Share

Chapter 2

Penulis: Diena
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-01 15:33:07

She's tired, hungry and sleepy. Mabigat ang maleta niya at hindi niya iyon kaya iakyat sa ikalawang palapag ng bahay kaya pansamantala muna siyang tutulog dito sa ibabang kwarto. May tira siyang burger kaya iyon nalang ang pansanga niya sa gutom ngayong gabi. Matapos kumain ipinahinga niya ang katawan sa malambot na kama.

Enferness, kahit walang nakatira sa bahay na ito hindi ito amoy alikabok. Malinis ang paligid, maayos at mukhang inaalagaan ito. Maganda, malambot ang kama na hinihigaan niya ngunit hindi makatulog si Aliyah. Namamahay siya.

"Bakit kaya ayaw ng asawa ni Dylan sa bahay na ito gayong maganda naman ang pagkadesinyo?" tanong ni Aliyah sa sarili. "Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng bahay."

Dahil hindi siya makatulog bumangon siya at pinagmasdan ang loob ng kwarto. Biglang bumalik ang takot na naramdaman niya dahil kahit mga gamit dito sa kwarto mga antigo even ang kamang hinigaan niya. Napahaplos siya sa braso nang manindig ang balahibo niya sa sariling naisip. " Baka may nagpaparamdam sa bahay na ito kaya ayaw ng asawa niya? Oh shit!" namilog ang matang usal niya at biglang nataranta. "Ito ba ang ibig ipahiwatig ni Dylan sa mga cryptic words niya sa akin kanina?"

Mabilis na hinila niya ang maleta palabas ng silid hindi alintana ang bigat na iyon. Hinihingal siya ng makarating sa sala. Pero ang dahilan ng takot niya sa loob ng silid mabungaran niya rin pala doon sa sala na kinatayuan niya. "Aghhh! Bobo!" inis niyang usal sa sarili. "Kalma self. Mali ka ng iniisip," pangumbinsi niya sa sarili. "H'wag mong takutin ang sarili mo, ito ang gusto mo. Paano mo mapatunayang independent woman ka kung ikaw mismo nananakot sa sarili mo."

She inhale, exhale, ilang beses hanggang sa bumalik sa ayos ang pakiramdam niya. Para mabura sa isipan ang mga nakakatok na imahinasyon, nagpatugtog siya sa kanta sa cellphone. Binuksan niya rin ang lahat ng ilaw sa bahay kahit papaano nkatulong iyon sa kaniya.

Nawala ang antok ni Aliyah, imbes na umupo at tumunganga, inunti-unti niyang inakyat ang gamit sa ikalawang palapag.

The room is clean. Parehas lang din ang desinyo at laki nito sa kwarto doon sa ibaba. Tiningnan niya ang isang kwarto, napangiti siya dahil ito ang naiiba. Walang antigo na bagay kahit isa. Gawa sa kahoy parin ang dingding ngunit puti ang kulay ng pintura at pink ang combination.

"Siguro, ito sana ang maging kwarto ng anak nila," aniya.

Ito ang kwartong pinili niya. Nang mailapag sa kama ang gamit na bitbit bumaba ulit siya para hakutin ang iba pa. Isang maleta lang ang dala niya pero triple ang laki nito sa regular size ng maleta. Kaya siguro napatanong si Dylan kung run away bride ba siya dahil para siyang nag alsa balutan sa maletang dala niya.

Hindi naman ito puro damit lang. Dahil gusto na niyang maging independent woman, isa lang ang ibig sabihin no'n, she will carry all the expenses and she need a work. So, she bought a computer before looking a house to stay dahil hindi niya alam kung saang lugar siya mapapadpad.

"Ang hirap pala ang mag-isa," hinihingal na wika niya matapos dalhin ang maleta niyang wala ng laman sa kwarto. "Nakakapagod! But I don't have a choice. Ginusto ko 'to kaya kailangan kong panindigan."

Iniligay niya sa cabinet ang mga damit. Inayos niya rin ang computer niya para bukas wala na siyang aayusin dahil all set na. Sa dami ng gamit na dala niya inabot siya ng madaling araw sa pag aayos. Ang finally, kusa ring sumuko ang katawan at mata niya dulot ng pagod.

MATAPOS IHATID NI DYLAN SA PAARALAN ANG ANAK dumiretso siya sa bahay kung saan nangungupahan si Aliyah. It's 9 in the morning already ngunit nakabukas parin ang ilaw sa terasa. Naaninag niya rin na pati sa loob ng bahay ay bukas rin ang ilaw. At nang tumingala siya, nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay ng makitang lahat ng ilaw sa ikalawang palapag ay bukas rin.

