Hindi ako makapaniwala ng biglang magsalita si Luke.
Napangibit ako ng makita ang itsura ni Liza habang nakabuka ang bibig niya at kulang na lang ay pumasok ang langaw sa kanyang bibig. Lagot na talaga!
Bahagya akong lumapit kay Luke na hawak parin ang bisig ni Liza hanggang ngayon, hinila ko ang laylayan ng damit niyabat bahagyang bumulong.
"Nababaliw kana ba?!" Naiinis ko na tanong ay may diin na salita bago tsaka lang binitawan ni Luke ang bisig ni Liza.
"Ayokong malaman o makita pa na lumapit ka kay, Elle. Do you understand Ms. Caponpon?" Maawtoridad na sabi nang kanyang asawa habang si Liza naman ay halata ang panginginig ng kamay at mabilis na tumango.
"Luke tayo na." Tawag pansin ko sa kanya.
Iniisang lingon lamang ako niya bago ibinalik ang mga tingin kay Liza, halos matawa ako ng umirap siya. I mean si Luke mismo ang nang irap kay Liza, grabe!
Bakla ba ang asawa ko?
Ang daming pasabog ni Luke ngayong araw, kanina yung pagtawag niya mismo sa apelyido ko as Mrs. Copley then now, hinarap niya ang isa sa humahanga sa kanya.
"Why did you say that?" Naguguluhan ko na tanong habang hawak kamay kaming naglalakad palabas ng gate.
Wala na kasing halos tao dito sa school kaya hindi na rin ako umangal ng hawakan niya ang aking kanang kamay.
"Alin?" Patay malisya na tanong niya sa akin habang nakatutok ang mga mata sa aming dinadaanan.
"Na asawa mo ako." Naka simangot ko na sagot. "Hindi ka ba natatakot na mawalan ng trabaho, ha?!" Inis ko pa na dagdag.
"Hindi." Simple at plain na sabi niya kaya napanguso ako.
Hindi na lang ako umimik at sinabayan si Luke sa paglalakad hanggang sa makarating kami kung saan naka park ang kotse niya.
Mabilis akong sumakay sa kotse at inayos ang seatbelt. Hindi rin naman kumikibo si Luke hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Mahal." Narinig ko na tawag niya sa akin .
Hindi naman ako lumingon agad. "Mahal ko.” tawag niyang muli sa akin.
Napapikit na lang ako ng mariin bago marahan na humarap sa pwesto ng aking asawa.
“Ano?” Bakas sa mukha ko ang inis.
“Anong gusto mong ulam?” Napakurap ako ng ilang beses dahil sa tanong niya.. Hindi agad ako nakaimik, hindi ko alam pero parang gusto kung matawa na hindi. Tch! Nakakainis talaga.
Basta naiinis ako na ewan.
“Kahit ano.” Walang gana ko pang tugon pero tumango naman siya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti matapos kung tumalikod at umakyat sa itaas. Pero hindi maiwasan na sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Panigurado ako na bukas ay laman na kami ni Luke ng usapan.
Sabagay sabado bukas, yeah. Sa monday pa kami pag uusapan at tiyak ko na wala pang bente kwatro oras ay kalat na ayon sa kung saan.
Kakausapin ko na lang siguro si Luke mamaya na bawiin na lang ang sinabi niya, ako ang nag aalala para sa trabaho niya kasi alam kung gustong gusto niya ang mag turo. Alam ko rin ang kanyang pinagdaan upang makapagturo man lang, pero sabagay isa siyang Copley kaya walang imposible kapag kanyang ginusto ang isang bagay automatic ay mapapasakanya rin agad ‘yon.
Naglilinis na ako ng katawan at nagbihis ng pambahay bago napagpasyahan ang bumaba sa kusina.
Dumaan pa muna ako sa salas upang silipin ang palawit ni Anna. Nagtataka na lang ako kung bakit hindi man lang siya pumasok sa loob ng isang linggo.
"Nasaan na kaya yun?" Tanong ko sa aking sarili nang hindi ko makita kung saan man nakalagay ayon.
Napagpasyahan ko na puntahan na lang si Luke sa kusina at sa kaya magtanong pero hindi pa man ako nakakarating sa kusina ay naamoy ko na ang masarap na niluluto ni Luke.
