Magkakasama kami ngayong tatlo ulit ni Adrian and Tessa.
"Gusto nyo ba ng pagkain?" sa unahan kasi may nagbebenta ng mga street foods. Nandoon din si Tan-tan na nag bigay sa akin ng panyo kasama nya yong kapatid nya. Parang four or five years old lamang yong kapatid nya."Kakasya pa ba? Baka makagalitan lamang tayo." paano kasi 'di pa umaabot ng singkwenta ang kita namin ngayon. Tapos ibibili pa namin ng pagkain."Minsan lang naman kulang yong quota natin. Tsaka 'di pa tayo kumakain." sumunod na lang ako kay Tessa and Adrian."Hello." bati ko sa kanila ng kapatid nya ng makalapit kami. Marahan nya lang ako tinignan. Kumakain sila ng fishball ng kapatid nya at may kanin silang pinaghahatian."Oh," binigay sa akin ni Adrian yong limang pirasong fishball."Saan kayo nakabili ng kanin?" tanong ni Tessa kay Tan-tan. Hindi siya nag salita sa halip tinuro nya lamang kong saan siya bumili."Akin na yong sampung piso nyo." Inabot ko kay Adrian yong sampu ganon din si Tessa.Umupo kami sa tabi ng puno na nandito sa gilid ng kalsada. Wala na rin si Tan-tan kong na saan sila kanina ng kapatid nya."Ito na." tatlong balot na kanin ang binili ni Adrian at ang ulam namin ay fishball."Wala ka bang raket ngayon?" tanong ni Tessa kay Adrian na halos mabulunan sa kakasubo ng pagkain. Mabuti na lang talaga bumili din ng tubig si Adrian.Sabi ko nga palamig na lang sana na gulaman binili nya para mas mura. Kaso medyo malayo yong may pwesto dito ng ganon.Pagkatapos naming kumain mabuti na lang umulan kaya nakapag hugas kami ng kamay."Hoy drian 'di mo sinagot tanong ko kanina." oo nga pala 'di nasagot ni Adrian kasi bumuhos na ang ulan at kinailangan namin mag hanap ng masisilungan."Wala kasi sila Jasper. Hindi ko nga rin alam kong na saan sila." Sila Jasper kasi kasama nya sa ibang raket nya."Pinuntahan ko siya don sa kanila pero wala pati si Ivan.""Baka iniwan kana at na isipan nilang sila na lang muna.""Hindi kasama ko pa sila nong tanghali pero nong hapon 'di ko na sila nakita pa. Ako na nga lang gumawa ng dapat namin gagawin kahapon dahil 'di ko sila nakita." Ano kayang nangyare sa kanila?Ang tagal natapos ng ulan parang umabot ito ng dalawang oras bago huminto. Hindi naman din ganon kalakasan kaya 'di naman bumaha. Inabot na kami ng hapon bago naka alis sa pinasilungan namin."Kong tumakas na lang kaya tayo. Nakakatakot si Boss Herbert wala tayong kinita ngayon." halata sa boses ni Tessa ang takot.Kahit ako medyo kinakabahan na dahil pagabi na tapos wala man lang kaming kinita. Ipinangbili kasi namin ng tsinelas yong natitirang kita namin."Hwag kayong mag-alala ako bahala.""Salamat talaga Drian ah." ani ni Tessa. Tingin ko nga crush ni Tessa 'tong si Adrian eh.Pumasok na kami sa loob ng abandonang gusali at habang papalapit kami palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko."Bakit kulang 'tong pera!" malayo pa lang kami dinig na namin yong sigaw ni Boss Herbert."Ayoko sa lahat yong kinukutungan ako!" Napakapit sa braso ko si Tessa at ramdam ko ang panginginig nya."Adrian nandito ka na pala. Sana naman 'di masama yang balita mo sa akin." bungad nito sa amin ng makita nya kami.Inilapag ni Adrian yong dalawang libo. Hindi ko alam kong saan nya yon nakuha kasi apat na pirasong 500."Mukhang malaki 'to, ah." ngiting-ngitj Boss Herbert pagkakita nya palang."Kasama na po dyan yong kay Tessa at Anya." Sinulyapan kami ni Boss Herbert na parang 'di natuwa pero parang pinalampas nya lamang.Nag sign na siya na pwede na kami umalis."Hoy Drian saan mo nakuha yong ganon kalaking pera?!""Kaya nga mag kasama naman tayong tatlo buong mag hapon pero wala naman tayong napaglimusan." hindi siya halos makatingin sa amin."May ginawa ka ba?""Alam kong ikakagalit nyo pero yon lang ang paraan." sagot nya sa amin at nagkatinginan kami ni Tessa."Nagnakaw ka?" mahinang sabi ni Tessa na ikina tango naman ni Adrian."Pasensya na ayaw ko lang maparusahan din kayo. Habang nasa canteen ako kanina nong bumibili ako ng kanin.""Naiintindihan naman namin pero sa sunod 'wag mo na gawin yon. Hindi mo kami kailangan isipan pa. Baka mapahamak ka lang sa ginawa mo. Paano kong mahuli ka?""Saan mo dinala ang pera ko?!" natigilan kami sa lakas ng sigaw ni Boss Herbert at agad na napatakbo kong sino yong pinapagalitan nya.Si Tan-tan 'yong pinapagalitan nya. Parang piniga yong puso ko sa nakita ko kong paano siya latiguhin at kong paano sila pinaghiwalay ng kapatid nya.Pagkatapos namin mapanood ang ganong situation bumalik na kami kong saan kami natutulog kasama pa ng ibang bata."Nakakatakot pala talaga. Salamat Drian kasi ng dahil sayo 'di namin naranasan yon." marahan lang tumango si Adrian kay Tessa.Nong gabing 'yon 'di ako nakatulog ng maayos at gusto ko puntahan si Tan-tan kaso nakakulong siya. Kinuha ko ang panyo na binigay nya sa akin mula sa bulsa ko. Hindi ko pa siya nalalabhan dahil wala namang tubig na pwede pag labhan nito.May tubig dito na dinadala sa amin si Boss Herbert para pampaligo namin. Pero kulang na kulang 'yon sa dami namin na naliligo. Isang beses sa isang linggo kami makapagligo. Isang beses sa isang linggo lang kasi nagdadala ng tubig si Boss Herbert dito. Lahat kami dito homeless at wala ng mga magulang.Nagising ako na may tinapay sa tabi ko. Dalawang piraso iyon wala na rin dito si Tessa and Adrian baka nasa labas na."Nakita nyo ba ang kapatid ko?" Si tan-tan hinahanap nya si tin-tin ang kapatid nya.Narinig ko kaninang madaling araw na ibebenta ang kapatid nya. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos at narinig ko ang usapan nila Boss Herbert."Nakita mo ba si tin-tin?" huminto siya sa tapat ko. Inabot ko sa kanya yong isang tinapay na ko at halata na gutom na gutom siya."Alam mo ba kong na saan ang kapatid ko?" nagdalawang isip pa ako kong sasabihin ko ba sa kanya ang narinig ko. Pero kailangan nyang malaman yong totoo."Hindi eh, pero narinig ko na ibebenta siya." nabitawan nya yong tinapay na binigay ko sa kanya at agad na tumakbo."Anya dito ka pa rin pala. Kanina ka pa namin hinahanap tara na!" Hinila ako ni Tessa palabas.Nasa labas na kami at mamalimos sana. Kasama din namin si Adrian ngayon sa tabi ng kalsada."Siya po yong lalake na nasa cctv na nagnakaw!" may mga pulis na papalapit sa amin."Drian!" Agad kaming napatakbo na tatlo."Hoy huminto kayo!"Tumakbo lang kami ng tumakbo na 'di alam ang paroroonan."Pagod na ako," kaya huminto kami at nagtago na lamang sa basurahan na nandito.Halos naririnig namin ang hininga ng bawat isa. Kahit na napakabaho nitong basurahan kailangan