Share

Chapter 6

Author: Diena
last update Last Updated: 2025-03-06 21:43:01

Bakit may mga taong magaling magsinungaling? Magaling magtago ng sekrito pero sa bandang huli sila pa ang magagalit at aaktong guilty sa kasalanang ginusto.

Hindi matahimik ang isip ni Aliyah sa nasaksihan at nalaman kay Kisses. Hindi siya mapakali. Kahit anong pagpakalma ang gawin niya umuusbong parin ang galit at inis sa loob niya. Something triggered her. Hindi niya alam paano pakalmahin ang sarili gayong paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang eksenang pilit niyang kinakalimutan.

Hindi siya makapagtrabaho ng maayos sa ganoong sitwasyon. Dumagdag pa ang panibagong email na natanggap niya ngayong gabi. Nagagalita siya, napapatanong bakit ayaw pa siyang tantanan ng taong iyon kahit nagpakalayo na siya.

MABILIS na bumaba ng kotse si Dylan pagkarating niya sa tapat ng bahay na inuupahan ni Aliyah nang matingalaan niya ang kwarto ng babae. Nataranta siya, natakot nang makitang nakabitay sa kisame ang kaniyang tenant. Umakyat siya sa bakod para makapasok sa loob ng bahay. Ngunit naka lock ang main door pati na rin mga bintana.

Sa takot ni Dylan na baka hindi na niya maabutang buhay si Aliyah, hindi siya nagdalawang isip na basagin ang jalousie window sa sala. Mabuti na lang walang bakal na nakaharang sa bintana hindi siya nahirapan paano pasukin ang bahay.

Humahangos, malaki ang hakbang na inakyat ni Dylan ang baitang ng hagdan kung saan ang kwarto ni Aliyah. Tagaktak ang pawis niya dala ng takot at pangamba sa kaniyang madatnan roon. Nang makarating, binuksan niya kaagad ang pinto ng kwarto. Nanlambot ang tuhod niya sa nasaksihan. Muntik na siyang mawalan ng balanse ng makaramdam ng kaginhawaan. Ngunit kabaliktaran iyon sa reaskyon ni Aliyah.

Muntik ng himatayin sa takot si Aliyah sa pag aakalang may nakapasok na magnanakaw sa kwarto niya. Nasa loob siya ng banyo, naliligo nang may narinig siyang nabasag sa ibaba. Nagmadali siyang tinapos ang ginagawa at lumabas ng banyo pagkatapos nitong magbihis doon ngunit siya ring pagbukas ng pinto sa kanyang kwarto.

HIndi niya alam kung ano ang maramdaman, kung magpasalamat ba siyang si Dylan ang tao na iyon at hindi magnanakaw o magagalit dahil sa kawalan ng privacy ni Dylan sa bahay na tinutuluyan niya. She was about to shout Dylan nang bigla nalang bumagsak ang lalaki sa sahig.

Nagtataka, nag alala na lumapit si Aliyah sa lalaki para sana ito ay kausapin at tanungin ng magsalita ito na ipinagtaka ni Aliyah.

"Alam mo ba kung gaano ang takot at kaba ang naramdaman ko sa pisting hotdog pillow na nakasabit dyan sa kisame mo?!" galit na wika ni Dylan habang tinuturo pa ang unan na nakalambitin.

Lalong nagtaka si Aliyah ng makitang galit si Dylan. "Bakit? Anong kinalaman ng unan na 'yan sayo? Hindi ka naman niyan inaano?" Inis na usal ni Aliyah na magkasalubong pa ang kilay.

Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki nang tumayo ito mula sa pagkalupagi sa sahig. Binundol ng kaba ang puso ni Aliyah nang biglang hablutin ni Dylan ang kaniyang pulso at hinila palabas ng kwarto. "Halika, nang malaman mo kung bakit," aniya hawak parin ang kamay ni Aliyah na bumaba.