Hindi niya napigilang matawa. Siguro natakot ang babaeng nasa loob ng bahay niya. He was about to call the girl but he remember, he forgot to asked the name of the lady last night.

"Baka kakasuhan ako ng tresspasing kapag pumasok ako ng walang pahintulot galing sa kaniya," himutok niya. Bumalik siya sa loob ng sasakyan at naisipang babalik na lang siya mamaya. Wala kasing door bell ang bahay.

Bukod sa ikakabit niya ang electric stove, gusto niya ring kamustahin ang tenant niya. Matagal ng naka for rent ang bahay niya ngunit ngayon lang nagkaroon ng tenant iyon dahil kadalasan sa mga nag inquire ayaw ng kanilang anak dahil nakakatakot raw ang desinyo ng bahay.

Hindi iyon masisi ni Dylan dahil kahit mismong asawa niya ayaw rin sa bahay na iyon. Kaya nais niya ring maka usap si Aliyah, itanong kung may kakaiba ba siyang naramdaman sa bahay matapos ang isang gabing pagtulog doon.

NAGISING si Aliyah na gutom. Humihikab na bumangon siya sa kama at pasuray-suray na lumabas ng kaniyang silid. Magtatanong sana siya kung ano ang ulam nang maalalang nag-iisa lang pala siya sa bahay na ito. Inunat niya ang katawan at bumalik sa kama. Umupo siya sa dulo at dinampot ang cellphone para tingnan ang oras. "Shit! Kaya pala subrang gutom ko. Alas-kuwatro na pala ng hapon. Napasubra ang tulog ko."

Dali-dali siyang nagtungo sa banyo para maligo. Kagabi pa lang nilista na ni Aliyah ang mga kailangan niyang bilhin para isahan nalang ang pagbili niya gayong malayo ang bayan. Ang problema niya ngayon ay kung paano siya pupunta doon na hindi maliligaw kahit mag-isa siya.

She's wearing a short-sleeved dress with a square neckline and floral print consists of small yellow, white and blue flowers on a black background. The sleeves are puffed, and the dress has a fitted bodicce and a flared skirt. Lalong lumitaw ang kaputian ng balat ni Aliyah. Sa labas lang naman siya maghahanap ng mabilhan ng pagkain kaya hindi na siya naglagay ng kolorete sa mukha.

Hindi siya maka decide kung saan ba talaga siya tutungo, kung doon ba sa convenience store sa main road o sa bahay nila ni Kisses. Natatanaw na kasi ni Aliyah na nag umpisa na si Kisses sa pag iihaw. Pero hindi siya kumakain ng isda.

"Bahala na nga," pagsuko ni Aliyah at sa bahay niLa ni Kisses nagtungo.

Malayo pa lang naamoy na ni Aliyah ang mabangong usok. Hindi siya pamilyar sa amoy ng luto na iyon, isa lang ang siguro siya, lalo siyang nagutom sa amoy na iyon.

"Tisay!" tawag ni Kisses at kumaway pa sa kaniya. Aliyah waved her hand back and smile. "Bibili ka ba?" Aliyah noooded. Tuwang-tuwa naman si Kisses. "Ayon, oh! Buwena mano! Sure ako, mauubos itong paninda ko! Anong sayo? Pork barbeque, isaw, adidas, hotdog, ito isda gusto mo?" sunod-sunod na wika ni Kisses habang pinapakita kay Aliyah ang mga paninda.

"S-sige, tig iisa lang," nag alinlanagn na wika ni Aliyah. Ngayon lang kasi siya makakain nito baka sumama ang tiyan niya. Kailangan niya muna itong pagtiyagaan dahil gutom na talaga siya.

Kumuha si Kisses ng upuan at ibinigay iyon kay Aliyah. "Umupo ka muna dito habang niluluto ko pa."

Nakatingin lang si Aliyah sa ginagawa ni Kisses. Natutuwa siya dahil si Kisses ang klase ng tao na kumakayod dahil may anak siyang dapat buhayin at hindi aasa sa ipakain ng magulang niya. She's amazed sa pagiging business minded ng dalaga.

"Ngayon ka lang ba nagising?" nagtaka man tumango parin si Aliyah. "Nakita ko kasi si Sir Dylan na pabalik-balik sa bahay mo. Mukhang may kailangan yata siya sayo."

Napa isip si Aliyah sa sinabi ni Kisses kung ano ang dahilan bakit babalik si Dylan sa bahay gayong nagkasundo na sila kagabi sa usapan nila. "Baka may nakalimutan siyang ipaalala tungkol sa patakaran niya doon sa bahay niya," sagot nito sa dalaga.

Laman ng isip ni Aliyah kung ano ang rason ng pagpunta ni Dylan. Baka naniniguro ang lalaki kung talagang inosente siya at walang pulis na bigla na lang pupunta sa bahay niya? O, baka gusto niya lang ng confirmation na magtatagal siya sa pagtira doon? Napabuntonghininga nalang si Aliyah at iwinaksi sa isipan ang pagpunta ni Dylan.

"Ito lang ang hapunan mo? Pastil gusto mo? Masarap ipares ang mga 'to," wika ni Kisses habang binabalot ang binili ni Aliyah.

Hindi pamilyar si Aliyah sa sinabi ng dalaga pero tumango parin siya. "Sige, dalawa. Magkano lahat?"

"110 lahat," aniya sabay abot kay Aliyah ang supot.

Nagtaka, nagulat si Aliyah na iyon lang ang binayaran niya gayong limang putahe ang binili niya hindi pa kasama ang pastil na huling inalok ni Kisses.

"110? Magkano isa nitong paninda mo?" HIndi niya napigilang itanong.

"Tig sampo. Yung isda tig singkwenta at yung pastil naman tig sampo din ang isa."

"Oh, I see," inabutan niya ng 150 ang dalaga. "Sa iyo na ang sukli, pampasuwerte," nakangiting wika niya. "Salamat. Uuwi na ako." Kinawayan niya ang nakatulalang dalaga. Mukhang ngayon lang ito nakaranas ng costumer na hindi kinuha ang sukli.

"Salamat tisay!" tuwang-tuwa na sigaw ni Kisses ng mahimasmasan. Ang pera na binayad ni Aliyah itinabi niya iyon sa kaniyang pitaka, gagawin niyang pampasuwerte gaya ng sabi ni Aliyah.

Inihain kaagad ni Aliyah ang binili pagka uwi niya. Malaking bagay sa kaniya na kompleto sa kagamitan ang bahay dahil hindi na siya bibili pa gaya ng mga utensils at lutuan.

"Ayon, naaala ko na!" palatak niya ng makita ang stove. "Ikakabit pala niya itong stove."

She know how to cook, to clean, to wash disses, to do a laundy ngunit ikinatatamad niya iyon gawin. Nasanay kasi siyang may pagkain ng nakahain sa mesa at kakain na lang siya. Hindi rin siya ang tagalaba at tagalinis. Minsanan lang kung kinakailangan lang talaga. Pero naniniwala siya sa kaniyang sarili na kaya niyang gawin ang lahat ng mga ito ngayon na walang tulong galing iba.

Hindi siya maarte sa pagkain as long as kayang tanggapin ng sikmura niya. Nasarapan siya, maliban lang sa isda dahil nangati ang labi niya. Ang dalawang pastil naubos niya rin at gusto niya iyon. Sakto ng tapos na siyang kumain may huminto na sasakyan sa tapat ng bahay. Nang tingnan niya, si Dylan iyon.

Napatanong tuloy siya sa sarili kung ilang taon na ba ang lalaki dahil ang bata pa nito tingnan lalo na kung pagbasehan ang hulma ng katawan niya.

Nagsalubong ang kilay ni Aliyah nang makita na may dalang isang galon ng refelling water ang lalaki. Lalong lumabas ang muscle nito sa braso at humulma ang malapad at maskulado nitong balikat ng buhatin ni Dylan ang galon. Dali-dali namang lumabas ng bahay si Aliyah at pinagbuksan ng gate ang lalaki.

"I thought you were still sleeping," kaswal nitong wika. "Nakalimutan kong sabihin kagabi na hindi pala naiinom ang tubig sa gripo. Kaya bumili ako."

"T-thanks," na sambit ni Aliyah dahil na speechless siya sa kabutihan ni Dylan.

Idiniresto iyon ni Dylan sa water despenser. "Nakalista naman dito ang number ng water reffeling, pwede mo sila tawagan na magpadeliver ka kapag na ubos na," aniya at isinaksak sa kuryente ang water despenser. Iinaksak niya rin ang electric stove bago binuksan ang outlet na naka konekta doon. Binuksan niya ang kalan at lahat naman gumana. "Pwede mo na ito gamitin," aniya matapos iyon ayusin.

"Thank you,," maikling sagot ni Aliyah.

"Kamusta ang unang gabi mo rito?" pag iba ni Dylan ng usapan. Nandoon parin silang dalawa nakatayo sa harap ng lutuan.

Nagkibit-balikat si Aliyah. "A little bet scary," pagsabi niya ng totoo. "Because of the design, I think."

"Kaya pala bukas lahat ng mga ilaw mo," pigil ang ngiti na wika ni Dylan.

"Hindi ako makatulog kapag walang ilaw," pagdepensa niya at lumakad papuntang sala. Sumunod naman sa kaniya si Dylan. "Nanibago lang ako sa unang gabi ko but I'll stay," puno ng kumpiyansya na wika ni Aliyah.

"Mabuti naman... Anyway, hindi ko nga pala naitanong ang pangalan mo."

"Aliyah."

He smiled. "Dylan. Good night, Aliyah."

Aliyah nooded. "Salamat."

Nang makalabs si Dylan isinara kaagad ni Aliyah ang pinto at nagtungo sa kwarto sa itaas. Sumilip siya sa ibaba. Hindi pa naka alis ang saskyan ni Dylan ngunit nandoon na sa loob ang lalaki. Nang makita niyang tumingin si Dylan sa kaniyang gawi, hinawi niya pasara ang kurtina upang matakpan ang nakabukas na bintana.

"Sana mali ang iniisip ko," usal ni Aliyah sa sarili.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love Thy Mistake   Chapter 40

    Hindi alam ni Aliyah kung iiwas ba siya, tatakbo palayo kay Dylan. Ngunit namanhid ang katawan niya. Hindi makagalaw ang mga paa. Tila nawala sa katinuan habang nakatingin sa lalaking papalapit sa kanya. "How are you?" Doon lang natauhan si Aliyah. Napatras siya ng mapansin na subrang lapit lang ni Dylan sa kanya. Nalilito siya kung ano ang isasagot sa lalaki. Alin ba sa lahat ang tinutukoy ni Dylan? "Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka sa bahay?" sunod na tanong ni Dylan. Sinuri niya ang buong katawan ni Aliyah. Wala namang pinagbago bukod sa maliit na peklat sa ibabaw ng kanyang kilay. Umiwas ng tingin si Aliyah. Ibinalik niya ang atensyon sa pagliligpit ng mga pinaglagyan ng paninda niya. "Para saan pa? Hindi pa ba sapat ang sulat na iniwan ko?" patag niyang sabi sa kabila ng malakas na pintig ng kanyang puso. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin--" "Ayoko ng gulo, Dylan." kaswal niyang sabi. "Lumayo ako. Umalis ako para maging tahimik na ang buhay ko," salubong ang kilay na tinin

  • Love Thy Mistake   Chapter 39

    "Bilang kabayaran ng ginawa ko, tulungan mo ako," daad ni Aliyah kay Aldrich at pumasok sa loob ng bahay.Matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya napagdesisyonan ni Aliyah na lisanin ang lugar na ito dahil wala siyang kapayapaan kung may koneksiyon pa siya kay Dylan. Si Dylan lang naman ang dahilan bakit magulo ang sitwasyon niya at napunta sa alanganin ang buhay niya.Ayaw na niya magsampa ng kaso. Bukod sa dumagdag iyon sa gulo gagastos pa siya sa abogado. Kapayapaan lang ang hinihingi niya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Iyon lang at lubos iyon na pasalamatan ni Aliyah.Lahat ng gamit niya dinala niya at wala siyang itinira. Muntik pa iyon hindi magkasya sa sasakyan ni Aldrich. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki habang pawisan na pabalik-balik sa pagkuha ng gamit sa loob ng bahay papunta sa kanyang sasakyan."Magtayo ka ba ng bake shop? Bakit ang dami mong kagamitan sa pagluto?" hingal-aso na usal ni Aldrich ng maipasok ang isang puno na malaking karton

