Share

Chapter 3

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-03-06 12:02:23

Umiikot ang kanyang paningin, habang hinihilot ang kanyang sentido. Ang hindi pamilyar na kulay ng kisame ay…..

Nasaan siya?

Bigla siyang napabalikwas ng bangon.

Ang kwartong ito.. Ay hindi sa kanya! Napansin niya sa kanyang tabi ang isang lalaking hubad na hubad. Dahan dahan niyang iniangat ang kumot na tumatabing sa katawan nila.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata! Wala ito ng kahit anong saplot sa katawan, kagaya niya.

Sinilip niya ang kabuuang hitsura ng lalaki. Ang lalaking nagligtas sa kanya kagabi sa kamay ng mga manyak! Tapos, minanyak din siya?

Unti- unti, nanlaki ang kanyang mga mata, at pinakawalan ang isang matinis na sigaw. Biglang nagising ang lalaki sa kanyang tabi..

“‘Ang aga mo namang mag ingay..” saway nito sa kanya.

“A-anong nangyari?” hindi siya makapaniwala na katabi niya ang  lalaking hindi man lang niya kakilala.

“Ako si Edward Ignacio..” hindi man lang nag abalang bumangon ang lalaki at umunan sa sarili nitong mga bisig.

Edward Ignacio? Saan nga ba niya narinig ang pangalang iyon?

May kilala siyang Edward.. At iyon ay…

Nanlamig ang buo niyang katawan ng mapagtanto kung sino ito! Isang linggo na ang nakakalipas ng makabanggaan niya ito sa mall.. At ang lalaking ito rin.. Na sinamahan niya kagabi, ay ang kanyang Ninong!!

Halos madurog ang mukha niya sa hiyang nararamdaman. Hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanya.

“Ba-bakit ikaw?” halos ang nanginginig niyang boses ay pabulong na lamang. Na tila ba natatakot siya sa lalaki.

Mataas na lalaki si Edward. May matapang at kaakit akit na mukha, na kung makatitig ay mapangahas! Sa edad nitong 44, wala man lang itong bahid ng pagtanda– maliban na lang sa kaunting gray na buhok na lumilitaw sa ulo nito, na lalong nakakapagbigay sa lalaki ng kakaibang karisma.

Umupo ang lalaki sa kama, saka siya tinitigan ng malalim, “dapat, ako ang magtanong niyan saiyo, Hannah. Bakit ka nagpapakalasing ng ganoon? Ano ang tinatakasan mo, o sino ang tinatakasan mo? Paano kung hindi ako ang lalaking nakasama mo ngayon, paano ka?”

Napalunok si Hannah ng marinig ang tinig na iyon, na may bahagyang pag aalala.

Hindi niya kayang sabihin sa kanyang ninong ang tungkol sa estado ng kalusugan niya. Hindi niya kayang ipaalam sa lalaki na may taning na ang kanyang buhay–lalo na sa taong matagal ng nagbabantay sa kanya.

Alam niya sa sarili niya, sa maraming pagkakataon na napapansin niya ito, hindi lang siya sigurado, pero parang nagbabantay ito sa kanya. At ang mga pagkakataong nagkakasalubong sila, ay parang sinasadya.

Hindi niya kailanman naisip na si Edward ay may malasakit sa kanya. Ngunit ngayon, nababanaag niya sa mukha nito ang guhit ng pag aalala para sa kanya.

Paano ito magmamalasakit ng gaito, gayong matagal na itong hindi nagpapakita sa kanya?

“Walang halaga, kung ano man ang dahilan ng lahat,” tugon niya, at pilit na ngumiti, “isang pagkakamali lang ang nangyari sa atin kagabi, kalimutan na lang natin ito..”

Ngunit nanatiling tahimik si Edward. Sa halip, lumapit pa ito sa kanya, hinawakan ang kanyang baba, at pinilit siyang palingunin sa mga mata ng lalaki.

“May itinatago ka ,Hannah, at hindi kita hahayaang takasan ang mga bagay na ito.”

Nanginig ang kanyang puso. Para bang sa unang pagkakataon, may isang taong nais umunawa sa kanya at basagin ang pader ng kanyang pag aalinlangan na magtiwala. Ngunit kaya ba niyang payagan si Edward, na maging bahagi ng kanyang huling taon sa mundo at pumasok sa buhay niya?

O itutuloy niya ang planong paghihiganti sa mga taong nanakit sa kanya? Ang mga taong sumira sa buhay niya?

Isang taon na lang ang natitira sa kanya.. At sa pagitan ng lahat, ano ba ang kaya niyang piliin? Ang maghiganti? O ang magpatuloy na lang sa buhay?

Nakatingin kay Hannah si Edward na hindi man lang natitinag.

Sa loob ng maraming taon, tahimik niyang binantayan ang babae mula sa malayo. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito.

Bago mawala ang mga magulang ni Hannah, biglang lumapit ang mga ito sa kanya..

“Ed.. alam kong malaki ang pagkakasala namin ni Almira sayo, subalit may nais sana kaming hilingin,” bakas sa mukha ni Ernest na balisa ito, at parang may kinakatakutan.

“Huh! Matapos niyo akong lokohin ng asawa mo, at itapon na parang basura matapos nating maitatag ang kumpanya, may lakas ka ng loob na humiling sa akin ngayon? Napakakapal naman ata ng mukha mo!” naiiritang sagot niya sa lalaki. Nagtungo ito sa opisina niya, matapos ang sampung taon nilang paghihiwalay ng landas.

“Nauunawaan ko ang pinanggagalingan ng galit mo, subalit.. Alam namin na nanganganib na ang buhay namin, dahil sa dami naming nakalaban sa negosyo. Alam mo naman, madaming naghahangad na pabagsakin kami,” may pakiusap ang tinig nito.

Si Almira na asawa nito, ay nasa gilid lamang. Hindi nagsasalita, subalit may bahid pag aalala sa mukha.

“Ano namang pakialam ko sa inyo? Problema niyo yan, bakit idadamay niyo pa ako?” may panunuya ang kanyang tinig na sabi dito.

“Dahil– dahil sa inaanak mo.. kay Hannah,” nauutal na tugon ni Ernest, “ayaw naming madamay siya dito, nais naming mamuhay siya ng maayos.”

Bigla niyang naalala ang magandang batang iyon. Isang malambing na dalaga na minsan na niyang nakita sa mga event. Maraming lalaki ang nagnanais na makalapit dito, subalit binabakuran ito ng nobyo nito.

“Hindi pa namin alam kung nasaan ang kaaway– kaya hindi namin alam, kung paano aalagaan ang anak namin. Ikaw lang ang pag asa namin, na mailigtas siya.” sabi pa ng lalaki.

“Kung sakali mang tulungan ko kayo, ano naman ang magiging pakinabang ko diyan?” tanong niya sa dating kaibigan.

“Kahit ano ang gusto mo.. Kung gusto mo ang kumpanya, maaari mo itong kunin, basta mangako ka lang, na mabubuhay ng maayos ang aking anak, na hindi mahihirapan..”

Ang ala alang iyon, ang paulit ulit na dumadating sa kanyang isipan. Ang huling pag uusap nila nina Ernest.

Ang kayamanang naiwan ng mga iyon, ay kailangang maibalik kay Hannah, ang totoong may ari ng kumpanyang pinamuunuan ni Caleb.

Hindi muna niya pinakialaman ang buhay ni Hannah, dahil iniisip niya na hihintayin niya ang araw, na kailanganin siya ng babae. Ngunit hindi niya inakalang darating ang araw na kailangan na niyang lumabas mula sa anino nito sa ganito kabilis na panahon, upang harapin ang babaeng matagal na niyang binabantayan.

Maraming lihim ang hindi pa nito nalalaman, lalo na sa malagim na pagkamatay ng mga magulang nito. Ang akala ni Hannah, ay simpleng aksidente lang iyon, subalit hindi. At ang insidenteng iyon ay hindi pa maaaring mabunyag ng basta, dahil maaaring mapahamak si Hannah, kapag hindi pa siya nakakaalis sa poder ni Caleb.

Mas magiging ligtas si Hannah kung wala itong alam. Kung mananatili lang itong inosente.

Nang makita niyang bumabagsak ang mundo nito dahil sa pagtataksil ni Caleb, hindi na siya nagdalawang isip, at sinamahan ang babae ng hindi nito nalalaman sa resort, upang humanap ng pagkakataong makalapit dito. At tulungan itong makapaghiganti sa mga taong nagwalanghiya dito. Sa gayon, magkakaroon ito ng utang na loob sa kanya, at mapipilitang sumunod sa kanyang mga nais.

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito.

“Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig.

“Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae.

“Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong.

“Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya.

“Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 213

    Napaupo si Leona dahil sa sakit na kanyang nadarama.Agad nagsilapit ang mga pulis sa kanila at ang mga medic na may dalang stretcher."May patay dito!" sigaw ng isang pulis. Binulatlat nito ang bulsa ni Caleb. "Caleb Endaya."Napatingin si Edward kay Leona, "pinatay mo si Caleb?"Napangisi si Leona, kahit halatang nasasaktan sa tama ng bala sa kanyang tagiliran. "Oo-- nakakainis siya. Isusunod ko sana si Hannah, nahuli niyo lang ako.""Pinagkatiwalaan ka namin.." gigil na sagot ni Edward."Eh.. anong magagawa ko, kung bobo kayo?" pilit pa ring nagpapakatatag si Leona, kahit may sugat na.Nagmamadaling lumapit ang mga pulis, ngunit nagalit si Leona."Wag kayong lalapit!" itinutok niya ang baril sa kanyang sentido, "subukan niyo lang!"Agad kinuha ng mga doctor ang baby, at marahang dinala sa ambulansiya. Sumama na si Edward sa kanila kasama ang yaya na kinidnap din ni Leona.Bago isara ang ambulansiya, umalingawngaw ang isang putok mula sa loob ng beach house.Tumingin lang si Edward

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 212

    “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Caleb, habang nakatingin sa nanginginig na katawan ni Leona, na tila nawawala na sa sarili. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? na may balak kang ganito? nagtago ka pa sa ilalim ng Madam X?""Bakit ko naman sasabihin sayo? eh bobo ka!" ito na ang pagkakataon ni Leona, para mapabagsak si Caleb."Ano???" hindi makapaniwala si Caleb sa sinabi ni Leona sa kanya.Napangisi si Leona, isang uri ng ngiting hindi na niya kayang itago—ang uri ng ngiting nabubuo sa kabaliwan at matinding poot."Ibig sabihin, galit din ako sayo! makakaganti na ko kay Hannah, pati sayo!" sabay itinutok niya ang kanyang baril sa noo ni Caleb ng walang pasubali at pinaputok iyon.Nagkalat ang utak at dugo sa sahig. Maging sila ng baby ay natalsikan niyon.Napahiyaw ang sanggol sa kanyang bisig—isang iyak na pumunit sa katahimikan ng tagpong iyon. Si Leona, hawak pa rin ang baril, ay parang wala na sa sarili. Nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit nanatiling mata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 211

    PAGKARATING NI Edward, agad niyang nalaman ang nangyari..Hindi siya makapaniwala, si Hannah, hindi na kinaya ang lahat, naipasok na itong muli sa ICU."Ilang oras na kaming tumatawag sayo.." sabi ni Renzelle. "Naitakas ni Leona si Hope.."Napakuyom ang mga kamao ni Edward habang nakatitig sa salamin ng ICU. Mula sa labas, tanaw niya si Hannah—pale, walang malay, at tila muling binabalikan ang impyerno na matagal na sana nilang nilisan.“Leona…” bulong niya sa sarili, nanginginig sa galit. “Bakit si Hope pa? Anong kasalanan ng anak ko sa’yo?”Nilapitan siya ni Josh. “Edward, kailangan nating kumilos. Hindi lang ito basta galit o selos—si Leona, delikado siya. At kung totoo ang mga recordings na pinadala ni Rico, may koneksyon pa rin siya kay Caleb. Ginagamit niya ang galit ni Caleb para sirain si Hannah.”Napailing si Edward, pigil ang pag-iyak. “Hindi ako makapaniwala… pinapasok natin siya sa buhay natin. Pinayagan ko pa siyang alagaan si Hope. Akala ko, talagang nagbabago siya.”"Ga

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 210

    "Si LeonaBermudez! siya ang Madam X na tumutulong kay Caleb! Nais niyang magpatayan sina Caleb at Hannah, para malinis ang kanyang kamay. Ngayon, pumalpak si Caleb, at hindi pa rin niya alam, na si Leona si Madam X na tumutulong sa kanya para makuha si Hannah. Nais ni Leonang patayin ang mag ina!"Napasinghap si Renzelle. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata niya habang hawak pa rin ang cellphone, nanginginig ang mga daliri."Ano?!" halos pasigaw niyang sabi. “Imposible. Si Leona? Siya ang... Madam X?”Tumango si Josh, na kitang-kita rin ang pagkagulat. “Renzelle, totoo ba 'yan? ‘Di ba nagkakaayos na sila ni Hannah?”"Oo nga! Araw-araw siyang nandoon, tinutulungan si Hannah, inaalagaan si Hope—paanong siya?!" Halos hindi makapaniwala si Renzelle. Ngunit sa puso niya, may biglang gumuhit na duda."May ipinadala akong file," sabi ni Rico sa kabilang linya. "Voice recording, screenshots ng chat nila ni Caleb—lahat. Si Leona ang utak ng lahat. Lahat ng kilos ni

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 209

    ..Nagkatinginan sina Edward at Hannah, sabay ngiti.“Ginusto na rin siguro ng Diyos na magkahiwa-hiwalay tayo noon,” sabi ni Hannah. “Para mahanap ko kung sino talaga ang dapat kong piliin—hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko.”Napayuko si Leona, ngunit may ngiting sumilay sa kanyang labi. “Siguro nga. At ngayon, gusto kong ayusin kahit konti man lang sa mga pagkukulang ko. Ayokong may mangyaring masama kay Hope… o sa inyo.”"Salamat sayo.."Nanatili doon si Leona ng matagal na oras, bago nito naalala si Renzelle."Nasaan si Renzelle?""Umuuwi siya kapag araw, sa gabi siya bumabalik. Nagkabalikan na kasi sila ni Josh."Oh, tingnan mo nga naman ang pagkakataon, buti naman at nagkabalikan na sila."Marami pa silang napagkwentuhan, hanggang naisipan ng magpaalam ni Leona."Aalis na ako.. babalik ako upang madalaw kayong muli.." nakangiting sabi nito.LUMIPAS ang araw, laging naroroon si Leona. Tumutulong ito pag aalaga kay Hope sa araw, habang sa gabi naman ay si Renzelle

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 208

    SA OSPITAL – LOOB NG KWARTO NINA HANNAH AT EDWARD..Katatapos lang suyuin ni Edward si baby Hope sa kanyang bisig, habang si Hannah naman ay maingat na inaayos ang kumot ng bata sa crib. Tahimik ang paligid, para bang isang sandaling pahinga sa gulo ng mga nakaraang araw.Naputol ang katahimikan nang bumukas ang pinto.“Leona?” gulat na gulat ang boses ni Hannah.Pumasok si Leona, may kasamang kaba at pagmamadali sa kilos. Agad siyang lumapit sa kanila at walang pag-aalinlangang niyakap si Hannah ng mahigpit.Hindi nakakilos si Hannah, labis ang kanyang pagkabigla. Ang alam niya, galit sa kanya ang babae, bakit siya niyakap nito ngayon?"Kumusta naman kayo dito?" tanong ni Leona, sabay tingin kay baby Hope. May ngiti sa kanyang mukha—pero saglit lang iyon bago ito napalitan ng galit. “Napakawalanghiya talaga ng Caleb na ‘yan!”Napatingin sina Edward at Hannah sa isa’t isa, bahagyang nabigla sa bigat ng sinabi."Nagtago rin ako dahil sa kanya," patuloy ni Leona habang iniikot ang panin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status