Share

KABANATA 3

Penulis: Meowpyyyyy
last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-25 20:35:11

Alexena

"Babe, I need your help para mag-set-up sa conference room. Darating sina Dad, may biglaang meeting. Patulong ka na lang kay Mathos kapag may mga kakailanganin ka pa, lalo na kapag may bubuhatin," pag-imporma ni Hero sa akin.

Itinigil ko na ang ginagawa kong pagbabasa ng mga email at sinamsam ang mga papel sa mesa ko bago ito tiningnan. Sa nakikita ko ay mukhang masyado itong aligaga dahil dumiretso agad sa puwesto nito, pagkatapos ay nagtitipa sa laptop na nasa harap.

Hindi nakapagtataka kung bakit ganito ito, alam ko kasi kung gaano na ayaw na nitong maulit pa ang nakaraan at ma-disappoint ang ama nito rito. I can see clearly that he's really a changed man now. Ibang-iba na ito sa Hero na nakilala ko noon. Nakakatuwa lang dahil better version na nito ang nasa harapan ko ngayon. And I'm really proud of him... saksi ako kung paano nito ginustong baguhin ang takbo ng sariling buhay, kung gaano ito katapang at pilit na ginusto ang bagay na alam kong una pa lang ay ayaw na nito kaya nga ito lumayas noon. Proud ako hindi lang sa lahat ng achievements nito kundi pati sa kung paano ito lumago at nag-mature. Ako nga na kaibigan lang nito ay super proud na, paano pa kaya ang magulang at pamilya nito? I know that they are more proud than how I feel. Nakaya nito ang responsibilidad na iniatang dito na noong una ay ayaw at pilit nitong tinatakasan. But look at him now... mahal na nito ang trabaho at bawat bagay na nakapalibot dito na minsan din nitong tinanggihan, pilit na tinatakbuhan at sinasabi na hindi nito kaya dahil sa iba talaga ang gusto nito noon, pilit kasing isinasaksak nito sa isip nito noon na wala itong ibubuga sa mundo ng business.

Masaya akong napangiti kalaunan habang patuloy ko pa rin itong pinagmamasdan. "Okay," tugon ko.

"Um-order ka na rin ng snacks, good for 15 to 20 persons," dagdag na utos nito na hindi inaalis ang mata sa laptop.

"Alright, copy that."

Tumayo na ako at tumuloy sa conference room, inayos ko lang ng kaunti ang mga bagay na kakailanganin at gagamitin ng mga ito. Hindi naman na ako nahirapan dahil maayos naman na at laging naka-ready rin ang mga kagamitan, ultimo pati projector ay isisindi na lang. Kaya nagpasya ako na huwag nang humingi pa ng tulong kay Mathos, maaabala ko pa kasi ito sa ginagawa. Alam ko naman na hamak na mas busy ito kumpara sa akin, ang dami kaya ng mga ipinapaasikaso rito ni Hero.

Sunod na inasikaso ko namang um-order ng meryenda na bilin ni Hero. Tamang-tama lang dahil after lunch na at sigurado namang nakapananghalian na ang mga ito, it's almost 2 pm na rin.

Nang makatapos na ako ay bumalik na ulit ako sa office namin na sadyang nakahiwalay sa ibang empleyado ang puwesto at palapag dahil sa boss ang kasama ko.

Naabutan ko si Hero na seryoso at abala pa rin sa laptop habang nakakunot pa ang noo kaya diretso na lumapit na ako sa puwesto nito bago huminto sa mismong harap nito, pero parang ni hindi man lang nito napansin ang presensya ko dahil hindi ako nito nilingon. Napailing na lang ako bago kumilos at dumukwang para haplusin ang noo nitong nakalukot.

Dahil sa ginawa ko ay nakuha ko na ang atensyon nito at automatic na binigyan ko ito ng ngiti, kalaunan ay nahawa na rin ito sa iginawad kong ngiti dahilan para umaliwalas ang mukha nito na kanina ay sobrang seryoso.

Umayos na ulit ako ng tayo. "Masyadong nakakunot 'yang noo mo, baka mahipan ng hangin at 'di na umunat. Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Sobra kang tutok at seryoso. Do you need some help?" alok ko.

Umiling ito bago isinarado ang laptop na gamit. "Hindi na. Naabala na nga kita sa ginagawa mo kanina tapos magpapatulong pa ako sa iyo ngayon rito?" pagtanggi nito.

Nailing-iling ako. "Kailan pa naging abala sa akin ang paggawa ko sa trabaho ko? Hmm? Masyado mo naman yata akong ini-spoil? Akala mo ba hindi ko napapansin na 'di na nga equal ang dami ng trabaho namin ni Mathos tapos ayaw mo pa akong naaabala? Ano 'yon? Nabaliktad na ba ang posisyon nating dalawa bigla? Kung maaari nga lang ay mukhang hahayaan mo rin ako na utusan ka, e," pagpuna ko.

Natawa ito at napakamot sa batok bigla. "Hindi sa gano'n..."

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mesa nito at dumukwang para magkalapit ang mukha namin bago ko ito pinanliitan ng mata. "E, ano pala? Hmm?"

Nang hindi ito tumugon ay hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi at pilit na pinaghinang ang mata namin.

Nagkatitigan kaming dalawa pero natigil ito sa akmang pagsagot sana noong narinig namin ang pagbukas ng pinto, tanda na mayroong pumasok.

"Sorry if I didn't bother to knock. Am I interrupting something, Brother? Busy ba kayo?" kaagad na saad at tanong ng bagong dating.

