Share

Love you still
Love you still
Author: Meowpyyyyy

KABANATA 1

Author: Meowpyyyyy
last update Last Updated: 2022-12-25 17:21:53

Alexena

Itinabi ko na muna ang ibang papeles na inaayos ko sa gilid ng lamesa bago ko nilingon ang bagong dating na padiretso na ngayon sa direksyon ko.

Kakamot-kamot ito sa batok habang naglalakad. "Sorry kanina, aksidente ko palang naisama sa ibang files 'yong business proposal. Naabala ka pa tuloy sa ginagawa mo, alam ko naman na ang dami ko pang iniwan na ipinapaasikaso sa iyo rito," bungad agad na paliwanag nito na parang hiyang-hiya sa nangyari nang tuluyan na itong makalapit sa akin.

May mga ka-meeting kasi ito kanina, pero noong magsisimula na sana ay noon lamang nito napansin at ni Mathos na wala pala sa mga ito ang may bitbit ng bagay na pinaka-importante sa lahat. Nakakaloka. Sa dami ba naman kasi ng puwedeng makalimutan at maiwan ay iyon pa talagang business proposal! Gayong kahapon ko pa iyon ibinigay rito mismo nang personal iyon dahil gusto raw nitong ma-review iyon para sa gaganapin na meeting ngayon. Ang nangyari tuloy ay humahangos na bumalik sa opisina si Mathos at idinamay ako sa kaaligagaan nito, ang tagal naming naghahanap na dalawa dahil sa sandamakmak na papel na nakapatong sa table na kailangan naming isa-isahing i-check.

Nailing-iling ako bago humugot ng hangin. "Ayos lang. Pero next time, huwag burara at makakalimutin, okay? Para hindi nagtatagal ang paghahanap namin. Hindi lang naman ako ang naabala kundi pati si Mathos, hindi mo lang alam kung gaano kaaligaga 'yong isang 'yon pagdating pa lang dito. Nahawa nga ako, e. Pareho tuloy kaming nahilo at nataranta. Though, okay lang naman sa akin dahil trabaho naman talaga namin na hanapin kung ano man ang ipinapahanap mo at sundin ang mga utos galing sa iyo. Boss ka namin, e. At assistant mo nga kami, 'di ba? Pero sana tatandaan mo na sa susunod na i-safe o itabi agad 'yong mga importanteng bagay at siguraduhin din na dala mo ang lahat ng kailangan bago umalis," mahabang pangaral ko.

Uneasy na tinitigan ako nito. "Sorry talaga, hindi na mauulit."

Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa hitsura nito. "Ayos nga lang. 'Di naman ako galit, e. I'm actually worried na baka maapektuhan ng pagka-delay 'yong maging takbo ng usapan ninyo. Ang tagal ninyo na rin kayang nililigawan 'yon, sayang naman 'yong mga effort ninyo if it will all go to waste lang kung sakali dahil lang sa hindi naging maganda ang impresyon sa inyo at dahil sa nainip,” sabi ko rito nang mahinahon.

Nailing-iling ito at napabuga ng hangin na parang nabunutan ng tinik. "Akala ko galit ka, parang gano'n kasi ang intindi ko sa kuwento sa akin ni Mathos kanina since parang natakot mo, e. Tapos hindi ka rin kasi nangiti kaya akala ko badtrip ka talaga, 'yon pala worried ka lang sa kakalabasan ng meeting."

Ang tinutukoy siguro nito na sinabi ni Mathos ay ang pagtalak ko kanina na ang dalang lang na mangyari na marahil ay ikinapanibago nito. Pero sino ba kasi ang hindi mapapatalak dahil sa taranta sa nangyari at nakakahilong paghahanap sa nawawalang business proposal?

Worried na nga ako dahil sa pagka-delay ng meeting pero ang isa ko pa kasing inaalala... paano kung hindi lang pala na-misplace 'yong hinahanap namin, worse ay may nagnakaw pala at may traydor kaming kasamahan sa opisina? Ganon kaya 'yong mga napapanuod ko sa k-drama.

