Share

Chapter 180

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-07-19 15:40:57

Hindi pa rin makagalaw si Miraflor. Nakatihaya siya sa malamig na sahig, hinahabol ang paghinga, habang ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa hindi makapaniwala. Ang anak na pinagbuntis at pinalaki niya—ang batang minsang lumapit sa kanya ng may sugat sa tuhod at humingi ng yakap—ngayon ay naging isang halimaw na handang manakit, kahit pa ina niya.

Hindi niya alam kung paano siya nakalikha ng isang halimaw.

Alam niyang masama siyang tao, aminado siya sa sarili niya na hindi siya naging isang huwarang ina, ngunit ang magkaroon ng isang ganito kasira ulong anak, beyond her expectations na..

Hindi niya makuhang tumayo. Iniisip kung anu na ang nangyayari, kung papaanong nagkaganoon sila bigla.

Isang masunuring anak si Caleb, ngunit ngayon----

SA kabilang dako ng bahay, maririnig ang yabag ni Caleb. Mabilis, mabigat. Nagtutulak ng galit. Dumiretso siya sa basement—isang lugar na hindi basta napupuntahan ng kahit sino sa bahay. Doon niya inilalagay ang mga "backup" niya: mga hard drive, burn
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 208

    SA OSPITAL – LOOB NG KWARTO NINA HANNAH AT EDWARD..Katatapos lang suyuin ni Edward si baby Hope sa kanyang bisig, habang si Hannah naman ay maingat na inaayos ang kumot ng bata sa crib. Tahimik ang paligid, para bang isang sandaling pahinga sa gulo ng mga nakaraang araw.Naputol ang katahimikan nang bumukas ang pinto.“Leona?” gulat na gulat ang boses ni Hannah.Pumasok si Leona, may kasamang kaba at pagmamadali sa kilos. Agad siyang lumapit sa kanila at walang pag-aalinlangang niyakap si Hannah ng mahigpit.Hindi nakakilos si Hannah, labis ang kanyang pagkabigla. Ang alam niya, galit sa kanya ang babae, bakit siya niyakap nito ngayon?"Kumusta naman kayo dito?" tanong ni Leona, sabay tingin kay baby Hope. May ngiti sa kanyang mukha—pero saglit lang iyon bago ito napalitan ng galit. “Napakawalanghiya talaga ng Caleb na ‘yan!”Napatingin sina Edward at Hannah sa isa’t isa, bahagyang nabigla sa bigat ng sinabi."Nagtago rin ako dahil sa kanya," patuloy ni Leona habang iniikot ang panin

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 207

    “Tonta!! Walang utang na loob!!” sigaw ni Caleb habang sunod-sunod ang hampas ng sinturon sa nakaluhod na si Joel, duguan na ang labi, namamaga ang mata, at nanginginig ang buong katawan. Bawat palo ay may kasamang mura, bawat sipa ay may halong pagkabaliw—hindi lang sa pagkabigo, kundi sa pakiramdam ng pagkakanulo ng taong ilang taon niyang pinakain, tinuluyan, at pinagkatiwalaan.Malaki ang tiwala niya sa taong ito, iyon pala, isa ito sa susuwag sa kanya!“Dahil sa’yo! Dahil sa’yo kaya bigo ang plano ko! Nakahanda na ang lahat! Konting segundo na lang sana, Joel!” nanginginig sa galit si Caleb habang itinulak pa ng mas malakas ang lalaki.Si Berto at Elong, na kapwa nasa kulungan matapos mahuli, at ngayon ay hindi na makakalaya dahil sa kanilang pag amin. Mas nanaisin pa nilang makulong kaysa bumalik kay Caleb. Mas ligtas sila sa loob.“Boss... tama na...” mahinang sabi ni Bon, ang isa pa niyang tauhan.Napalingon si Caleb, nanlilisik ang mga mata. “Ano ‘yon?! Sinasabi mong dapat ko