“Kain ka na.” Yakag niya sa akin, hindi naman ako umimik at tahimik na lang na naupo sa harap ng mesa.
“Galit ka ba sakin?” Mahinahon at mahina na tanong niya sa akin.
Nagpapabebe lang ako, promise.
"Nakita mo ba yung red happy face na palawit ni Anna?" Hindi ko mapigilan na tanong at halata ko na natigilan si Luke.
"Hindi." Maikli na sagot niya sa akin.
"Alam mo ba kung bakit one week na hindi pumasok si Anna sa school? Hindi pa siya nagsabi sayo na aabsent siya?" Muli ko pang tanong.
Huminga naman ng malalim si Luke bago ibinaba ang kubyertos na kanyang hawak.
“Pwede ba na bawiin mo yung sinabi mo kay Liza? Bukas?” Nakita ko ang pag pikit ni Luke ng mariin.
Ang bagal niya kasing sumagot.
“No.” Sagot niya sakin kaya naibaba ko ang rin ang kubyertos na aking hawak.
“Trabaho mo ang nakasalalay doon, alam ko naman kung gaano ka kapursigi para makapagturo pero huwag mo naman balewalain ‘yon. Kaya ko naman ang sarili ko, mahal ko. Konting tiis na lang din naman ay gagraduate na ako, hindi mo ba kayang makapaghintay?” Mahabang sabi ko at nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya.
“Halos saktan ka niya kanina, Elle.” sagot niya sa akin at napailing nalang ang ulo ko sa kanyang sinabi.
“Ayos lang ‘yon pero huwag naman sana pati trabaho mo ay maapektuhan.”
“Ayaw mo ba na malaman nila?” Malungkot na tanong niya sa akin kaya natigilan ako. Parang may kung anong sumaksak sa puso ko habang tinititigan ko si Luke sa kanyang mga mata.
“H-hindi naman sa ganun.” Piyok kung sagot at bigla nalang siyang pwersa na tumayo mula sa pagkakaupo at naiwan ako sa kusina.
Bakit ba hindi niya ako maunawaan kahit ngayon lang?
Mali ba na isipin ko naman ang trabaho at kapanan niya. Ayoko lang naman na magkagulo dahil sa dami ng may gusto sa kanya. Ayoko lang na maging laman siya ng usap-usapan sa kung saan nalang.
Gusto ko rin naman na malaman ng lahat ngunit hindi pwede.
Nawalan na rin ako ng gana sa pagkain, sinalipot ko ang aking pinagkainan at agad ding hinugasan. Ang pang ulam sa mesa na agad ko din namang nilagay sa ref nung mawala ang init noon.
Naabutan ko si Luke na nakahiga sa kama habang nakatitig ito sa kisame. Mukang malalim ang iniisip kaya dahan dahan akong nagtungo sa kama at patalikod na nahiga mula sa pwesto niya.
“Elle.” Halata sa boses nito ang pagod. “Nagturo lang ako para sayo.” Sunod nitong sabi at agad akong napaharap sa pwesto niya dahil sa narinig.
Kunot-noo ko siya ng tingnan.
“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan ko na tanong.
“Kaya ako naging guro ay dahil sa’yo. Gusto kita araw-araw na nakakasama o nakikita at namamasdan man lang kahit sa malayo.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
“B-Bakit?” Nauutal ko na tanong at hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman.
“Ganun kita kamahal.” Hindi agad ako makapagsalita at pinakatitigan lamang ang ngayo’y maamo niyang mukha, hanggang sa maramdaman ko na lang ang magaan niyang halik na agad ko rin namang sinundan hanggang sa naging agresibo ‘yon.
Halos kapusin kami ng hininga ni nang magbitiw ang aming mga labi. Natatawa na lang ako at tumihaya sa pagkakahiga habang ipinatong ang isa kung hita sa binti niya.
“Are you ready for tomorrow?” Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya..
“Kailangan ba talaga nating pumunta.” Tanong ko at hindi maiwasan na naman na kabahan, nagbabakasakali na umayaw din siya.
