"Maniningil ako ng renta," nakangiwi na wika ni Dylan habang nakalapat sa noo ang icebag kung saan natamaan ng plastic bottle na tinapon ni Aliyah.
Nakabalot na ngayon ng tuwalya ang katawan ni Aliyah. Hiyang-hiya siya sa nangyari lalo na sa ginawa niyang pananakit ng pisikal kay Dylan. 'Paano kung basta niya lang ako palayasin dito pagkatapoos ng ginawa ko?' kinakabahang usal niya sa isipan na mahigpit na nakakapit sa tuwalyang nakabalot sa katawan niya. "Kailangan ba talaga mag akyat-bahay para maningil ng renta kung hindi bubuksan ng pinto?" nagtitimping tiningnan niya ang lalaki na iniinda ang bukol sa noo. "I'm sorry. Alam ko mali ang ginawa ko. Hindi na mauulit ang pagkakamali na iyon," senserong wika ni Dylan. "Don't worry I am not interested on what I saw earlier--" Hindi nakapagsalita si Dylan sa gulat nang hablutin ni Aliyah ang kwelyo ng damit niya at kinaladkad palabas ng bahay. Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ni Aliyah at pabalya niyang binitawan ang lalaki. "Maghintay ka dito. Magbabayad ako." pabagsak na wika niya at padabog na tinalikuran ang tulalang lalaki. Nag init ang buong katawan ni Aliyah sa galit, sa inis, sa pikon sa landlord niya. Naghirap siyang pagandahin ang hubog ng katawan niya tapos sasabihin lang nito na hindi siya interesado? "Well, hindi ko naman sinasabing dapat maglaway siya sa katawan ko, what I mean is sana man lang ma appreciate niya ang ganda ng body ko. Urghhh! What the hell is wrong with me?!" Nagsuot ng damit si Aliyah bago binalikan ang lalaki. Pajama at maluwang na damit ang suot niya. Bitbit ang pitaka, lukot ang mukha na muli niyang hinarap ang lalaki. "Magkano ang bill ng kuryente at tubig?" tanong ni Aliyah habang kumukuha ng libohing pera. "Sabihin mo na lang sa 'kin, 'wag mo 'ko abutan ng billing receipt," mataray na wika niya ng nilahad ni Dylan ang dalawang bill . Napatikhim na binawi ni Dylan ang papel. "Water bill 250. Electric 450--" "6k, advance payment ko na lang iyang sukli," pagputol niya sa pagsalita ni Dylan. "Tumatanggap ka ba ng online payment? Para hindi ka na mag aksaya pa ng oras na pumunta dito para lang maningil. I am a good payer so, no worries." Ayaw rin ni Aliyah maulit ang nangyari kanina. "It's my responsibility as an owner to visit at least once or twice a month my property where my clients live to ensure the good maintenance of my house," paliwang ni Dylan. "Anong akala mo sa akin, burara para maging dugyot ang bahay mo?" taas-kilay na komento ni Aliyah. "No. That's not what I mean--" "Okay manong," Aliyah said rolling her eyes. "Pwede na ba ako pumasok sa loob since nakabayad na ako?" sakrasmo na dugtong ni Aliyah. Awkward na tumango si Dylan. "Yea, sure. Thank you... I'm really sorry for what happened earlier," senserong wika ni Dylan. Tumango lang s Aliyah bilang tugon at sinara ang pinto. Napabuga siya ng hangin bago binalikan ang naiwang trabaho sa kusina. Wala na naman sa tamang oras ang kain niya. Ang time limit niya sa bawat gagawin ngayong araw ay nasira dahil lang sa pagdating ni Dylan. Frustrated na tinuloy ni Aliyah ang naputol na ginagawa kanina. Nawalan tuloy siya ng gana. Pagkatapos niyang mag agahan nagpasya siyang dumalaw sa bahay nina Kisses. Gusto niyang aliwin ang sarili at para na rin makipagkulitan