Ngunit si Caleb, hindi mapakali sa sagot na iyon. Hindi siya sanay na magkunwaring wala lang, lalo na kung ang posibilidad na siya ang ama ng dinadala ni Hannah ay hindi pa malinaw. Ramdam niya sa bawat tibok ng puso niya ang tensyon—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pag-aalala. At, oo—pag-asa rin. May bahagi pa rin ng damdamin niya para kay Hannah, kahit pa pilit na niyang inilibing iyon sa piling ni Leona.“Hindi mo ba naiisip, Hannah, na karapatan kong malaman kung anak ko ‘yan?” mahina pero matatag na tanong niya.Napabuntong-hininga si Hannah. “Iniisip ko. Araw-araw. Pero tuwing iisipin kong sabihin sa’yo, tinatanong ko ang sarili ko kung para saan pa. Para guluhin lang muli ang buhay natin? Para wasakin ang kung anong meron ka na kay Leona? Caleb, hindi ito simpleng bagay. Hindi ito pelikula. Hindi ito love story. Masaya ka na sa buhay mo, at ako naman sa buhay ko. Hindi siguro tayo itinadhana, talagang pinagtagpo lang tayo.” mas pinalungkot pa ni Hannah ang kanyang anyo at t
Nagtagpo ang kanilang mga mata—puno ng mga alaala, ng mga “sana,” ng mga tanong na hindi kailanman nasagot. Si Caleb ay parang batang naligaw sa sariling landas, samantalang si Hannah, sa kabila ng marupok niyang anyo, ay may itinatagong layunin.“Kung gusto mo talaga ng kasagutan…” mahina ngunit matalim ang tinig ni Hannah, “kailangan mong harapin ang buong katotohanan. Hindi puwedeng kalahati lang ang alam mo, Caleb. Kasi kung pipilitin mong makuha ako muli, dapat alam mo rin kung sino na ako ngayon.”Napakunot ang noo ng lalaki. “Anong ibig mong sabihin?”"May taong handang sumalo sa kalagayan ko, at parang nais ko na siyang tanggapin. Napapagod na rin naman ako.." maiksi niyang sagot."Ha?" medyo may galit sa mga mata ni Caleb, "akin ang batang yan tapos iba ang gusto mong maging tatay? hindi ako makakapayag!""Ayoko ng gulo, Caleb, hayaan mo na lang kaming mabuhay ng mapayapa. Sinabi ko lang sayo ang kalagayan ko, para hindi ka magulat sakaling makita akong muli na malaki ang tiy
Tatlong taon ng kasal si Hannah kay Caleb Endaya na isang CEO ng International Trading Company. Sa kabila ng pagiging mabuting may bahay, ni hindi man lang niya maramdaman ang pagmamahal ng kanyang asawa.Madalas siyang binabalewala nito na parang isang basahan.Noong una, bago siya pakasalan ng lalaki, maayos naman itong nakikisama sa kanya. Hanggang sa mawala na ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente, at halos ang kanilang kumpanya ay inangkin na ng lalaki.Oo, ang kumpanya kung saan ito naghahari harian ay totoong sa kanya. Subalit dahil sa pagmamahal niya dito, pinili niyang isuko iyon at maging isang may bahay na lamang, at umasang darating ang isang araw, na matatapunan na siya ni Caleb ng kahit konting pagtingin.Ngayong kaarawan nito, nais niya itong sorpresahin, at humingi ng posisyon sa kumpanya, upang makapagtrabaho naman siya at hindi tuluyang malugmok sa lungkot. Ang tatlong taon na pagiging may bahay, ay hindi madali sa isang katulad niyang sanay sa buhay sa la