"Yes. Face them." Salita niya kaya napabuntong hininga ako. Wala na, talagang magkikita-kita na naman kami.
Simula noong ikasal kasi kami ni Luke ay napagpasyahan ko na alisin ang lahat ng contact sa kanila, nang maikasal lang kami ni Luke nalaman ng aming mga magulang na may namamagitan sa amin. Wala namang problema sa daddy ni Luke ngunit sa daddy ko ay hindi niya matanggap man lang si Luke kahit para sa akin na anak niya.
Kahit naman sariling ko na ama ay kaaway ko na rin katulad ng kanyang mistress na si Trisha. Labis ang pagkamuhi ko kay daddy, hindi man lang niya pinakita na mahal niya ako simula noong mamatay si mommy. Ang mas masakit pa ay hindi man lang din bumisita si daddy kahit sa puntod lamang ni mommy. Hindi din niya inalam kung ano ang dahilan ng pagkaaksidente.
Unang anak ni Trisha si Shashalyn sa una niyang asawa, at sa padalawa naman na asawa ni Trisha ay si Trina at ngayon ay buntis na ulit siya kay papa, doon na lang natuon ang lahat ng atensyon niya at hindi man lang ako naalala.
"I love you, mahal ko. Goodnight." Usal ko at ipinikit ang mga mata, hinintay ko pa na magsalita si Luke ngunit wala akong narinig mula sa kanya hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.
MAAGA akong nagising at napagtanto na wala na sa tabi ko si Luke kaya agad ko itong nilinga ngunit wala siya.
“Asan naman kaya ayon?” Takang tanong ko sa aking sarili at sinilip ang orasan. Ala sais pa lang umaga pero wala na siya ka agad. Nag kibit balikat lang ako at ginawa ang morning routine.
Dahil sabado ngayon at ngayon din ang araw ng pagpunta namin ni Luke sa bahay nina papa ay mas maigi pa na mag handa ako ng susuotin pero tsaka na ayon pagkatapos kung magluto.
Nagluto lang ako ng hotdog, egg at bacon tsaka kape na rin para kay Luke. Nakarinig ako ng yabag mula sa sala kaya agad akong tumakbo papunta roon.
“Hey.” Bungad sa akin ni Luke ng makita ako.
“Saan ka galing, aber?” Naka nguso ko na tanong sa kanya at ngunit ngumiti lang siya sa akin.
“Take a look.” sagot niya sa akin at suot pa rin ang magaan na ngiti bago itinuro ang malaking box sa gitna ng mesa dito sa salas.
“Ano na namang pakulo mo eto ha?” nakataas ang kilay na tanong ko pero tumaas lamang ang kilay din niya.
Agad naman akong naupo sa kalapit na upuan at marahan na binuksan ayon.
Halos napatigalgal ako sa nakita. Kulay pula at puyog ng glitters ang kabuuan ng bestida.
“Hindi ba mas mag mumuka pang ako yung may birthday nito mahal?” Tanong ko.
“Syempre ikaw dapat ang mas pinaka maganda kesa sa kanila.” Sagot ng kanyang asawa kaya hindi maiwasan na may sumilay na magandang ngiti sa kanyang labi.
“Binobola mo lang ako, mahal.” Naka sibangot na sagot ko at tiningnan pa ang laman ng kahon.
“4 inch?” Tanong kong muli.
“Dagdagan ko pa ba?” Mapaklang tanong sa kanya ng kanyang asawa kaya agad naman niyang iniiling ang kanyang ulo.
“Ayos na ito.” Sagot ko. “Tara ng kumain, gutom na ako.” Pag aaya ko sa aking asawa bago kami sabay na tumayo.
Hanggang sa matapos ang kanilang hapag ay puro lamang sila huntahan at tawanan. Pakiramdam niya ay wala ng mas hihigit pa sa kahit na anong bagay ang meron siya ngayon dahil mapagmahal ang asawa niya.
Hindi ako nagkamali na pakasalan si Luke dahil hindi niya ako binigo at never siyang naghanap o tumingin sa iba.
“May darating dito upang ayusan ka mamaya.” Napalingon naman ako kay Luke ng magsalita siya.
“Kaya ko namang mag ayos ng sarili ko.” Sagot ko at ibinalik ang tingin sa TV habang ngumunguya ng chichirya.