Ang weird at ang paranoid ko sa part na 'yon, pero 'di ko mapigilan na mag-isip ng gano'n dahil importante kaya 'yong kailangan naming makita.

Lumabi ako bago sumandal sa inuupuan ko. "Hindi mo naman ako masisisi. Who wouldn't be? Anyway, kumusta naman ang nangyari sa meeting ninyo?" pag-usisa ko sa huli.

Hindi naman kasi ako tinawagan ng kahit isa man lang sa mga ito para balitaan sa kinalabasan ng naging pag-uusap na sa tuwina ay ginagawa naman dati ng mga ito, marahil ay parehong hindi alam kung paano ako i-a-approach ngayon dahil sa akala ng mga itong galit ako at badtrip.

Bago ito sumagot ay nagbuga na naman ito ng hangin at sinimulang luwagan ang kurbatang suot. "Mabuti naman at naging maayos. Confident na ini-assure ko sila na magugustuhan talaga nila 'yong proposal, nanghingi rin ako ng kaunti pang panahon hanggang sa makabalik si Mathos to discuss everything. So, ayon may susunod pang meeting at baka kailanganin ko na kayong parehong isama ni Mathos."

Napangiti at nasiyahan ako sa narinig, umalis na ako sa pagkakasandal sa upuan para mangalumbaba habang nakatingala ako rito, nakababa naman ang tingin nito sa akin at tapos na ito sa pagkalas ng kurbata.

I shamelessly stared at his almost perfect sculptured profile.

Ang guwapo talaga nito, mapamalapit o malayuan. Pati nga rin sa amoy at tindig, e. Nagsusumigaw ang pisikal na kakisigan nito. But more than that, I knew him better. He's much more than that. Hindi lang ito sa porma at sa nakikita ng mata nakakabusog dahil mabait din ito, kung hindi ko nga lang kilala ang likaw ng bituka nito ay baka na-inlove na ako rito.

After all, he's a good catch. Kumbaga kasi sa putahe, walang tapon, e. Hindi ka malulugi, kapag nabingwit mo ito ay parang nanalo ka na rin sa lotto. Bakit? Full package kasi. Makakuha ka ba naman kasi ng mabait, mayaman tapos guwapo pa. Saan ka pa? Tapos talented nga rin pala ito. Sino ang nasa tamang huwisyo na aayaw sa isang tulad nito? He's every girl's dream. Too bad, hindi kasi ako mahulog-hulog dito. It's not that I don't like him o hindi ko nakikita ang nakikita ng iba rito. Pero sa takbo kasi ng naging samahan namin ay halos kapatid na ang turingan naming dalawa.

Though, madalas talaga ang pagkakataon na napagkakamalan na mag-boyfriend kami, sa totoo nga ay hindi ko na rin mabilang dahil sa rami. Mabuti na nga lang at hindi iyon nakakaapekto sa samahan naming dalawa at walang ilangan na nangyayari.

Kapag may mga nagtatanong at sinagot namin ng totoo pero hindi naniwala, ang gawa naming dalawa ay pareho na lang kaming nagkikibit-balikat at hindi na ulit sinusubukan pang itama ang mga maling akala ng mga nasa paligid namin. Bakit pa? E, buo na ang paniniwala ng mga ito na ang hirap kayang baliin. Nakakainis lang dahil magtatanong tapos hindi naman din pala maniniwala.

Hays. People nowadays, hindi ko maintindihan kung paano bang mag-isip.

Pero ito namang si Hero tungkol sa bagay na 'yon ay parang walang kapaki-pakialam. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang katwiran lang nito sa akin palagi ay pabor daw 'yon dito para hindi na ito habulin pa ng mga babae. Well, totoo naman kasi ang sinasabi nito. Sa hitsura, yaman at talento ba naman na mayroon ito, marami nga talaga ang nagkakandarapa rito. Pero no pansin ang lolo kong sadyang may hinihintay lang na bumalik.