namin tiisin. Sumilip kami at tinignan kong naka sunod pa ba sa amin ang pulis na humahabol.Lumabas na kami ng makitang umalis na ito. Nilinis muna namin ang damit namin dahil dumikit dito yong ibang basura. Yong ang baho ko na mas lalo pa ako bumaho.Natigilan kami ng may humintong sasakyan sa harapan namin at lumabas ang mga naka bonet na mga lalaki. Pinilit kaming ipasok sa loob ng sasakyan.Nang nasa loob na kami 'di kami halos makapanglaban nong tinakpan ng panyo ang ilong ko. Parang may amoy 'to na nakakapanghina at nawalan ako ng malay.****1 YEAR LATER ANYA POINT OF VIEW Maaga akong gumising para makapagluto ng almusal. Tahimik ang buong paligid at malamig rin ang simoy ng hangin. Ngayon ang ikalimang kaarawan ni Marco at wala pa akong naiisip na regalo sa kanya. Pinag masdan ko muna ang mag-ama ko habang mahimbing silang natutulog. Akala ko ay hindi na darating ang araw na 'to ang magiging kumpleto kami. Hindi ko rin akalain na matutupad talaga ang pangarap ko na ang magkaroon ng simpleng buhay, na malayo sa gulo. Dumiritso na ako sa kusina para makapag handa ng agahan. Habang naka salang ang sinaing ay naisipan ko rin muna na tumambay sa balkonahe ng bahay. Ang ganda ng view na makikita dito kahit na hindi pa ganon kaliwanag ang paligid. Nag timpla rin ako ng kape habang naka tingin sa magandang tanawin. Hindi pa rin ako makapaniwala na naranasan ko na ito. Matapos kasi ng kasal namin ni Oliver ay dito na kami nag pasya na tumira. Alam nya kasing matagal ko na 'tong pangarap, kahit na malayo man kami s
"Alam ko ang gago ko, kasi napagod akong intindihin ka pero hindi ako napagod na mahalin ka. Ang tanga ko lang sa part na nong iniwan mo ako hindi kita hinanap. Akala ko kasi nun wala kang pakialam sa akin, ang labo mo kasi." Napasimangot naman ako sa huli nyang sinabi. Ang ganda na kasi ng speech nya tapos may ganon. Pero tama naman talaga siya hindi ako nag bigay ng assurance sa kanya na gusto ko siya before ako mawala. "I'm sorry, will you still accept me again Anya?" Dapat ako yong nagtatanong nito sa kanya, ako yong may kasalanan tapos siya pa tong nag so-sorry. "Ano bang pinagsasabi mo? Valid naman lahat ng galit mo eh, ako yong may kasalanan. Umalis akong walang paalam sayo, tapos hindi ko man lang sinasabi sayo yong mga nangyayare sa akin kahit na alam kong willing ka gawin ang lahat para sa akin. Ako tong ang tanga-tanga na lagi kang sinasaktan. Iniisip ko nga kong ano bang ginawa ko sa past life ko kong bakit ibinigay ka sa akin. Sobrang swerte ko kasi ikaw yong lala
Sobrang gulo na ng kwarto ni Knoxx kakahanap lang sa papel na hindi nya naman alam kong ano. "Baka nasa bulsa ng mga luma kong pantalon sana lang ay hindi pa yon gutay-gutay kong sakaling makita ko man. Bakit pa kasi kailangan hanapin kong pwede naman mismo itanong kay Anya kong ano karugtong ng sulat! Ako pa pinapahirapan ng mga to!" Sa kabilang banda ay dumating si Natasha sa bahay ni Oliver. "Oliver, akala ko ay hindi ka na babalik pa dito sa bahay mo. I'm happy kasi nakita mo na ang sister mo. I want to see her kaso lang ay nasa puder siya ni Tito Craige." Humarap naman si Oliver kay Natasha na puno ng galit ang mga mata nito. Napa atras si Natasha ng bigla na lamang siya nitong sinakal. "O-oliver na-a-sa-saktan ako!" Binitiwan naman na ni Oliver si Natasha na naghahabol ng hininga nya. "What are you doing? Ano bang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?" "Really huh? You don't know?" napa atras ulit si Natasha ng akmang papalapit ulit sa kanya ito. "Hindi ko m
