Share

Chapter 42 The bitter truth

Chapter 42

Naalimpungatan si Monica dahil sa naririnig na mga boses na tila nagtatalo. Masakit ang kaniyang ulo at nanghihina ang katawan. Pakiramdam niya ay para siyang tatrangkasuhin sa bigat ng pakiramdam.

Hindi niya matandaan kung anong oras na siya nakauwi sa bahay nila kagabi. Sumikdo ang puso niya nang bumalik sa isipan ang nangyaring tagpo sa tapat ng bahay ni Jack.

Matapos ang naganap kagabi sa pagitan niya at sa dalawang magpinsan ay dali-dali siyang naglakad paalis. Hindi alintana ni Monica ang madilim at tahimik na kalsada. Hindi niya matandaan kung saan-saan siya sumuot at nagkandaligaw-ligaw pa sa loob nang napakalawak na subdivision na iyon.

Umiiyak siya habang naglalakad at paminsan-minsan ay napapahinto sa gitna ng kalsada sa tuwing naninikip ang dibdib dahil sa pag-iyak. Hindi niya rin alintana ang patak ng ulan na paminsan-minsan ay lumalakas at humihina.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatayo sa gitna ng kalsada at umiiyak lamang nang maulinigan niyang ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status