sa anak ni Kisses. Humaba kaagad ang leeg ng mga kapitbahay niya nang makalabas siya. Wala namang mali sa suot niyang pajama at maluwang na damit kaya nagtaka si Aliyah bakit nakasunod ang tingin ng mga ito sa kaniya. Pinagsawalang bahala niya lang iyon at tumuloy sa paglakad. Malayo palang may narinig ng sigawan si Aliyah. Hindi niya alam saan iyon nagmumula dahil wala namang tao sa gilid ng kalsada na nagbabangayan. Nagsalubong ang kilay ni Aliyah nang maulinigan niya ang boses ni Kisses. Galit ang boses nito at pasigaw na nakikipag-usap sa kung sino mang tao na iyon. Dahil curious si Aliyah at nag-alala rin para kay Kisses sumugod siya sa bahay. Nanlaki ang mata ni Aliyah nang makitang may hawak na kutsilyo si Kisses na nakatutok sa kaharap na lalaki habang hawak nito sa kabilang kamay ang pumapalahaw sa iyak na anak. Walang umawat. Walang lumapit para patigilin ang dalawa. Nakatingin lang ang mga tao sa kanilang bawat bahay sa eksena ng dalawang tao. Nilibot ni Aliyah ang tingin sa paligid, walang kasama sa bahay si Kisses. Nang ibalik niya ang tingin sa babae, nanginginig na ang kamay nito habang nag uunahan sa paglandas ang luha sa mga galit nitong mata. "Umalis ka! Wala kang karapatan na lumapit sa akin lalo na sa anak ko pagkatapos ng ginawa mo!" nang gigitgit ang ngipin sa galit na sigaw ni Kisses. Tumakbo palapit si Aliyah kay Kisses at kinuha ang batang takot na takot at hindi tumitigil sa pag iyak. Mahigpit na niyakap iyon ni Aliyah habang nakatago ang mukha ng bata sa kaniyang dibdib. "Kisses, huminahon ka. Kumalma ka. Natatakot ang anak mo," mahinahon na wika ni Aliyah. Bigla nalang natauhan si Kisses. Na para bang nawala ang sanib ng galit sa katawan niya nang makita ang anak na yakap na ni Aliyah na walang tigil sa pag iyak. "Pakiusap, umalis ka na at huwag ka ng babalik dito," pagmamaka-awa ni Kisses sa lalaki. Gumuhit ang sakit sa mga mata ng lalaki. "Aalis ako ngayon pero babalik ako. May karapatan parin ako sa bata." Pain flashed in Kisses' eyes. "Ikaw mismo ang nagtanggal ng karapatan mo sa kaniya, Cedric, nang iwan mo ako at hindi kami binigyan ng halaga! Hindi ka niya kailangan! Kaya kong magpaka ina at magpaka ama sa anak ko. Hindi ko hahayaan na kilalanin ka niyang ama. Dahil alam ko," gumaralgal ang boses niya "Sa una ka lang magaling. Iiwan mo rin siya tulad ng pag iwan na ginawa mo sa akin noong panahong kailangan na kailangan kita." Hindi na nakatiis si Aliyah na ilayo si Kisses sa lalaking kaharap. Mabuti na lang hindi sumunod ang lalaki at nakipagtigasan kay Kisses dahil baka hindi makatiis si Aliyah makasapak siya ng taong hindi niya kilala. Puno ng hinanakit na umiiyak si Kisses nang ipasok siya ni Aliyah sa loob ng kanilang bahay. Naiiyak tuloy si Aliyah habang dinadamayan ang babae. Na aawa siya. Alam niyang hindi lang simple ang dahilan ng kanilng paghihiwalay dahil sa klase ng pag iyak ni Kisses. Humahagulgol na kinuha ni Kisses ang umiiyak na anak at mahigpit itong niyakap. "Sorry... sorry anak ko," hagulgol na usal niya. "Maintindihan mo rin balang araw kung bakit pinili ko na huwag mo ng kilalanin ang tatay mo kahit ni katiting sa pagkatao niya. Hindi na baleng mahirapan ako huwag ka lang mahirapan at maapektuhan sa sitwasyong mayroon kami ng tatay mo. Mahal na