Galing sa isang traumatikong relasyon si Viktoria Panlilio. Pilit niyang kinalimutan ang bahagi na iyon ng kanyang nakaraan, pati na ang mga taong sangkot doon. Isinumpa niyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Pero nang makilala niya si Xander Syjuco, at ligawan siya nito, kakaibang klaseng pagmamahal ang ipinakita sa kanya ng lalaki. Halos ilagay siya ng binata sa pedestal. Gustong-gusto ni Viktoria ang nararanasan niyang kakaibang pagmamahal na ibinibigay ni Xander sa kanya na hindi niya kailanman naranasan mula sa kanyang ama at sa dating relasyon. Sa piling ni Xander, tila siya isang babasaging kristal na pinaka-iingatan ng lalaki. Pero nakahanda na ba siyang muling buksan ang kanyang puso at tanggapin ang pag-ibig ni Xander? Paano kung malaman ni Xander ang kanyang nakaraan, ganun pa rin kaya ang pagmamahal na ibibigay ng lalaki sa kanya? O tatalikuran na siya ng lalaki dahil sa yugto ng buhay niya na iyon na hindi naman niya ginusto?
View MoreMadraullo Motors.
Dito pinapunta si Tori ng kaibigang si Xia. Inirekomenda siya nito para maging interior designer ng kumpanyang ito at para magkaroon na raw siya ng una niyang kliyente.
Sabi ni Xia, isang maliit na coffee nook ang kailangan niyang i-design. Okay lang naman kay Tori. Kailangan lang niya talaga ng unang proyekto para makagawa na siya ng portfolio niya bilang Registered Interior Designer.
“Good morning. Magkikita kami ni Xia. Saan ko kaya siya puwedeng hintayin?” tanong ni Tori sa magandang babae na sumalubong sa kanya na may nakalagay na Justine sa name plate niya.
“Ah, si Mam Xia po ba? Gusto n’yo Mam, ihatid ko kayo sa Executive Lounge?” balik-tanong nung Justine kay Tori.
Bahagyang nagulat si Tori. Aware naman siya na galing sa mayamang pamilya ang kaibigan, pero hindi niya akalain na ganito kakilala si Xia sa kumpanyang ito. Close talaga siguro siya sa may-ari.
“Oh, mukhang VIP si Xia dito sa company n’yo, ah? But no, I prefer sitting here na lang rather dun sa lounge,” nakangiting pagtanggi ni Tori.
Agad na lumibot ang mga mata ni Tori. Sinuyod niya ng tingin ang kinaroroonan kung saan ba siya makaka-puwesto na makikita niya agad si Xia kapag pumasok na ito sa building. And at the same time, hindi naman siya agad makikita ni Xia sa pupuwestuhan niya. Gusto niya kasi na sorpresahin ang kaibigan. Matagal na rin silang hindi nagkita ng personal mula ng maunang umuwi si Xia rito sa Pilipinas. Laging sa video call na lang sila nakakapag-usap.
“Sure ka, Mam?”
“Yes. And I think I’ll go with that corner,” nakangiti pa rin na sabi ni Tori sa kausap sabay turo sa isang bakanteng mesa na medyo tago mula sa main entrance ng building.
“Sure, Mam. Can I offer you our coffee? It’s brewed coffee if you are into that kind of coffee… and our coffee beans are one of the finest coffee beans which we buy from the local Bunsayao farmers. They sell it to this company exclusively.”
Ngumiti si Tori kay Justine. Nagustuhan niya ang ideya na tumatangkilik ang kumpanyang ito sa mga local farmers, at hindi ng imported products.
“Okay, sige. Please give me one. Saan ko babayaran?”
“For now it’s free, Mam. Pati na rin ang bread na kasamang ise-serve with the coffee. Freshly baked din po araw-araw ang mga breads namin. May sarili po kaming baker.”
Napahanga nun si Tori. Hindi siya makapaniwala na gagastusan ng ganun ng kumpanyang ito ang kape na isinisilbi nila sa mga kliyente nilang nagpupunta rito. At hindi lang kape, may kasama pang tinapay. Na sarili daw nilang gawa.
“Really? Ang galante naman pala nitong company n’yo. Oh, sige. Titikman ko and then I will post a review.”
