共有

Isa

作者: cargooooo
last update 最終更新日: 2023-12-11 13:56:33

C I E L O

Pinatay ko ang alarm clock na nasa bedside table ko bago ako bumangon. I streched my arms up and bending side by side.

Kumuha lang ako ng mga gamit ko at ginawa ang morning routine ko bago ako pumunta sa kwarto ni Janna.

Magkasama kami ni Janna sa condo para less hassle ang gastos ng parents namin.

"Woy, bumangon ka na dyan. May klase ka pa." paggising ko kay Janna at dumilat na naman siya at gumulong gulong sa kama niya kaya lumabas na ako sa kwarto niya at dumiretsong kusina.

I drink a glass of water bago ako nagluto ng almusal namin.

I prepared sunny side up egg, bacon, and bread. Nagtimpla ako ng kape para kay Janna at gatas naman sa akin.

Nang lumabas si Janna sa kwarto niya na tapos nang maligo ay naupo na siya sa dining table at sabay na kaming kumain.

"Ang aga mo namang nagising, wala ka namang pasok." Janna said.

"Pero may mga gagawin ako." I said at her and she nodded her head.

Tahimik kaming kumakain ng biglang magring ang phone ko.

"Oh, bakit?" masungit na sagot ko sa caller.

["Ang aga aga ang sungit mo naman, hmp!"] nagtatampong sagot ni Steve. I rolled my eyes kahit hindi niya nakikita, ang arte talaga.

"Bakit nga?" medyo inis na tanong ko ulit sa kanya.

["Dalhan mo ko ng breakfast sa hospital, please? Gutom na talaga ako."] I frowned when I heard na nasa hospital siya.

"Bakit nasa hospital ka?" I asked.

["Wieee, concern ka ba sakin?"] pang aasar niya kaya mas lalo akong nabanas.

"Nasa hospital? Sino?" Janna asked.

"Si Steve." sagot ko sa kanya.

"Bobo, asa ka naman." sagot ko sa kabilang linya.

["Hahahahaha nadis yung braso ko. Dali naa, gutom na talaga ako."] pagmamakaawa ni Steve.

"Dislocate? Bakit? Ang tanga mo naman. Papunta na ko." sagot ko sa kabilang linya.

["Tangina mo."] natawa naman ako sa sagot ni Steve at pinatay na ang tawag.

Nakaantabay naman si Janna sa akin.

"Pupuntahan ko si Steve sa hospital, nadislocate raw yung braso niya. Ang tanga tanga." iiling iling na kwento ko kay Janna at natawa naman ito ng mahina.

"Buti medyo matagal pa yung laban nila." Janna said at tumayo na para ilagay ang pinagkainan niya sa sink at maghugas na.

Yun kasi ang rule naming dalawa kung sino ang hindi nagluto, siya ang maghuhugas. I cleaned the dining while Janna's washing the dishes.

Pagkatapos kong maglinis ay pumunta na ako ng kwarto ko at nagpalit lang ng damit na mas maayos.

I wore an oversize shirt, denim overall, white rubber shoes, and a black plain baseball cap.

I took my car key at lumabas na ng kwarto. Saktong paalis na rin si Janna.

"Dadalhin mo ba yung sasakyan mo?" I asked Janna and she shook her head.

"Nope, sasabay na ko sayo. Sayang sa gas." she said and smiled at me. I rolled my eyes at her at tahimik na kaming lumabas ng condo at sumakag sa elevator para pumuntang basement.

When we went at the basement, we hopped in in my car at umalis na kami.

Mabilis lang din ang naging byahe dahil weekends ngayon kaya walang masyadong traffic.

Dumaan muna kami sa drive thru ng Jollibee at kumuha ng breakfast meal para kay Steve.

"Thanks sa ride." Janna said and waved her hand at me bago siya pumasok sa campus at ako naman ay pumuntang hospital.

COLT HOSPITAL

I went to receptionist to asked Steve's room number. "Steve Jackson po."

"Room 504, miss." the nurse said at nagpasalamat naman ako.

Habang naglalakad ako papuntang elevator I saw the guy yesterday. The guy who caught my attention.

He was talking to a doctor. Matanda na ang doctor pero well built pa rin ang katawan niya at halatang gwapo siya nung kabataan niya.

The guy who caught my attention was wearing a white tuck in polo longsleeve na nakafold yung sleeves niya hanggang siko, and wearing a black trouser. He also wearing a silver watch, ring on his ring finger and ful vue eyeglasses.

I glanced his hands, damn. Ang ganda pala ng kamay at braso niya, there are some nerves na bumabakat sa kamay niya.

Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa direksyon ko na agad ko namang iniwas ang tingin ko at patay malisyang naglakad papunta sa harap ng elevator at pinindot ang up button.

Napansin niya kayang nakatingin ako sa kanya? Sabi ko kasi hindi ko na siya crush e! kasi mayaman siya pero bakit kasi ang pogi niya? Ang lakas pa ng sex appeal niya. Sobrang nakaka attract siya.

His serious face? and his messy hair? his hands? his height? and well built body? Putangina, sobrang breathtaking.

Lord, bakit ka ba lumikha ng ganitong nilalang? Sign niyo na ba 'to para lumandi ulit ako? Kung siya lang din naman Lord, go na go na ko.

I came back to the reality when I feel his presence behind me. Ang bango niya pa, naamoy ko. Ano kayang pabango niya?

Bumukas na ang elevator at pumasok na kami, I clicked the fifth button at itong crush ko- sige na, crush ko na siya ulit. Wala siyang pinindot na button, mukhang doon din siya bababa.

Sobrang tahimik sa elevator at para bang nakakahiyang huminga. Pagdating sa second floor ay may sumakay na janitress at ilang mga tao kaya umatras ako pero nagulat ako ng may maramdaman akong mga kamay na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Putangina. He was fucking holding me! I frozed at parang hindi nagsisink in sa akin yung nangyayari.

"Miss, hanggang kailan ka tatayo sa harapan ko?" mahinang sabi niya sa akin na siniguradong ilan lang ang nakakarinig.

"I-I I mean, kapag binigay mo na yung number mo?" nagulat ako sa sinabi ko kaya agad ko siyang nilingon. His eyebrows furrowed at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Mas natulala ako sa mukha niya, unang beses ko siyang nakita sa malapitan.

"Bakit ang gwapo mo?" hindi ko napigilang bulalas ko.

"W-What? What the fuck?" he exclaimed but his eyes looks amused.

"I mean, sorry hehe." I said at alanganing ngumiti sa kanya.

Kung anu-ano na ang pinagsasabi ko sa harapan niya. Nakakahiya, mabilis akong lumabas ng elevator at pinaypayan ang mukha ko because I felt like my face is turning red.

Kay agang landi Cielo, magaling ka.

Nang makita ko ang kwarto ni Steve ay pumasok na ako. I turned around to close the door and I saw him leaning on the wall looking at me.

Umiwas ako ng tingin at tuluyan ng sinarado ang pinto. Anong ginagawa niya do'n? Hihintayin niya ba ko? Wow, ang fast niya naman rumesponse sa mga landi ko.

"Cieloooo!" masayang tawag sakin ni Steve na ngayon lang dumako ang tingin sakin dahil seryoso siyang nakatutok sa cellphone niya.

"Oh, pagkain mo." ani ko at inabot sa kanya ang plastic ng breakfast meal niya pati na rin ang hot choco na inorder ko. Syempre akin yung isa kasi dalawa yung binili ko no'n.

"Uy, thanks Cielo. Inangat ka talaga ng lupa." Steve said and smiled at me widely.

Binato ko siya ng unang nahawakan ko sa inuupuan kong sofa.

"Tangina mo talaga, panira ka ng araw." bwiset na bwiset na sabi ko sa kanya. Hindi ko ba alam pero mainit ang dugo ko sa kupal na 'to. Palagi na lang kasi akong inaasar.

"Hahahaha I really don't understand why you took education, eh ang iksi iksi ng pasensya mo hahahaha. I pity your future students."

"At sisiguraduhin kong bubullyhin ko yung mga anak mo kapag sila ang naging estudyante ko, kingina ka."

"At kapag nagpagawa ka ng bahay, sisiguraduhin kong puro substandard ang gagamitin ko para mawasak kaagad yung bahay mo hahahahaha" Sinamaan ko siya ng tingin pero sarap na sarap at enjoy na enjoy siya sa kinakain niya habang malawak na nakangiti sakin.

Hindi ko talaga alam kung paano ko naging kaibigan 'tong lalaki 'to.

"Kumusta naman 'yang braso mo? Anong sabi ng doctor?" tanong ko sa kanya.

"Yiieee, concern ka?" pang aasar niya at hindi ko mapigilan mapahalukipkip sa inis.

"Malamang! Kaibigan mo ko e, bobo ka ba?"

"Hahahaha bakit ba ang init ng ulo mo?"

"Kasi kanina ka pa namimikon. Ang aga aga sinisira mo yung araw ko. Oh, eh, ano nga? Kumusta ka nga? Girls asking me about your condition."

"I'm pretty fine! Slightly swollen lang yung braso ko dahil sa pagbalik sa position ng braso ko kaya mahirap pa ring galawin."

