Share

Special

 

 

Nagsimula na ang shooting ng pelikula niya kaya mas naging hectic pa ang schedule ni Blue.

“Cut! Cut! Cut!” galit na galit na sigaw ni Direk Paul matapos ang eksenang kinukunan si Blue at Julia. “Sino ‘tong nerdy na ‘to na palaging nahahagip ng camera?” Tinuro ng metikulosong director ang mukha ng isang babae sa screen.

Si Sadako!

Napabuntung-hininga na lang si Blue. As in wala siyang masabi.

Definitely a bad idea, CJ.

Umiiling-iling pa siya habang inaalala ang pag-uusap nila ni CJ kanina bago sila pumunta sa location ng taping.

“Si Sadako na ang kukunin kong PA mo starting today,” deklarasyon ni CJ.

“Whaaaat! CJ naman.”

“Blue, it’s not a bad idea. We can’t hide her for long. Walang fans, media o paparazzi ang maghihinala tungkol sa pagkatao niya kung ‘yon ang trabaho niya while with us. And besides, payo na rin ng psychologist na bigyan natin siya ng gagawin para bumalik agad ang alaala niya. So it’s a win-win situation for us.”

“Paano kung nasa delika
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status