Naiinis man ngunit hindi nakapagsalita si Aliyah na sumunod sa lalaki. Binitawan siya ni Dylan nang makalabas sila sa gate. Nagtataka parin si Aliyah bakit siya hinila rito palabas ni Dylan. At nagtataka rin siya bakit nagpunta ang lalaki dito ng ganitong oras na kalalim ang gabi.

Napasinghap si Aliyah ng hawakan siya si Dylan sa magkabilang balikat at pinaharap sa bahay. "Tumingin ka sa kwarto mo. Sino ang hindi matatakot kung ganyan ang makikita ko?" wika ni Dylan.

Aliyah apologicly looked back to Dylan. "Hindi ko intensyo na manakot. Hindi ko alam na ganito pala ang maging dating tingnan sa labas," aniya tukoy ang hotog pillow na parang tao na nakabitay sa kisame. Nagsara kasi siya ng bintana dahil malakas ang hangin kanina lumilipad ang kurtina na nakaharang doon. "I did that to calm my self. Ginawa ko munang punching bag."

"Akala ko sinapian ka na ng ligaw na multo that is why you did that thing..."

Matunog na napa tsk si Aliyah at humakbang pabalik sa bahay. "Hindi sira ang utak ko para gawin ang makasanang bagay na yun," sagot niya ng matumbok ang ibig sabihin ni Dylan. "Wala akong danyos na babayaran, ha, tutal ikaw naman ang sumira niyan," tukoy niya sa basag na bintana.

"I'm sorry for the mess I caused. Hindi ko sinasadyang mag over react sa nakita ko," senserong wika ni Dylan.

"It's okay.May mali rin ako," kinuha niya ang walis at dust pan. "Something happened earlier na nagpa trigger sa akin. I don't know what to do para mawala iyon kaya ginawa kong punching bag yung unan to calm my mind," paliwang ni Aliyah habang winawalis ang basag na salamin. "Ikaw, bakit napadaan ka dito ng ganitong oras?"

Kinuha ni Dylan ang basurahan para paglagyan ng basag ng salamin. "Makiusap sana ako na kung pwede makitulog dito ngayong gabi."

Aliyah frowned. "Why? Do you have a house. May asawa ka na naghihintay sa pag uwi mo. Bakit ka makikitulog dito gayong aware ka na may nangungupahan na rito?" prangkang sabi ni Aliyah.

"Nag away kami. Gusto ko lang ipagpahinga ang utak ko," mahinang usal ni Dylan at nag iwas ng tingin.

"At dito mo naisipan matulog sa bahay na tinitirhan ko? Baka lalo kayong mag away ng asawa mo kapag nalaman niya ito. Iisipin pa no'n kabet mo 'ko," natatawang wika ni Aliyah.

"Sorry, hindi ko inisip ang maging reaksyon mo," nahihiya na usal ni Dylan. "Hindi ko inisip na posibleng iyon nga ang iisipin ng asawa ko," pait niyang dugtong. "Ipapaayos ko lang ito bukas. Humihingi na kaagad ako ng pasensya kung bukas babalik na naman ako dito," paghingi niya ng despensa bago nagpaalam kay Aliyah na uuwi na siya.

Buntonghininga na sinundan ni Aliyah ng tingin ang lalaki. Ngunit gusto niyang malaman kung bakit dito naisipan ni Dylan na pumunta pagkatapos ang away nilang mag-asawa. "Pwede ko bang malaman kung bakit dito mo naisipan na makitulog?"

Huminto sa paghakbang si Dylan at muling hinarap si Aliyah. "Kung sasabihin ko ba magbabago ang isip mo?"

"H'wag na lang. Hindi naman ako mamamatay sa curiosity," aniya at tinapos ang ginagawa.

Natawa si Dylan. Ang amo ng mukha ni Aliyah, na para bang hindi ito alam paano magalit, na kung titingnan mo siya subrang fragile niya, subrang bait sa napaka amo nitong mukha. Ngunit sa ilang beses na niyang nakaharap ang babae, nakikita niya ang tapang na nakatago sa loob ng kaniyang mapanlinlang na mukha.

"Mala anghel ang kagandahan mo pero saksakan ka naman ng sungit at sadista," natatawang usal ni Dylan habang nakasunod ang tingin sa bawat galaw ni Aliyah.

"Looks can be desiving."

Napahalakhak si Dylan sa sagot ni Aliyah. "Sabi na, e, tama ang hinala ko na wanted ka."

Nagtimpla ng kape si Aliyah para sa kanilang dalawa ni Dylan. Bukod sa hindi siya makatulog she feel comfortabe to took with Dylan. "So, bakit nga?" aniya nang maiabot niya ang mug sa lalaki.

Pareho silang nakatayo sa gilid ng pintuan, nakaharap sila pareho sa labas ng bahay.

"Nakasanayan lang," maikling sagot ni Dylan.

"Bakit pinili mong umalis imbis na mag usap kayong dalawa after the agrument? Paano iyon maaayos kung isa sa inyo aalis at hayaan na lang na magtapos ang gabi na may galit at hinanakit?" she asked.

He tooked a deep breath. "Hindi naman na maaayos pa kaya it's better to leave than to stay and talk but ended up throwing a bad and hurtfull words to each other."

Palaging ganyan si Nyxia lalo na kapag talo ito sa casino. Kaya pinipili na lang ni Dylan ang umalis dahil ayaw niyang marinig ng anak nila ang kanilang pinag aawayan. Ayaw niyang makita ng anak nila na nag aaway silang dalawa ni Nyxia. Matalino ang anak niya. Madali iyon maka intindi kaya hanggat maaari si Dylan na lang ang gagawa ng paraan para matapos ang nasimulang pagtatalo.

Aliyah cleared her throat. "Mukhang malalim ang pinag aawayan niyong mag asawa. Do not share na lang. Tsismosa pa naman ako baka maikuwento ko pa sa iba," napasilip siya kay Dylan ang marinig ang mahinang tawa ng lalaki. Problemado nga ito at halatang pagod. Ngayon lang napansin ni Aliayah na naka work suit pa ang lalaki.

"Ang bahay na ito ang takbuhan ko," dama ang lungkot sa boses ni Dylan. "Dito ako nagpapalipas ng oras, araw o linggo sa tuwing nag aaway kami ni Nyxia. Ayaw ko naman ipilit ang sarili ko doon sa bahay namin lalo na't ayaw niya akong makita at makasama."

"Bakit?" curious na tanong nii Aliyah.

"Dahil galit siya. Para humupa ang galit niya aalis ako. Hindi ako magpapakita hanggat hindi niya sinasabing pwede na ako bumalik sa bahay."

"Ang tindi naman magalit ng asawa mo. Buti natiis mo. Buti hindi ka sumuko?"

"For our child," mariing napalunok na usal ni Dylan.

Sanay na siya sa ganitong set up sa tuwing mag aaway sila si Nyxia, pero hindi parin siya nasasanay sa katotohanang damay sa sitwasyong ito ang anak nila. Alam naman niya na hindi pabayang ina si Nyxia. Na kahit ganito ang sitwasyon nilang mag asawa never dinamay ni Nyxia ang anak nila sa agrumentong mayroon sila ni Dylan.

Natatakot lang siya sa pagdating ng panahon na malaman ng anak nila ang buong katotohanan. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga posibling maging tanong ng anak niya. At hindi siya sigurado kung makayanan niya bang tanggapin ang maging resulta niyon.

"Maaayos niyo parin iyan. Normal lang naman sa mag asawa ang nag aaway . At saka may anak kayo. Gawin niyong rason iyon para tumibay ang relayon n'yong mag asawa."

Nangunot ang noo ni Aliyah ng makita ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Dylan ngunit ngiti ng pagkadismaya.