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 206

    Sa ospital, habang nagpapahinga sina Hannah at Edward sa loob ng suite, biglang pumasok ang isa sa mga night nurse.“Ma’am, Sir… may bagong dalang team daw po mula sa emergency medical services. Galing daw sila sa central. Iche-check lang daw po ang mga bata sa nursery.”Napakunot ang noo ni Edward.“Hindi kami na-inform tungkol diyan. May scheduled rounds si Dr. Grace bukas pa ng umaga.”Napatingin din si Hannah. “Paki-verify nga po ulit. Ayokong may basta-basta lang papasok sa nursery lalo’t may mga bantang natatanggap kami kamakailan.”Tumango ang nurse at agad lumabas. Mabilis siyang lumapit sa head nurse at sinabi ang naging usapan. Agad nagka-alert level sa buong ospital. Tinawagan nila ang pulis na naka-assign sa night shift, at siniguradong may nakaabang sa bawat exit.Makalipas ang ilang minuto, dumating nga sina Berto at ang kasamahan niya, kapwa bihis na paramedic, may dalang stretcher at injection kit. Pasimpleng pinakita ang forged ID at sinabing may “emergency immunizati

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 205

    "HINDI maaring masaya sila, tapos ako, hindi!" inis na sabi ni Caleb habang pinapanood ang cctv na na- hacke nila mula sa ospital.Kitang kita niya ang saya nina Edward at Hannah habang hawak ang anak nilang si Hope, samantalang siya, wala ng pera, wala pa si Hannah sa buhay niya."Tanggap ko naman kahit may anak na siya sa iba.. basta balikan niya ko.." malungkot niyang sabi."Hindi, hindi mo siya tanggap. Masama siyang babae.""Ikaw ang masama! ikaw ang naunang mambabae!"Patuloy na kinakausap ni Caleb ang kanyang sarili. Ang mga tauhan niya ay bahagyang kinakabahan sa inaarte niya.Nababaliw na siya!"Kailangan, kung hindi kita makukuha, papatayin na lang kita!" saka humalakhak si Caleb, "papatayin ko na lang kayong mag anak!"“Sir, kailangan niyo na pong magpahinga. Baka po—”“Tumahimik ka!” sigaw ni Caleb sa tauhang lumapit para awatin siya. Namutla ito at agad na umatras, takot na baka siya ang isunod sa pagkabaliw ng kanyang amo.Hawak pa rin ni Caleb ang tablet kung saan nakik

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 204

    Muling bumalik si Renzelle sa ospital upang tulungan si Hannah at Edward na maalagaan si Hope. Bgao pa man sila magtungo sa silid ni Hannah, dumaan muna sila sa silid ng ina ni Josh."Ma.." nakangiti nitong sabi sa ina, "si Renzelle, ang asawa ko.."Napatingin ang ina nito sa kanya, saka ngumiti, at ibinuka ang mga kamay, "hija, ang manugang ko," naluluhang sabi nito. Agad tumulo ang luha ng matanda matapos lumapit si Renzelle at yumakap.Napapikit si Renzelle habang nakayakap sa ina ni Josh. Ramdam niya ang init ng yakap nito—hindi lang bilang pagtanggap kundi isang tanda ng matagal nang inaasam na kapayapaan. Sa dami ng pinagdaanan nila, sa lahat ng pagdududa at sakit, ngayon lang siya muling nakaramdam ng ganitong pagkalma."Salamat, Ma," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang luha sa pisngi ng matanda."Salamat din, hija. Kasi hindi mo iniwan ang anak ko kahit napakahirap ng pinagdaanan ninyo." ngumiti ang kanyang biyeana, "saka salamat din, dahil kahit mahirap, kapag kailanga

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 203

    Pagkababa ni Ellaine sa elevator ay halos hindi na niya napigilan ang luha. Humalo sa bawat hakbang ang sakit ng pagtanggi, ang pagkabigo, at ang pagkakabunyag ng kanyang tunay na layunin. Hindi niya maintindihan kung paano siya napunta sa ganitong posisyon—na siya ang kontrabida sa kuwento, gayong lahat ng ginawa niya ay para kay Josh.O iyon ang akala niya.Lumabas siya ng ospital at sumakay sa kanyang kotse.Kailangan na niyang lumayo, hanggang kaya niya pang tanggapin ang katotohanan....na sa mundong ito, hindi sapat ang intensyon kung ang paraan ay mali.Habang nakaupo sa driver's seat, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Nanginginig ang mga daliri niya habang pinipilit pigilan ang sariling hindi mapahagulgol. Ngunit sadyang matindi ang sakit—hindi lang dahil sa pagkatalo, kundi dahil sa pagkalugmok ng imahe niya sa mata ng mga taong mahalaga sa kanya.“Mahal ko naman siya, eh...” bulong ni Ellaine sa sarili habang nakatanaw sa basang salamin ng sasakyan. “Bakit parang ako l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status