Share

Chapter 4 she already caught his interest

Chapter 4

At kagaya nang mga una Austin just stared at his glass blankly he wanted to see her so badly he has no news of her after she left and now he was wondering kung nasaan na ba ito.

But a picture of a woman appearing in his head was Verna at natawa siya nang pagak he can't understand why her face crossed his mind now.

"I'm insane.. Verna is so far from Cass.. maybe they resembles in many things but they are different persons"

He murmured and took his glass again pilit kinukumbinse ang sarili.

"Cassidy.. where the hell did you go..?"

He took his glass and sip his glass of whiskey.

But his phone rang it's already 2am yet he was still awake and the one who's calling is Greg in his security team.

"Greg.."

("Sir pasensiya napo sa istorbo pero sir, paki check po nang camera 34")

He opens his laptop and check the footage of camera 34 and he frowns.

Camera 34 is located at the backyard of the mansion nakatutok ito sa gilid nang bahay but it has a range of 90 degrees angle at dahil doon kita ang side nang bakod nang mansyon at may nahagip siya doon.

The vision is in night mode but he was sure of one thing, that person is digging up and he chuckled after realizing who it was.

"Hm.. interesting.. Verna now.. you really caught up w my interest..Verna Magsinop now I'm wondering who you really are... "

(" Sir, I'm asking for permission to shoot her")

But he chuckled.

" No, Greg let her be. "

(" Sir? ")

Tila hindi makapaniwala so Greg sa sagot niya.

" Yeah, that's right I know it will take time before she could finished it"

(" Paano sir, hayaan nalang ba namin siyang makalabas? ")

Tila alanganing tanong nito.

" No, of course not I wanted to see what she's planning to do just be, tight on the security para hindi siya makatakas, and don't hurt her understood? "

(" Understood sir ")

Sagot naman nito and he off the call, akala niya she already goes back to staff room she really desperate to go out.

"Now.. let's see.. Verna Magsinop.."

And he smirked while staring at the monitor.

....

VERNA

She was digging a whole palabas at pag hindi pa niya matapos at tinatakpan niya she felt tired dahil sinimulan niya iyon nang ala una nang madaling araw at isang oras siyang naghukay and after at tinakpan niya iyon nang kahoy at mga putol na sanga.

This is also a perfect spot dahil unang una ay malayo na sa gwardiya at hindi na masyadong naabot nang mga empleyado.

And she's not afraid, because she needs to escape as soon as possible.

She lays in her bed habang nakalatag ang likod sa kama ay sobrang pagod ang nararamdaman niya, sa ngayon ay mag isa lang siya sa kwarto dahil umalis na ang dati niyang ka room mate, maliit lang ang kwarto nila sakto para sa isang double deck, at lahat sila ay merong maayos na tulugan at paliguan sa loob.

Kung tutuosin ay napaka swerte na nila sa bahay ni Austin.

Ni hindi man lang niya dati naisip na ganito pala ito kayaman, yes Austin goes to school wearing branded clothes pero kahit minsan ay hindi ito mayabang, wala rin itong sariling kotse dati isang motorcycle na big bike lang ang parati nitong gamit.

Ngunit nang magsimula siyang mag review nang lahat nang record ni Austin doon niya narealize na sobrang yaman pala nito, plus mga namana pa nito sa mga grandparents nito.

And the truth that surprised her is Austin was living alone in his manor dahil lahat nang mga kapatid nito ay may kanya kanyang bahay at ari-arian.

He was so secretive, sa anim na buwan nilang relasyon dati.

Halos lahat nang kasama niyang katulong ay nandito ang mata puno nang paghanga while she was trying her best to avoid him.

Her brothers life is more important than anything napatitig siya sa palad na halos nagkakalyo na sa trabaho sa manor at nanginginig sa sakit matapos niyang palahin ang lupa.

She try to sleep because she needs it kailangan makaisip siya nang paraan kung paano makuha ang crest dahil oras na makuha niya ito at makaka alis na siya.

But she still needs to do something para maligaw ang lahat.

...

"Babae! Ikaw huh? Nakiusap kapa pala kay Señorito para lang napalabas ka, ano may nangyari ba?"

Bungad ni Ella habang nag hahanda sila, she shook her head.

"Ayaw talaga ni sir.."

Malungkot niyang sabi dito but Ella leaned forward to her ear.

"Gusto mo bang makalabas na hindi nila malalaman?"

