LOGINIsang gabi ng alak, galit, at nag-uumapaw na sakit ang nagdala kay Zamira Rios sa Fantasy Lounge matapos siyang babuyin at lokohin ng kanyang ex-boyfriend na si Nico. Ang tanging hiling niya? Ang makaganti at makahanap ng lalaking papakasalan siya agad-agad para lang mapatunayan na hindi siya kawalan. But karma has a twisted, wicked sense of humor. Nagising siya kinabukasan na may nakasisilaw na dyamanteng singsing sa kanyang daliri, hubad sa isang kama, at kasiping ang nag-iisang Santiago "Santi" Del Fierro. Si Santi na isang malamig, mailap, at bilyonaryong makapangyarihan—na tiyuhin mismo ng ex niyang si Nico. Ang mas nakakabaliw? Walang pag-aalinlangang pumayag si Santi sa baliw niyang hiling kagabi, at ngayon ay legal na silang mag-asawa. Sa pagitan ng maruruming lihim ng pamilya Del Fierro, ng nagbabagang selos ng kanyang ex, at ng walang katapusang pagnanasa sa bawat sulok ng mansyon ni Santi, mahuhulog si Zamira sa isang mapanganib at mapanuksong laro. Isang laro kung saan ang bawat haplos, bawat ungol, at bawat magkakaibang posisyon sa ibabaw ng kama ay unti-unting umaalipin sa kanyang puso at katawan. Kakayanin ba niyang takasan ang bilyonaryong tiyuhin, o habambuhay na siyang magpapasakop sa kama at kapangyarihan nito?
View MoreZamira Rios POV
Sumakit agad ang ulo ko pagdilat ko. Parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa sentido ko habang mabigat ang katawan ko sa kama. Mabagal akong huminga habang sinusubukang ayusin ang paningin ko sa kisame. Hindi iyon ang kisame ng condo ko. Masyadong mataas. Masyadong elegante. May chandelier pa sa gitna na mukhang mas mahal pa kaysa sa kotse ng karamihan sa kakilala ko. Kumunot ang noo ko habang unti-unting pumapasok sa isip ko ang tanong na hindi ko agad masagot—nasaan ako? Dahan-dahan akong umupo sa kama at napangiwi dahil sa hilo. Doon ko lang napansin ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Pagtingin ko sa sarili ko, halos tumalon palabas ang puso ko sa kaba. Hubad ako. Agad kong hinila ang kumot at binalot iyon sa katawan ko habang pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Pilit kong hinahalungkat ang memorya ko, pero puro putol-putol na eksena lang ang bumabalik. Ang malinaw lang ay ang bar, ang Fantasy Lounge sa Makati. Ang matinis na tunog ng mga baso, ang ilaw na umiikot sa kisame, at ang lasa ng alak na halos hindi na mawala sa dila ko. Naaalala ko ring umiiyak ako habang nagkukwento sa bartender kung gaano ka-gago ang ex kong si Nico. Paulit-ulit kong sinasabi kung paano ko sila nahuli ng ibang babae niya, kung paano niya ako tiningnan na parang wala lang akong halaga. Tatlong taon kaming magkasintahan. Tatlong taon kong ibinigay ang lahat sa kanya ang tiwala, oras, at pagmamahal ko tapos ganoon lang kadali para sa kanya na sirain iyon. Napamura ako nang mahina habang pinipilit kontrolin ang kumukulong galit sa dibdib ko. Bigla akong napahinto nang maramdaman ko ang kakaibang bigat sa kaliwang kamay ko. Dahan-dahan kong itinaas iyon. At doon tuluyang tumigil ang mundo ko. May singsing sa daliri ko. Hindi ito simpleng singsing. Malaki ang bato—diamond, at mukhang hindi mumurahin. Sa unang tingin pa lang, alam kong hindi ito ‘yung klaseng nabibili lang kung saan-saan. Nanlamig ang buo kong katawan habang nakatitig doon. “Ano ‘to?” bulong ko. Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang may naramdaman akong gumalaw sa kama sa tabi ko. Napatigil ang paghinga ko. May lalaki sa kama. Mabagal akong lumingon, halos takot na takot sa makikita ko. Nakahiga siya nang nakatagilid, ang isang braso ay nakapatong sa unan kung saan nakahiga ako kanina. Magulo ang itim niyang buhok, at kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng anino mula sa kurtina. Pero kahit ganoon, kitang-kita ko ang matigas niyang panga at ang matangos niyang ilong. Malapad ang balikat niya at malinaw na hubad din siya. Halos masakal ako sa hangin. Diyos ko. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabigla—ang katotohanang may estrangherong lalaki sa kama ko o ang ideyang posibleng may nangyari sa amin kagabi. Pakiramdam ko ay biglang nagkagulo ang lahat sa loob ng ulo ko. Please, sabihin mong wala lang ‘to. Sabihin mong wala kaming ginawa. Sabihin mong bangungot lang ‘to. Maingat akong gumalaw palabas ng kama, pilit na hindi siya ginigising. Pinulot ko ang kumot at binalot iyon sa katawan ko habang dahan-dahan akong tumayo. Pero bago pa ako makalayo— “Going somewhere?” Napahinto ako. Malalim. Mababa. At sobrang kalmadong boses ng lalaki. Dahan-dahan akong napalingon. Gising na siya. At ngayon ay nakatingin siya sa akin ng diretso, matalim, parang sinusuri ang bawat galaw ko. Napayakap ako nang mahigpit sa kumot. “Uh… I think may misunderstanding,” mabilis kong sabi. Umangat ang isang kilay niya. “Misunderstanding?” Tumango ako nang mabilis. “Oo. Kasi—uh—hindi ko talaga alam kung paano ako napunta dito.” Umupo siya sa kama. Mas lalo kong nakita ang katawan niya—malapad ang dibdib, may malinaw na linya ng muscle sa tiyan, at may tattoo sa gilid ng ribs niya. Bigla akong nahiya kahit hindi ko maintindihan kung bakit. Parang may kakaibang pressure sa hangin sa pagitan namin, kahit wala naman siyang ginagawa kundi tumingin lang sa akin. Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo bago siya nagsalita. “Hindi mo alam?” Napailing ako. “Last thing I remember, nasa bar ako.” Sandaling natahimik ang kwarto. Tapos… bigla siyang natawa nang mahina. Hindi ito masayang tawa. Parang amusement lang, parang may alam siyang hindi ko alam. “Oo,” sabi niya. “Nasa bar ka.” Napakurap ako. “Umiiyak ka,” dagdag niya. “At paulit-ulit mong sinasabing gaganti ka sa ex mo.” Ramdam kong uminit ang mukha ko. Great. So hindi lang pala ako lasing kagabi naging dramatic pa ako sa harap ng estranghero. “Tapos?” maingat kong tanong. Tumayo siya. At halos mapaatras ako nang lumapit siya. Mas matangkad siya kaysa sa inaakala ko yung halos isang ulo ang lamang niya sa akin. Habang papalapit siya, parang lalong sumisikip ang hangin sa pagitan namin. Naamoy ko ang pabango niya, malinis, medyo matapang, at nakakabaliw. Huminto siya sa harap ko. Sobrang lapit. “After that,” mababa niyang sabi, “ikaw ang nag-aya.” Nanlaki ang mata ko. “Ano?!” Tumango siya, parang walang big deal. “Your exact words were—” bahagya siyang yumuko para mas mapalapit ang mukha niya sa akin. “At dahil niloko ako ng ex ko…” bulong niya. “Magpapakasal ako sa unang lalaking lalapit sa akin.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “H-Hindi ko sasabihin ‘yon—” Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ang kamay na may singsing. Dahan-dahan niya iyong tinaas sa pagitan namin. “Too late,” kalmado niyang sabi. Parang tumigil ang mundo ko. “Bakit?” halos pabulong kong tanong. Nagkibit-balikat siya. “Because,” sabi niya, “you insisted.” Nanlamig ang likod ko. “Insisted… what?” Tinitigan niya ako. Diretso sa mata. “Na pakasalan kita.” Napabuga ako ng hangin. “That's impossible.” Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang isang bagay sa side table. Isang folder. Binuksan niya iyon at inilabas ang isang papel. Pagkakita ko pa lang sa header, parang nawalan ng lakas ang tuhod ko. Marriage Certificate. Nakasulat doon ang pangalan ko. Zamira Rios. At ang pangalan niya. Santiago Del Fierro. Napaatras ako. “H-Hindi… hindi ito totoo.” “It's legal,” kalmado niyang sagot. Hindi ko alam kung mas gusto kong sumigaw o himatayin. Parang sabay-sabay na nagkagulo ang lahat sa loob ng ulo ko. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi ako pwedeng magising isang umaga na may asawa na akong hindi ko man lang kilala. “Bakit mo ginawa ‘to?!” halos sigaw ko. Pero imbes na magalit, lalo lang siyang naging kalmado. “Hindi ako ang nagpilit,” sabi niya. Napayakap ako sa ulo ko. Diyos ko. Pinakasalan ko ang isang estranghero. Huminga ako nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili ko. Kahit papaano, may solusyon naman sa ganitong bagay. Hindi pa naman huli ang lahat. “Okay,” sabi ko. “Fine. We'll just annul this. Easy.” Tahimik siyang tumingin sa akin. Tapos… bahagya siyang ngumiti. Hindi iyon mabait na ngiti. Parang may alam siyang hindi ko alam. “Pwede naman,” sabi niya. Bahagya akong gumaan. “Good—” “Pero,” putol niya. Nanikip ulit ang dibdib ko. “May maliit na problema.” Napakunot ang noo ko. “Ano?” Humakbang siya palapit. Mas lalo kaming nagkalapit. Halos magdikit ang hininga namin. “Ang ex mo,” mahina niyang sabi. “...kilala mo