PAGKATAPOS maluto nang pinaluto kong mga pagkain ay naisipan kong gumawa ng orange juice since pwede iyon kay Mrs. Lucchese. "Ma'am, inilagay na po namin sa tray.""Thank you.""What's that, Manang?" Kapwa kami napalingon nang marinig ang boses ni Steve. "Pinaluto po ni Ms. Monsanto, Sir.""Iniisip mo bang lalasunin ko ang Mommy mo kaya ka nagtanong?" sarkastikong tanong ko kay Steve. "Sa bibig mo na 'yan nanggaling, Ms. Monsanto. Bakit ang defensive mo naman yata?" "Dahil hindi ako isang b0b0 lalo na sa tinging ipinukol mo sa akin, Mr. Lucchese!" Hindi ko napigilan na magtaas ng boses. Sumusobra naman kasi si Steve. Halatang pinagdududahan na naman ako."Hmmm... kung hindi ka apektado bakit gano'n ka na lamang kung makapag-react, Ms. Monsanto?""Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa mga maling bintang mo sa akin?" Umarko ang kilay ko sa inis dito."Really?""Oo, crimes against honor!" Asik ko pa kay Steve."Hindi ako takot, kaya kong bilhin ang batas ng aking pera, Ms. Monsanto."
Last Updated : 2025-05-02 Read more