Ang dami kayang mga nagpapapansin dito kapag nasa opisina kami o sa labas man kahit na kasama pa ako nito, lalo na kapag nalaman na hindi naman talaga kami katulad ng kung ano mang iniisip ng mga nasa paligid namin na madalas ay tinatawanan na lang nito at niloloko ako na ako na lang daw talaga ang bulag na hindi naaakit at nakakakita sa alindog nitong nakabalandra, na sa tuwina ay inaartehan ko lang ng nasusuka.

Pero ang totoo, aaminin ko na ilang beses na ginusto ko na mahulog ang loob ko rito. Good catch talaga kasi ito. Ang galing mag-alaga, sweet at sobrang caring pa. Sino ang hindi gugustuhin na hindi mahulog dito? 'Yong kaibigan pa nga lang ako nito ay iba na ang trato at pag-aalala nito sa akin, paano pa kaya kung nobya pa?

Parang ang sarap maranasan ng pagmamahal ng isang tulad nito.

Pero siyempre dahil he's too good to be true, nagigising ako palagi sa magandang panaginip at nauuwi na lang na tinatawanan ko ang sarili ko sa dulo dahil bukod sa hindi bagay ang isang katulad ko rito ay alam ko ang limitasyon ko. Alam ko na hanggang pagkakaibigan lang dapat kami at mas okay ako roon. Actually, pati ito naman. Napag-usapan na namin ang bagay na iyon dati pa.

Isa pa, ayoko nang ulitin pa ang nakaraan. Kung paano ko tinawid ang distansiya na kailanman ay hindi ko dapat naabot sa pagitan namin ng taong wala na ngayon sa buhay ko.

Kumunot ang noo nito. "How do you manage to do that? How do you manage to be like that?" magkasunod na tanong nito sa akin bigla.

"Huh? Ang alin?" naguguluhan kong tanong dahil sa lumilipad na ang isip ko sa kung saan.

Namulsa ito at pinagmasdan ako habang kunot na kunot ang noo. "I mean, you staying calm most of the time. Pagkatapos ko kayong paghanapin at pagudin ni Mathos para lang makita 'yong business proposal. Supposedly, dapat ay badtrip ka sa akin. 'Yon ang normal na reaction na inaasahan ko. Pero hindi, e. Sa halip na galit o badtrip, talagang ang inaalala mo pa ay 'yong kinalabasan ng meeting."

Hindi ko mapigilan ang matawa sa hitsura nito hindi dahil sa sinasabi nito.

Anong nakain nito at bakit seryoso ang mukha pati na ng mga ibinabato nitong tanong?

Hindi na kasi ako sanay na ganito ito, nang matutunan kasi nito ang mga kalokohan ay madalas na puro iyon na ang alam nitong gawin at sabihin lalo na kapag kaming dalawa na lang. Masyadong ginalingan at talagang isinasabuhay!

"Simula noong magkakilala tayo, napakadalang lang kitang makitang magalit, paano mo name-maintain ang pagiging kalmado?" seryoso pa rin na tanong nito.

Natawa na ako ng tuluyan, this time ay dahil na sa sinabi nito. Pero natigil din ako at pilit na pinaseryoso ang mukha kaagad dahil pinagbantaan ako nito ng tingin.

Dmn. Ang hirap pa namang magpigil ng tawa. Nakakainis. Ang sarap pa ng tawa ko, e. Ang killjoy.

Tumikhim muna ako para mawala ang bikig sa lalamunan ko bago sumagot sa tanong nito. "Kaya naman kasing pigilan 'yon, e. Marami kayang gawin ang tao kapag pinairal ang emosyon, beyond sa mga bagay na akala natin ay hindi natin kaya."

Mataman na nakatingin lang ito sa akin.

"Kayang-kayang i-drive ng emosyon ang desisyon o aksyon ng mga tao, once na hinayaan, pinayagan at pinanaig mo. Na alam naman natin madalas ay hindi maganda ang kinakalabasan at wala ring magandang idinudulot sa dulo. Kapag galit ka... ‘di ba ikaw lang din ang nahihirapan? So, mas better kung pigilan na lang hangga't maaari... lalo na kung kaya naman," patuloy na paliwanag ko bago ito nginitian.

