Share

Chapter 44 Thirty years ago (Part two)

Chapter 44

Nagising mula sa himbing na tulog ang dalagang si Queen Eloisa at agad nitong kinapa ang katabing higaan. Nang mapagtantong wala itong katabi ay marahas siyang bumangon at nilibot ang paningin sa loob ng maliit na kuwartong tinuluyan nila kagabi ng kasintahan.

"E-dmond! Edmond!" Bulalas ng dalaga sa pangalan ng kasintahan.

Humahangos naman na tumatakbo ang binatang si Edmond mula sa labas ng bahay nang marinig ang takot at sigaw ng boses ng kasintahan. Agaran nitong binuksan ang pinto ng maliit na silid.

"Eloisa! Anong nangyari? May masakit ba sa 'yo mahal?" Nag-aalalang bulalas ng binata.

Umiiyak na yumakap nang mahigpit sa kaniya ang kasintahan ramdam ng binata ang panginginig nito dahil sa takot. Mabining hinaplos ng binata ang likod ng dalaga at pinatahan.

"A-akala ko iniwan mo ako Edmond. P-paggising ko wala ka sa aking tabi." Garagal ang boses ng dalaga habang nakabaon ang mukha nito sa dibdib ng binata.

"Narito ako Eloisa, hinding-hindi kita iiwan, tahan na mahal. H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status