******** ANYA POINT OF VIEW Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Gusto kong mag kaayos na kami ni Oliver pero hindi ko magawa. Lalo na ay nagkaka problema ang company ni lolo. Gusto ko sana siyang puntahan kong na saan siya ngayon pero baka makagulo lang ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sisimulang ayusin ang papalabog na company namin. Marami nang mga investor na nag back-out dahil sa nangyare kay lolo at bumaba din ang rating ng hotel dahil sa pagiging attitude ni tita Rhea. Plus na ang shares ni Raven at ni Tita Rhea ay na punta na sa iba. Ganun nya na lang binalewala ang pinaghirapan lahat ng papa nya. Kinompronta ko na siya kong bakit nya yon ginawa. Ang tanging sinagot nya lang sa akin ay mas mabuti na daw na mapunta sa iba ang company kaysa sa akin. Ganon ka taas ang pride nya pag dating sa akin. Sa ngayon ay ibang tao na ang magiging CEO ng company. Pero hinding-hindi ako papayag na mapunta sa iba ang company nila lo
****** Walang hupa ang pag-iyak ni Anya hindi nya na nga alintana ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi nya na rin maaninag gaano ang paligid dahil sa luha nyang hindi tumitigil. Nasilaw si Anya sa sasakyan na paparating na para bang sasagasaan siya nito. Bago pa man siya tuluyang mabangga nito ay huminto ang sasakyan. Bumaba ang babaeng sakay nito. "Ano papasagasa ka na lang talaga dyan? Hindi ka man lang lumayo!" halata ang inis sa boses nito. Pero agad din nawala ang inis sa mukha nito ng makita nya si Anya na umiiyak. Tumayo si Anya para harapin ang babae. "S-sorry a-aalis na —" natigil sa pagsasalita si Anya ng maaninag nya ang mukha nito. "Sab?" "Bakit ka ba umiiyak? Ang daming pwedeng iyakan na lugar gusto mo pa talaga dito sa kalsada? Gusto mo na bang mamatay? Akala ko ba gusto mo pang maranasan mamuhay sa tahimik na lugar?" Pinunasan ni Anya ang mga luha nya. "Ikaw ba talaga yan? Baka hindi ka totoo?" umirap naman sa kanya si Sabrina. "Syempre ako to, mi
****** Nagtataka si Anya habang nagliligpit sila ng gamit ay tahimik pa rin talaga si Marco. "Nagtatampo ka ba kay mommy?" tanong ni Anya sa anak. Agad naman itong umiling. "Kong hindi bakit ang tahimik mo? Magsabi ka sa akin ng totoo baka naman may nanakit sayo?" "Wala po mmy! Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo rito. Tsaka saan po ba tayo pupunta?" "Kila Adrian muna tayo, okay? Siya lang kasi ang pwede nating lapitan sa ngayon." agad naman nag bago ang mukha ni Marco. "Bakit siya? I don't want mommy!" Nagulat pa si Anya sa biglaang pag tantrums ng anak nya. "Marco! Stop it! Wala tayong choice okay?" "Hmp!" hindi na siya pinansin pa ni Marco. Hindi na rin nag abalang aluin ni Anya si Marco. Lalo na't busy siya sa pag ligpit ng gamit nila. Nasa mansion kasi sila ngayon ng mga De Luca at nagliligpit. Susunduin lang sila ni Tonyo para maka punta sa mismong sinabi na address ni Adrian na tutuluyan nila. Matapos niyang maka pag ligpit ay nag pasya siyang ma