Share

Uwi Na Tayo

 

 

“Sino ka? Nasa’n ako?” tarantang tanong ni Sadako sa apat na taong nasa harapan niya.

“Wow, ha. Ang galing ng drama mo, girl. Pagkatapos ng ginawa mo sa’min tapos ngayon maang-maangan ka?” Galit ang tono ng isang babae.

“Sino ba kayo?”

“Talaga bang hindi mo kami nakikilala?” sagot ng isa pang babaeng kasama nito.

Umiling siya. May tatlong babae at isang lalaki ang nagdala sa kanya dito sa isang covered court matapos piringan siya ng mga ito at isakay sa kotse. Isa’t kalahating oras din yata silang bumiyahe bago makarating sa kinalalagyang lugar.

“Kami lang naman ang niloko mo para bigyan ka ng pera at pagkatapos ay pinagtaguan mo. Kung hindi ka pa naging viral hindi ka namin matutunton,” galit na sambit ng isa pang babae.

“Ano?” Naguguluhan talaga siya. Hindi niya alam ang sinasabi ng mga taong nasa harapan niya.

“Nag-attend ka ba ng acting workshop at parang totoo ang acting mo. Baka maniwala na ’ko,” sabi ng isang lalaking kasama nila.

“Ano pa ba aasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status