"I have a question. Kapag ang isang bagay ay nabasag o nasira kaya mo pa bang ibalik iyon sa dati nitong anyo?" seryosong tanong ni Dylan at sumimsim ng kape nito sa baso.

"Yea, but it depends on what the damages are caused by that thing. Maibabalik parin iyon pero hindi na maging katulad sa orihinal nitong anyo. Maaayos mo iyon ngunit makikita mo ang bakas ng sira nito."

"That's my point."

"But, I don't get it your point."

Tumingin si Dylan kay Aliyah na may nakalulukong ngiti sa labi. "Ni literal mo naman ang 'maganda ka nga wala ka namang talino'."

Aliyah rolled her eyes. "Hindi sakop ng talino ko ang punto ng pag aaway niyo ng asawa mo. Malay ko ba kung ano ang puno't dulo."

Hindi umimik si Aliyah ng wala siyang nakuha na sagot mula kay Dylan. Alam niyang may mas malalim pa na dahilan ang away ng mag asawa kaya ganoon na lang ang mga salitang binitawan ni Dylan ngunit ayaw na niyang mangialam pa, ayaw niyang magtanong dahil kaya naman nilang solusyonan iyon. Pakikinig lang ang tanging paraan na kayang ibigay ni Aliyah.

Naubos na ang kape ni Dylan. Hindi niya namalayan ang oras madaling araw na pala. Panigurado tulog na ang asawa niya pwede na siyang umuwi sa kanilang bahay. Marami pa sana siyang asikasuhin kanina pero hindi niya nagawa dahil nag away sila ni Nyxia.

Paulit-ulit na lang ang dahilan ng pinag aawayan nila at iyon ay ang pagka-casino ni Nyxia. Wala naman sana problema iyon kay Dylan kung marunong lang mag control si Nyxia sa pagsusugal niya. Ang ikinagagalit ni Dylan, pati ang kita ng kanilang tindahan kinukuha ni Nyxia para isugal.

'May karapatan ako na kumuha sa kita ng tindahan dahil may ambang rin ako dito! Mas malaki ang ambang ko sa tindahang ito kaysa sayo!'

'Alam ko iyon, Nyxia. Paulit-ulit ko na iyan naririnig sayo! Ang akin lang naman magbigay ka rin ng konsidirasyon! Paano ko maiahon ang tindahan kung kinukuha mo ang kakarampot na kita doon! '

'Huwag mo akong sisihin, Dylan, baka isampal ko sayo ang lahat ng kapalpakan mo bakit nalugi ang tindahang pinaghirapan ko.'

He has a lot to say but he always keep it in his mind. Kasi kahit ano pa ang paliwang ang gagawin niya in the end, siya parin ang mali, siya parin ang may kasalanan. Kaya ang paglayo pansamantala ang kaniyang ginagawa sa tuwing mag aaway sila ni Nyxia at hihintayin na kumalma muna ang asawa bago siya muling magpapakita.

Nilingon niya si Aliyah. "Ikaw, bakit na umalis sa inyo at napadpad dito?"

"It's a long story. Madaling araw na. Hindi iyon matatapos kung ikuwento ko pa," sagot nito at kinuha ang mug na hawak ni Dylan at nagtungo sa kusina para ilagay sa lababo ang baso. "Fell free to use that room," aniya tukoy sa nag iisang kwarto dito sa ibabang bahagi ng bahay.

Bago umakyat sa taas, huminto si Aliyah sa unang baitang ng hagdan. "Ako na ang bahala magpaliwag kung akusahan man ako ng asawa mo. Hindi naman kita type para pag intirisan ko. Pwera na lang kung ginto ang dugong dumadaloy sayo, pwede kong gripuhan ang tagiliran mo habang tulog ka."

A small smile appered to his lips. "Thank you for letting me in."