mahal kita." Hinayaan ni Aliyah na umiiyak si Kisses at ilabas ang sakit at puot sa puso niya. Naiinis siya dahil bakit nataon pa na walang kasama si Kisses na pumunta dito ang ama ng anak niya. Gusto niya ring bulyawan ang mga nakinood kanina na wala man lang sila ginawa kundi ang hintayin na lang ang susunod na mangyayari. Kung hindi siya pumunta ano kaya ang mangyayari kay Kisses at sa anak niya gayong may hawak pa itong patalim? Ngayon lang nakasaksi si Aliyah ng ganitong eksena kaya ngayon lang niya napansin na nanginginig pala ang kamay niya, mabilis ang tibok ng puso at hindi mapakali. Bigla siyang nagka anxiety. "Sorry, nasa ganoong sitwasyon mo pa ako nadatnan," wika ni Kisses. Hindi na ito umiiyak. Tulog na rin ang anak niya siguro dahil sa pagod sa kakaiyak. "It's a blessing in disguise na pumunta ako dito at iyon ang nadatnan ko dahil kung hindi, my god! Baka kung ano pa ang nagawa mo," tarantang wika ni Aliyah. "Nanginginig ka sa galit, gurl." Hilaw na umiwas ng tingin si Kisses. "Naghalo-halo ang naramdaman ko kanina. Nang makita ko siya bumalik lahat ng hirap, sakit at pagdurusa ko nang talikuran niya ako noong panahon na kailangan ko ng karamay," nag umpisa na naman tumulo ang luha sa mga mata ni Kisses. "Gusto niyang kunin ang anak ko," nabasag ang tinig niya. "Anong karapatan niya?" Hinayaan ni Aliyah na ilabas ni Kisses ang mga hinanakit niya. Wala siyang alam sa pinagdaanan ng dalawa kaya hindi siya makapagbigay ng komento dito. Naaawa lang siya sa bata dahil ito ang lubos na ma apektuhan kung uulit pa ang pangyayari na ito. "Hindi ako takot kahit pa makipagpatayan pa ako sa kanya para sa karapatan ko sa bata. Ang akin lang, ayaw kong ma trauma ang anak ko. Ayaw kong mangyari na habang lumalaki siya nakatatak sa isip niya ang makikita niya sa pagitan naming dalawa ng tatay niya, sa marinig niyang mga salita sa amin. Ayoko mangyari na may bitbiting ganoong trauma ang anak ko habang lumalaki siya." Pina inom niya ng tubig si Kisses. Hinayaan niya muna ang babae hanggang sa umaayos na ang pakiramdam nito. Kahit maraming katanungan si Aliyah nirerespeto niya parin ang privacy ni Kisses. Ngunit hindi matahimik ang isip niya dahil yung nakarelasyon ni Kisses, ang tatay ng anak niya, sa tingin ni Aliyah sampong taon ang agwat ng pagitan nilang dalawa ni Kisses. "Siguro, pumasok na sa isip mo bakit ako kinukutya at pinagti-chismisan ng mga tao," pagbasag ni Kisses sa katahimikan. "18 palang ako nang ma buntis ako at si Cedric naman 28." "Does it matter? Hindi naman basehan ang edad sa dalawang tao na nagmamahalan," wika ni Aliyah. "Alam ko. Pero hindi naman iyon ang dahilan. Ang babaw naman ng dahilan na iyon para magpaapekto ako." Nagsalubong ang kilay ni Aliyah, nagtataka. "Ha? E, ano?" Nakita ni Aliyah ang pagguhit ng sakit sa mata ni Kisses nang umiwas ito ng tingin sa kanya. "Ginawa niya akong kabet," pumiyok ang boses ni Kisses nang bitawan niya ang salitang iyon. May namumuong luha sa mata na tiningnan niyang muli si Aliyah. "Ginawa niya akong kabet kaya ganito ako tratuhin at kutyain ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko naman ginusto na maging kabet. Hindi ko alam na ang lalaking minahal ko ay pamilyado. Ginawa niya akong kerida kaya marumi ang tingin ng mga tao sa akin. Hindi