"Kailan ang labas mo?" I asked again.

"Maybe later? I don't know, hindi pa nasasabi sakin ng doctor. Ang tagal niya ngang bumalik e'." I nodded my head at him at tumayo na.

"Mauuna na ko, may mga dapat pa kong tapusin. Tawagan mo na lang ako kapag inabot ka ng lunch dito." I told him at tinapon ang pinagkainan ko sa trash can.

"Thanks, Cielo. Dapat nagdomestic helper ka na lang, bagay sayo hahahaha."

"Fuck you!" iritang mura ko kay Steve at tinawanan niya lang ako.

Kaya ang hirap mag alala sa lalaking 'to, hindi niya deserve. Bwiset talaga.

Lumabas na ako ng kwarto niya at wala na ro'n yung crush ko. Akala ko pa naman hinihintay niya ako.

Sumakay na ko ng elevator nang saktong paglalakad ko papunta roon ay pabukas na rin yon.

I clicked the first floor at tahimik na naghihintay na makarating doon.

Agad naman bumukas ang elevator sa first floor at palabas na sana ako ng bigla akong mabunggo. Nang maamoy ko kung sino ang nabunggo ko ay agad akong tumingala.

Mas malapit na nakita ko siya, para bang dalawang dangkal lang ang layo ng mukha ko sa kanya.

"You're on our way." he said coldly, ang sexy ng boses niya sa ganoong paraan. Wala pa rin ako sa sarili, at tulala pa ring nakatingin sa kanya't hindi umaalis sa kinatatayuan ko.

"Bakit ba ang pogi mo?" hindi ko na naman napigilang sabi.

He flicked my forehead of his finger and I frowned at him.

"What?!" I exlaimed while massaging my forehead , medyo masakit yun ah.

"You're on our way, and you're day dreaming tsk." I realized na kanina pa pala pasara bukas yung elevator.

Agad naman akong mabilis na lumabas ng elevator at tumakbong parking lot sa labas lang din ng hospital. Nakakahiya talagaaaaa.

Bakit ba kasi ang pogi niya? Huhuhu, nakakainis. Lahian niya naman ako.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Love in the City   Labing Pito

    C I E L ONatapos na kami sa Ceremony before ang game.“Greyson Colt!”“KYAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!”“DADDDYYYYY GREYSONNNN! BUNTISIN MO AKO!”“AAAHHHHHH!”Napatakip ako sa tenga ko dahil sa sobrang ingay ng court at nakakabingi talaga dahil sa sigawan nang tawagin ng MC si Grey.Feeling ko ay natanggal ang tenga ko dahil sa sobrang ingay nila. Ganoon ba kasikat at habulin ‘tong si Grey? Bakit ako, hindi ko alam?Iritable kong inaalog ang tenga ko dahil feeling ko ay na-mislocate ang ear drums ko sa kaingayan nila.Grey was running seriously. Wala kang mababakas na nerbyos o anuman sa mukha niya. Halatang sanay na siya sa mga ganitong event.Nahagip ni Grey ang pwesto ko dahilan ng pagngisi niya sa gawi namin at mas lalong naging dahilan para magwala na naman ang court lalo na ang mga nasa likuran ko. Kahit na ang mga kamember kong babae sa cheerdance ay nagwawala na rin dahil sa kilig.Jusko, kung alam ko lang na ganito kagulo rito ay mamaya na ako pumasok.Nakasimangot na nakatingin ako

  • Love in the City   Labing Anim

    C I E L O"JPY, FIGHTING!” Huling sigaw namin sa pinagpractice-an naming studio at lumabas na para pumuntang court. Kinakabahan ako habang papunta kaming court. I mean, for how many years na hindi na ako lumaban sa cheerdance ay grabe ang kaba ko.First time ko ring lalaban sa college competition na ganito kaya grabe ang kaba ko lalo na at kailan lang ako sumali. Baka magkalat ako, baka magkamali ako, baka ako ang maging dahilan ng pagkatalo namin.Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko pero pakiramdam ko kasi hindi enough yung practice ko, yung training ko. Hindi ako kampante sa kakayahan ko.Ipinunas ko sa skirt ko yung palad ko dahil namamawis na siya sa kaba. This is the first time na kinabahan ako ng sobra, siguro dahil na rin manonod si Grey. Ito rin kasi ang kauna-unahan na may manonood sa akin sa laban ko na taong gusto ko.Kinakabahan talaga akooooo! Mas kinabahan pa ako lalo ng makapasok na kami sa court. Sobrang daming tao, as in. Puno ang buong court at meron pa sa

