Share

Chapter 134

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-04 14:29:04

Hindi umimik si Renzelle. Tila naipit sa gitna ng responsibilidad bilang kaibigan at tungkulin bilang asawa. Tiningnan niya si Edward, puno ng pag-aalala ang mga mata, at saka binalingan si Josh na nananatiling seryoso at malamig ang titig.

“Josh,” mahinang sabi ni Renzelle. “Hindi ko naman sinasadyang hindi umuwi. Si Hannah—nasa kritikal siyang lagay, at…”

“Hindi mo kailangang ipaliwanag,” putol ni Josh. “Ang kailangan ko lang, umuwi ka. Ngayon din.”

Pilit pinanatili ni Renzelle ang kanyang composure. Napatingin siya kay Edward na, bagama’t hindi nagsasalita, ay tila nag-uudyok na sundin na lang muna si Josh.

“Sige,” tipid niyang sabi. “Babalik din agad ako kapag—”

“Hindi ka na babalik,” muling sabat ni Josh. “Pagkatapos nito, tapos na. Hindi ka na parte ng mundong ‘to. Ayoko na sa’yo sa piling ng ibang lalaki.”

Nanlaki ang mga mata ni Renzelle. “Josh! Huwag mong sabihin ‘yan—kaibigan ko si Edward. At si Hannah, matalik kong kaibigan mula pagkabata!”

“Hannah na naman,” sarkastikong s
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Evelyn Avelino
tama yan Hannah Lumban ka para sa asawa at anak mo pati na rin sa kaibagan mong hindi umalis sa tabi mo...lumaban ka para sa kanila .........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 168

    Habang hinihintay ang pagdating ng forensics team ni Lou, ramdam ni Renzelle ang bigat ng responsibilidad na nakapatong ngayon sa kanyang mga balikat. Hindi lamang buhay ng kaibigan niyang si Hannah ang nakataya—pati ng sanggol na si Hope, at ng katotohanang sinusubukang baluktutin ng mga taong gahaman sa kapangyarihan at kontrol.Bumalik siya sa silid at sinilip sandali si Hannah. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil dahil sa gamot, marahil dahil sa pagod. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay."Konting tiis pa, Han," mahinang bulong ni Renzelle. "Hindi ko hahayaan na maagaw nila ang anak mo."Bigla siyang napalingon nang marinig ang katok sa pintuan. Tumayo agad siya at binuksan ito. Tatlong kalalakihan ang nandoon—naka-itim, may dala-dalang hardcase equipment. Naka-identify badge ang isa: Lou Intelligence, Private Investigations.“Ma’am Renzelle?” bati ng isa.Tumango siya. “diyan na tayo sa labas.”Lumabas siya dala ang laptop. “Nandiyan ang flash drive. Kailangan nating

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 167

    “Anong ginagawa mo rito?” mariing tanong ni Renzelle, ramdam ang pamumuo ng tensyon sa paligid. “Paano mo nalaman kung nasaan kami? At anong totoo ang sinasabi mo?”Tila hirap magsalita si Leona, ngunit nagpursigi. “Hindi ako andito para manira. Hindi rin ako andito para magkunwari. May mga bagay kang hindi alam, Renzelle. Si Caleb… hindi lang basta gusto si Hope. Gagamitin niya ang bata para saktan si Hannah. Para makuha ang mga dokumentong iniwan ni Edward—yung mga ebidensya laban sa kompanyang hinawakan nila dati.”Kumunot ang noo ni Renzelle. “Anong konek ni Hope sa mga dokumento?”“Hindi si Hope ang habol nila, kundi si Hannah. Pero alam ni Caleb na hindi basta-basta lalabas si Hannah sa ospital o sa bahay niyo kung walang dahilan. Kaya’t ginagamit niyang dahilan ang ‘paternal rights’ kuno para makalapit. Ang totoo, may inutusan siyang tao na peke ang pagkatao—isang social worker—na magpepresenta ng court order para makuha si Hope.”Nanlamig ang batok ni Renzelle. “Imposible. Hin

