Share

Kabanata 53

Penulis: Mariya Agatha
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-30 19:22:21

"Ma, kumalma po muna kayo." Mahinahon at nagsusumamong pakiusap ng hampaslupa sa ina nitong muntikan ng nagwala.

"Pasensiya na. Bakit mo pa kasi tinatanong ang bagay na alam mo na naman ang sagot. Wala ka bang tiwala sa akin anak? Hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi ko sayo?" Ngayon ay emosyonal ang tinig ng ginang.

"Mama, hindi naman po sa ganun. Huwag niyo po sanang mamasamain pero may natuklasan din po kasi ako nung nanatili ako sa mansyon ng mga Velmonte." Pahayag ng hampaslupa kaya natakpan ko ang aking bibig dahil baka makagawa ito ng ingay.

"Alam niyo po bang buntis si Ate Isabela?"

At ang pahayag niyang ito ay ang bumalot lalo sa akin sa labis na kuryosidad.

"Ma, may isang kasambahay po sa mansyon ang nakaalam ng nangyari na siyang mismong nagkwento sa akin. Buntis daw po si Ate Isabela. Pinapaako iyon kay Dreymon pero nanindigan ang lalaki na hindi siya ang ama. At nung nagrequest daw po sila ng DNA test para malaman ang totoo ay nabalitaan na lamang nilang wala
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 92

    Kita ko ang mariing pag igting ng panga ni Dreymon habang matalim na nakatutok ang mga mata sa lalaki. "And who the fuck are you? Are you a hero? At bakit nangingialam ka sa away mag asawa?" Matigas na asik ni Dreymon pero matapang namang nakaharap sa kanya ang lalaki. "Kung ikaw, nakakaya mong matiis ang isang babaeng nanginginig na sa lamig. Pwes, ibahin mo ako. I am not like you. I may not be a hero but I am not a jerk like you!" Matapang na anas ng lalaki kaya napaawang ako. Matangkad din ito, malaki at matikas din ang katawan kagaya ng kay Dreymon. At sa awra at hitsura nito ay parang hindi ito marunong matakot ninuman. At kung nasa malapitan lang talaga sila ngayon, siguradong higit pa sa palitan ng salita ang mangyayari. Pero syempre kailangan kong pumagitna sa mainit na sagutan ng mga ito lalo pa at ako ang dahilan kung bakit sila nagkakasagutan ngayon. Buong loob akong tumayo saka yumuko sa lalaking tumulong sa akin para humingi ng pasensiya. Ayaw ko ng lumaki pa an

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 91

    ( Emeryn's POV ) Nakaupo ako ngayon sa may bench na nasa terrace habang yakap-yakap ang aking sarili. Nakakaramdam na ako ng lamig sa katawan ngunit wala akong ibang magagawa kundi ang magtiis dahil si Dreymon ang nagdesisyon na dito ako patulugin. Natawa ako ng mapait. Kung ituring ako nito ay para akong basahan. Noong isang araw pa lamang kaming ikinasal pero napakahigpit at napakasama na ng pakikitungo nito sa akin. Kasalukuyan kaming nasa Baguio ngayon, at ang dahilan niya ay para maghoneymoon daw kami dahil nabanggit iyon ng abuela niya. Ibig sabihin ay desisyon ito ni Doña Olivia at hindi niya desisyon kaya alam ko na napipilitan lang siyang sumunod para kunwari ay kapani- paniwala talaga ang naging kasal namin. Totoon naman talaga iyon eh! Nagpirmahan na nga kami ng papeles kaya legal pa iyon. Iyon nga lang ay hindi sang ayon ang butihing Doña. Nang minsan pa nga iyon tumawag para kausapin ako ay nagrequest pa iyon ng isang enggrande at magarbong kasalanan. "Daratin

