Magaan ang pakiramdam ni Tori habang naglalakad palabas ng gusali. Mula sa araw na ito, payapa na ang bawat araw niya. Makakapamuhay na siya ng normal.
Pero napahinto si Tori sa paglalakad nung nakita niya ang best friend na si Chandra. Kitang-kita niya nang yakapin nito ang kaka-annuled pa lang na dating asawa niya na si Ruther.
Ilang sandaling magkayakap ang dalawa nang magtama ang mga mata nila Tori at Chandra. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at mabilis na humiwalay kay Ruther.
“T-Tori…”
Biglang nahimasmasan si Tori nang narinig niya ang boses ni Chandra. Akmang lalapit sa kaniya si ito kaya mabilis na tumalikod si Tori at naglakad palayo.
“Tori!”
Lumingon si Tori sa likuran habang mabilis na naglalakad. Nakita niyang naglalakad din si Chandra at mukhang hinahabol talaga siya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Ayaw niya munang makausap ang kaibigan. Hindi ngayon.
Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Si Chandra pa naman ang nasa isip ni Tori kanina na unang tatawagan niya at babalitaan ng magandang pangyayari sa buhay niya.
“Tori, wait! Mag-usap muna tayo, please!”
Hindi pa rin pinansin ni Tori ang pagtawag sa kanya ni Chandra. Halos lakad-takbo na ang kanyang ginawa. Mabilis na mabilis na rin ang tibok ng dibdib niya. Parang gusto niyang umiyak na hindi. Ayaw niyang ipakita kay Chandra na apektado siya sa nakita niya.
“Tori!”
Lumingon uli si Tori sa likuran niya. Hindi pa rin tumitigil si Chandra sa pagsunod sa kanya. Kailangan niya ng mapagtataguan para huminto na si Chandra sa pagsunod sa kanya.
Nakalabas na siya sa gusaling pinanggalingan nila ni Chandra. Nakita niya na nagtatawiran na ang mga tao sa kalsadang nasa harap ng gusali. Tumakbo si Tori para makahabol sa pagtawid. Nakita niya kasi na anumang sandali ay magiging pula na ang ilaw sa harap ng pedestrian lane. Kailangan niyang makatawid agad para hindi siya maabutan ni Chandra.
“Tori!” muli niyang narinig na pagtawag sa kanya ni Chandra.
Hindi na niya nilingon ang kaibigan. Hindi ba ito nakakaintindi na ayaw niyang makipag-usap sa kanya?
Nang makatawid ay hindi na nag-abalang lingunin ni Tori si Chandra. Humalo na siya sa karamihan ng mga taong naglalakad.
Pero hindi pa rin nakampante si Tori. Kilala niya ang kaibigan, alam niyang pipilitin pa rin nitong sundan siya. Kaya naman ng may nakita siyang coffee shop ay agad siyang pumasok doon kahit wala naman siyang balak uminom ng kape.
Naglakad siya hanggang sa dulo dahil naroroon ang counter. Nakipila na rin siya roon sa isiping matatabunan siya ng ibang taong pipila rin.
Sa tuwing magbubukas ang pintuan ng coffee shop hindi maalis kay Tori ang kabahan. Baka kasi mamaya ay isa na pala si Chandra sa mga pumapasok doon. Baka magulat na lang siya na nasa tabi na niya ang kaibigan.
Ex-kaibigan, Tori. Pagtatama niya sa sarili.
Hindi mapakali si Tori hanggang hindi siya nakarating sa harap ng counter at naka-order. Kahit nung hinihintay na niya ang order niya ay naghanap siya ng isang tagong lugar malapit sa counter para hintayin ang order niya, at makapagtago. Hindi pwedeng magpakampante ni Tori. Ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon si Chandra na makausap siya ngayon.
“Customer Angelica!”
Iyon ang ibinigay niyang pangalan kanina sa counter nung umorder siya. Nilibot muna niya ng tingin ang paligid bago siya pumunta sa gilid ng counter para kunin ang inorder.
Natigilan siya ng iabot sa kanya ng babaeng staff ang order niya.
“Miss… baka hindi sa akin ‘yan. Hot coffee kasi ang alam kong order ko.”
“Customer Angelica po?”
Tumango si Tori.
Tiningnan nung staff ang resibo na hawak niya. Pagkatapos ay muling tiningnan si Tori.
“Wait lang po, Mam.”
Umalis ang staff sa harapan ni Tori at nagpunta sa ordering counter. Kinausap nito ang staff na kumukuha ng nga orders at ipinakita ang hawak na resibo. Sinulyapan nung staff si Tori, pero agad ding nagbawi ng tingin. Muli silang nag-usap nung isang staff tapos ay sabay silang tumingin sa screen nung machine sa counter.
Habang ginagawa nila iyon ay hindi na naman mapakali si Tori. Muli niyang nilibot ng tingin ang paligid ng coffee shop. Kinakabahan pa rin siya na baka biglang pumasok sa loob si Chandra. Mali yata na nagreklamo pa siya sa order niya.
Nagdesisyon si Tori na kunin na lang ang mainit na kape na ibinibigay sa kanya.
“Mam…”
Nginitian ni Tori iyong staff. Anuman ang sasabihin nito sa kanya ngayon ay hindi na niya pinatuloy.
“Miss, okay na. Kukunin ko na lang ‘to. Nagmamadali na kasi ako.”
Hindi na hinintay ni Tori na sumagot iyong staff. Basta dinampot na lang niya iyong paper cup at umalis na roon. Gusto na niyang makaalis. Gusto na niyang makauwi. Para kay Tori, matatahimik lang siya kapag nandoon na siya sa sariling tahanan niya.
Dere-derecho at walang lingon-likod na naglakad na si Tori papunta sa main entrance ng coffee shop. Bahagya siyang nakayuko para maitago niya ang mukha hanngang sa makarating siya sa pintuan.
Hinawakan niya ang door handle at saka mabilis na itinulak ang frosted glass na pintuan. Pero laking gulat niya nang madala siya ng pintuan palabas. Tila may malakas na puwersa na humatak nun mula sa labas. Dahil sa pagkabigla at pagkatangay ni Tori, hindi niya nakontrol ang katawan.
Mabilis ang pangyayari dahil namalayan na lang ni Tori na bumangga siya sa isang matigas na bagay. Kasabay nito ang pag-agos ng mainit na likido sa kamay at braso niya.
“D*mn!”
Agad siyang nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kaharap. Halos kalahati ng suot nitong polo shirt ay natapunan ng kape na galing sa paper cup na hawak niya.
Napipilan si Tori. Gusto niyang humingi ng pasensiya pero walang lumabas na boses mula sa kaniya.
Natatarantang binuksan ni Tori ang bag niya ng malinis niyang kamay. Kukunin sana niya ang panyo niya para punasan ang nabasang polo shirt ng lalaki. Pero nagulat na lang siya nang may humawak sa kamay niya at isiniksik doon ang isang panyo.
Nakita na lang niyang paalis na ang lalaking natapunan niya ng kape.
~CJ
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you