Chapter 2
“Ate, nandyan ka na pala!” Salubong sa kaniya ng nakababatang kapatid na si Miguel. Kinse anyos lang si Miguel at dalawa lamang sila ang magkapatid. Hindi na sila pinalad na magkaroon pa ng ibang kapatid. Ang dahilan ng kanilang mga magulang ay sapat na silang dalawa ni Miguel. Marami ang nagsasabi na mukhang kambal silang dalawa dahil para silang mga ipinagbiyak na bunga.“Binata na talaga ang kapatid ko siguro may nililigawan ka na ano?” Tudyo ni Monica sa kapatid at hindi naman nakatakas sa paningin niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Napangisi siya at kinurot ito sa pisngi.“Wala pa iyan sa isip ko ate, baka makurot pa ako sa singit ni mama kapag nanligaw na ako.” Hindi mapigilan matawa ni Monica sa sinabi ng kapatid at ginulo ang buhok nito.“Ma, wala pa po si papa? Gabi na ah.” Lumapit siya rito at nagmano sa kanyang ina matapos nito magpunas ng mga kamay sa bestida.“Nasa talyer pa ang papa ninyo anak at inaayos ang jeep. Nasiraan kasi siya kanina habang nagbabyahe, mamaya darating na din iyon. Sasabay ng hapunan iyon sa atin, Huwag ka na mag-alala.” Sagot ng ina nila na kasalukuyang naghahain ng hapunan sa lamesa.Simple lang ang buhay ng pamilya Azucena. Hindi sila mayaman pero hindi rin naman naghihirap. Jeepney driver ang amang si Edmond habang housewife naman ang inang si Chesca. Mayroon silang maliit na karenderya na pinagkakakitaan ng kanilang ina.Sa pagiging Jeepney driver sila binuhay ng kanilang ama, at nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil doon. Samantala, nasa Junior high naman ang kapatid na si Miguel. Sa awa ng Diyos, dahil sa kasipagan at pagiging madiskarte ng kanilang ama ay nakapagpatayo sila ng sariling talyer. Maliit lamang na talyer ngunit malaking extra income na rin para sa kanila.Bata pa lamang siya noong itinayo ang sariling talyer nila. Halos naging playground na rin niya ang nasabing talyer. Sa tuwing sumasama siya sa kaniyang ama upang mamasada ng jeep at pumunta ng talyer ay walang araw na hindi siya napapagalitan ng ina dahil ang mga suot na damit ni Monica ay puno ng grasa. Natatawa na lang siya sa tuwing naaalala ang kabataan niya.I am so very lucky having them and I really love them so much. I have nothing more to ask for and I will never ever allow my family to suffer and I will do everything just for them.Monica can’t help but silently muttered those words every time she’s with her loving family.“Aba, narito na pala ang aking napakagandang anak.” Napalingon sila sa bungad ng pintuan na bumukas iyon at iniluwa ang kanilang ama habang malawak itong nakangiti at nakatunghay sa kanila.Kapansin pansin ang maruming damit ng kanilang ama na alam niya galing sa grasa ng sasakyan. Nilapitan nila itong magkapatid nagmano at niyakap. “Papa! Bakit ngayon lang po kayo? Kakain na po tayo.” Marahan na tanong ni Miguel sa kanilang ama.“Pasensiya na kung ngayon lang ako nasiraan ako ng jeep kanina habang nasa kalagitnaan ng byahe.” Ani ng ama nila matapos humalik sa pisngi ng kanilang ina.Lihim siyang napangiti habang pasimpleng nakatingin sa mga magulang. Mababakas sa mga mata ng magulang nila ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Minsan sa buhay ni Monica ay hiniling niya na sana pagdating nang tamang panahon at makilala niya ang lalakeng para sa kanya ay sana katulad nito sa kaniyang ama. Mabait, mapagmahal, responsible, magandang lalake pa at higit sa lahat hindi mangloloko at hindi mananakit ng asawa.Kahit minsan hindi nakita o narinig ni Monica na mag-away ang kanilang mga magulang. Palaging sinasabi ng mama at papa nila na hindi maganda sa paningin nilang magkapatid kung nag-aaway at nagsisigawan sila mismo sa harap nilang dalawa magkapatid. At kung mayroon hindi pagkaka-intindihan ang kanilang magulang ay papasok ang mga ito sa loob ng kanilang silid at mag-uusap ng maayos at mahinahon. This is one of the reasons why she was very proud of her parents because they have respect for each other.Mayroon pa kayang lalake sa mundo na katulad ng papa niya? Wala sa sariling naitanong ni Monica.