Sa lumipas na mga taon, iyon ang pinag-aralan at kalaunan ay natutunan kong kontrolin para sa sarili ko.

"Isa pa 'yan," sa halip na suklian ang ngiti ko ay pagpuna na naman nito.

Nailing-iling ako, nawiwindang kasi ako sa mga napapansin nito.

Ano kaya ang nakain nito sa meeting? Mabuti na lang at hindi ako isinama nito, kundi baka ganyan din ako ka-weird.

"Alin na naman po, hmm?" tanong ko na nakangiti pa rin.

Tinanggal na nito sa bulsa ng suot nitong slacks ang kamay at itinuro ang mukha ko. "Iyan!" sabi nitong bigla at itinuro ang mukha ko.

Dahil sa pagkabigla ay nasundan tuloy ng mata ko ang daliri nito na nakaturo pa rin sa akin.

Umurong ako nang bahagya kalaunan dahil halos maduling na ako sa pagkakatitig bago tinanggal ang mata ko roon.

Ang kulit ng lahi nito, nahiya pa talaga ito nang bahagya at hindi pa idinuldol sa pagmumukha ko ang daliri nito.

"Grabe sa pagturo. Muntik mo nang ipakain sa akin 'yang daliri mo. Ano ba kasing mayroon sa mukha ko?" sa huli ay tanong ko sabay tampal sa kamay nitong nakaturo pa rin sa akin.

Lumabi ito.

Kung sa iba ko siguro nakita iyon ay baka nandiri at nasuka na ako. Pero dahil sa kaguwapuhang taglay nito ay bumagay naman dito ang ginawa nito. Sa halip na pumangit ay ang cute pa nga ng dating sa akin.

Minsan ang sarap na lang kalbuhin ng isip-batang pogi na 'to, e. Ang unfair kasi ng mundo, ba't gano'n?

Ikiniling nito kapagkwan ang ulo bago sumagot. "Nothing. It's just that, I can see that you always smile and laugh a lot. But I can also see that there are times that it never reaches your eyes. Paano mo nagagawa 'yon?"

Pinanatili ko ang mata rito at hindi kumibo.

"You seemed so happy when you smile and when you laugh, but if someone would actually look closely just like what I always do, for sure they can also see sadness in your eyes. Hindi kasi nakikisama ang mata mo. Dalawang emosyon sa iisang pagkakataon. Parang naghahalo na hindi ko maintindihan, hindi ko nga rin alam kung alin ba ang totoo at nangingibabaw," dugtong pa nito na parang siguradong-sigurado sa sinasabi.

Napalis unti-unti ang ngiti ko at napaiwas ng tingin.

Sumanib ba rito ngayon ang pinsan ko kaya ang daming napapansin? Crizelle 2.0 male version.

Kumuha ako ng ilang papeles para lang maiwasan ang mata nito at nagkunwaring binabasa ang mga nakasulat roon.

"Pinagsasasabi mo riyan, Hero? Hmm? Gutom ka ba? Order-an kita ng food, gusto mo?"

Sa halip na pansinin ang sinabi ko ay kinuha nito sa kamay ko ang mga papeles at ibinaba ang mga 'yon sa lamesa ko, pagkatapos ay yumukod ito na halos magpantay na ang mukha namin. Hinuli nito sa bandang huli ang mga mata ko at diretso akong tiningnan.

Kung kaya man nitong basahin ang emosyon ko. Well, ako rin. I can see that he's worried about me.

"I know that you're still hurting. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo paparusahan ang sarili mo sa mga desisyon, bagay at panahon na hindi mo na puwedeng ibalik pa at nakalipas na? Stop torturing and blaming yourself for those things that had happen in the past. I know that it's not easy. But move on, please? Ako na ang nakikiusap sa iyo. You know how much I care for you, right? Kapag nakikita kitang nasasaktan at nahihirapan, gano'n din ang nararamdaman ko dahil wala akong magawa at maitulong sa iyo," nahihirapang pakiusap nito.

Huminga ako nang malalim at hindi sumagot.