A mix emotion flashes on Dylan's eyes. Ngunit nangingibabaw ang lungkot na sumisigaw sa kanyang mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Thy Mistake   Chapter 51

    Naguguluhan si Dylan paano ipaintindi sa bata ang lahat na siya lang ang kakausap dito. Baka kasi isipin ni Cianne na sinisiraan niya si Nyxia kung magsasalita si Dylan. Kaya ang gustong mangyari ni Dylan na kasama niya si Nyxia na ipaliwanag sa bata ang katotohanan para hindi sa kanya mapunta ang lahat ng sisi at galit.Humihikab si Cianne ng silipin ni Dylan ang silid ni Nyxia. Pasado alas-nuwebe na ng gabi at inaantok na si Cianne ngunit nilalaban niya ito para lang mabantayan ang nanay niya. Naawa si Dylan sa bata at gusto niyang pumasok para siya naman ang magbatay para makatulog si Cianne ngunit baka bulyawan lang siya. Nakatayo lang siya sa tapat ng pintuan at hinihintay na makatulog si Cianne saka siya papasok.Tinawagan niya via vedio call si Aliyah. Mga ganitong oras kasi nakahiga na silang tatlo at sabay na pinapatulog ang kanilang anak. "Kakatulog niya lang," sabi ni Aliyah sa mahinang boses tukoy sa kanilang anak. "Umiyak siya saglit hinahanap ka," natatawang dugtong niy

  • Love Thy Mistake   Chapter 50

    "Nyxia is sick."Bungad ni Dylan kay Aliyah ng maka uwi siya. He looked stress and worried. Kaagad namang inabutan ni Aliyah ng isang basong tubig ang lalaki. Hindi niya kaagad naintindihan ang sinabi ni Dylan dahil kagigising niya lang. Sa kanyang pagod hindi niya namalayan na madilim na ang labas sa sarap ng tulog nilang mag-ina."Sick? What do you mean?" nalilitong tanong niya at kaagad na nag asikaso ng lulutoin para sa kanilang hapunan."Cancer... stage 4 ovarian cancer," napahilamos na usal niya.Natigilan si Aliyah. Huminto siya sa ginagawa at hinarap si Dylan. "Ano? Totoo ba iyang sinasabi mo?" He nodded. "Kaya ngayon lang ako naka uwi dahil dinala ko siya sa hospital."Malakas na napasinghap si Aliyah sa narinig. Kahit hindi maganda ang naging karanasan niya sa kamay ni Nyxia ngunit naawa siya sa babae. Kahit gaano pa kasama si Nyxia sa kanya ni minsan hindi sumagi sa isip niya na karmahin ang babae. Tapos ito ang malalaman niya, may malubhang sakit si Nyxia."Tinago niya an

  • Love Thy Mistake   Chapter 49

    “Nyxia, hanggang kailan mo ba kami perwesyuhin?!” iritableng singhal ni Joli. “Halos kada linggo ka na lang pabalik-balik sa hospital. Hindi ka naman nagbabayad ng tao para magbantay sayo!”“Kami pa ba ang mag problema sa kaiisip ng pagbabantay sayo?!” segunda ni Patrice. “May buhay rin kami. Hindi lang sayo umiikot ang araw namin para bantayan at asikasuhin ka dito.”Nyxia close her eyes pretending not to hear what her sister's say's. Pagod na rin siya sa pabalik-balik sa hospital. Ngunit anong magagawa niya gayong ito ang kalagayang kinakaharap niya?“Mabuti sana kung ilang buwan lang na ganito,” buntonghininga na reklamo ni Joli. “Nyxia, dalawang taon ka ng pabalik-balik sa hospital! Kulang na lang gawin mo na itong bahay!” padabog na tumayo ang ate niya at napailing na lumabas ng bahay. Perwesyo ang tingin nila kay Nyxia ng malaman ang tunay na kalagayan nito. “Pasensiya ka na, Nyxia, pero huling tulong ko na ito sayo. Ayoko maging isang katulong mo,” aniya at pinasadahan ng tin