“Miguel anak kumusta ang pag-aaral mo? Baka naman puro online games na lang ang inaatupag mo ha?” Malumanay na tanong ng kanilang ama sa kanyang kapatid. Nahuli niya pa ngumiwi si Miguel.“Hindi naman po papa. Inuuna ko po muna tapusin ang mga assignments ko sa school bago po ako maglaro sa online games.” Napangiti siya sa kapatid na magalang itong sumagot sa tanong ng kanilang ama.“Eh girlfriend mayroon na ba?” Tukso pa ni Monica rito. Hindi niya napigilan matawa sa reaksiyon ng kapatid nang panlakihan siya nito ng mata.Nakaraang araw lamang na ikinuwento ng kanilang ina na madalas daw may nakikita itong babae na kasa-kasama ni Miguel pauwi galing eskuwelahan.“Ate naman. Kaibigan ko lang si Kristen. Bagong transferee sa school namin. Nalaman ko rin na malapit lang pala ang bahay nila dito sa atin kaya nagkakasabay kami sa pag-uwi.” Sagot ni Miguel habang ngumunguya. Panay din ang sulyap nito sa kanilang ina. Sigurado si Miguel na ang kanilang ina ang nagkukuwento tungkol sa kaklase niya. Si mama talaga.Masaya silang nagpatuloy ng hapunan at masayang nagkuwentuhan palibhasa si Miguel ang nangunguna sa tawanan at asaran.~~~Monica stared at her reflection in the mirror as she combed her long smooth hair. People often tell her that she was beautiful.Indeed Monica’s beauty could make any man drool. Those seductive eyes. Fierce yet sweet-looking and a beautiful face. She was really one of a simple yet gorgeous woman.Hindi rin ito sanay na naglalagay ng kalorete sa mukha. Hanggang polbos at kaunting liptint lang sapat na. Sa katunayan nga ay kamukhang kamukha nito ang amang si Edmond at ganoon din ang kapatid niyang si Miguel. Ang sabi nga ng iba kung naging lalake lamang si Monica ay papasa siyang Junior ng pamilya. She was really looking like her father.Monica was already lying in bed, but she was still not felt by sleepiness. Her eyes are closed, but her essence was still wide awake.Napabalikwas siya ng bangon nang biglang namutawi sa isip niya ang mga tingin ni sir Jack. Ang pagtama ng paningin nila kanina sa gitna ng kalsada. Suddenly an unfamiliar and inexplicable feeling invaded her chest and mind.What’s going on? Why did he suddenly come to my mind? Of all people why is it him? I am not infatuated for him! Monica exclaimed and convinced herself.Naiinis at nagdadabog na itinalukbong ni Monica ang kumot at pilit iwinaksi ang lalakeng pilit pumapasok sa isipan. Kailangan niya matulog dahil maaga pa ang pasok niya sa trabaho. She sighed and forced herself to sleep.Chapter 3NAALIMPUNGATAN siya dahil sa tunog ng alarm clock. Hindi niya na matandaan kong anong oras na siya nakatulog kagabi. Alas diyes ng umaga ang pasok niya sa trabaho. But Before 8 in the morning dapat gising na siya para mag-ready ng mga gamit at magluto ng baon. Para makatipid ay nagbabaon siya ng lunch. “Bye Ma, bye Pa. Papasok na po ako sa trabaho, ingat kayo sa byahe papa.” Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi at tuluyan na lumabas ng bahay. Nagbilin pa ang mga magulang nito na mag-ingat din siya sa pagpasok sa trabaho. “Miss Monica Azucena, Please proceed to the presidential suite. You have been assigned to clean the suite today.” Manghang napaangat ang mga kilay niya sa utos ng Head Supervisor nila. Kakapasok lamang ni Monica sa locker room at ipinatatawag na siya kaagad ng supervisor nila. This is the first time she has been assigned to clean the presidential suite. Here it goes again. Her chest throbbed again for no visible reason. Why is she nervous by the way? Pat
Chapter 4"Aww! Masakit iyon huh!" Daing ni Monica habang hinihimas ang nasaktan na noo. "Kanina pa kasi ako nasa harapan mo pero parang hindi mo yata ako nakikita bes kaya pinitik na kita para magising ka na. Ano ba iniisip mo?" Sena’s eyebrows wrinkled as she stared at her.Iniisip? Wala. Wala siyang iniisip. Talaga ba Monica? Wala ka talagang iniisip? Tulad nang isang lalake na half naked sa harapan mo? Tudyo ng kabilang utak niya. She felt her cheeks burned. Bakit parang sirang plaka na pabalik balik sa diwa niya ang encounter nila ng boss niya kaninang umaga? She tightly closed her eyes because of frustration."hoy bes, Bakit namumula ka diyan? Umamin ka nga sa akin Monica ano ba ang nangyayari sa iyo?" Her best friend asked suspiciously."Wala nga Sena! Kumain ka na lang diyan!" Pag-iiwas ni Monica. Paano nga ba niya sasabihin dito sa madaldal na kaibigan ang mga tagpo nila kanina ni Sir Jack? "Kilala kita Monica, alam kong may itinatago ka sa akin." Naniningkit pa ang mga ma
Chapter 5 “Miss Sena Manalo, Please find a dress for Miss Monica Azucena. A beautiful dress yet a decent one that would suit her and even the stiletto heels to wear. Fix Monica's hair as well and put a little touch of makeup. She should be presentable later. Be ready at 7pm. Do you understand Miss Azucena, Miss Manalo?” Utos ni sir Denis sa kaibigan niyang si Sena. At tuwang tuwa naman sinang-ayunan ng huli. Nanlaki naman ang mata niya ng walang pasabing hilahin siya ni Sena palabas ng office ni sir Denis at nagtuloy tuloy sa paglalakad habang hila-hila parin siya. She finds herself sitting in front of the vanity mirror and Sena fixed her hair and put a makeup on her. “Bes kailangan ba talaga na ako ang sasama kay sir Jack?” Alanganin niyang tanong dito. Hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ba maaaring mag back-out? “Aba bes? Kung puwede ako na lang ang pupunta at sumama kay Sir Jack eh.” Bungisngis pa nito. “Pero siyempre ikaw ang sabi ni Sir Denis kaya kailang
Chapter 6Tahimik sa buong byahe si Monica at sa bintana lang ng sasakyan ang tingin kipkip sa dibdib nito ang black folder. Samantala sa Driver’s seat si Sir Jack na wala ring imik.“Did Denis tell you all the things you need to do later?” Napalingon dito si Monica nang tumikhim ito at marinig ang malalim na boses ng boss niya.“Yes, sir, He told me all the things I needed to do about the meeting.” Sagot ni Monica kay sir Jack at nginitian niya pa ito. She unconsciously bit her lower lip when she saw he blinked at her. Then he looked away after and focus again on the road.It took them thirty minutes before they arrived at the Restaurant where the meeting would be held. They arrived at the restaurant just before the meeting started.May lumapit sa kanila isang waitress at itinanong kung may reservation sila. “We have a reservation here with the Rosales Furniture Corporation.” Salita ni Monica sa lumapit. Iginiya sila nito patungo sa isa sa mga private room ng Restaurant. An Italian r
Chapter 7Tahimik ulit sa byahe si Monica. Ganoon din si Sir Jack habang nagmamaneho. Hindi mapigilan lumingon ni Monica sa katabi. He was so attractive and good looking. The most handsome she had ever seen in her life. Umiwas siya ng tingin at namula ang mga pisngi. Bakit niya kasi ito tinitigan. Ang lakas kasi ng dating ng boss niya. Agaw pansin kahit nagmamaneho lang.Maya’t-maya naramdaman ni Monica na parang may mali sa kotseng sinasakyan nila. Pahinto-hinto ito. Hindi nagtagal ay huminto na ng tuluyan ang kotse ni Sir Jack.Napangiwi si Monica nang sunod-sunod na mura ang pinakawalan ng boss niya. Galit na hinampas nito ang steering wheel.Nagkatinginan silang dalawa ni Sir Jack. “Stay here”. Maikling ani nito at mabilis na bumaba ng sasakyan. Umikot ito sa unahan ng kotse at binuksan ang hood.“Fuckin’ shit! I knew it! Fuck. If I only knew this was going to happen I wouldn’t have sent kuya Joel home.” He exclaimed in the middle of the road.Monica decided to get out of the car
Chapter 8“SALAMAT po sa paghatid Sir Jack. Ingat po kayo pagbalik sa Hotel.” Ngumiti pa siya dito.Nagpapasalamat talaga siya sa boss niya dahil hinatid siya nito at nag-aalala sa kaniya. Mabait pala ang boss nila. Nasabi na lang niya sa isip.Hindi na ito bumaba ng kotse nito ngunit nakatingala naman ito sa bahay nilang patay na lahat ng ilaw at tahimik na ang buong paligid.“How can you get inside of your house? It seems your parents are already asleep.” Marahan na tanong at namumungay pa mga mata nito. Halatang inaantok na ito.“I have a duplicate key with me Sir. Ingat po kayo. Salamat po ulit.” Kaway ni Monica sa boss niya. Tumango naman ang huli.Pumihit na patalikod si Monica at lumapit sa gate nila para buksan. Lumingon siya sa kalsada at nakita na nandoon parin ang kotse ni Sir Jack. Nagkibit balikat na lang siya at tuluyan na pumasok sa loob ng bahay.~~~Hinubad ni Monica ang lahat ng suot na damit at pumasok sa loob ng banyo. Hinihilot hilot niya pa ang mga binti na masak
Chapter 9Humahangos na tumatakbo si Monica patungo sa Employees entrance ng hotel. Late na siya sa trabaho dahil sa puyat kagabi. Madaling araw na siya nakatulog dahil tinapos niya pa ang report na kailangan niya maibigay kay Mrs. Yson. Nagising siya sa ingay ng alarm clock na nasa bedside table niya. Ngunit sa sobrang antok at pagod parin ay hindi siya kaagad nakabangon at nakatulog ulit sa loob ng isang oras. Kinatok nang kinatok siya ng kaniyang ina hanggang sa magising siya at napabalikwas ng bangon. Late na raw siya sa trabaho. Nang marinig ang salitang “Trabaho” ay tuluyan na nagising ang diwa at tumakbo patungo sa sarili niyang banyo. Mabilisan na paligo at bihis ang ginawa niya. Para siyang trumpo sa bilis ng bawat kilos. Nakatingin lamang ang ama niya habang umiinom ito ng kape. Ang kapatid niya naman ay kumakain ng agahan. Mabilis din siya nagpaalam sa mga ito para pumasok na sa trabaho. Sinusuklay-suklay na lang ng mga daliri ang buhok niyang namamasa pa. Ni kahit pag-
Chapter 10 Magkaharap ngayon na kumakain sa loob ng cafeteria ang dalawang magkaibigan. Pasimple rin silang nakikinig sa usapan ng isang grupo sa katabing mesa nila. “Usap- usapan ngayon sa department natin na mayroon ng napili na Assistant Secretary si Mrs. Yson bes.” Bulong ni Sena sa kaniya. “Bakit gusto mo ba mag-apply bes?” Mahinang tanong ni Monica sa katabi. Umangat ang tingin nito sa kaniya. “Hindi ako. Kung hindi ikaw!” Bulalas ng kaibigan sa kaniya. Nabulunan siya sa sinabi ng kaibigan at dali-dali inabot ang baso at uminom ng tubig. “Hindi ako interesado Sena!” “Sayang iyon bes! Promotion na iyon para sa iyo.” Pamimilit ng kaibigan. “Hayaan na natin iyon sa mga deserving na employee.” Tahimik ang buhay niya bilang Room attendant bakit mas gugustuhin niya pa lumagay sa komplikadong sitwasyon. Nagpatuloy sila sa pagkain at kuwentuhan. Hindi maiwasan ni Monica na matawa sa mga kalokohan na pinagsasabi ng kaibigan. Masaya kasama si Sena dahil hindi nawawala ang tawanan