He let out a sigh. "Magagalit sa akin ang pinsan mo at baka masakal pa nga ako no'n kapag nalaman na hanggang ngayon ay ganyan ka pa rin. Ipinagkatiwala ka niya sa akin at tanda mo naman siguro kung gaano kaamasona 'yong pinsan mong 'yon, baka hindi lang sakal ang gawin sa akin at katayin na ako ng tuluyan pagbalik niya dahil hindi ko nagawa nang matino ang bilin niya."

Nang manatili akong walang kibo, maya-maya ay umikot ito palapit sa akin, akala ko ay kung ano na ang gagawin nito nang bigla ako nitong hinila patayo at niyakap nang maingat.

Ramdam na ramdam ko 'yong pamilyar na comfort na kaya nitong ibigay, kaya paano nitong nasabi kanina na wala itong nagagawa at naitutulong sa akin?

Mali ito roon, dahil ang presensiya nito ang masasabi ko na isa sa mga bagay na nagbigay sa akin ng lakas at naging sandigan ko upang magpatuloy sa mga lumipas na taon.

Little did he know, he saved me.

Iniligtas ako nito sa sarili kong kalungkutan at pagkalunod sa sakit at pait ng aking nakaraan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love you still   KABANATA 75

    Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa

  • Love you still   KABANATA 74

    Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay

  • Love you still   KABANATA 73

    Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati

  • Love you still   KABANATA 72

    AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib

  • Love you still   KABANATA 71

    AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p

  • Love you still   KABANATA 70

    AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n

  • Love you still   KABANATA 69

    AlexenaKumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.Hindi dapat ako nito makita.Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-

  • Love you still   KABANATA 68

    AlexenaSimula noong nakauwi kami ni Cloud, madalas ay nasa kuwarto lamang ako at paulit-ulit na lang ang ginagawa... matutulog, gigising, nakatulala o 'di kaya ay nakapikit at pinipilit na ipahinga ang isip at umidlip kahit na hirap na hirap akong matulog. Lumalabas lamang ako kapag kinatok na ako ni Zelle para kumain. Hindi ko man masabi rito pero sobra ang pasasalamat ko dahil nandito ito, kahit na ang tagal din naming hindi nagkasama pero hindi pa rin ito nagbabago, kahit na nga nasaang lupalop man ito ay umuwi kaagad ito noong pinatawagan ko ito kay Cloud bago kami bumiyahe, hindi pa rin ako nito kayang tiisin at pabayaan. Hindi ako nito iniiwan at nandito pa rin ito para samahan ako kahit pa nga madalas ay parang wala itong kasama dahil tahimik lang ako at halos puro tango lang ang isinasagot ko kapag may itinatanong ito sa akin. She's worried about me. Kita ko rin at ramdam na gusto ako nitong tulungan. Pero sa ngayon, ang gusto ko ay ang mapag-isa at mag-isip to sort things

  • Love you still   KABANATA 67

    AlexenaNapaprenong bigla si Cloud pero nang nakahuma ay agad na iginilid nito ang sasakyan. "W-What did you say?"Kinagat ko ang labi kong noong naguguluhan ako nitong hinarap."N-Namatay ang dapat ay may kakayahang bumuo sana sa amin, Cloud," mahinang ulit ko.Hindi nito nakuhang kumibo o gumalaw man lang, nanatiling nakatitig lamang ito sa akin."Kaya sabihin mo sa akin, may karapatan ba dapat akong sumaya? Paano pa ako sasaya?" may pait sa tinig kong tanong. Ikinurap-kurap nito ang mata, bakas sa mukha nito ang labis na kalituhan. "Who? What? Wait, hindi ako makasunod sa sinasabi mo. N-Namatay? Sino ang namatay na tinutukoy mo?" naguguluhang tanong nito.Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pumipintig ang lahat ng parte ng katawan ko sa nerbiyos sa pagsisiwalat ng sikreto ko.Lumunok ako dahil sa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, nanginginig ang labi na sumagot ako. "M-My... no, our baby."Napatanga ito sa narinig at napakurap ng ilang beses k

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status