lang ako ang kinukutya nila," umiiyak na usal niya. "Ang masakit pa no'n pati anak ko na walang kamuwang-muwang tinatawag nilang bunga ng pagkakamali." Naiiyak na niyakap ni Aliyah si Kisses. Ramdam ni Aliyah ang bigat at sakit sa dibdib ni babae sa mga hagulgol nito sa kaniyang bisig. "Kaya kong baliwalain ang mga masakit na sinasabi nila sa akin at pang insulto, pero iyong idamay nila ang anak ko," sunod-sunod ang pag iling ni Kisses. "Hindi ko iyon kaya. Kaya galit na galit ako kay Cedric kasi yung anak ko kawawa. Ni hindi siya nagpaliwanag sa akin bakit niya iyon ginawa sa akin. Bakit siya nakipagrelasyon sa akin gayong may anak at asawa siya. Nang malaman niya na buntis ako bigla niya akong iniwan at hinayaan na batuhin ako ng masakit na salita ng mga tao. Iniwan niya ako sa panahong kailangan ko siya. Kahit magpaliwag man lang sa magulang ko. Kahit man lang linisin ang pangalan ko hindi niya ginawa. Tapos ngayon babalik siya at sabihin sa akin na kukunin niya ang anak ko dahil wala akong sapat na pera para magsustento?" habol ang paghinga dahil sa pag-iyak, galit na pinahiran ni Kisses ang basang pisngi. "Anong karapatan niya." "Hindi niya iyon magagawa na basta nalang niya kunin ang anak mo," wika ni Aliyah. " Mahabang proseso ang gagawin sa gusto niyang mangyari." Nagpakawala ng isang mabigat na paghinga si Kisses. "Hinihiling ko lang na sana hindi na siya babalik dito na iyon parin ang pakay niya. Natatakot ako baka makagawa ako ng kasalanan, paano na ang anak ko kung makukulong ako? Ayoko siyang mapunta sa tatay niya." "Kpag wala kang kasama dito, welcome kayo ng anak mo doon sa bahay. Doon kayo ng anak mo hanggang sa may tao na dito na maari niyong makasama," pag alok ni Aliyah. "Kung gusto mo gawin kitang labandera at tagalinis sa bahay? Every week lang naman kung gusto-" "Syempre gusto ko," mabilis na sagot ni Kisses. "Sino ang tatanggi sa trabaho? Pera na iyon." Biglang lumiko ang kanilang usapan dahilan para makalimutan muna ni Kisses ang nangyari kanina at humupa ang samo't saring emosyon na kaniyang naramdaman. Ngayon alam na ni Aliyah bakit may ganitong pag-iisip si Kisses dahil hindi rin pala maayos ang nangyari sa kaniya. Habang nagkukwento si Kisses kanina sa ginawa ni Cedric sa kaniya, may isang tao na naalala si Aliyah. "Hay, buhay!" buntonghininga na usal ni Kisses matapos ang kasundaun nila ni Aliyah tungkol sa maging trabaho niya . "Alam mo ba kung ano ang ginawa ko matapos kong malaman na may asawa pala si Cedric? Nakipagkita ako sa asawa niya, sinabi ko lahat. Nagpasalamat lang talaga ko na hindi niya ako sinaktan no'n. Akala ko sasampalin niya ako, sabunutan, suntokin, ilampaso sa sahig. Pero wala. Wala akong natanggap kahit ano. Inunawa niya ako kahit nakikita kong subra siyang nasaktan sa nalaman niya. Kaya sabi ko, hindi ako manghihingi ng kahit ano kay Cedric. Wala kayong marirning sa akin at hindi madadamay ang isa sa inyo. Nagmaka awa ako sa pamilya ko na hayaan na lang si Cedric dahil gusto siyang ipakulong ni mama." "Ang tapang mo na harapin ang pagsubok na iyon. Saludo ako sa ginawa mong pagharap sa asawa niya at sabihin ang totoo. Saludo ako sayo na hindi mo hinayaan na may madamay kang tao kahit pa malaki ang ginawa niyang pinasala sayo." "Ayaw ko makasira ng