“Hindi ko naman sinabi na hindi mo kayang mag-ayos.” Pamimilosopo niya sa akin. Kaya napairap nalang ako sa kawalan.
“What ever.” Sagot ko at naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng matipuno niyang mga braso sa aking bewang na agad ko na ikinaigtad.
“Ang bango mo.” bulong niya sa tenga ko at dinilaan ayon. Agad namang nag sitaasan ang balahibo ko sa katawan at lumayo sa kanya.
“Stop it, mabanas.” angil ko sa kanya.
“Kahit na ka aircon?” Mataray niyang sagot sa akin kahit kailan talaga wala akong panama sa lalaki na ito. Hindi man lang makalusot kahit once in a lifetime lang ba?
Hanggang sa sumapit ang alas dos ng hapon, tunay nga ang sinabi ni Luke na may darating dito sa bahay. Bigla na lang kasi itong nawala ng parang bula at bigla nalang nagtext na may ipapadala raw siya na driver para sunduin ako mamaya. Diba, ang sosyal ng asawa ko? May pasabi-sabi pa na sabay pupunta doon at hindi aalis sa tabi ko then now what?
Medyo hiniludan pa ako noong mga mag aayos sa akin raw kuno at tsaka nila ako sinimulang make up’an. Halos mapatulala ako sa salamin dahil sa nakikita, parang hindi ako?
Tiyak ko na pag pepyestahan na naman ako ng aking mga kapatid doon at kung ano-ano na naman ang mga masasamang sasabihin. Napailing na lang ang aking ulo sa naisip, magtitiwala na lang ako kay Luke na hindi niya ako pababayaan at hindi siya aalis sa tabi ko.
“Ma’am ayos na po, naghihintay na po sa inyo ang driver sa labas.” Magalang na sabi noong nag make-up sa akin at ngumiti.
“Hindi ba sobrang bongga naman ng pag kakaayos mo sa akin, ate?” May pagtataka na tanong ko at hindi maiwasan ang mapangiwi. Eh kasi naman nararamdaman ko na ako ang mas makakaagaw pansin doon sa pupuntahan namin.
“Ayos na po yan ma’am.” Sagot pa niya kaya wa na akong nagawa pa at nagpasya ng lumabas.
Inihatid ako ni manong driver kung saan doon kami magkikita ni Luke, ewan ko ba sa lalaki na ‘yon kung bakit ang dami pang cheche bureche! Dami pang pasikot-sikot. Ngunit halos umusok ang ilong ko ng isang oras na ay wala pa rin si Luke, sinubukan ko ang tawagan siya ngunit walang sumasagot. Lumabas ako ng kotse at nagpalinga-linga. Kahit siguro si manong ay na inip nang maghintay.
Nag iwan na lang ako ng message kay Luke, na mauuna na ako sa party. Sayang rin naman ang naging gayak at bihis ko kung di ako makakadalo. Kahit na kinakabahan ay naglakas pa rin ako ng loob upang makapunta ng mag isa.
Engrande ang gayak, halatang pinaghandaan nila. Napailing nalang ang ulo ko ng maalala na hindi man lang ako nakaranas ng ganito dahil mas inuna ni papa si Trisha.
“Hija.” Peke akong ngumiti ng mapansin ako ni Trisha at nag beso pa sa akin, sumunod naman si Shashalyn na halata ang pandidiri sa mga mata habang papayakap sa akin. Sinalubong naman ako ng isang magaan na ngiti mula kay Trina, mabuti pa itong si Trina ay talagang mabait at never ako nitong inaway man lang.
“Luke?” Tawag ko sa lalaki na hindi kalayuan sa pwesto ko kausap ang magandang babae na may maamong mukha at magandang mga ngiti.
Mukha naman siyang nagulat sa presensya ko. Huminga ako ng malalim at ikinalma muna ang sarili. Humarap sa akin si Luke at agad ko namang narinig na magsalita si Shashalyn.
“Kanina pa rito ang asawa mo para makipaginuman sa kaibigan ko.” Napabaling ang tingin ko kay Shashalyn at napataas ang kilay.