  • Love Thy Mistake   Chapter 48

    Bagong bahay, bagong buhay.Ang mga plano nilang gawin sa bago nilang bahay ay unti-unting nagagawa. May garden na sila sa likod ng bahay. Mga iba't ibang gulay at may prutas din. Sa harap naman pina landscape lang nila ayon sa design na gusto ni Aliyah.Sa kabilang bahagi ng bakuran ginawa niya iyon na mini playground habang sa kabila naman ay doon ang kubo na maari niyang paglagyan ng paninda at tambayan ng mga taong bibili.Kaya lang hindi na pumupunta si Cianne sa bahay nila. Kapag tinanong niya si Dylan ang rason ng bata pagod siya sa school. Kahit weekend hindi na siya nagpapakita kay Dylan. Nalungkot si Aliyah ng malaman iyon. Sinisisi niya ang sarili niya. Hindi lang siya nagbibigay ng senyales kay Dylan."Intindihin mo na lang ang bata. Huwag mong pilitin. Huwag mong pwersahin na magpakita siya sayo. Maging malumanay ka lang sa kanya. Hindi ibig sabihin no'n balewalain mo na ang nararamdaman niya," aniya. "Kapag nabigyan kayo ng pagkakataon na magkita, kamustahin mo siya. Not

  • Love Thy Mistake   Chapter 47

    She don't have a plan to quit.Nang magdesisyon siyang tanggapin si Dylan sa buhay niya wala na siyang plano na kumawala unless si Dylan ang unang sumuko sa kanilang dalawa.Ngunit sa kanyang nakikita, lalo pang pinaramdam ni Dylan kung gaano niya ka mahal si Aliyah. Kaya iwinaksi lahat ni Aliyah ang agam-agam sa isipan at ang mga negatibong bagay na makasasakit sa kanyang damdamin. Una pa lang alam na niyang may mga bagay siyang hindi makukuha at mararanasan kapag naging silang dalawa ni Dylan.Naging magaan ang takbo ng kanilang relasyon. Maayos ang kanilang pagsasama at sumakses pa ang negosyong sinimulan kasama si Dylan. Hindi naging madali ang lahat lalo na't biglaan lang ang kanilang pagsasama ngunit kahit papaano sa tulong ng bawat isa naging magaan ang lahat at nakilala pa ng lubusan bawat isa."Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Aliyah at nagmadali na sumakay sa mini van ni Dylan."Sa subrang busy mo nakaligtaan mong anniversary natin ngayon," aniya at sumulyap kay Aliyah."Shi

  • Love Thy Mistake   Chater 46

    Dylan savor every inch of Aliyah's lips. Lalo siyang nanggigigil sa tuwing kumakawala ang munting ungol ng babae. "Uhh," Dylan moan softly when Aliyah press her body against him--wanting more. Marahan siyang humakbang papunta sa bakanteng silid hindi pinutol ang halik. Baka kapag pinutol niya hindi na ulit mangyayari. Kaagad na lumakbay ang palad niya sa likod ni Aliyah ng isara niya ang pinto. Napaliyad si Aliyah sa init ng palad ni Dylan na marahang humahaplos at pumipisil sa likod niya paakyat-pababa sa mahinang retmo. Napatingala siya dahilan para mabigyan ng daan niya ng daan ang labi ni Dylan na bumaba sa kanyang leeg."Ahh, Dylan!" she moan softly nang pasadahan ni Dylan ng kanyang dila ang leeg nito. Ang kamay ni Aliyah ay hindi mapirmi. HIndi alam kung saan kakapit dahil sa init na nararamdaman. Napasinghap siya ng bumaba ang labi ni Dylan sa itaas ng kanyang dibdib at marahan iyong sinipsip. Kumawala ang halinghing sa kanyang labi ng maramdaman ang mainit na dila ni Dyla

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status