Share

Chapter 94

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-05-30 22:32:35

KINABUKASAN...

Sinundo siya ni Renzelle sa kanilang bahay. Sa loob ng kanyang dibdib, may kirot na humahalo sa galit—galit para kay Edward na mistulang tinanggap na lang ang kanyang "kapalaran," at galit para sa babaeng doktor na tila ginamit ang propesyon upang manipulahin ang damdamin ng kanyang ninong.

Habang binabaybay niya ang kalsada patungong ospital , kung saan umano nagtatrabaho si Dra. Marhian Doque, hindi niya mapigilang sariwain ang mga sandaling nakita niyang tila nasaktan ang lalaki sa kanyang tanong.

"Impotent." Ang salitang iyon ay tila panlimos sa dignidad ng isang lalaking tulad ni Edward—isang mabuting tao, responsable, at mapagmahal. At ngayon, habang pinaniniwala nitong hindi siya karapat-dapat maging ama, may isang buhay sa sinapupunan ni Hannah na tila sumasalungat sa lahat ng iyon.

"Ano? susugurin ba natin ang sinungaling na babaeng iyon?" tanong sa kanya ni Renzelle.

"Hindi, maghintay ka lang dito sa kotse at ako na ang papasok. Kapag hindi ako lumabas sa loob
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Evelyn Avelino
wooowww nakakatuwa naman ...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 95

    PUMUNTA sila sa ospital upang makita si Dra. Marhian, subalit ang sabi ng secretary doon, nagleave daw ito. Marahil, alam na ng doctor na pupuntahan nila ang babae."Okay lang, hindi ko na naman siya balak habulin," sabi ni Edward, "Ang mahalaga sa akin ngayon, ay ang dinadala mo, na anak ko pala.. napakasaya ko..""Pero noon, nais mo itong ipalaglag.." malungkot na sabi ni Hannah.Tumingin si Edward sa babae. Bumuntunghininga, saka hinarap si Hannah ng maayos."Ayoko sana, na magkaroon ng alaala si Caleb sayo kaya naisip ko yun. Ikaw ang mahihirapan kung nagkataon. Makikita mo ang alaala niya habang buhay. Ang isa pa, gusto kong magkaroon ka ng maayos na buhay.""Pero-- Ninong-- kung sakali bang.. kung sakalai bang hindi ito sayo, halimbawa, tapos, nanganak ako at namatay, aalagaan mo ba ang bata?"Natahimik si Edward ng marinig iyon. Ano nga ba ang isasagot niya?"Wala akong maiisagot sayo sa ngayon, Hannah. Hindi naman maaaring magsinungaling ako sayo."Tahimik na bumalot ang palig

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 94

    KINABUKASAN...Sinundo siya ni Renzelle sa kanilang bahay. Sa loob ng kanyang dibdib, may kirot na humahalo sa galit—galit para kay Edward na mistulang tinanggap na lang ang kanyang "kapalaran," at galit para sa babaeng doktor na tila ginamit ang propesyon upang manipulahin ang damdamin ng kanyang ninong.Habang binabaybay niya ang kalsada patungong ospital , kung saan umano nagtatrabaho si Dra. Marhian Doque, hindi niya mapigilang sariwain ang mga sandaling nakita niyang tila nasaktan ang lalaki sa kanyang tanong."Impotent." Ang salitang iyon ay tila panlimos sa dignidad ng isang lalaking tulad ni Edward—isang mabuting tao, responsable, at mapagmahal. At ngayon, habang pinaniniwala nitong hindi siya karapat-dapat maging ama, may isang buhay sa sinapupunan ni Hannah na tila sumasalungat sa lahat ng iyon."Ano? susugurin ba natin ang sinungaling na babaeng iyon?" tanong sa kanya ni Renzelle."Hindi, maghintay ka lang dito sa kotse at ako na ang papasok. Kapag hindi ako lumabas sa loob

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 93

    "Matutuwa ako, siyempre.." sagot ni Edward.Sumaya ang puso ni Hannah ng marinig iyon, ngunit hindi nagtagal ang ngiti sa kanyang labi."Pero imposible.. Hannah.. ako ay-- ako ay isang impotent.." napabuntunghininga si Edward ng aminin iyon.Bilang isang lalaki, isang kakulangan ang hindi kayang makabuo ng anak. Walang kakayahang bumuhay ng binhi.Ayaw na sanang pag usapan ni Edward ang tungkol sa kanyang kakulangan, pero kailangan na niya iyong aminin kay Hannah.Napansin niya ang pagkatulala ni Hannah, at ang pagkunot ng noo nito. Parang hindi nito matanggap ang kanyang sinabi. Parang umaasa si Hannah, na iisipin niyang anak niya ang dinadala nito."Pasensiya ka na, kung hindi ko agad nasabi sayo. Ikinahihiya ko ang kakulangan kong iyon. Ayoko na sanang lumabas pa ito sa iba."Sandali nga.. sino naman ang nagsabi sayo na impotent ka?" parang naguguluhan si Hannah sa sinabi ng kanyang asawa."Matagal na, ilang taon na akong nagpacheck up, doon sa dati kong nobya at sa kaibigan ko, sa

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 92

    "Pero hindi ba--" nais sanang magpaliwanag ni Edward, subalit nakita niya ang kakaibang galit sa mga mata ng kanyang asawa.Nanahimik na lang siya.Kung hindi lang sinabi sa kanya ni Marhian na isa siyang baog.. (dati niyang nobya si Marhian at hindi sila nagkaanak dahil ayun sa babae, siya ay walang kakayahang mag anak. Isa itong doctor.) Hindi naman siya naniwala dito, kaya nagpatingin siya sa isa pa niyang kaibigan, at iisa ang sinabi ng mga iyon sa kanya.Iyon ang dahilan, kaya parang ayaw niyang magmahal at magkapamilya. Ngunit dahil kailangan siya ni Hannah, pinili niya ito, dahil wala namang problema dito kung magkakaroon sila ng anak.Si Hannah naman.. kaya ayaw niyang sabihin kay Edward na anak nito ang bata, dahil ayaw niyang maiwan ang baby dito kung sakaling mamamatay siya. Ayaw niyang bigyan ng responsibilidad ang kanyang ninong. Sa kaibigan niyang si Renzelle maiiwan ang kanyang anak, kasama ng kanyang buong pera na maaaring bumuhay sa kanyang anak hanggang makatapos ito

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 91

    Tahimik na ang pasilyong iyon nang lumabas si Leona mula sa banyo. Wala siyang pakialam kung namumugto ang kanyang mga mata, kung magulo ang kanyang buhok, o kung kita sa mukha niya ang puot at galit. Isang layunin lang ang bumabagabag sa isip niya—ang tuluyang pagwasak sa buhay ni Hannah.Napagod siyang maging masamang babae sa loob ng ilang taon, tapos ito lang ang kahihinatnan ng lahat?Hindi ito dahil lang kay Caleb. Hindi ito dahil sa pagmamahal. Isa na lang itong labanan ng pride at pagkatao. Para sa kanya, natalo siya. At ang tanging paraan para mapawi ang sakit ay ang panalo… kahit pa ang kapalit ay kasalanan.Kailangang ipaglaban niya ang dangal niya na naapakan ng mga ito. Hindi niya makakayanang basta na lang sumuko na parang isang talunang aso. Hindi iyon ang kanyang personalidad.Kailangan na niya ng tulong ng kanyang mga magulang at ni Miraflor. Alam niyang papanig sa kanya ang mga iyon.Aalisin niya sa kanyang landas si Hannah kung kinakailangan. Dapat, malaman ng babae

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 90

    Tahimik ang silid ng makaalis sina Hannah at Edward, ngunit ang katahimikang iyon ay mas malakas pa sa sigawan. Isa iyong uri ng katahimikan na bumabalot sa buong katawan, nagpapabigat sa dibdib, at dumidikit sa balat na para bang alikabok na hindi maipagpag.Nanlulumo ang pakiramdam niya mula sa salitang binigkas ni Hannah. Parang isang tama ng sibat na sumapul sa kanyang puso.Nanatili si Caleb sa kanyang pagkakaupo. Walang tumutulong luha sa kanyang mga mata, kahit anong pilit niya, ngunit ang mga mata niya ay wala nang kinang. Walang kabuhay buhay ang paningin na iyon. Para na siyang namatay na hayup sa gitna ng kakahuyan.Gusto niyang bumangon, gusto niyang habulin si Hannah, gusto niyang isigaw sa babae na“Hindi pa tapos!” Ngunit paano nga ba lalaban kung huli na ang lahat? Paano pa babawi kung ang puso ng taong mahal niya ay hindi na kanya?Kasalanan din naman niya iyon, pinabayaan niya ang dati niyang asawa.Mahirap man ang lahat para sa kanya, parang hindi niya ito kayang ib

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status