  • Love in the City   Labing Lima

    C I E L O"Ready na ba ang lahat? Make sure na hindi na tayo magrarush bukas, huh." Huling paalala ko sa lahat. Hindi na kami nagpractice ngayon sa cheerdance at billiards dahil inasikaso na muna namin yung kanya-kanya naming booth at mahohold na events sa school namin.May ilan namang officers na maiiwan at dito rin ang unang laban sa school kaya kampante kaming may magmomonitor sa mga events and booths.Alas nuebe na ng gabi pero ngayon pa lang kaming mga officers natapos. Matapos kasi sa pagchecheck ng booths ay nagmeeting kami ulit.Maaga pa ang alis naming cheerdance at basketball team bukas. Ala sais ay kailangan nasa school na kami para makapag practice pa kami. Alas siete ang byahe namin papuntang Eastern.Sabay na kaming lumabas ni Janna at habang naglalakad kami sa ground floor at papuntang parking lot ay hinihilot ni Janna ang batok niya dahil sa pagod at stress."Sabay na tayong pumunta ng school bukas, huh? Gisingin mo ako." Paalala niya sakin."Bakit maaga ka?" Takang t

  • Love in the City   Labing Apat

    C I E L O“Good job, everyone!” Mabilis akong nagligpit at lumabas ng studio matapos ang hudyat ng pagtatapos ng practice namin.Tuwing umaga ang training namin ni Janna sa billiards habang sa hapon naman hanggang gabi ng ala-siete sa cheerdance.Nagchat kasi sa akin si Grey kanina na sabay kaming umuwi. Alas otso pa naman ang tapos ng practice ng basketball niya kaya hihintayin ko pa siya sa school nila.45 minutes lang naman ang byahe papunta sa kanila pero kapag hindi traffic ay around 20-30 minutes.Humingi na rin sa akin ng sorry sa akin si Grey noong isang araw. Nalowbat raw ang phone niya kaya hindi na niya ako natawagan o nachat kung anong nangyari.Na finger daw yung middle finger ni Maggie. Tsk, jusko, daliri lang naman pala. Bakit hindi pa yung braso niya at fracture na agad?Grey told me na hindi sinabi sa kanyang daliri lang pala yung nadislocate sa kanya. Grabeng kaartehan at ka-OA-yan naman siya meron.Akala ko mo talaga nadisgrasya at naghihingalo na pero sana nga, joke

  • Love in the City   Labing Tatlo

    C I E L OBakit ba ayaw magpaabot ng librong ‘to? Nakakainis! Mas tumingkayad pa ako lalo nang maabot ng dulo ng mga daliri ko ang libro.Kinukuha ko yung Filipino books ng mga High School. Kailangan ko kasing gumawa ng test exam with answer key, and table of specification a.k.a TOS kung tawagin namin.Nang mas tumingkayad ako ay naabot ko na ang libro, pero kinabahan ako dahil biglang gumewang yung bangkong tinutungtungan.I closed my eyes habang yakap ng mahigpit ang libro at naramdaman kong bumagsak na ako pero hindi matigas yung binagsakan ko.I slowly opened my eyes at nasa ibabaw ako ni Grey. He also slowly opened his eyes at bahagyang nakangiwi dahil siguro sa sakit ng pagkakabagsak niya.Hindi ko napigilang mamangha at matulala dahil sa nakakalunod niyang mga mata. Pakiramdam ko ay bumagal ang lahat habang dinadako niya yung tingin niya sakin. As our eyes met, naghurementado ng lubos yung dibdib ko. At parang may humahalukay sa tiyan ko.What the fuck is wrong with me?“Cielo,

  • Love in the City   Labing Dalawa

    C I E L ONandito kami ngayon sa Athens sa school ni Cam, pinapakinggan yung rant niya.Kanina pa kaming ala sais dito pero alas otso na ay nandito pa rin kami. “The fuck, girls?! I really hate that Maggie bitch talaga! Sagad to the bone ang kaartehan at kalandian.” Hysterical na rant ni Cam. She was already a bit tipsy dahil kanina pa kami umiinom. “She trynna patid me earlier while we were training, buti na lang I ainʼt stupid like her. I took my tumbler at kunwari iinom ako. I pretend na I didn't saw her feet tapos nag-ala patid ako and then I poured the water with her. Tapos she pulled my freaking hair!” Mas galit na kwento ni Cam.Hindi ko napigilang matawa sa kanya kahit na galit na galit na siya. She waved her hand at me para kunin ang atensyon ko.“She knew na nililigawan ka na ni Grey but that bitch keep telling to everyone na siya yung nililigawan. Nagrurumor na nga kasi na Grey's courting someone na nga, and people didn't know na you're the one he was courting. Kaya yung

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status