“Yay! Thank you, Mam! Malaking bagay na po sa amin iyong magiging review ninyo,” masayang sabi ng kausap.
Yumuko pa ng bahagya si Justine, tanda ng kasiyahan niya sa pagpi-prisinta ni Tori sa review.
“Ipapahatid ko na lang po, Mam,” dagdag pa ni Justine.
“Thank you.” Pagkatapos ay naglakad na si Tori papunta sa mesa na pinili niya.
Agad na sinet-up ni Tori ang tablet na dala niya sa ibabaw ng mesa, at saka ni-review ang mga designs na ipi-present niya mamaya sa may-ari nitong kumpanya. Hindi na nag-abala pa si Tori na hanapin sa internet ang background ng kumpanya. Nagbase na lang siya sa mga paglalarawan ni Xia at sa kung ano ang gustong resulta ng kliyente sa gagawin niyang disenyo.
Ang sabi ni Xia ay sa isang coffee corner ang gagawin niyang disenyo sa loob ng kumpanyang ito. A profitable coffee corner for their customers. Nang mabanggit iyon ni Xia ay lihim siyang natawa. May mga naaalala kasi siyang mga kakatwang eksena kapag kape at coffee shop ang nababanggit.
Mayamaya lang ay dumating na ang kape at tinapay na sinabi ni Justine. Ibang staff ang naglapag nun sa ibabaw ng mesa nya.
“Enjoy your snack, Mam,” sabi nung staff bago ito umalis.
Habang ine-enjoy ni Tori ang masarap na kape at tinapay na inihain sa kanya, isinabay na rin niya ang pagrebisa sa mga gawang disenyo niya sa kanyang tablet. Kailangan niyang siguraduhin na magiging okay ang presentation niya mamaya. Nakakahiya kay Xia kung mapapahiya siya. Si Xia pa naman ang nag-refer sa kanya.
Mayamaya, naisipan ni Tori na sulyapan ang main entrance. Maaari kasing parating na rin si Xia sa mga sandaling ito. Pero natigilan si Tori sa nakita niya sa main entrance. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang ikot ng mundo. Hindi si Xia ang nakita niyang papasok ngayon. Kung hindi isang tao na ayaw na niyang makita sa buong buhay niya.
Biglang nakaramdam ng takot si Tori. Pakiramdan niya ay sinasakal siya at nangangapos ang kanyang paghinga. Ibinuka pa niya ang kanyang bibig dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang kumuha ng hangin. Buong akala ni Tori ay hindi na niya uli mararamdama ang ganung pakiramdam. Akala niya okay na siya. Pero hindi pa rin pala.
Hindi na ikinagulat ni Tori ng napansin niya na hindi nag-iisa ang lalaki. Hindi pa siya napapansin nung dalawang nilalang. At ayaw din naman niyang makita siya ng mga ito. Hindi pa siya handang makipag-usap sa kanila. Kung may super power lang sana siyang maging invisible, ginawa na niya agad.
Kaya bago pa man din siya makita ng dalawa, agad na dinampot ni Tori ang mga gamit niya at ang paper cup na konti pa lang ang nababawas na kape. May pagmamadali siyang tumayo at saka naglakad nang mabilis palayo sa lugar na iyon. Wala siyang ideya kung saan papunta ang direksyon na nilalakaran niya. Basta ang gusto lang niya ay makalayo at makaiwas sa dalawang taong iyon.
Nang may nakita si Tori na pasilyo na lilikuan, nagmadali na siyang lumiko roon. Napasigaw na lang siya nang may nabunggo siyang matigas na bagay.
“D*mn!”
Oh, my!
Tao ang nabunggo ni Tori. At base sa boses nito, galit o inis ito.
Agad na nag-angat ng tingin si Tori. Inihanda na niya ang sarili sa galit ng taong nakabungguan niya. Lalo na at nararamdaman niya ngayon sa balat ng kamay niya ang mainit na likido ng kape mula sa hawak niyang paper cup.
Pero kung nagulat siya sa dalawang taong pinagtataguan niya, mas nagulat siya sa lalaking nasa harap niya ngayon.
“Ikaw?” / “Ikaw uli?”
Sabay na sabi ni Tori at nung lalaking nakabungguan niya.
~CJ
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments