Share

Kabanata 6

( Zelena's POV )

Nagpasalamat ako na lumipas ang araw kinabukasan na wala akong natanggap na anumang text o tawag mula kay Mrs. Fuentes. Ibig sabihin nito, baka hindi itinuloy ng lalaking iyon ang sumbong niya. Hindi na siguro ako palalayasin. O baka ako lang talaga itong paranoid na nag-iisip ng ganoon?

But days passed by ay mas nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nga nangyari ang iniisip ko. Thankfully, nakapagfocus rin ako sa pag-aaral lalo pa't malapit na rin ang huling examination namin at bakasyon na pagkatapos niyon.

Kaunting tiis nalang, makukuha ko na ang minimithing diploma!

"Ahay salamat at malapit na tayong makapagpahinga. Anong balak mo sa summer?" Tanong ni Lyneth habang naglalakad kami patungo sa nagtitinda ng barbecue. Alas siyete ng gabi kasi natapos ang klase namin ngayong araw kaya doon na kami didiritso para bumili ng uulamin.

"Ano pa edi maghahanap ng summer job o baka nga tutulong nalang ako kay tiyang sa pagtitinda sa palengke." Walang paligoy ligoy na sagot ko. Kung may budget lang sana ako pang summer class ay magsusummer class ako eh, kaso walang wala kaya kinailangan ko ulit kumayod.

"Uuwi ka na naman dun sa tiyahin mong m*****a at palautos? Dito ka nalang sa syudad maghanap ng summer job, sasamahan kita." Anito sabay hawak sa braso ko.

"Magsusummer job ka rin?" Kuryosong tanong ko naman ngunit umiling lang ito sabay ngiti na animo'y kilig na kilig.

"Hindi Liwayway, si Dino na raw ang sasagot ng summer class ko kaya mag-eenroll ako." Tuwang tuwa na pagmamalaki nito sa nobyo kaya napailing nalang din ako bago seryosong sumagot.

"Baka naman pagdating ng araw eh susumbatan ka niyan!"

"Subukan niya lang! Edi isusumbat ko rin sa kanya yung ilang beses na tinikman niya ng libre itong alindog ko!" Confident na sagot naman nito na medyo nalakasan pa ang boses kaya mabilis kong tinakpan ang walang prenong bibig nito.

"Jusko lynlyn! Bunganga mo talaga." Saway ko sa kanya dahil nakakahiya sa mga taong nakarinig, nasa kalsada pa naman kami at matao kapag ganitong oras.

Pero humalakhak lang ang walanghiya kaya inis ko itong binatukan.

"Aray Liwayway huh! Eh ikaw naman kasi, bakit di ka maghanap ng nobyong mayaman na mag-iisponsor sayo total napakaganda mo naman! Praktikal na dapat tayo ngayon." Anito pa kaya napahinto ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin.

"Ang galing mo talaga magpayo eh noh? Sige, isa pa at itatakwil na talaga kita!" Inis na turan ko kaya mas humigpit ang yakap nito sa braso ko.

Tawang tawa na naman ito sa biro niya na alam ko namang may laman. May mga kakilala kami na ganoon, may sugardaddy ika nga, pero di bale ng magkandakuba ako kakatrabaho basta't sa marangal na paraan lang. Jusko! Never pumasok sa isipan ko na magbenta ng puri para lang makaraos sa kahirapan. Para saan pa yung pagsusumikap ko mula noon kung bababuyin ko lang din ang sarili ko?

Hindi na muling nag-ingay si Lynneth hanggang sa makarating kami sa may tindahan ng barbecue. Natakot ang lokarit na totohanin ko ang bantang pagtatakwil sa kanya.

Ngunit di pa man kami nakakalapit sa mismong nagtitinda ay napansin kaagad namin ang kumpulan ng mga kababaihan na parang may pinagkakaguluhan.

"Ano kayang pinagkakaguluhan nila diyan? Barbecue?" Kuryusong tanong ni Lynneth na mas hinila pa ako papalapit kaya napabilis din ang paghakbang ko.

Kahit ako'y takang taka rin dahil dati pa naman kaming suki sa pagbili rito ngunit ngayon lang nagkaroon ng ganito karaming tao na halos mga babae pa at may iilang beki.

"Ang gwapo gwapo niya naman! Makalaglag pantay!"

"Dinaig pa niya yung mga artista eh. Taga saan kaya siya?"

"Mukhang bagong salta eh, ngayon ko lang siya nakita."

Dinig na dinig ko ang pag-uusap ng ibang nadadaanan namin. Kumunot naman ang noo ko at napaisip sa kung sinong lalaki ang tinutukoy ng mga ito.

Ngunit biglang sumigaw si Lynneth. "Oh my goodness! Liwayway ang pogiiii!" Tili nito kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya bago tiningnan ang lalaking nasa harapan ng nagluluto ng barbecue.

Ganoon na lamang ang panlaki ng mga mata ko nang mapagtanto kung sino ito!

Si Mr. Masturbate....

Ang iingay ng mga babae ngunit nanatili lang itong tahimik na para bang walang pakialam sa paligid niya. Nagawa nitong deadmahin ang mga babaeng magaganda na kulang nalang maghubad sa harapan niya para mapansin. Ang focus nito ay nasa pinaikot ikot na barbecue stick.

Mas mabuti nga at doon ang focus niya nang sa gayun ay hindi niya ako mapansin.

"Lyneth napakaraming tao, lipat nalang tayo sa iba." Bulong ko kay Lyneth na parang kanina pa naghahanap ng paraan para makalusot at makalapit.

"Hindi na, dito na tayo eh! Anong akala ng mga babaeng ito eh sila lang customer? Tsaka may napakagwapong view pa." Bulalas nito na mukhang di na magpapaawat.

"Excuse me, excuse me lang! Bibili kami, padaan naman." Dagdag pa nito sa malakas na boses dahilan para maagaw ang atensyon ng karamihan.

Gusto ko nalang magtakip ng mukha dahil sa kahihiyan. Kung bakit ba naman kasi nagkaroon ako ng isang kaibigan na kagaya ni Lynneth na makapal ang mukha at hindi marunong mahiya.

Ngunit huli na para umatras dahil napalingon sa gawi namin ang lalaking pinagkakaguluhan na walang iba kundi si Mr. Masturbate....

At nang magtama ang mga mata namin ay parang nakuryente ang buong kaugatan ko sa talim ng titig niya.

Shit!

Ramdam ko ang pag init ng buong sistema ko dahil sa tuwing nakikita ko siya ay agad rumirehistro sa utak ko ang hubo't hubad niyang katawan. Ni hindi na malinaw sa akin ang mga sinasabi ni Lyneth dahil yung utak ko ay parang may sariling pakpak at basta na lamang lumipad patungo dun sa lalaki.

At saka lamang ako nanumbalik sa realidad nang ito rin ang kusang nag- iwas ng tingin niya.

Ang yabang talaga!

"Lyneth! Tara na!" Pamimilit ko pa kay Lyneth ngunit mukhang walang balak magpahila ang lokarit kaya hinayaan ko nalang ito habang ako'y naghanap agad ng malulusotan para makadaan na papaalis.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang makaalis sa kumpulan ng mga babaeng mukhang gwapo. Akala ko kung sino na yung pinagkakaguluhan nila eh yung lalaking bastos lang pala!

"Gwapo ba yun?" Tanong ko sa isip ngunit kusa rin akong napasagot ng OO.

Fine. Gwapo nga naman kasi talaga! Pero yun nga lang manyak kaya ekis pa rin sa 'kin.

Naglakad na ako mag-isa patungo sa ibang bilihan ng barbecue na may ilang metro lang naman ang layo. At mukhang enjoy na enjoy si Lyneth na makita ang lalaking yun kaya di man lang humabol sa akin ang lokarit. Isa pa yun na mukhang gwapo kahit may boyfriend na nga.

Nag- order na kaagad ako pagkadating. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya atat na atat na akong makauwi ng boarding house dahil magsasaing pa ako.

Kaya matapos lang ang ilang minutong paghihintay ay naluto na rin ito. Nag- abot din kaagad ako ng bayad bago patakbong naglakad pauwi sa boarding house ko. Etetxt ko nalang si Lyneth na didiritso na ako pauwi.

Lakad takbo pa ang ginawa ko dahil sa pagmamadali.

Ngunit nang makadaan sa medyo madilim na parte na walang street lights ay bigla na lamang may isang lalaki na humablot sa braso ko. Halos hindi ako nakakilos sa pagkataranta nang maramdaman ko ang isang matalim na bagay na nakatutok sa tagiliran ko.

"Hold up 'to! Huwag kang magkakamaling mag-ingay kung ayaw mong tuluyan kita." Banta ng boses lalaki kaya nanginig ang buong kalamnan ko sa takot.

"Kuya wag po! Estudyante palang po ako at kapos na kapos din. Wala po kayong mahihita sa akin." Garalgal ang boses na sambit ko ngunit mas nanggalaiti lang lalo ang boses nito.

"Wala akong pakialam Ms. Ibigay mo nalang sa 'kin yang wallet mo at cellphone." Mariing utos nito.

"Wala po akong dalang cellphone." Ani ko dahil totoong iniwanan ko iyon sa boarding house ko sa tuwing may pasok ako. At nagpapasalamat ako na iniwan ko dahil kahit de keypad lang iyon ay napakalaking tulong na nun sa 'kin.

"Dami mong satsat! Buksan mo nalang yang bag mo!"

Di ko napigilan ang mabilisang pag- agos ng mga luha ko dahil nanakawin pa sa 'kin ang bukod tanging pera na natira sa mumurahing wallet ko. Nakalaan na ito para sa school projects at sa pangkain ko araw araw.

"P*****a ang bagal! Bilisan mo!" Galit na ang boses nito kaya natataratang kinuha ko ang wallet sa loob ng bag ko. "Opo! Opo!" Gusto ko sanang tumakbo kaso masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ko, idagdag pa ang kutsilyong nakatutok sa tagiliran ko at ramdam na ramdam ko ang tulis nito.

"Akin na bilis!" Gigil na ani pa nito na tila ba nagmamadali.

Shit! Ang malas lang. Kung bakit ba naman kasi wala man lang taong napapadaan dito ngayon.

"Eto na po!"

Ngunit bago ko pa man ito maibigay sa kanya ay bigla akong nabuhayan ng pag- asa nang makarinig ng isang boses.

"Ano yan?" Tanong ng isang parang pamilyar na boses.

Ngunit hinigpitan lalo ng lalaking kawatan ang pagkakahawak nito sa 'kin para hindi ako makapagsalita.

"Aba chismoso ka! Away magsyota lang 'to huwag ka ng makialam." Sagot ng hinayup*k na ikinaawang ko.

At talagang nagawa pa nitong angkinin ako na jowa? Ang kapal ng hayop!

"Ms. Ayos ka lang?" Muling tanong ng lalaki na halatang hindi kumbinsido sa paliwanag ng kawatan.

"Pakialamero ka ah!" Galit na baling ng kawatan sa kanya kaya nakakuha na ako ng pagkakataon para sipain ang pagkalalaki nito. Nabitawan ako nito kaya taranta akong napatakbo.

"Hayop kang babae ka!" Habol sa akin ng holdaper na tiyak nasaktan sa ginawa kong pagsipa.

"Mama' tulong ahhhhh!!!" Sigaw ko. Tarantang taranta na. Napapikit na lamang ako sa sobrang kaba at takot.

Dahil madilim ang paligid ay hindi ko na makita ang pangyayari. Basta rinig ko nalang na parang nagbugbogan na ang dalawa.

"Dyos ko po! Sana huwag mapano ang nagmagandang loob na tumulong sa 'kin." Taimtim na panalangin ko. Napahagulhol na rin ako ng iyak dahil sa takot.

At matapos lang ang ilang minuto ay naramdaman ko nalang ang isang kamay na tumapik sa braso ko.

"You're now safe Miss."

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Melanie Facto
nice story next episode please
goodnovel comment avatar
Mariya Agatha
Thank you so much ate <3
goodnovel comment avatar
Mary Yap
story m lang inaabangan ko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status