“Hindi ko kailngang makinig sayo.” Walang buhay kung sabi.
“Elle!” May riin na tawag sa akin ni Trisha at nilingon ko siya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko ng mariin na alam kung mag iiwan ng marka doon. “Ganyan kana ba talaga kabastos?!” Mahina at mariin na sabi niya sa akin sapat lang para kami lang ang makarinig.
Ipiniglas ko ang aking braso tsaka s’ya tiningnan ng masama. “You made me like this Trisha, sinabihan na kita noon pa na huwag nang sirain ang pamilya ko pero itinuloy mo pa rin, nanghimasok ka pa rin. Kaya huwag kang magtaka kung bakit ganito ako sa inyo.” Sabi ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, ganun din ang mga anak niya at umalis na ako sa harap nila bago naglakad patungo kay Luke na ngayon ay nakakunot ang noo.
“Kung sinabi mo lang sana na gusto mo palang mag isa na pumunta dito, papayagan naman kita.” Mataray ko na sabi kay Luke ng makalapit ako sa pwesto niya.
Hindi siya umimik bagkus tinitigan lang niya ako na parang may dumi sa kabuuan nang mukha ko kaya halata sa mga mata niya ang hindi makapaniwala?
“I’m leaving.” I said at tumalikod na ngunit nabigla ako ng pangkuin niya ako at agad na hinila sa kung saan lupalop niya ako balak dalhin.
“You’re not supposed to be here.” Sagot niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang mabigat niyang paghinga. Iniisang tabi ko na rin ang aking nararamdaman na kakaiba mula sa kanya at nagpahila na lang basta.
“Did you see her at school?” My mom asked me. I just focus on my phone while scrolling on facebook. “Yup.” I answered boringly. “Did you see her as a woman–”“Mom here we go again, I don’t like her, so stop pushing me to her. Hindi ko siya gusto, sobrang kuli at ingay niya. She likes a stalker so please mom, sabihin mo sa mommy niya na pagsabihan naman si Elle na kahit ilang o isang araw man lang ay lubayan niya ako–” Pinukpok ako nito sa ulo. “Are you deef? Elle is kind and beautiful. Wala akong ibang babae na tatanggapin bukod sa kanya. Simula today, ihahatid mo na siya sa kanilang bahay.”“Mom–”“That’s an order, so please. If anything happens to her, it’s your fault!” Pagkasabi niya noon ay tinalikuran na niya ako at lumabas ng kusina. Naibagsak ko ang aking kutsara sa plato. Ever since ng magsimula ang pasukan ay inihahatid ko na sadya siya sa kanilang bahay dahil yun ang sinabi ni Uncle Salvador. So sino ba naman ako para tumanggi? And damn, mother ko na ang nagsabi, paano k
Elle’s POVWe arrived at exactly 3AM at the hospital. Luke’s hand was shaking. That's why I hold his hand and squeeze it.“Your hands are shaking, can you please calm down? Leo said he’s okay now.” Napailing ako sa ikinikilos ni Luke. “I just–” “I just what?” Pagputol ko sa sasabihin niya. Alam ko naman na matagal niyang hindi nakasama ang kanyang ama pero hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon niya. Habang nasa daan, wala siyang tigil kakukwento ng lahat ng nangyari. Nakinig lamang ako sa kanya buong byahe, at kahit gusto ko mag react sa nalaman at mga nangyari noon ay wala na akong magagawa. Bukod sa nangyari na at ang lahat naman ng yon ay nakaraan na. And I think this is the final chapter of our story.“He’s inside pero hindi pa rin siya nagigising.” Hindi naman maipinta ang mukha ni Luke sa sinabi ni Leo. “Ako na ang bahala Leo, makakauwi ka na. Salamat.” “One call lang.” Tumango ako sa sinabi ni Leo. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob.Sa VIP Room namin