siya?” Sumilay ang isang mapanganib na ngiti sa labi niya. “Of course.” Tumigil ang puso ko sa sumunod niyang sinabi. “Kasi,” bulong niya, “pamangkin ko si Nico.”Zamira Rios POV Masyadong tahimik ang loob ng Executive VIP Suite sa Del Fierro Medical Center. Ang amoy ng malinis na linen at banayad na lavender scent ng central air conditioning ay hindi nakatulong para pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Nakaupo ako sa gilid ng dambuhalang hospital bed, suot pa rin ang aking corporate blazer pero tinanggal ko na ang aking heels. Sa tapat ko, nakatayo si Santi malapit sa glass window na nakaharap sa skyline ng Bonifacio Global City. Nakatalikod siya sa akin, naka-unbutton ang kanyang suit jacket, at seryosong nakikipag-usap sa kanyang earpiece. Habang pinagmamasdan ko ang matikas niyang profile, ramdam ko ang tensyon sa kanyang panga—isang senyales na ang kanyang seryoso at kinatatakutang billionaire defense mechanism ay kasalukuyang naka-activate dahil sa akin. "Nico, tell the medical director to expedite the laboratory validation," paos at baritono niyang utos bago tuluyang pinatay ang comms link. Humarap siya sa akin, gulo-gulo ang
Zamira Rios POV Abala ang buong corporate office ng Rios-Valderama Foundation sa huling araw ng linggo. Mula sa glass wall ng aking personal suite, kitang-kita ko ang mabilis na galaw ng mga bagong accounting staff na nag-aayos ng logistics ledger para sa community centers sa Batangas. Maayos na ang lahat, balanse ang mga accounts, at zero variance na rin ang structural funding na pormal na inilabas ng Del Fierro Group noong nakaraang buwan. Pero sa kabila ng perpektong compliance ng opisina ko, may iba akong nararamdaman ngayon. Kanina ko pa hawak ang aking mamahaling fountain pen, pero hindi ko magawang itama ang huling linya ng operational audit report dahil sa kakaibang hilo na kanina pa umaatake sa akin. "Ma'am Zamira, ito na po 'yung signed clearance mula sa Bureau of Customs," pormal na bungad ni Maya habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. May hawak siyang blue folder. "Naka-verify na rin po ni Nico ang transport route ng mga medical supplies." "Salamat, Maya. Pakilapag
Zamira Rios POV Maliwanag at presko ang umaga sa hardin ng Del Fierro Estate. Dalawang buwan na ang nakalipas mula noong pormal kaming bumalik mula sa aming honeymoon sa Maldives, at sa wakas, unt-unti nang nararamdaman ng buong katawan ko ang totoong kahulugan ng salitang stability. No more emergency risk assessments, no more toxic corporate warfare, at higit sa lahat ay wala nang mga multo ng nakaraan na kailangan naming takbuhan. Nakatayo ako malapit sa glass pavilion ng mansyon, hawak ang isang mainit na tasa ng tsaa habang pinagmamasdan si Nanay Lita na masayang nagtatanim ng mga bagong orchids sa malawak na garden plot. "Zamira, anak, halika rito dali!" tawag sa akin ni Nanay habang may hawak siyang maliit na trowel. "Tingnan mo itong mga puting cattleyas na ipinadala ng logistics team ni Santiago kagabi mula sa Davao. Ang ganda-ganda, bagay na bagay doon sa tabi ng fountain." Natawa ako nang mahina habang dahan-dahang lumalakad patungo sa pwesto niya. "Nay, sinabi ko naman
Zamira Rios POV Seryoso ang atmospera sa loob ng Central Boardroom ng Del Fierro Group ngayong hapon. Ang mahabang conference table na gawa sa mahogany ay napapaligiran ng mga senior board members, regional directors, at mga chief legal counsels ng kumpanya. Sa dulo ng lamesa, nakaupo si Santi, suot ang kanyang signature midnight black corporate suit. Ang kanyang gulo-gulong buhok ay maayos na naka-style ngayon, at ang kanyang madidilim na mata ay malamig na nakatitig sa naglalakihang presentation slides na nagpapakita ng quarterly logistics performance ng Batangas Port operations. Nakatayo ako sa tapat ng dambuhalang projector screen, hawak ang aking laser pointer habang pormal na tinatapos ang aking analytical synthesis report bilang newly appointed Chief Strategic Auditor ng buong holding company. "As you can see from the latest financial tracking layer, the operational variance has been effectively flattened to 0.2 percent after the pre-nuptial restructuring," pormal kong paliw


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews