Share

SIXTY EIGHT

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2025-05-11 09:41:16

"Ano'ng ginagawa mo dito? Nagpapaawa ka kay Craig?"

Nilingon ko si Marko. Paano niya ako nahanap? At mabuti na lang nandito siya.

Niyakap ko siya kahit na naiinis ako sa kaniyang sinabi.

"Marko!"

Natigilan siya pero kalaunan ay tinapik-tapik niya ang aking likod.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" marahan niyang tanong.

Tumango-tango naman ako habang hindi mapigilan ang mga hikbi. Hindi ako puwedeng umiyak nang malakas dahil may mga dumadaang mga tao. Sa mga sandaling ito ay pinatitinginan na nila kami.

Bumuntong hininga siya. "Hinanap kita, akala ko hindi na kita mahahanap."

Tumango siya. "Alam kong hinanap mo ako," sagot naman niya.

"Tara na. Hindi mo ito ginawa para magpahabol kay Craig. Gagawin mo ito para sa sarili mo. Naiintindihan mo ba, Anne?"

"O-Oo. Gusto ko ng umalis dito. Gusto ko ng kalimutan si Craig."

"Good. Hindi siya makakabuti sa'yo."

Sumakay kami sa sasakyan niya. Habang nasa byahe, nakatulala lang ako. Pakidamdam ko sobrang haba ng byahe. Hindi ko din alam kung saan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love and Potion    SEVENTY FOUR

    CRAIGNang una, it was just a simple attraction. Hindi ko naman inakala na mahuhulog ako ng husto sa kaniya. I was open to possibilities. Kasi naniniwala ako na gaya ni Ethan, mahahanap ko din iyong babaeng magpapatino sa akin. Hindi ko lang inakala na si Anne pala ang babaeng iyon. Sobrang daming nangyari, pero wala pa ding nangyayari sa amin. Hindi ko alam na mayroon pala akong mahabang temper pagdating sa ganitong bagay. Madami akong plano. Pero willing akong dahan-dahanin ang lahat. Maybe I'll start by helping her reaching out for her dreams. Gusto niyang mag-aral, tutulungan ko siyang mag-aral. Hindi na din niya kailangan pang alalahanin ang kaniyang mga magulang, kaya pati sila tinulungan ko din upang hindi na bumalik sa pagbebenta ng kung ano-ano sa Quiapo. Makakapag-focus din si Anne sa akin at sa pag-aaral. Bawat araw na lumilipas, mas lalo ko lang napapatunayan sa aking sarili na hulog na hulog na pala ako sa kaniya. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya. Hindi ko kaya

  • Love and Potion    SEVENTY THREE

    Napamura ako nang makita ko si Marko sa labas ng bahay. Kabababa lang niya sa kaniyang sasakyan. Hindi ko talaga in-expect na dadalaw ang lalake dito. Hindi siya welcome dito!Nagmamadali akong lumabas. Nakaligo na ako at plano ko sanang maghanda ng breakfast para sa amin nina Mommy at Maisie. Tulog pa sila hanggang ngayon."Oh, Marko! Ang aga pa, ah. Ano'ng ginagawa mo dito?" "Yup. You're not answering my emails." Hindi niya alam ang number ko kaya doon niya ako kino-contact. "Ah, hindi pa ako nagbukas ng email, e." Sana huwag munang gumising at bumaba sina Mommy at Maisie. Baka kasi hanapin ako ng anak ko. Ayaw kong makita siya ni Marko. "May kailangan ka ba sa akin?""Nandiyan na ba ang mommy mo?""Oo, kaso tulog pa, e. Puyat. Pagod. Nagbabawi ng tulog."Tumingin siya sa unahan. Sinara ko naman ang pintuan para hindi niya makita ang loob. Baka kasi biglang bumaba ang makulit kong anak. "Ano ba ang sasabihin mo sa kaniya? Ako na lang ang magsabi.""Pauwi na sina Mommy at Daddy.

  • Love and Potion    SEVENTY TWO

    "Kaya mas lalong hindi ako magpapakita sa'yo, dahil alam kong galit ka."Halos umusok na ang butas sa ilong ko sa inis ko sa aking ina. Wala pa din siyang planong magpakita sa akin. Wala pa ding plano na sabihin sa akin kung nasaan sila ngayon ng anak ko. Gusto ko sana silang ipahanap kay Marko, ngunit kailangan kong mag-ingat. Kahit si Marko hindi alam ang tungkol kay Maisie. Masakit ang ulo ko dahil sa hang-over pero nadagdagan pa ang sakit dahil sa stress kay Mommy. "Ma'am, kumain ka na po muna..."Pilit akong ngumiti sa kasambahay na nag-aayos ng almusal sa mesa. Tinanghali na ako ng gising. Kung hindi pa nga ako nagugutom, hindi ako babangon. Napabuntong hininga ako sabay hilot ng aking ulo. Ano'ng klaseng bakasyon 'to? Stress na stress ako. May text message akong natanggap galing kay Mommy. Nag-book daw siya sa isang aesthetic and spa clinic ng isang kilala niya. "Pamper yourself, dear." Pagkatapos ng massage and spa, I'm sure stress na ulit ako. Pero sige, pupunta na la

  • Love and Potion    SEVENTY ONE

    Dahan-dahan akong huminga nang malalim. Kalma. Kalma. But I am calm. Binangga ni Marko ang kaniyang goblet sa hawak kong flute glass, bago niya ito tinungga. I also drank my wine. And then what's next? "Marko was here!" sabi ng isang babae. Siguro sinasabi niya ito sa dalawang bagong dating na lalake. Maingay ang paligid kaya hindi ko mawari kung palapit na ba ang mga ito sa kinaroroonan namin. Marko just carry on with what he's doing. He didn't even gave his two friend a glance. He ordered another drink. He told me to finish my wine, and then ordered another one for me. It didn't take long, before the two man approached us. "Marko..." The baritone voice was so familiar. It gave me a smile. Nakaka-miss din si Kuya Ethan. Kumusta na kaya ang kaniyang mag-ina? Mula nang umalis ako ng bansa limang taon na ang nakalipas, wala na din akong balita pa sa kanila. I missed Ate Rose but I can't just gave her a message since I was hiding. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nagtatago.

  • Love and Potion    SEVENTY

    Years later..."Good evening, Miss Gallo..." I just gave the maids a nod. I was too tired and lazy to greet them back. It's already ten in the evening. Sa sobrang dami ng ginawa sa maghapon, hindi na ako nakakain ng dinner. Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa kumain. Urgh! Bakit ba ang layo ng silid ko kasi? Bakit ba ang daming baitang ng hagdanan paakyat sa pangalawang palapag. Papikit na ang aking mga mata at halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang pagod. The perks of being a rich. Napailing-iling ako sabay masahe ng aking batok. Narating ko na ang pangalawang palapag nitong mansyon pero malayo-layo pa mula rito ang aking silid. Halos gumapang na ako dahil bukod sa antok, nananakit na din ang aking mga binti at talampakan. Bukas, mag-ra-rant ako kay Mommy. Gusto kong sa condo na lang kami tumira, mas malapit iyon sa kompanya at sa school. Bago ako makarating sa aking silid ay madadaanan mo ang malawak na living room dito sa second floor. Kaya nitong mag-acco

  • Love and Potion    SIXTY NINE

    Papikit na sana ang mga mata ko nang marinig ko ang ilang boses sa labas. At ilang sandali pa nga ay nagbukas na ang pintuan. Pumasok si Madam at nakasunod sa kaniya ang tatlong mga tao na mukhang mga banyaga. Iyong isang babae na tantya ko na nasa edad kuwarenta ay napaayos ng salamin habang pinapasadahan ako ng tingin. Mabilis naman akong naupo. Nalilitong tumingin sa mga hindi pamilyar na mukha. Bago pa ako makapagtanong kung sino sila ay nauna na silang ipakilala ni Madam. "Mga representative sila ng mga Gallo, Anne..."Tango ang naging sagot ko kahit naguguluhan ako. Hindi ko talaga sila kilala. Hindi pamilyar. Sino ba ang mga Gallo na iyan? Humakbang sila palapit sa akin. Para bang hindi sila kontento na titigan ako mula sa pintuan nitong silid. Nakakunot ang kanilang mga noo na para bang sinusuri nila ako ng maigi. Kinakabahan naman ako kaya napapalunok ako ng laway. Ano bang nangyayari? "Do you have a crescent birthmark on your lower back?" tanong ng may edad na lalak

  • Love and Potion    SIXTY EIGHT

    "Ano'ng ginagawa mo dito? Nagpapaawa ka kay Craig?"Nilingon ko si Marko. Paano niya ako nahanap? At mabuti na lang nandito siya. Niyakap ko siya kahit na naiinis ako sa kaniyang sinabi. "Marko!" Natigilan siya pero kalaunan ay tinapik-tapik niya ang aking likod. "Nakapagdesisyon ka na ba?" marahan niyang tanong. Tumango-tango naman ako habang hindi mapigilan ang mga hikbi. Hindi ako puwedeng umiyak nang malakas dahil may mga dumadaang mga tao. Sa mga sandaling ito ay pinatitinginan na nila kami. Bumuntong hininga siya. "Hinanap kita, akala ko hindi na kita mahahanap."Tumango siya. "Alam kong hinanap mo ako," sagot naman niya. "Tara na. Hindi mo ito ginawa para magpahabol kay Craig. Gagawin mo ito para sa sarili mo. Naiintindihan mo ba, Anne?""O-Oo. Gusto ko ng umalis dito. Gusto ko ng kalimutan si Craig.""Good. Hindi siya makakabuti sa'yo."Sumakay kami sa sasakyan niya. Habang nasa byahe, nakatulala lang ako. Pakidamdam ko sobrang haba ng byahe. Hindi ko din alam kung saan

  • Love and Potion    SIXTY SEVEN

    Hinatid ng guard dito sa unit sina Amang at Inay. "Amang, Inang. Na-miss ko po kayo!""Miss ka na din namin, Anak. Ka-guwapa-guwapa ng anak namon." Tumawa ako. Sa totoo lang, malaki ang pagbabago ko nang tumira ako kina Ate Rose, lalo na ng kunin ako ni Craig. Dahil late namang uuwi si Craig dahil busy siya sa ibang bagay, o ibang babae, hindi na lang ako nagluto ng hapunan. May baon din kasing gulay sina Nanay iyon na lang ang uulamin namin. Nilagang okra, talong at talbos ng kamote. "May mga dala pala akong halamang gamot para kay Rose. Akyatin natin siya," sabi ni Inay. Plano ko nga ding umakyat doon kay Ate. Gusto ko siyang hilutin. Magandang mahilot ang bagong panganak. "Anne!" Tuwang-tuwa si Ate Rose na binisita ko siya. "Pasensya ka na kung hindi na ako gaano nakakaakyat dito, Ate.""Ano ka ba? Sabi nga din ni Ethan sumasama ka daw sa opisina at may tutor ka din daw?" "Opo, Ate."Tulog daw ang baby niya, kaya hindi na muna namin sinilip at masyado daw iyakin. Para makap

  • Love and Potion    SIXTY SIX

    "Are you okay?" Nakatulala ako. Hindi masigla. Ilang araw ng ganito. Magaling naman na ako pero hindi na niya ulit ako hinayaang maglinis ng condo niya. May nagpupunta dito para maglinis. Masama ang loob ko, pero hindi ko masabi sa kaniya dahil baka mas lalo lang sasama ang loob ko kapag hindi pabor sa akin ang maging sagot niya. Sa hapon, may lesson ako. May nagpupuntang teacher, tumatagal ng 3 hanggang apat na oras ang lesson namin. Dito na din muna sa condo nagtatrabaho si Craig. Maghapon siyang nasa kaniyang library. Lalabas lang kapag kakain. "Gusto mo bang mamasyal? Nabo-bored ka na ba dito sa condo?"Niyakap niya ako at siniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Bumuntong hininga ako. "Hindi ka naman mainit.""Ayos lang ako, Craig..." Ewan ko kung nakalimutan na niya iyong usapan namin. Pero kung nakalimutan niya, mas lalong nakakasama ng loob dahil basta-basta na lang niyang makalimutan iyong nangyari sa amin samantalang unang beses ko iyon. "I'll order you some dess

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status