Dahil sa tindi ng emosyon na kanyang nadarama ng mga oras na iyon, pagsakay niya ng taxi, bigla siyang nawalan ng malay.Agad iyong napansin ng driver nito, “Miss? Miss? Diyos ko, mamamatay pa ata ang babaeng ito dito..” nag aalala ang driver dahil sa nakikitang pamumutla sa mukha ni Hannah.Dahil na rin sa pagmamagandang loob, dinala niya ang babae sa isang ospital.“Sir, kaanu- ano po ninyo ang pasyente?” tanong ng nurse na sumalubong sa kanila.“Wala po, naisakay ko lang siya aking taxi. Tapos, bigla na lang siyang nawalan ng malay.” sagot nito.“Oh, sige po sir, mag iwan na lang po kayo ng contact info just in case hanapin kayo ng pasyente o kailanganin namin kayo.” tugon ng nurse sa driver.NANG magising si Hannah, bumungad sa kanya ang puting kisame, at ang amoy ng antiseptic na nanunuot sa kanyang ilong. Nag iisip siya kung anong lugar iyon, at biglang sumagi sa kanyang isipan, ang ospital.Pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang katawan, tila ba pinagsakluban na siya ng langit a
Umiikot ang kanyang paningin, habang hinihilot ang kanyang sentido. Ang hindi pamilyar na kulay ng kisame ay…..Nasaan siya?Bigla siyang napabalikwas ng bangon.Ang kwartong ito.. Ay hindi sa kanya! Napansin niya sa kanyang tabi ang isang lalaking hubad na hubad. Dahan dahan niyang iniangat ang kumot na tumatabing sa katawan nila.Biglang nanlaki ang kanyang mga mata! Wala ito ng kahit anong saplot sa katawan, kagaya niya.Sinilip niya ang kabuuang hitsura ng lalaki. Ang lalaking nagligtas sa kanya kagabi sa kamay ng mga manyak! Tapos, minanyak din siya?Unti- unti, nanlaki ang kanyang mga mata, at pinakawalan ang isang matinis na sigaw. Biglang nagising ang lalaki sa kanyang tabi..“‘Ang aga mo namang mag ingay..” saway nito sa kanya.“A-anong nangyari?” hindi siya makapaniwala na katabi niya ang lalaking hindi man lang niya kakilala.“Ako si Edward Ignacio..” hindi man lang nag abalang bumangon ang lalaki at umunan sa sarili nitong mga bisig.Edward Ignacio? Saan nga ba niya narini
“Kaya kitang tulungan, Hannah, ng higit pa sa inaasahan mo. Subalit may mga kondisyunes ako na nais iparating sayo..” sabi niya sa babae. Puno ng pag asa ang kanyang mga mata na tatanggapin ni Hannah ang iaalok niya.“Ano yun? Basta matulungan mo akong pabagsakin sila, papayag ako sa kahit anong nais mo..” maririnig ang determinasyon sa tinig ni Hannah.“Hayaan mong maging malapit ako sayo, at protektahan ka, ng hindi ko na kailangang nakasunod sa anino mo. Nais kong malaman lahat ng iniisip mo.. Ako– ako ang bahala sa iyo..” tugon niya dito.“Anong ibig mong sabihin, ninong?” naguguluhan niyang tanong.Napalunok si Edward. Mabigat ang disisyong ito para sa kanya, lalo na at ang kanyang lihim ay nananatiling lihim. Hindi dapat malaman ni Hannah ang iba pang kaganapan sa buhay nila kasama ang magulang nito. Kung magiging legal siyang asawa ng babae, maaari niyang makuha ang nais niya ng hindi man lang nito nalalaman.“Pakasalan mo ako.. Para magkaroon ka ng karapatan sa buong kayamanan
“Ano to?” nagtataka si Hannah ng tingalain ang isang building, “bakit tayo narito?”“Basta, halika na,” hinila siya papasok ni Edward sa isang salon -boutique.Ang lugar na iyon ay parang isang langit sa mga babaeng mahilig mag kolorete. May mamahaling mga damit, at istasyon para sa pag aaral ng pagmimake up.“Hi sir..” bati ng isang staff ng makita sila.“Nais kong turuan mo siya kung paano mag make up. Marunong na yan, wala lang practice,” tugon ni Edward.“Ay, napakabait niyo naman sir.. Sana ako na lang ang maid niyo..” ngumiti ang baklang staff ng makita si Hannah.“Hindi ko siya maid,” nakasimangot na sagot ni Edward, “asawa ko siya.”“Ay, sorry sir.. Akala ko kasi–” muling tiningnan ng staff si Hannah mula ulo hanggang paa, “bweno, halika na, umpisahan na natin ang magic!”Napatingin siya kay Edward, na bahagya namang tumango.“Pakibihisan na rin siya,” bilin niya dito.Inumpisahan na ang ‘pagpapalitada’ sa mukha ni Hannah.Tatlong staff ang nagkakagulo sa kanya, pang apat ang p