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 90

    [ WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS SEXUAL AND EXPLICIT CONTENTS NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. PLEASE BE GUIDED.] ( Sophie's POV ) "You're drunk babe." Rinig kong bulong ng isang pamilyar na boses habang inalalayan ako nito papasok sa loob ng isang kwarto. Kwarto na may makulimlim na ilaw kaya mas lalo kong hindi makilala ang mukha ng lalaking kasama. Dahil nanlalabo na rin ang paningin ko dala ng kalasingan ay hindi ko na maaaninag ng maayos ang mukha ng lalaki. Pero ramdam ko na kagaya ko ay lasing na lasing na rin ito. "No! I am not babe." Nakangiting usal ko habang nakayapos ang mga kamay sa leeg nito. Ramdam ko na nga na nilukob na ako ng init sa aking katawan. My face turns red too like I am blushing. "You should take a shower first okay?" Malambing na anas niya saka ako nito idiniritso sa banyo. Ramdam ko ang marahang pagtama ng aking likuran sa bathtub. "Hey! Ayaw mo bang maligo? C'mon babe" Nang-aakit na sambit ko nang maaninag ko na parang m

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 89

    ( Emeryn's POV ) Hindi ko maramdaman ang emosyon. Lalo na at kami lang dalawa ang naririto ngayon. Hindi ito kagaya ng isang normal na kasal kahit pa na huwis lang ito dahil wala kaming ninang at ninong, walang pamilya, walang audience. At ang mas masakit ay ang kilos at pinaparamdam sa akin ng groom ko na para ba wala itong pakialam. Na napipilitan lang ito dahil sa kahilingan ng abuela niya at para na rin makapaghiganti sa akin. Pigil na pigil ko na huwag kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Pero hindi ko na ito kayang pigilan pa nang ilabas ni Dreymon ang couple ring mula sa bulsa nito saka namin nito isinuot sa daliri ng isa't isa ayon na rin sa mariing utos ng judge. Parang napakabilis ng sunod na mga pangyayari. Basta na lamang kaming tumango ni Dreymon sa tuwing nagtatanong ang judge hanggang sa iproklama nito ang basbas na siyang nagpainit sa dibdib ko. "By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may seal your union with a kiss. Congratu

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 88

    ( Sophie's POV ) "Cheers for the wonderful success of our plan!" Abot tainga ang ngiti ko habang itinaas ang baso. Itinaas din nito ang baso niya na kagaya ko ay tuwang tuwa rin sa resulta ng matagal naming pinagplanuhan. "Cheers my dear! Ang galing ng naging plano natin. Ang galing galing ng pagpanggap ko mula sa pekeng pagkakasakit. At ang uto uto na ampon ko naman ay napakabilis lang pala pasunurin. Kung alam ko lang na sa paraang iyon ko siya mapapaamo, sana noon pa ako nagsakit- sakitan!" Bulalas ni Estella. Ang adoptive mother ni Emeryn na siyang naging kasabwat ko sa lahat ng pagpaplano. At napakadali ng lahat sa amin dahil gaya ko ay sobra din siyang nagalit sa ampon niya. Just imagine, pinili ni Emeryn si Dreymon over her kaya gigil na gigil ang ginang na ito. We paid for doctor and nurses, lahat ng taong naging kasabwat even ng lalaking nagpanggap na kunwaring anak ng kaibigan ni Estella ay binayaran ko talaga para masiguradong successful ang kalalabasan ng

  • Love by Mission (The Billionaire's Spy)   Kabanata 87

    Napaawang ako, sinisigurado kung tama ba ang naririnig ko at hindi ako nabibingi. "Fuck! Anyway, you don't need to answer me coz it's an order. You'll going to marry me or else I'll kill you!" Mariing salaysay pa nito kaya napalunok ako ng mariin. He said it again kaya totoo ito. Hindi ako nabibingi. Napakunot ang noo ko at di makapaniwalang napatanong. "Ba--- bakit? Bakit mo inaalok ito ngayon?" Buong loob na tanong ko kasabay ng walang humpay na pagwawala ng aking dibdib. Umaasa ako na sana ay hindi paghihiganti ang dahilan niya. Pero nanlumo at nalugmok lang ako ng matigas siyang sumagot. "It's because I want to punish you for a lifetime!" Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi sa sagot niya. Ngunit hindi ko rin inasahan na may kasunod pa pala siyang salaysay. "Granny is now awake! Just be thankful na walang nangyaring masama sa kanya. That she's still alive. But she doesn't have any idea about what happened. Na nilason mo siya kaya muntikan siyang nawala sa ami

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status