Bulong pa nito nanlalaki ang mata niya sa tanung ni Ella ngunit kampanteng pinag krus lang nito ang braso sa dibdib nito.

"Naku,! Ella baka kung anong kalukuhan naman yan!"

Sermon ni Risa dito isa pa nilang kasama kasalukuyang nasa kusina sila nag babalat siya nang patatas naghihiwa naman nang rekado si Ella.

"Risa ano, kaba kailangan ni Verna nang tulong kailangan niyang makita ang kapatid niya syempre kaibigan niya naman tayo diba? "

Kumuha si Risa nang karne at nagsimula nang hugasan ito, kagaya ni Ella mabait din si Risa sakanya dahil pag wala silang gawa ni Ella ay dito sila dumiretso sa kusina para tumulong maliban sa hugas taga balat lang siya lagi.

"Hay, naku sasabihin mo ba sakanya na makaka alis siya mamayang alas otso dahil may delivery nang mga supply at dahil nanliligaw sayo yung driver kaya mapapakiusapan mo"

Nakairap na sabi ni Risa kay Ella na tinawanan ni Ella na tila kinilig.

"Di mo naman masyadong sinabi no?" Kunway naiinis na sabi nito at natuptop ni Risa ang bibig.

"Oh, sorry di ko sinasadya.."

Maarteng sabi ni Risa na tinawanan lang ni Ella at bumaling sakanya.

" Tama, Verna kung sakaling gusto mong makalabas tutulungan kita pero dapat bumalik kalang mamayang gabi, naaawa lang ako sayo kaya ako papayag narinig kong nagagalit si Lazarus kanina kasi nakipag usap kapadaw kay Señorito para lang mapalabas, kaya sekreto lang natin ito ok?"

And Ella smiles at her sweetly.

" Oo nga, basta babalik kalang naku yare itong si Ella pag di ka nakabalik pati ang boyfriend ni Ella"

Sabat pa ni Risa at napaisip siya pwede rin naman niyang dalawin ang kapatid at ipaalam na nakuha na niya ang lagayan nang crest at alam na niya kung saan ito mahahanap.

Napangiti siya nang matamis at biglang sinugod nang yakap ang dalawa na nagulat.

" Salamat sainyung dalawa.. miss na miss ko na ang kapatid ko salamat.. "

Nangilid ang luha niya at nagpapasalamat dahil kahit papaano ay may maaasahan siya.

"At sino ang aalis?"

Sabay silang tatlong napabaling sa pinto nang pumasok si Nay Rosa sa kusina at nagkatinginan sila.

"N-Nay Rosa.."

Lahat sila ay kinabahan, ngunit agad na binitawan sila ni Risa.

"Hay, naku Nay si Señorito Austin aalis, kailan niya kaya ako maisasakay sa 4x4 niya, yun talaga ang sasakyan na gustong gusto kong masakyan"

Pagtatakip ni Risa ngunit mukhang hindi na naniniwala si Nay Rosa kaya wala siyang choice kundi magsabi nang totoo.

But she also needs to protect them all.

.....

She just needed to talk to Juanito na ilalabas na niya ang crest sa susunod nilang pagkikita.

Gaya nang plano tinulungan siya ni Ella at ang lalaking nanliligaw dito na makalabas pinasok siya nito sa isang box pahiga para makalabas siya, at nagpanggap na delivery,.samantalang pumayag si Nay Rosa kailangan lang niyang bumalik nang gabi para hindi siya mahalata, sakto wala si Austin dahil may pupuntahan daw ito at baka gabi na o kinaumagahan na umuwi.

She was so happy, but she needs to be careful dahil maraming madadamay sa plano niya kaya naman naka ilang ulit pa siyang nagpasalamat sa Goryo nang makalabas na sila.

And the first thing she does.

"BOSS nandito na si pangit!"

Patuyang sabi nang isang alalay ni Juanito nang bumungad sila sa opisina nito.

Juanito was sitting at the table nakataas ang isang paa nito habang naglilinis nang baril.

"Oh patito feo! My dear how are you?"

Juanito's smiles widened nang makita siya.

"Boss alam ko na kung saan nakatago ang crest mo!"

And she smiles, lalong lumawak ang ngiti nito.

