang babae sa labas na gustong magwala. Sa huli pinili niya itong harapin baka magsilabasan ang mga kapitbahay kung patuloy na mag iskandalo ang babae.Ang babae ay galit na sinalubong siya ng tingin. Naka dress ito hanggang talampakan ang haba. Napako ang tingin ni Aliyah sa bandang tiyan ng babae ng maaninag ang maliit na umbok nito. Bigla siyang nabahala baka buntis ang babae at baka ma pa'no ito kung hindi siya huminahon. "M-miss, hindi ako kabet ng asawa mo," mahinahon na sabi ni Aliyah. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Baka nagkamali ka lang."Matulog na suminghap si Nyxia. "Talaga ba hindi ka kabet ng asawa ko? Miss, whatever your name is, nakita ng dalawa kong mata na lumabas dito ang asawa ko! I waited here for over 15 minutes to confirm it tapos itatanggi mo?"Doon lang sumagi sa isipan ni Aliyah kung sino ang tinutukoy n