Hindi makapaniwala si Amber. Pakiramdam niya’y kinasusuklaman siya ng mundo. Bumilis ang tibok ng puso sa bawat naiisipan niyang posibilidad na mangyari. Wala na, tapos na, paulit-ulit na isip niya, ang kanyang isip ay kontrolado na ng pagkataranta. Ganito ba talaga ang magiging katapusan ko?Pero hindi puwede, alam niyang hindi pa sapat ang naging buhay niya. Hindi pa. Hindi pa nga siya nagkakaroon ng pagkakataon na makuha ang sa kanya. Hindi pa. ang mana ay dumudulas pa rin sa kanyang mga daliri at si West… hindi pa rin napapasakanya si West. Hindi pa niya nakukuha ang lahat.Hindi. Hindi niya hahayaang makuha sa kanya ang lahat. Hindi sa ganitong paraan.“Mikael?” Isang boses ang namayagpag sa kalagitnaan ng kanyang pag-aalala, sa sobrang pamilyar halos huminto sa pagtibok ang puso niya. Pero hindi na tuwid ang isipan niya para makaisip nang ano pa man.“KUYA? KUNIN MO NA ANG PERA AT KATAWAN KO, HUWAG LANG ANG BUHAY KO!” Hagulhol niya. Pero huli na nang mapagtanto niya ang sinabi a
Kinekuwestiyon man ng lahat ang kanyang kakayahan sa pag-arte, hindi ito pinansin ni Amber. Ang patuloy na bulong ng pagdududa ay hindi nakarating sa kanya, lalo na at nakatayo siyang naghahanda ng kanyang susunod na eksena. Umalingawngaw ang boses ng direktor sa hangin habang pinapaliwanag ang intensyon ng eksena, pero hindi gaanong nakinig si Amber. Pumwesto siya sa kanyang posisyon, at hindi alintana ang maingay na bulungan.“Action!” Narinig sa buong studio ang boses ng direktor at sa kanya nakatutok na ang kamera. Hinanda niya ang sarili, at nagfocus sa emosyong kailangan niyang ipakita.Tumakbo siya sa sulok ng silid, ang kanyang bawat hakbang ay mabigat dahil sa sentimento ng eksena. Nang maabot niya ang pinto, ay bigla siyang nag-alinlangan. Nawindang siya sa kanyang nasaksihan, nangatog ang kanyang nang mapagtanto na ang katawan sa harap niya’y wala nang buhay na nakahilata sa sahig. Nabalot siya ng takot. Nanginig ang kanyang paghinga. Ang paghihirap ay namuo sa kanyang dibd
Umupo si Blake sa upuan sa tabi ni Amber, ang kanyang katahimikan ay mabigat na nakabitin sa hangin. Binangga niya ang kanyang baso sa baso ni Amber, sinusubukang wasakin ang tensyon. "Galit ka ba?"Hindi pa rin tumititig si Amber sa kanya, nakatutok ang tingin nito sa unahan, tila nasa ibang lugar ang isip. "Hindi."Napataas si Blake ng kanyang kilay, halatang may pagdududa. "Ano'ng iniisip mo? Mukha kang seryoso.""Iniisip ko yung sipa ni West kanina. Ang astig."Ngumisi si Blake. "Baliw.”"Sa tingin mo ba gusto niya ako?" Mahina ang boses ni Amber, pero halata ang pag-asang nakakapit sa tanong nito.Nag-atubili si Blake, hinahanap ang tamang sasabihin. Nanlambot naman ang mata niya. "Tara sa deck." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Amber, hinila niya ito palabas.Nakanganga si Amber, litong-lito. "Bakit sa deck? Ang lamig.""Para matuyo ang basa sa utak mo!" Ngumiti si Blake nang pilyo.Huminga si Amber ng mahina, pero sumunod pa rin, ang isip niya’y umiikot pa rin kay West.Pu
Nanatiling blangko ang mukha ni Amber habang ang mga boses sa paligid niya ay unti-unting lumalakas, ang kanilang mga salita’y nag-uumapaw ng malisya at panghuhusga.“At ano namang maganda d’yan?” tanong ng isa. “Tingnan mo si Mr. Kingsley, tingnan mo kung paano niya titigan si West. Patuloy na lumalawak ang impluwensiya ng Kingsley, at ang Harrington? Sa oras na mamatay ang Daddy ni Amber, guguho lahat ng pinaghirapan nila. Obvious naman kung sino ang mas malakas na manok.”“Si Eva, isa siyang kilalang dalaga sa circle. Mas madali siyang pakisamahan kumpara kay Amber.”Isa pang boses ang nakisali, malamig at tila may nakatanim na galit. “Hindi nag-iingat si Amber. Ang kanyang ex ang dahilan kung bakit nasa ganyang kalagayan ngayon ang kanyang ama, at mabilis siyang nakahanap ng bago.”Pakiramdam ni Amber ay hinati siya ng mga salitang iyon, pero hindi siya nagreact. Hindi siya katulad nila. Hindi siya bababa sa lebel nila. Pero kaya niyang pagsisihan nila ang pagmamaliit sa kanya.Dah
Tumingin siya sa kanyang gilid. Si West ay nasa katawid lang ng silid, mahinang iniikot ang kanyang wine. Ang kanyang mga mata'y nakalock sa brasong nakapulupot sa balikat niya.Uh-oh.Si Mikael na nakaramdam sa bigat ng hanging ay agad na tinanggal ang pagkakaakbay kay Amber."Nabalitaan ko nga palang ang love life daw ni Princess Harrington ay mukhang magulo nitong mga nakaraang araw," kabado nitong biro. "Bilang pasasalamat, bakit hindi ko muna sa'yo ang suite ko sa Sapphire Gardens?"Biglang nanigas ang ngiti ni Amber. Teritoryo iyon ni West.Noon, marahil ay tinanggap na niya iyon nang walang pag-aalinlangan pero ngayon? Ang kakaunting alaala lang tungkol Kay West ay gusto na niyang masuka."No need. Nabubulok ang mga lalaki, pero ang career hindi. Kaya paano kung kausapin mo ang Dad mo para sa bago nitong product endorser, hmm?"Napakurap si Mikael, at mabilis na tumango. "Got it. I'll mention it.""Andito si Eva, hindi ba?" Dagdag ni Amber, habang kaswal na s********p ng kanyan
“Amber…”“Mr. Lancaster–“Sabay na napatawag si Blake at Harvey, ang kanilang mga boses ay balot ng tensyon.Crash!Ang pinto ng van ay bumuka pabukas. Isang malaking lalaki ang lumabas, hawak ang isang tubo sa kanyang kamay. Sumipol pa ito, ang tono’y bastos, at ang mga mata’y nakatingin kay Amber.“Well, well,” ngisi nito. “May nagbayayad sa akin para balaan kayong dalawa. Naihatid ko na ang mensahe, kaya tapos na ngayon ang trabaho ko dito.”Umikot muna ang tingin niya sa mukha ni Amber bago bahagyang tumalungko, at tumawa nang malakas.“Tsk. Kaya pala sinabi nila na kapag pumailalim ka lang sa kanya at magmakaawa eh masosolusyunan na ang lahat. Kahit na may kaya si Atty. Lancaster, isa pa lamang siyang sisiw sa industriya. Ang Milchester ay hindi pa kanya. Kaya alamin mo kung sino ang gagalitin mo at hindi mo papakialamanNapakunot ang noo ni Amber sa mga salita nito, pero bago pa siya makagalaw, isang kamay ang tila pumigil sa kanya sa paghawak nito sa kanyang baywang. Humakbang
Ang matandang ninuno ng pamilya Harrington ay isang makaluma at matigas na patriyarka. Noon, nang gustong hiwalayan ng ama ni Amber ang una nitong asawa, mariin itong tinutulan ng matanda. Ang rason? Ayaw niyang maputol ang dugo ng pamilya Harrington.Ngunit hindi laging nasusunod ang gusto ng tao.Nang pakasalan ni Abel si Mildred at ipanganak si Amber, nagngitngit sa galit ang matandang babae. Para sa kanya, si Amber ay isang kahihiyan, isang batang bunga ng eskandalo, at isa pang “perwisyo sa pera.”Habang bumubuhos ang ambon, tinapik ni Amber ang mga patak ng ulan sa pisngi niya. Mabuti na lang at hindi siya nag-makeup ngayon at sunscreen lang ang ipinahid niya bago lumabas.Inalog niya ang mga daliri para maalis ang tubig. “Ano bang nangyari at galit na galit si Lola?” mahinahon niyang tanong.Napalingon ang matandang babae, waring inaasahang kokontra siya. Pero ang inabutan niya'y si Amber na payapa lang ang boses.“Ikaw…” simula ng matanda, may panghuhusga ang tono. Pero hindi
“Hindi ka kumain?”Napatingala si West mula sa paghihiwa ng gulay nang marinig ang boses ni Amber. Nakatayo ito sa pintuan ng kusina, nakasuot ng itim na satin na pajama. Mas mahaba ang pantalon kaysa sa dapat, kaya’t bahagya niya itong iginulong paitaas. Basa pa ang dulo ng buhok nito, at may ngiting may halong antok at kapilyahan sa labi.“Kabaitan,” sagot ni Amber, parang iyon lang ang kailangan niyang ipaliwanag.Hindi sumagot si West. Tiningnan lang siya ito ng walang emosyon.Umismid si Amber at umupo sa silyang malapit sa pintuan, nakayapak, nakatukod ang siko sa lamesa.“Mas okay pa na magpa-deliver. Nakakatamad magluto.”Sa loob-loob ni West, Ayan na nga. Tipikal na Amber Harrington—walang pakialam sa hirap ng tunay na buhay.Tiningnan siya ni Amber, pilit sinusundan ang galaw nito habang nagluluto.“Bakit ba palagi mo akong binabalewala?” tanong niya, medyo may tampo sa tono. Nakabaluktot ang tuhod, ang baba'y nakaangkla sa braso.Ang suot ni West ay isang puting polo at iti
“Sino?”“Si West. Ikaw.”Sa pintuan ng pribadong silid sa ika-18 palapag, tinawag ni Chito ang mga pulis palayo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto, nakaakbay sa sarili, waring walang pakialam. Pero sa kabila ng kanyang tila tamad na postura, mababanaag sa kanyang mga mata ang tuwang hindi maitago, lalo na’t nakatutok iyon kay Amber.“Ang asong humahalik sa kapwa aso... sa huli, wala ring napapala. Hindi ba, Ms. Harrington?”Isang ngiting walang pakundangan ang gumuhit sa kanyang labi. At iyon ang naging hudyat ng pagsiklab ng galit ni Amber.Ni-report niya ako? Para sa prostitusyon? Talaga? Dismayadong isip ni Amber.Ang ganitong klaseng tao, kahit pa pumalpak ang transaksyon, may konting respeto pa rin dapat. Pero kung madadampot siya ng pulis, siguradong bukas ay headline siya ng lahat ng tabloid. "Harrington heiress, huli sa kasong prostitusyon."Parang kinuryente ang katawan ni Amber sa inis. Dinampot niya ang handbag at padabog na naglakad palabas. Walang kahirap-hirap na tumabi