-LORNA- Narinig ko ang pagtunog nang aking cellphone. Napansin kong nadala ko pala kagabi ang aking shoulder bag. Mula sa silya ay tumayo ako at nilapitan ang aking shoulder bag. Mula roon kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung sino ang caller. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang pangalan ni Lyn. "Yes, good morning!" Masiglang bati ko rito. "Bruha ka, good morning! Congratulations, pasensiya ka na inaantok na ako kagabi. T'saka, pauwi na ako dahil alam mo na may duty pa ako mamayang gabi nigh shift ang Lola mo ngayon. Heto hinatid ako nitong supladong kapatid ni Steve na alam mo naman bata pa lang ako ay pàtày na pàtày na ako rito," sagot ni Lyn sa kabilang linya pero agad din itong natigilan. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. "Teka, akala ko ba si Yvan?" Takang-tanong ko. "Hmm, chicka na lang tayo kapag nagkita tayo, okay?" "Alright, take care." "Thank you, bye!" "Bye," sagot ko na lamang. Gusto ko pa sanang makipag-usap kay Lyn pero mukh
-LORNA- KUNG kanina ay naglalagablab sa init ang buo kong katawan ngayon ay biglang napawi dahil napansin kong parang tulog na ang aking asawa. Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi ako lasing naka-inom lang din ako dahil sa inis ko rito. Hindi ko akalaing pupuntahan ako nito sa nipa-hut. Narinig ko ang mahina nitong paghilik. Kaya ang ginawa ko ay inayos ang pagkakahiga nito. Hinubad ang suot nitong white polo shirt. "I hate you but why do I feel this strange feelings for you, Steve?" Mahinang turan ko. Nakatitig ako sa payapa nitong mukha. He looks like an innocent angel. Napahaplos ako sa makinis nitong pisngi. Mahal ko na ba ang taong ito? Pero...hindi maari na mangyaring magkagusto ako rito. Nang tuluyang mahubad na ang suot nitong polo shirt ay naisipan kong punasan ang ilang pawis nito sa leeg, mukha at — napalunok ako sa napakaganda nitong matipunong dibdib pababa sa mala-six pack abs nito. Ewan ko ba pero biglang nag-init na namang muli ang aking pakiramdam. U
-STEVE- Inis na tinungo ko ang bar counter ng naturang restaurant. Dàmn it! Talagang sa araw pa talaga ng kasal ko malalaman ang pagiging bugaw ng babaeng minamahal, at ngayon ay siyang pinakasalan ko? "Bullshît!" Malutong kong mura. Hindi ako kailanman nagsisisi na pinakasalan ko si Lorna. Pero iyong hindi ito open sa akin sa lahat ng bagay ay hindi ko matanggap. Nailing na lamang ako at parang baliw lang, saka ko na realize na hindi pala ako importante sa buhay nito. Um-order ako ng inumin pagdakay inisang-lagok ko lang. "Sir, mukhang may problema po kayo?" Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin. "Ikaw pala, Manong. By the way, kapag nalasing ako dalhin mo ako sa nipa-hut, ha? Lahat ng pera ko rito sa pitaka ko sa'yo na, okay?" Nakangiting sabi ko rito. "Mukhang malaki ang problema mo, Sir." "Hindi naman, nasaktan lang ako ng sobra. Alam mo iyon, nagmahal ka sa taong dati mong minahal pero hindi mo naman talaga nakilala ng maigi? Grabe, Manong ang bigat ng dibdib ko."
-LORNA- Ang totoo kakaibang kaba, saya na may halong panghihinayang, lungkot, at sakit ang araw na ito para sa akin. Pinakasalan ko ang lalaking pumatay sa aking mga magulang pero bakit nakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan? Tama ba na maramdaman ko ang ganitong pakiramdam? Napasulyap ako sa aking asawa na ngayo'y kausap ang Ninong nito. Iniisip ko pa lang ang magiging first night namin ni Steve ay hindi ko na alam. Pagdakay pinukaw ni Mommy Sylvia ang aking pansin. "Hija, hindi ka ba nagugutom? Gabi na at panahon na para sa dinner, let's go?" Nakangiting anyaya sa akin ni Mommy. "Sige po, Mom." Saka naman lumapit sa amin si Ninong Delmar nang tuluyan ng umalis ang aking asawa siguro para kausapin ang kapatid nitong si Gio. Yes, asawa ko na si Mr. Lucchese at ako na ngayon si Mrs. Lorna Monsanto Lucchese. Napansin kong tumunog ang aking cellphone, si Leticia ang nasa kabilang linya. "Excuse me, Mom," ani ko kay Mommy Sylvia. "Go'on, hija. Baka importante 'yan." Nakangi
-STEVE- NAGPAKAWALA ako nang sunud-sunod na buntong-hininga. "Konti na lang matutonton na ng mga tauhan ko ang Nana na iyon and I will make her suffer!" Inis na turan ng aking ina. "Mom, anong klaseng pag-iisip iyan?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa aking minamahal na ina. "Kahit sino pa 'yan ay walang makakapigil sa akin, hijo. Kahit na sabihing ikaw pa." "Pero, Mommy... hindi magandang magtanim ng galit," malumanay na saad ni Lorna sa aking ina. "I know, hija. Gusto ko lang makaganti. Ewan ko ba, sarado ang isip ko sa mga ilang sasabihin ninyo. Iba ang itinanim ng batang iyon dito sa puso ko. Inis at galit." "Kuya, narito na si Atty. Delmar." Napansin kong hindi na naman makatingin ng diretso si Mommy kay Ninong Delmar. Bata pa lang ako ay may naramdaman na akong kakaibang chemistry sa dalawa pero binalewala ko lamang iyon. "Hindi mo sinabi sa akin na siya pala ang Delmar na magkakasal sa inyo, Steve," sabi ni Mommy. "Wala naman sigurong problema kung sakaling ako ng
-STEVE- "Kung gano'n, bago pa malaman ni Mommy ang katotohanan kailangan niyo ng makasal ni Lorna sa madaling panahon," ani ng kapatid kong si Drake. "Tiyak akong magugulat ang dalawa kapag nalaman nilang iisa pala sina Nana at Lorna," tugon ni Drake. Tinutukoy nito ang dalawang kapatid kong sina Yvan at Gio. "Expected na 'yan, Drake." "Wala ka bang balak sabihin sa kanila at baka pwede ka rin nilang tulungan?" "Hindi ko kailangan ng tulong regarding this. Mas kailangan ko ang tulong niyo regarding kung sinong nagsaksak sa utak ni Lorna na ako ang pumátáy sa mga magulang niya. And I also need to know who was the real killer," matiim kong sagot sa kapatid kong si Drake. Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga. "Sige, sasabihin ko kina Gio at Yvan." "Triplets nga talaga kayo," nakangiting sagot ko kay Drake. "Mabuti na lamang at hindi kami magkamukha nang lumabas sa bahay-bata ni Mommy." "Problema pa kapag magkamukha kayo. Pareho pa naman kayo ni Yvan na womanizer." "K