Luis’ POVHe’s smart, my grandson is a smart kid. Kuhang-kuha niya ang talino ng kanyang ama.I know Luke’s getting angry with me when he sees me here. I met Trisha in the prison where I was assigned. I’m the one who make her flee for some reasons, imbis na kumuha pa sya ng ibang tao upang gawin lamang nya ang kanyang plano na masama sa pamilya ng aking anak na si Luke ay ako na ang pumayag na makalabas ito sa kulungan. Ako na rin ang tatapos sa babae na kagaya nya. I will not make a same mistake in the past kung saan ay halos mapatay ko ang asawa nya. Inutusan ako ni Salvador na gawin yun sa sarili niyang anak. How cruel is he? Yun ang pagkakamali na nagawa ko and that day when Luke saw my face at hinayaan nya ako na makaalis, I leave all the property with him, lalo na ang company. He even gave me money kahit alam nya na marami naman akong pera. I even started what I wanted. Wala sa plano ko ang patakbuhin ang kumpanya noon pa man, pagpupulis talaga ang gusto ko at dahil sa late M
Luke's POVWe leave immediately at the unit, kasama ko si Harold and also Kevin. Kung tutuusin ay hindi namin alam kung saan kami mag uumpisa na maghanap pero alam ko na hindi pa sila nakakalayo. It's either nandito pa rin sila o nakaalis na. Pero paano gagawin yun ni Trisha kung walang tulong ni Salve? I glanced at my phone I was holding. Aunt Elizabeth names flash on screen, sinagot ko yun agad at ang malalim na paghinga nito ang nabungaran ko. "I'll text you the address, maraming tauhan si Trisha kaya huwag ka pupunta ng magisa.""Where are you! Come back! Masyadong delikado–""I'm okay. I'm hiding. Come quickly!" She said and ended the call. Sumakay agad kami ng kotse at walang oras na inaksaya patungo sa lugar na itinext nito sa akin. May kalayuan ito at liblib ang lugar. Mga puno ang halos madadaanan at hindi ko mawari ang idea na may ibang tao sa likod ng lahat ng ito. Hindi basta makakagawa ng ganitong hakbang si Trisha kung wala siyang ibang katulong. If it was not Salv
Nagising ako na patay ang ilaw sa kabuuan ng kwarto at ang tanging lampshade lamang sa gilid ang nagsisilbing ilaw. Sinulyapan ko ang bintana at madilim na sa labas. Napahaba ata ang tulog ko at hindi namalayan na gabi na. Napahawak pa ako sa aking tiyan na kumakalam dahil sa gutom. Akmang tatayo na ako ng bumukas ang pintuan at nabuhay ang ilaw. Nanliit pa ang aking mata dahil sa pagkasilaw at kalaunan ay nakita ko si Luke na nakatayo habang papalapit sa kama. May dala itong tray na naglalaman ng pagkain. “Dinner in bed?” Napailing ako sa sinabi nito. “Sakto, kakagising ko lang at kumakalam na agad ang sikmura ko.” Sagot ko at umayos na ng pagkakaupo. “Prefered ka huh?” Natatawa ko pa na sabi dahil mayroon itong inilatag na maliit na lamesa sa ibabaw ng kama. “Always, my wife.” Napailing ako sa naging sagot nito. “Basta para sayo.” Pahabol pa niya na sabi kaya ako heto, kinikilig ng palihim dahil kung ipapahalata ko at makikita niya na kinikilig ako at naapektuhan sa sinasabi ni
Luke’s POVLooking at her sleeping sound and sleep make my heart flutter, she still affects me. Why did I end up being her husband?Magkaibigan ang aming mga magulang at dahil nga sa magkaibigan sila ay ipinush nila kaming dalawa to work out. At first I didn’t see her as a woman. Makulit siya noon at masyadong papansin. But when I confront her na masyado siyang umi eksena sa buhay which is ayoko ng ganon, gusto ko pribado ang buhay ko at naka depende sa akin kung sino ang aking kakausapin. Mom whats to be Elle is my priority lalo na kapag uwian. Kailangan ko pa itong ihatid sa kanila imbes na makakauwi ako ng maaga at makakapagpahinga. But one day dahil sa kainisan hindi ko siya hinatid. That time she called me so many times but luckily sinagot ko ang isa sa mga tawag nya.She’s on the run dahil may nagtangka na holdapin siya, muntikan na rin siyang marape at doon nagsimula ang lahat. Doon din nagsimula ang pag-iwas niya sa akin. Yes she said thank you that day pero kinabukasan ay