"dónde? ¿Dónde está?(where? Where is it)"

Binitawan nito ang baril at naglakad papalapit sakanya na tila may hinahanap

"H-hindi ko pa dala boss, naghahanap ako nang pagkakataon na mailabas dahil malaki pala iyon, dapat hindi obvious --"

" estúpida! tu viniste aqui, you're here! Bakit hindi mo pa dala?! "Biglang nagbago ang ekspresion nito at napa atras siya nang lapitan siya nito at akmang sasampalin siya kaya napapikit siya, but to her surprised Juanito just gentle tapped her head.

"mi estúpida patito feo..(my st*pid ugly duckling).. ok patatawarin kita but make sure next time we meet each other you already carrying it with you ok..?"

And Juanito caress her hair, ngunit sumimangot ito at umiling.

"I can't still believe you're Phoenix sister, because of your ugliness"

Patuyang sabi nito at tinalikuran na siya.

"Entonces, sal de mi vista en esta instancia! (then, get out of my sight this instance!)"

Napangiti siya she will now see her brother na agad niyang pinuntahan.

" Phoenix! "

Agad na sigaw niya sa tuwa pagkakita sa kapatid ngunit nagulat siya nang mapansin ang mukha ni Phoenix may putok nanaman ito sa labi.

Tila nagulat din ito nang makita siya and tried to hide his face ngunit nang malapitan niya ito ay agad niyang hinawakan ang mukha nito.

"Anong nangyari?"

Hindi niya maiwasang magalit nang makitang hindi lang iyon simpleng putok nang labi meron din ito sa ibaba nang panga.

Ngunit hinawakan lang ni Phoenix ang kamay niya at tinanggal sa mukha nito.

"Ayos lang ako ate.."

Paiwas nitong sabi at tumalikod, she took her phone and took a picture of him and his bruises.

She'd been keeping all of his shots simula palang para sa ebidensiya Phoenix was now assigned in the basement para mag check nang mga supply na pang deliver nang mga ito.

Alam niyang useful kay Juanito ang kapatid niya dahil sa magaling ito sa mga papel at mautak ito, ngunit napaka tigas lang nang ulo.

Kaya embes na maging ka close nang mga kasama ay lagi itong pinag iinitan, at sobrang galit ang nararamdaman niya ngayon nakauyom niya ang kamao.

"Nangako na siya na hindi ka niya sasaktan pero ano nanaman ito!" Nagpupuyos siya sa galit kay Juanito but Phoenix stop her.

"Ate, nakikiusap ako sayo, hayaan mo na siya masasaktan ka lang,at sinabi ko na sayo na wag kang maniniwala sakanya"

Nakikiusap na sabi nang kapatid niya.

"Nangako siya Phoenix na hindi ka sasaktan, alam ko na kung nasaan ang crest at sa susunod ay dala ko na kailangan ko lang kumuha nang tyempo--"

" Ate delikado, baka mapahamak ka pulis ang amo mo diba? Bakit naisipan mong makipag deal sakanya ate! "

Tila naiinis na nagtaas nang boses ni Phoenix.

Napatitig siya sa kapatid his eyes were shaking he was afraid, obviously he is afraid at naiintindihan niya.

She held her brother's hands

"Phoenix.. ginagawa ko lahat ito para sayo, to save you from this hellish place after, we are going to leave wag kang mag alala I already prepared everything para sayo"

And she smiles gently while giving him assurance.

" Please trust me.. "

...

Napatitig siya sa repleksyon niya sa salamin after removing all of her disguise.

She brushed her hair using her finger, she can't almost remember her real face napaka laki nang hawig niya sa kapatid na si Phoenix at kung sakaling makikita lang nang kapatid niya ang tunay niyang itsura.

Using a sleeveless top na at maong na highwaist pants at pinatungan niya nang maong jacket at puting sapatos.

She is back to being Cassidy Villaruel to met someone.

Pero saka nalang niya sasabihin sa kapatid ang lahat, she needs to do something before the days end para makauwi din agad sa manor bago makauwi si Austin.

Dala ang mga envelope she met with her cousin na si Samuel naging pinsan niya ito sa pag aakalang tunay siyang anak nang mga magulang and he still treating her as a real cousin after knowing the truth at pinagkakatiwalaan niya rin ito.

"Sam!"she exclaimed nang makita niya ang pinsan he is now a Neurosurgeon

"Cass..! My gosh..!"

Agad na tumayo si Sam nang makita siya at sinalubong siya nang yakap.

And Sam cupped her face at pinitsit nito.

"Where have you been you stubborn woman?!"

Pagalit na tanong nito na lalong kinurot kurot ang pisngi niya.

"S-Sham..! Shtop!" Saway niyang hirap magsalita dahil sa ginagawa nitong pang gigigil sa pisngi niya.

Sam is like an old brother to her, hindi man sila related by blood Sam is still her best buddy, he was six years older than her he is now a Neurosurgeon at nagta-trabaho sa isang private hospital and up until this moment ay single ito at hindi niya alam kung bakit.

Inakbayan siya nito at kinabig papunta sa upuan sa isang resturant she called him urgently at nagpapasalamat at agad siya nitong pinuntahan because she needs to discuss something with him.

"Saan kaba nagpupupunta?! I've been looking for you for almost a months" sermon pa nito napakamot siya nang ulo Sam has no knowledge about the existence of her brother and maybe it's a right time to tell him.

Pinaghila siya nito nang upuan at naupo din ito sa harap niya.

"Sam.. I wanted to ask for a favor.." seryosong tinitigan niya ito.

"Oh,..you now realized that you love me not just as cousin?"

He teasingly smile nangunot naman ang noo niya sa biro nito.

Sam chuckled at tumikhim.

"Just kidding.."

"That was not funny we are cousins."

She responded flatly na lalong ikinatawa nito.

"You know we're not, Cass so what it is?" Sumeryosong tanong nito.

She sigh heavily ngayon lang niya isi-share ang tunay na sitwasyon dito.

" I have a brother, real brother Sam.. "

Nagbago ang ekspresion ni Sam at napangiti ito.

"Great! Now we have a brother! Now where is he? I wanted to met him"

Tila excited nitong tanong but instead of replaying ay kinuha niya ang envelope na dala.

"That's the reason why I'm here, I'm going to give this to you, kulang pa yan I need to get some printouts at gusto ko sana sa bahay mo nalang buksan"

Seryosong sabi niya at tiningnan ang orasang pambisig mag aalas tres na nang hapon at kailangan na rin niyang bumalik.

"What are these documents --"

Akma nitong bubuksan ngunit pinigilan niya ito sa braso.

" Please Sam, nakasalalay diyan ang buhay nang kapatid ko.. so please keep it . "Pabulong niyang sabi dito.

Nangunot ang noo ni Sam at halata ang pagtataka.

"Basta..Sam please..and hindi ako pwedeng magtagal aalis din ako, I'm going to tell you everything next time ok?"

And she gave him an assuring smile, Sam sighed deeply na tila suko na.

"Ok, but promise me one thing.."

Seryosong kinuha nito ang juice at hinigop.

"Ok Sam, basta kaya ko"

She response calmly at sumandal sa upuan but Sam stared at her intently and held her hands na nakapatong sa lamesa at nagitla siya.

"Ok, I wanted to see you after a week ok?"

Seryosong deklarasyon nito she stiffed for a moment how can she said yes na hirap na hirap nga siyang makalabas at nagmamadali pang bumalik .

"I can't promise --"

"You have too Cass, I need to know everything ok?"

She sighed heavily mas maganda narin siguro na may nakaka alam kung sakaling may mangyari sakanya may mapagkakatiwalaan siya sa kapatid niya.

Again she sighed heavily.

"Ok, like what I did now tatawagan kita at--"

"I need your number"

Putol nito sa sinasabi niya but she just shook her head.

"Next time, if you open that envelope you will understand everything Sam"

Napatitig ito sa envelope na hawak.

"Ok.. then.."

And Sam gently smiles at her at bahagyang pinisil ang kamay niya and she smiles kahit papaano ay may napag iiwanan siya sa kapatid na taong maasahan niya para sa buhay nang kapatid.

That envelope contains papers, nang bahay at lupa na namana niya mula sa mga adopted parents her bank account na nakapangalan narin sa kapatid niya, all of it except for the evidence kulang pa iyon she needs more to strengthen the evidence laban kay Juanito.

Sabay silang lumabas ni Sam sa restaurant but someone approaches Sam na tila kilala din ito kaya saglit na nag excuse si Sam sakanya.

But something caught her eyes a familiar car at hindi siya pwedeng magkamali dahil walang ibang sasakyan ang nag mamay ari nang ganong sasakyan.

It was a 4x4 Razvani pick-up truck na may kulay na matte black like an armour pickup truck na pwede pwede kahit sa malubak,maputik at kahit sa bahang kalsada.

Akma na sana siyang pipihit paalis but someone grabbed her arms, she thought it was Sam but.

"Cassidy.. I know it's you.."

***end of chapter****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status