pamilya, e. At saka, kahit wala akong alam na may asawa siya, mali parin iyon. Magdemand pa ba ako ng kahati sa anak ko kung kaya ko naman gawan ng paraan para punan lahat iyon?" hinaplos ni Kisses ang pisngi ng anak. Mahal na mahal niya ang anak niya at gaagwin niya ang lahat hindi lang nito maramdaman na kulang siya sa pagmamahal ng isang magulang. "Kaya ayaw ko sa kabet kahit miyembro na ako doon," natatawang usal niya. "Galit ako sa mga kabet na sila pa ang matapang kahit sila na iyong mali. Ang lalakas pa ng mga loob maghari-harian sa hindi nila asawa. Kaya ikaw, bago ka makipagrelasyon sa isang lalaki, kilalain mo muna ito ng mabuti. Siguraduhin mong wala siyang sabit para hindi ka matulad sa akin." Aliyah's eyes become deadly. "I hate mistress too."Naka awang ang labi, nahahabag na nakatingin si Kisses kay Aliyah kung paano siya pinahiya ni Nyxia sa maraming tao. Gusto niya itong lapitan at tulungan ngunit napako ang kanyang mga paa sa labis na pagkabigla ng makita ng dalawang mata niya kung anong kahihiyan ang sinapit ng kaibigan."Di ' ba siya rin ang babae na iyan na pinahiya doon sa labas ng simbahan noong linggo?""Oo siya yun. Nasaksihan ko kung paano siya ipagtanggol ni Dylan. Tahimik lang siya habang binabato siya ng mga masakit na salita.""Naku kawawa naman. Sa tingin ko hindi naman siya nagsisinungaling. Sa hitsura niya mukhang hindi naman siya ang tipo ng babae na papatol sa may asawa na. Ang ganda niyang bata.""Hindi talaga siya kabit ni Dylan. Wala silang relasyon dalawa. Kapitbahay ko iyan si Aliyah at minsan kong narinig ang kanilang usapan, anak-mayaman pala siya at mayroon na siyang kasintahan at ikakasal na sila. Kaya imposibleng maging kabit siya ni Dylan."Iyan ang mga salita na narinig ni Kisses. Bigla s
Hindi na umuwi si Dylan sa kanilang bahay kung hindi tungkol kay Cianne. Ayaw niyang makabitiw pa ng masakit na salita para kay Nyxia dahil may respeto parin siyang natitira para sa babae. Sadyang kailangan niya lang ipagtapat kay Nyxia ang lahat para malinis ang pangalan niya. Kahit kay Nyxia lang, iyon ang mahalaga kay Dylan. Ngunit wala na siyang plano na bigyan ng karapatan si Nyxia na mamahala sa tindahan. Ayaw na niyang bumalik sa lugmok. At pinag iipunan niya rin ang perang pinahiram ni Aliyah sa kanya kahit naka kolateral ang kanyang bahay sa babae. Galit na galit siya kay Nyxia sa ginawa nitong pananakit kay Aliyah. Kung hindi lang naki usap si Aliyah hindi niya iiwan ang dalaga na luhaan at umiinda ng sakit sa katawan na natamo. Ngunit hindi na hahayaan pa ni Dylan na mangyari ulit ang pananakit ni Nyxia kay Aliyah.Hindi matiis ni Dylan na hindi balikan si Aliyah. Nag alala siya ng subra sa babae gayong nakita niya na may sugat ito. Bumili muna siya ng mga gamot at makakai
Ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa ni Nyxia. Kahit anong pagsisi at paghinayang niya hindi na niya maibabalik pa sa dati ang lahat dahil sumuko na ng tuluyan si Dylan. Ang pagiging kasal lang nila ang pinanghahawakan niya ngayon at kahit ano pang gawin ni Dylan hinding-hindi niya iyon isusuko. Hindi parin siya bibitaw hanggat dito pa sa kanila umuuwi si Dylan dahil kahit saang anggulo tingnan kasal parin silang dalawa, mag-asawa parin sila.Bumalik ulit sa kanyang alaala ang mga panahon na lahat ng galit, sakit at pagkamuhi niya sa ama sa ginawa nitong pagtataksil at pagsinungaling. Wala siyang mapagsabihan ng mga panahon na iyon dahil kahit sa dalawa nitong kapatid alam niyang hindi siya pakikinggan. Umiwas siya sa lahat. Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino dahil natatakot siya na kapag may kausap siya mabunyag niya ang sekreto ng ama.Nagkamali lang siya sa parteng pati si Dylan nilayuan niya. Na pati sa kanyang asawa itinago niya ang nalalaman at hinayaan na sisihin ng lahat
Simula ng araw na iyon halos hindi na lumalabas sa bahay si Aliyah kung hindi naman kinakailangan. Siya na ang umiwas sa mga tao para hindi siya pagpiyestahan sa labas ng mga salita. Tumigil na rin siya sa pakikiusap kay Dylan na tumigil na ito sa kahibangan niya dahil bingi naman ang lalaki sa pakiusap niya.Patuloy parin ang magandang takbo ng maliit niyang negosyo at nadagdagan pa ng ibang klase ang paninda niya. Samantala, sa isang iglap naputol ang ugnayan niya sa nag-iisang kaibigan niya dito sa village. Naputol ang ugnayan niya sa buong pamilya ni Kisses. Hindi na pinakita pa ni Aliyah ang sarili sa pamilya ng dalaga kahit masakit iyon para sa kanya tinanggap na lang ni Aliyah ang katotohanang hanggang dito na lang ang relasyon niya sa pamilyang minsan ay minahal niya.Hindi na binabanggit ni Dylan ang salitang panliligaw. Pero sa ginagawa niya ay ganoon parin ang patutunguhan--nanliligaw parin siya. Walang umaga na hindi nakatatanggap ng bulaklak si Aliyah. Madalas rin niya it
Kahit anong pilit mong ibalik ang masayang nakaraan kung wala ng pagmamahal sa isa sa inyo wala parin patutunguhan.Kahit papaano nabutunan ng tinik ang puso ni Dylan matapos pakawalan ang matagal ng kinikimkim na hinanakit. Napagod na rin siyang magtago ng sekreto. Patay na rin ang matanda. Kahit isiwalat pa iyon ni Dylan wala na ring silbi. Alam niyang nasaktan niya si Nyxia sa kanyang mga sinabi ngunit mas mainam na iyon kaysa itago niya ang katotohanan.Tungkol sa tindahan, hindi na talaga hahayaan ni Dylan na maulit muli ang pang abuso na ginawa ni Nyxia sa pera. Hindi na niya hahayaan na gagamitin sa sugal ni Nyxia ang pinaghirapan niya. Sinadya niyang isekreto iyon dahil wala namang maitutulong si Nyxia kundi ang waldasin sa hindi makabuluhang bagay ang pera. Bago nagtungo sa kanyang tindahan, dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak na ibibigay niya kay Aliyah. Isang tangkay ng red roses. Wala siyang balak na humarap sa babae baka hindi na siya maka alis pa. Na
"Umuwi ka na sa inyo, kuya. Dalawang araw ka ng nandito," utos ni Lowela. "Magaling na ako. At saka uuwi na rin mamaya ang asawa ko.""Hintayin ko na lang ang pagdating ni Stevan at uuwi ako," pagmatigas ni Dylan sa utos ng kapatid. "Talaga bang iyon ang gusto mo o may iniiwasan ka?" nanunuri na tanong ni Lowela. Umayos siya ng upo at seryosong hinarap ang kuya niya. "May gusto ka bang i-share sa akin, kuya?"Isang maliit na ngiti ang ginawad ni Dylan at napabuntonghininga rin kalaunan nang kunutan siya ng noo ng kapatid niya. "Masama na ba akong tao, Lowela, kung may ibang babae ng tinitibok ang puso ko?"Umawang ang labi ni Lowela sa gulat. Ngunit naintindihan niya ang kuya niya kung may iba na itong nagustuhan lalo na sa sitwasyon na mayroon sila ni Nyxia. Pero kahit ganoon pa man hindi niya kayang i-tolerate ang kuya niya sa naramdaman nito. Hangga't maaari mapigilan niya ang kuya niya na makagawa ng kasalanan. "Oo, kuya, maging masama kang tao kung may minamahal kang iba gayong