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 166

    Hindi makapaniwala si Renzelle, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Edward."Totoo bang nagpadala ka ng mga bodyguard dito?" bungad niya sa lalaki."Oo, para na rin sa kaligtasan ng mag ina. May banta mula sa kampo nina Caleb na kukunin nila si Hope," tugon ni Edward. "Pero, wag mo na lang ipaalam kay Hannah, ayokong mag alala ang asawa ko. Makakasama sa kanya yun.""Hindi na talaga tumigil ang lalaking yun!" inis na sabi ni Renzelle, "ano pa bang habol niya!""Pinag uusapan pa namin ngayon ng mga lawywer ko.""Pinag-uusapan pa namin ngayon ng mga lawyer ko," seryosong dagdag ni Edward. "May posibilidad na maghain sila ng petition para sa custody. Gusto nilang palabasin na si Caleb ang ama ni Hope."Napasinghap si Renzelle, halos mabitawan ang cellphone sa narinig. "Anong—anong sinabi mo? Custody? Si Caleb? Pero... paano nila nagawang umabot sa ganito?""May hawak silang mga pekeng dokumento, Renzelle. Pinapakita raw na si Caleb ang ama, na si Hannah ay hindi fit

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 165

    Tahimik na tumango si Hannah, pero bago pumikit ay humawak muna siya sa kamay ni Renzelle. “Salamat talaga. Sa lahat. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi mo ako sinabayan ngayong mga panahong ‘to.”Ngumiti si Renzelle at dahan-dahang pinisil ang kamay ni Hannah. “Gano’n talaga ang magkaibigan. Walang iwanan. At kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan.”Iniwan niya sa pagkakahiga si Hannah at marahang lumabas ng silid. Habang tinatahak ang maikling pasilyo patungo sa nursery room, dama niya ang kakaibang katahimikan—hindi malungkot, kundi mapayapa. Sa wakas, parang unti-unti na siyang nakakahinga. Unti-unti na ring gumagaan ang bigat sa dibdib na matagal na niyang kinikimkim.Pagdating niya sa silid, natanaw niya agad si Hope sa loob ng incubator—maliit, mahina pa ang katawan, pero may tibok na matatag, at may hiningang nagpapatuloy sa laban. Napangiti siya, sabay idikit ang palad sa salamin.“Hello, baby,” mahina niyang bulong. “Alam mo ba, ako ang ninang Renzelle mo.

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 164

    "Pero--" parang nag aalinlangan si Hannah, "yung totoo, ayaw mo na bang balikan ang asawa mo? I mean.. ano bang balak mo sa relasyon niyong dalawa?""Marami pa siyang kailangang iaccomplish sa buhay ng hindi ako kasama.. matuto siya sa mga bagay bagay at malaman niyang hindi lahat ng nais niya ay makukuha niya." nakangiting sagot ni Renzelle. "Ayokong sumabay sa kanya, nais kong tumahak siya ng landas na hindi ako kasama, baka sakaling matagpuan niya ang tunay kong halaga."“Ang totoo,” dagdag pa ni Renzelle habang bahagyang tinutok ang tingin sa kisame, “mahal ko pa rin siya… Hindi basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nag iisa siyang lalaki sa buhay ko.. pero hindi sapat ‘yung pagmamahal lang. Hindi na ako puwedeng bumalik sa cycle na ako lang ang laging sumusubok. Kailangang matutunan niya na ang tunay na pagmamahal, hindi inaasahan—pinaglalaban, pero hindi pinipilit. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal, kapag totoo, kahit ano pa ang dumating, kahit ano pa ang kaharapin, hi

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 163

    "Nagkabalikan na kayo?" gulat na tanong ni Hannah.“Hindi naman… pero nakapag-usap na kami tungkol sa lahat.”Napakunot-noo si Hannah, sabay upo ng mas maayos sa kama. “As in, lahat-lahat? Closure?”Tumango si Renzelle, sabay buntong-hininga. “Oo. Yung totoo, hindi ko alam kung closure ba talaga ‘yon o kung parte pa rin ng puso ko ang umaasang baka... alam mo na. Pero nung nakita ko siya, naramdaman ko rin na tapos na talaga kami. Wala nang hinanakit, wala nang tanong. Lahat ng sakit, parang nabura nang marinig ko ‘yung paghingi niya ng tawad. At higit sa lahat—napatawad ko na siya. Parang iyon na lang naman ang nakakapagpabigat ng aking damdamin, kaya ibinigay ko na lang sa kanya.”Tahimik si Hannah. Saglit itong nag-isip bago ngumiti. “Ang bigat nun, Renzelle. Pero ang tapang mo. Hindi lahat kaya ‘yan. Yung humarap sa taong minsang bumasag sa’yo, at piliin pa ring ipikit ang mata para sa kapayapaan. Naging matatag ka na sa paglipas ng panahon, nakakaproud ka..”“Hindi madaling pilii

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status