  • Love Thy Mistake   Chapter 38

    Habang nandoon si Cianne kay Dylan inaabala naman ni Nyxia ang sarili sa paghahanap kung saan na ngayon nakatira si Aliyah. Hindi pa siya tapos sa babae. Gamit ang ibang sasakyan nagmamasid siya sa bawat lakad ni Kisses ngunit wala rin siya napala. Mauubos lang ang oras niya sa pag aabang. Bago magdilim kinuha na ni Nyxia si Cianne kay Dylan. Hindi na siya bumaba ng sasakyan. Nasasaktan parin siya sa nangyari sa kanila ni Dylan at hindi niya kayang humarap sa lalaki na maging casual kahit para na lang sa bata. Alam naman na ni Cianne kung ano ang sitwasyon nilang dalawa ni Dylan kaya hindi na kailangang magpanggap pa ni Nyxia sa harap ng bata.Masaya ang kanyang anak ng sunduin niya ito ngunit may kaakibat ng lungkot ngunit kahit ganoon man niyakap parin siya ni Cianne at madamdaming nagpasalamat sa kanya that made Nyxia emotional."Thank you so much, mommy." sabi nito na mahigpit na nakayakap sa ina."Para sayo, anak, lahat gagawin ko maging masaya ka lang," aniya na naninikip ang

  • Love Thy Mistake   Chapter 37

    "Iiwan mo kami ni mommy?" usal ni Cianne na nakatago ang kalahating katawan sa hamba ng pintuan. Galing siya sa kapitbahay nakipaglaro at nadatnan niyang nagtatalo ang kanyang mga magulang. "May iba ka ng pamilya? Iiwan mo na ako?" dugtong niya habang nag uunahan na lumandas ang mga luha sa mata.Natigilan naman ang mag- asawa. Tila hindi alam kung ano ang sasabihin. Ngunit hindi na nila kayang itago pa ang sitwasyon na mayroon sila dahil narinig iyon lahat ni Cianne. Pamilyar siya sa mga salita na binitawan ng mga magulang niya at alam nito kung ano ang ibig sabihin. Bumubuka ang bibig ni Dylan ngunit walang salita na gustong lumabas doon. Alam niya na darating ang araw na ito ngunit hindi niya napaghandaan ang makita si Cianne kung gaano ito nasasaktan at naguguluhan ngayon. Hilaw na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi ng itago ni Cianne ang katawan nito na para bang takot na takot ng akma siyang lalapitan ni Dylan. "Hindi mo na ba kami mahal ni mommy para iwanan mo kami?" inosenten

  • Love Thy Mistake   Chapter 36

    His eyes widen in shock. Hindi niya alam kung kaya niya bang gawin ang pakiusap ni Aliyah. Hindi niya alam kung kaya niya pa bang ibalik ang buhay niya noong hindi niya pa nakilala si Aliyah dahil sa ngayon si Aliyah na lang ang nagsilbing isa sa mga lakas niya para umusad. Bukod kay Cianne si Aliyah rin ang nagbibigay saya sa kanya. Ang dami niyang plano. Na kapag naging matagumpay ang annulment nila ni Nyxia he wanted to curt formally Aliyah. Mag date sila. Mag usap about the future. Building a plan kapag magplano na silang magkaroon ng pamilya. Naghahanap na rin siya ng trabaho na malaki ang kita dahil gusto niyang paghandaan ng engrandeng kasal si Aliyah at komportableng pamumuhay na hindi sila mahirapan financilly.Pero paano na iyon magagawa pa ni Dylan kung gusto ni Aliyah na layuan siya--na lumayo siya sa dalaga? Nasasaktan na napayuko ng ulo si Dylan. Gusto niyang magprotesta sa mga sinabi ni Aliyah ngunit alam niyang wala siyang karapatan para hindi respetuhin ang nais ni A

  • Love Thy Mistake   Chapter 35

    Hindi nakuha ni Dylan ang sagot sa kanyang katanungan dahil galit na itinaboy siya paalis ni Cianne sa kanilang tahanan. Hindi pa niya na kompirma kung totoo bang buntis si Nyxia, kung sino ang ama ng batang dinadala niya. Masama mang isipin ngunit masaya si Dylan dahil kung totoong buntis si Nyxia may malalim ng dahilan para tuluyan na silang legal na maghiwalay dalawa. Being pregnant is her weapon to get a revenge. Hindi na niya masaktan si Dylan kaya ang babaeng minamahal ni Dylan na lang ang sasaktan niya. May kasabihan nga na kung nasasaktan ang taong mahal mo triple ang sakit na maramdaman mo. Hindi na baleng masabihan siyang nababaliw, nakakahiya sa kanyang ginagawa basta maipadama niya lang ang sakit na deserve ring maramdaman ni Dylan at Aliyah lahat gagawin ni Nyxia. Nagpapasalamat siya kay Cianne dahil kahit daddy's girl ito sa kanya parin ito kumampi, siya parin ang pinili ng anak niya na protektahan laban sa kanyang ama. Si Cianne lang nag nagpapakita ng malasakit at pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status