Natinag si Aliyah ng may kumuha sa kanyang pinamili na nalaglag sa sahig. Nag aalangan na tinulungan niya ang lalaking may edad na ngunit hindi nito binitawan. "Sasakay ka ba ng tricycle, miss?" tanong nito kay Aliyah. Suno-sunod na tumango si Aliyah. "Tara."Muntik ng mawalan ng balanse si Aliyah dahil sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Ngayon niya lang naramdaman ang panghihina ng maka recover sa paghaharap nila ni Nyxia. Sumunod siya sa drayber na nakayuko ang ulo. Nagtitinginan kasi ang ibang mga tao doon at nagbubulungan. Mariing pinagsiklop si Aliyah ang kanyang palad ng maka upo sa loob ng trycicle dahil nanginginig din ito."S-sa phase 4, m-manong," nauutal sa sabi ni Aliyah. Gusto na niyang umuwi. Takot na siyang makarinig pa ng masakit na salita, nang hindi makatotohanan. Gusto na niyang lumayo sa mapanghusga na tingin ng mga tao sa kanya. Napapagod siyang magpaliwag dahil wala namang makinig at maniwala sa kanya."Saan dito banda ang inyo, miss?" "Doon po sa dulo banda.
"Nababaliw ka na nga talaga," Aliyah said with fear in her heart. Hindi na niya alam kung anong pakiusap ang sasabihin niya para lang magbago ang isip ni Dylan. Natatakot siya na makasira siya ng pamilya kung itutuloy ni Dylan ang sinabi niyang mag file ng annulment. Ayaw niyang mangyari na siya ag maging dahilan para mawalan ng buong pamilya ang isang walang kamuwang-muwang na bata."Hindi ako nababaliw, Aliyah. Sana nga noon ko pa ito ginawa," Dylan said. There was a finality in the voice. "Ngayon ko lang napagtanto na mas lalo lang namin pinapahirapan ang anak namin sa sitwasyon na pinagkasunduan namin dalawa. Ngayon, may dalawang dahilan na ako para ituloy iyon.""Pero hindi nga kita gusto," naubos ang pasensya na singhal i Aliyah."Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako," kinuha niya ulit ang bulaklak. Napakislot si Aliyah ng abutin ni Dylan ang kamay niya at inilagay roon ang bulaklak. "At habang pinoproseso ko ang annulment paper namin, liligawan kita. I will make you f
Natinag si Aliyah sa sunod-sunod na paglagabog ng gate. Hindi niya alam ang gagawin kung papasok ba siya sa loob ng bahay at mag lock o kung haharapin niya ang babae sa labas na gustong magwala. Sa huli pinili niya itong harapin baka magsilabasan ang mga kapitbahay kung patuloy na mag iskandalo ang babae.Ang babae ay galit na sinalubong siya ng tingin. Naka dress ito hanggang talampakan ang haba. Napako ang tingin ni Aliyah sa bandang tiyan ng babae ng maaninag ang maliit na umbok nito. Bigla siyang nabahala baka buntis ang babae at baka ma pa'no ito kung hindi siya huminahon. "M-miss, hindi ako kabet ng asawa mo," mahinahon na sabi ni Aliyah. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Baka nagkamali ka lang."Matulog na suminghap si Nyxia. "Talaga ba hindi ka kabet ng asawa ko? Miss, whatever your name is, nakita ng dalawa kong mata na lumabas dito ang asawa ko! I waited here for over 15 minutes to confirm it tapos itatanggi mo?"Doon lang sumagi sa isipan ni Aliyah kung sino ang tinutukoy n