“Anong nangyayari?” tanong ni Edward sa kanya ng lapitan siya nito sa gilid. Hindi muna nila ipinapakita ang kanilang mga sarili bilang mag asawa upang makapagmanman muna sa paligid.“Inaway ako ni Leona.. Galit na galit siya sakin,” kaswal na sagot niya.“Baka nagagandahan sayo ang ex mo, at naiinsecure naman ang babaeng iyon,” nakangiting sabi ni Edward sabay tiningnan sina Caleb at Leona.Nakatingin ang mga ito sa kanila, subalit may pekeng ngiti habang nakatingin kay Edward.“Siya ba si Edward Ignacio?” tanong ni Leona kay Caleb habang sumisimsim ng alak na nasa kopita.“Oo, at siya ang kailangan natin, para makakuha ng project sa ibang mayayaman. Simula noong maghiwalay kami ni Hannah, parang nag back out ang ibang investors..” sagot ni Caleb na hindi inaalis ang tingin sa dating asawa.‘Parang sinasabi mong swerte siya sayo, at malas ako?” nakataas ang kilay ni Leona habang sinipat ng masamang tingin ang lalaki.“Wag kang magtantrums ngayon, may kailangan tayong gawin. Baka mamay
Nagtagpo ang kanilang mga mata—puno ng mga alaala, ng mga “sana,” ng mga tanong na hindi kailanman nasagot. Si Caleb ay parang batang naligaw sa sariling landas, samantalang si Hannah, sa kabila ng marupok niyang anyo, ay may itinatagong layunin.“Kung gusto mo talaga ng kasagutan…” mahina ngunit matalim ang tinig ni Hannah, “kailangan mong harapin ang buong katotohanan. Hindi puwedeng kalahati lang ang alam mo, Caleb. Kasi kung pipilitin mong makuha ako muli, dapat alam mo rin kung sino na ako ngayon.”Napakunot ang noo ng lalaki. “Anong ibig mong sabihin?”"May taong handang sumalo sa kalagayan ko, at parang nais ko na siyang tanggapin. Napapagod na rin naman ako.." maiksi niyang sagot."Ha?" medyo may galit sa mga mata ni Caleb, "akin ang batang yan tapos iba ang gusto mong maging tatay? hindi ako makakapayag!""Ayoko ng gulo, Caleb, hayaan mo na lang kaming mabuhay ng mapayapa. Sinabi ko lang sayo ang kalagayan ko, para hindi ka magulat sakaling makita akong muli na malaki ang tiy
Ngunit si Caleb, hindi mapakali sa sagot na iyon. Hindi siya sanay na magkunwaring wala lang, lalo na kung ang posibilidad na siya ang ama ng dinadala ni Hannah ay hindi pa malinaw. Ramdam niya sa bawat tibok ng puso niya ang tensyon—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pag-aalala. At, oo—pag-asa rin. May bahagi pa rin ng damdamin niya para kay Hannah, kahit pa pilit na niyang inilibing iyon sa piling ni Leona.“Hindi mo ba naiisip, Hannah, na karapatan kong malaman kung anak ko ‘yan?” mahina pero matatag na tanong niya.Napabuntong-hininga si Hannah. “Iniisip ko. Araw-araw. Pero tuwing iisipin kong sabihin sa’yo, tinatanong ko ang sarili ko kung para saan pa. Para guluhin lang muli ang buhay natin? Para wasakin ang kung anong meron ka na kay Leona? Caleb, hindi ito simpleng bagay. Hindi ito pelikula. Hindi ito love story. Masaya ka na sa buhay mo, at ako naman sa buhay ko. Hindi siguro tayo itinadhana, talagang pinagtagpo lang tayo.” mas pinalungkot pa ni Hannah ang kanyang anyo at t
