"Pero hindi ba--" nais sanang magpaliwanag ni Edward, subalit nakita niya ang kakaibang galit sa mga mata ng kanyang asawa.Nanahimik na lang siya.Kung hindi lang sinabi sa kanya ni Marhian na isa siyang baog.. (dati niyang nobya si Marhian at hindi sila nagkaanak dahil ayun sa babae, siya ay walang kakayahang mag anak. Isa itong doctor.) Hindi naman siya naniwala dito, kaya nagpatingin siya sa isa pa niyang kaibigan, at iisa ang sinabi ng mga iyon sa kanya.Iyon ang dahilan, kaya parang ayaw niyang magmahal at magkapamilya. Ngunit dahil kailangan siya ni Hannah, pinili niya ito, dahil wala namang problema dito kung magkakaroon sila ng anak.Si Hannah naman.. kaya ayaw niyang sabihin kay Edward na anak nito ang bata, dahil ayaw niyang maiwan ang baby dito kung sakaling mamamatay siya. Ayaw niyang bigyan ng responsibilidad ang kanyang ninong. Sa kaibigan niyang si Renzelle maiiwan ang kanyang anak, kasama ng kanyang buong pera na maaaring bumuhay sa kanyang anak hanggang makatapos ito
Tahimik na ang pasilyong iyon nang lumabas si Leona mula sa banyo. Wala siyang pakialam kung namumugto ang kanyang mga mata, kung magulo ang kanyang buhok, o kung kita sa mukha niya ang puot at galit. Isang layunin lang ang bumabagabag sa isip niya—ang tuluyang pagwasak sa buhay ni Hannah.Napagod siyang maging masamang babae sa loob ng ilang taon, tapos ito lang ang kahihinatnan ng lahat?Hindi ito dahil lang kay Caleb. Hindi ito dahil sa pagmamahal. Isa na lang itong labanan ng pride at pagkatao. Para sa kanya, natalo siya. At ang tanging paraan para mapawi ang sakit ay ang panalo… kahit pa ang kapalit ay kasalanan.Kailangang ipaglaban niya ang dangal niya na naapakan ng mga ito. Hindi niya makakayanang basta na lang sumuko na parang isang talunang aso. Hindi iyon ang kanyang personalidad.Kailangan na niya ng tulong ng kanyang mga magulang at ni Miraflor. Alam niyang papanig sa kanya ang mga iyon.Aalisin niya sa kanyang landas si Hannah kung kinakailangan. Dapat, malaman ng babae
Tahimik ang silid ng makaalis sina Hannah at Edward, ngunit ang katahimikang iyon ay mas malakas pa sa sigawan. Isa iyong uri ng katahimikan na bumabalot sa buong katawan, nagpapabigat sa dibdib, at dumidikit sa balat na para bang alikabok na hindi maipagpag.Nanlulumo ang pakiramdam niya mula sa salitang binigkas ni Hannah. Parang isang tama ng sibat na sumapul sa kanyang puso.Nanatili si Caleb sa kanyang pagkakaupo. Walang tumutulong luha sa kanyang mga mata, kahit anong pilit niya, ngunit ang mga mata niya ay wala nang kinang. Walang kabuhay buhay ang paningin na iyon. Para na siyang namatay na hayup sa gitna ng kakahuyan.Gusto niyang bumangon, gusto niyang habulin si Hannah, gusto niyang isigaw sa babae na“Hindi pa tapos!” Ngunit paano nga ba lalaban kung huli na ang lahat? Paano pa babawi kung ang puso ng taong mahal niya ay hindi na kanya?Kasalanan din naman niya iyon, pinabayaan niya ang dati niyang asawa.Mahirap man ang lahat para sa kanya, parang hindi niya ito kayang ib
Tumalikod si Caleb, mariing pinikit ang mga mata habang pilit na tinatago ang nangingilid na luha. Sa kabila ng kanyang pahayag na hindi siya susuko, ramdam ng lahat sa silid ang bigat ng kanyang pagkatalo. Parang isang sundalong natalo sa digmaan—hindi dahil sa lakas ng kalaban kundi dahil sa mga sugat na siya rin mismo ang lumikha sa sarili niya.Noong una, akala niya ay wala na talaga siyang pagtingin kay Hannah. Na parang isa na lamang itong nakaraan na ginamit lang niya upang siya ay makaangat, subalit hindi. Iba na ang damdaming iyon habang tumatagal, lalo na at alam niyang may dinadala ang babae sa kanyang sinapupunan.Tahimik si Hannah. Hindi niya alintana ang mga tingin nina Leona at Caleb. Mas pinili niyang hawakan ang kamay ni Edward—isang simpleng kilos na parang martilyong tumama sa puso ni Caleb. Sa ginawang iyon ni Hannah, malinaw na pinipili na nito ang lalaking nasa kanyang harapan.Parang unti-unting lumiliit ang mundo ni Leona. Hindi niya alam kung alin ang mas masa
Napakabigat ng katahimikan na sumunod. Si Leona, tila nawalan ng boses. Si Caleb, hindi makapaniwala sa mga pangyayari. At si Hannah—si Hannah ay tahimik na nagmamasid sa gulo sa harap niya, habang si Edward ay tila nasa isang larong siya mismo ang nagdisenyo. Kailangang pangatawanan ni Edward ang panggagalit nila sa dalawang kaharap.Masaya si Hannah na nakikitang nabibigatan ang loob ni Caleb. Ano pa nga ba ang parte niya? umarte ng maayos na parang naaapektuhan sa presensiya ng lalaki. Magkunwaring isang biktima na nakahanap ng kakampi, at isang talunang muling lumalaban sa buhay.“Hindi totoo ‘to…” mahinang sabi ni Caleb, ngunit walang sumagot. Ang totoo ay nasa kanyang harapan—nakangiti, mapanlinlang, at handang sirain ang lahat ng kanyang alam na totoo. Lahat ng kanyang pag asa ay nawala, ang kanyang pinaghirapan ay unti unting natutunaw sa kanyang harapan.Hindi niya akalaing sa isang iglap, mababaliktad ang kanyang sitwasyon. Biglang hindi na siya ang gusto ni Hannah, at hindi
"Hannah?" hindi makapaniwala si Caleb at si Leona ng makita si Hannah na nakakandong kay Edward at parang mga pusang naglalampungan ang dalawa."Grabe ka naman Hannah, napaka desperada mo na ba talaga?" tanong ni Leona sa kanya, "talagang ang tinarget mo pa ay si Sir Edward!""Bakit?" hindi man lang natinag si Hannah, saka tumayo mula sa kandungan ni Edward. Natatawa naman habang nakatingin si Edward sa kanila.Hindi siya makikialam sa usapan ng mga ito, unless kailangan na niyang magsalita."Anong bakit?" sagot ni Leona, "matapos mong makipaglandian kay Caleb, ngayon naman nung hindi mo siya makuha, itong si Mr. Edward ang kinakalantari mo?""Hindi ka talaga marunong makuntento! Tingnan mo nga, Caleb ang babaeng nais mong balikan? Ganyan siya kaharot!""Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Leona..." nakangising sabi ni Hannah, pero sa likod ng ngiti niya ay ang matalim na titig na parang punyal na handang sumaksak anumang oras."At kung hindi?" hamon ni Leona, na ngayon ay puno na ng