Share

18: Brianna who?

Lumipas pa ang ilang linggo at ilang araw na lang ay pabalik na si Trina papunta sa Pilipinas, wala naman kaming ibang ginawa kundi ang kumain, manood nang movies at gumala sa labas.

Masasabi ko naman na nabawasan kahit konti ang sakit at lungkot na aking nararamdaman lalo na noong mga nakaraan na araw.

Anna and Kevina cried nang malaman nila na umalis na ako at hindi man lang nagawa na magpaalam sa kanila, kaya heto sa messenger lamang kami nag uusap.

“Pupunta rin kami diyan.” Napakunot ang aking noo sa sinabi ni Kevina.

“Nababaliw kana ba? Paano si Nene at ang ina mo?” Tanong ko.

“Syempre sisiguraduhin ko naman na okay sila bago ako umalis. Tsaka si Anna naman ang gagastos.” Nakangiti na sabi pa niya.

“Yes, ako naman. Hindi ko naman matitiis ang bakla na ito.” Nakabusangot na sabi ni Anna kaya hindi ko naman maiwasan ang mapatawa.

“Oh, hi Trina.” Bati ni Kevina nang mapansin si Trina sa aking likudan. “Ay ang taray.” Komento ni Anna nang hindi pansinin ni Trina si Kevina.

“May regla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status