"HANNAH?" nakita ni Caleb si Hannah na naglalakad sa gilid ng kalsada hawak ang kanyang mga pinamili.Agad narinig ni Hannah ang tinig niya. Tumigil ito at nilingon siya, "Caleb..""Saan ka pupunta?" bumaba siya at nilapitan ang babae, "tutulungan na kita."Hindi ito tumanggi, sa halip ay ibinigay nito sa kanya ang mga pinamili nito upang siya ang magdala.Iginiya siya ni Hannah sa isang restaurant."Gutom na kasi ako, kumain ka na ba?" tanong ng babae sa kanya.Napamulagat siya. Iba na talagang makitungo si Hannah sa kanya, matapos niyang maghiwalay tatlong buwan na ang nakakaraan. Naka move on na kaya ito?"Sige, hindi pa ako kumakain," nakangiti niyang sagot sa babae.Pagpasok nila sa restaurant, agad silang inasikaso ng isang waiter. Pinili ni Hannah ang upuang malapit sa bintana, kung saan tanaw ang abalang kalsada. Tahimik silang naupo. Si Caleb, habang iniaabot ang mga pinamili sa ilalim ng mesa, ay lihim na nagmamasid sa babae—tila ba sinusubukang alalahanin kung ganito rin ba
"--Pe-- pero .." hindi siya makapaniwala sa hinihiling nito. Paano siya makakapaghiganti, kung alam ng mga kaaway niya na may malaking taong sumusuporta sa kanya?Paano niya mapagmumukhang tanga ang mga ito? Hindi pa siya handa.. ayaw muna niya ngayon..Subalit tila ba pursigido si Edward na kumbinsihin siya. Binuhat siya nito saka marahang inihiga sa kama, "Mas madali mo silang mapapabagsak, kapag alam nilang nasa likod mo ako.." tumabi ito sa kanya, at hinila ang kumot patakip sa kanilang mga katawan."Pero ninong.. paano kung--" hindi na niya makuhang mangatwiran dahil palaging may sagot si Edward."Ssssh.. hindi naman kita minamadali.. pag isipan mo munang mabuti ang lahat. Handa naman akong maghintay kung kailan ka papayag.."Subalit sa isipan ni Edward, nais na niyang makuha ang kumpanyang hinahangad niya.Marami siyang plano para dito. Hindi niya iyon magagawa, kung hindi siya lalantad bilang asawa ni Hannah.Isa pa.. hindi naman niya gagawing kaawa awa si Hannah, sa katunayan
Nakatalikod si Hannah sa pinto, at bahagya lang ipinilig ang ulo, matapos maramdaman ang kanyang presensiya. Bukas ang shower, na naghahatid ng kakaibang init sa lugar na iyon.Hinubad ni Edward ang kanyang sapatos, saka sumama kay Hannah sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa na kaunti na lang ay abot na ng ulo niya.Hinawakan niya ang mga balikat ng babae, saka ito hinalikan sa leeg. Mainit ang dampi ng kanyang mga labi sa mala niyebeng kulay ng kutis nito."Hmmm.." ungol ni Hannah habang nakahawak sa pader ng banyo na parang ninanamnam ang bawat lapat ng mainit na hiningang iyon sa kanyang makinis na balat.Iniyakap naman ni Edward ang kanyang mga braso sa baywang ng nakatalikod na babae, habang patuloy ang pagdampi ng kanyang dila sa balat nito. Unti unting nagkakaroon ng pulang marka ang balat ni Hannah.Dahan dahan siyang iniharap ni Edward. Sa basang mukha, nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinawakan at hinaplos ni Edward ang makinis na mukha niya, saka dahan dahang ibinaba a
"Hannah.." tawag ni Edward ng makita ang asawa na nakatingin sa labas ng bintana at tila ba malalim ang iniisip."Bakit ninong?" hindi man lang niya nilingon ang lalaki at nanatiling nakatitig sa mga sumasayaw na bulaklak sa labas."Bakit hindi mo ako isinasama sa mga check up mo?" tanong nito sa kanya, "maaari naman kitang alalayan? nakakahiya na kay Renzelle kung siya lagi ang hinihila mo..""Ninong.." doon pa lang niya naisipang tingnan ang lalaki,l "pakiramdam ko, may nagmamanman sa akin.. ayokong masira ang plano natin at ayokong madamay ka.. nais kong lutasin ito ng unti unti ng hindi nasisira o nababatikan ang iyong pangalan," bahagya pa siyang ngumiti sa lalaki.Bigla naman ang daloy ng sinabi ni Hannah sa isipan ni Edward. 'Ganoon ba niya pinapahalagahan ang pangalan ko at ayaw niyang madamay ako sa mga ginagawa niya?'"Pero-- baka nahihirapan kayo," nag aalalang tanong niya s ababae. Ganito na lang, pasasamahan kita sa dalawang bodyguard, at kapag may napansing kahina hinala
Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ng salamin. Wala na ang make-up na lagi niyang ipinagmamalaki. Ang buhok niyang laging maayos, ngayon ay magulo at nakalugay. Halos hindi na siya ang Leona na banidosa, maalaga sa sarili at maganda.Bumukas ang pintuan. Pumasok si Caleb. Tahimik. Wala pa ring katiyakan ang kanyang damdamin, pero may dala siyang pagkain at gamot. Kahit naman papaano, ayaw naman niyang may mangyaring hindi maganda kay Leona.“Leona… kumain ka muna.” alok niya sa babae, na sa tingin niya ay isa ng bruha sa hitsura nito.“Huwag mo akong alukin ng pagkain,” matalim ang tingin ni Leona. “Pagkatapos mong sabihin sa’king si Hannah pa rin ang mahal mo, aakto ka ngayon na parang nagmamalasakit ka? Ganyan ka ba kasama, Caleb?”“Leona…” buntong-hininga ni Caleb. “Hindi kita kayang saktan pa. Pero hindi ko rin kayang ipilit ang sarili ko sa relasyon na hindi totoo. Marami na ang nangyari, hindi ko na kayang ipaliwanag pa.”“Hindi totoo?! Lahat ng taon natin? Hindi totoo?!” Pumatak
Natigilan si Leona sa narinig. Para siyang sinampal ng isang mapait na katotohanan. Ang lalaking akala niya'y pag-aari na niya, ang lalaking pinaglaban niya sa lahat—ay may iniibig pa ring iba. Hindi lang basta ibang babae, kundi si Hannah. Ang dating asawa, ang "mahinhing babae" na minamaliit nila noon."Caleb..." anas ni Leona. Nanginginig ang kanyang labi habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Ginamit mo lang ba ako?"Hindi sumagot si Caleb. Nakayuko lang siya, pinipigilan ang sariling magalit, malito, at maluha sa iisang pagkakataon. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Hindi niya sinasadyang saktan si Leona, pero maliwanag sa kanyang puso: si Hannah pa rin ang kanyang mahal."Sumagot ka, Caleb!" sigaw ni Leona. "Anong akala mo sa akin? Basahan? Rebound?!"Tumitig siya sa babae, at bagama’t galit ang kanyang mga mata, may bakas ng pagod at pagsisisi sa kanyang mukha. “Alam mong may iniwan akong sugat sa nakaraan. Pero pinilit kong lumigaya, pinilit kong paniwalaan na
"Wala akong sinabi," tumalikod si Leona, subalit nakangisi."Ulitin mo ang sinabi mo!" hinila ni Caleb ang kanyang braso."Nasasaktan ako, Caleb!" inis na sagot ni Leona. Inalis niya ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Buntis ba siya?" ulit niya sa kanyang katanungan. Kung buntis si Hannah.. mas pabor iyon para sa kanya..Ang kanyang isipan ay umiikot sa dati niyang asawa nitong nakaraang araw. Halos nahihirapan siyang matulog, at naiimagine ang mga nakakas*x niya na si Hannah.Parang nakikita niya ang mukha nito kay Leona, at kahit pa nga kay Cheska. Talagang hindi niya tinitingnan ang mga ito bilang sila, kundi bilang si Hannah.Hindi niya malaman sa kanyang sarili subalit para siyang naghahallucinate. Kinokonsensiya na ba siya sa kanyang nagawang kasalanan? o mahal niya lang talaga ang knayang dating asawa?Kung iisipin niya ang bawat pagkakataon at araw na lumilipas, walang nakakapantay dito sa paglalabas ng init sa kanyang katawan. Kinkailangan pa niyang maligo matapos ni