Napapitlag ako sa gulat at kalaunan ay nanigas ako sa posisyon ko na sapo pa rin ang mukha ni Hero noong hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sobrang pamilyar na boses.

Naikurap-kurap ko ang mata ko at naramdaman ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

D*mn it! That voice...

Napalunok ako sa itinatakbo ng isip ko.

Hindi ako puwedeng magkamali! Hindi ko puwedeng maipagkamali ang boses na iyon sa kahit na sino! Kilalang-kilala ko, kahit pa ilang taon na ang lumipas!

Nahigit ko ang hininga ko at parang timang na napatitig ako sa mukha ni Hero na tila ba hindi alintana na sapo ko pa rin ang pisngi nito. Wala na sa akin ang atensyon nito ngayon, bagkus ay nakatuon na ang mata nito sa taong nasa likuran ko!

Nang matauhan ako ay parang napapaso na kaagad kong tinanggal ang pagkakahawak ko kay Hero at nginig na umatras nang bahagya para makatayo nang tuwid kahit pa nga ramdam ko ang biglaang panginginig ng tuhod ko.

F*ck.

This can't be!

Mali ang iniisip ko at hindi dapat ganito kaliit ang mundo para magkita kaming muli!

Hindi ko magawang ipihit paharap ang sarili ko sa bagong dating dahil sa takot na ang taong iniisip ko ang madatnan ng mata ko sa likod ko at tama pala ang hinala ko.

Ilang beses akong napalunok, ramdam ko ang biglang panunuyo ng lalamunan ko.

Sh*t. Ano ang gagawin ko kung tama nga ako?

Gustong-gusto ko itong makita pero... may parte na ayaw din.

Napapitlag akong muli nang tumayo na si Hero at tumabi sa puwesto ko bago ako hinawakan sa kamay, inalalayan ako nito upang sabay kaming humarap sa bisita.

Hindi ko na nagawang makapagprotesta pa dahil sa kabang nararamdaman.

Halos hindi ako makahinga sa antisipasyon, halu-halo rin ang nararamdaman ko at hindi ko na alam pa kung alin ang nangingibabaw.

Gusto kong ipikit na lang ang mata ko para hindi ko makita ang bagong dating. Gusto ko ring magdasal na sana pagdilat ko ay saka ko mapapagtanto na panaginip lang pala ang lahat ng ito o 'di kaya ay sana... sana talaga ay kaboses lamang nito ang taong naaalala ko.

Pero alam kong malabo na nananaginip lang ako dahil pasimple kong kinurot ang braso ko at nakaramdam ako ng sakit.

D*mn.

This can't be talaga!

Kung hindi talaga ito panaginip, then, 'yong iniisip ko na lang na may kaboses ito ang natitirang pag-asa ko.

Gusto kong maiyak at biglaang maglaho na lang para lang ma-prevent na mangyari ang nakatakda ngayong araw na ito.

Parang slow motion ang mga nasa paligid ko, sumasabay naman na bumabagal ang paghinga ko at para akong nauubusan ng hangin.

Naikuyom ko ang isa kong kamay na hindi hawak ni Hero at gusto kong mapamura nang malutong noong mabistahan ko na sa wakas ang lalaking nasa harap namin ngayon.

D*mn me! Dahil tama nga ang hinala ko!

Hindi ako puwedeng magkamali, kahit pa nga pansin ko na mayroong nagbago sa pisikal na anyo nito dahil sa mga nakalipas na taon ay hinding-hindi ko makakalimutan ang singkit na matang iyon, na kapag gising o tulog man ako ay ang nais kong masilayan at hinahanap-hanap. Kahit kasi sa panaginip ay sobrang ilap nito at ang damot, sobra yata ang pagdadamdam dahil ayaw nitong magpakita sa akin.

I really miss those eyes. Ang tagal kong inasam na makita muli ang mga iyon, ngunit ngayong narito na ito sa harap ko, gising ako at hindi nananaginip lang ay parang mas lalo ko pa iyon na nami-miss... lalong-lalo na ang nagmamay-ari ng mga iyon.

Kumabog nang marahas ang dibdib ko habang nakatitig lamang dito.

D*mn it. I can't take my eyes off of him!

Ramdam ko na parang biglang may nagbikig sa lalamunan ko at tila ba gustong manubig ng mga mata ko.

Pero teka nga lang...

Ano ang ginagawa nito rito?!

"You're too early, Brother," bati ni Hero rito.

"Am I? Well, wala pa naman kasi akong ginagawa kaya naisipan ko na silipin at puntahan ka na muna rito," pabale-walang sagot nito at pumasok na ng tuluyan, cool na cool lang ang dating.

Samantalang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko kahit na pilit ko namang kinakalma ang sarili ko, na-o-overwhelm sa saya, lungkot at pangungulila.

Hindi ko ito magawang hiwalayan ng tingin, natatakot ako na baka kasi bigla itong mawala at panaginip lang pala talaga ang lahat ng ito kaya kailangan kong pagsawain ang mata ko. Hindi kasi ako nito dinadalaw kahit sa panaginip lang, mailap masyado at hindi ako pinagbibigyan kahit na saglit o minsan lang.

Parang timang na patuloy ko lang itong pinagmamasdan at nakasunod ang tingin dito.

Ngunit pansin ko na ni wala man lang bakas ng pagkagulat sa hitsura nito kanina pa at para bang hindi ako nito nakilala o kilala. Imposible namang hindi ako nito nakikita, gayong magkatabi kami ni Hero.

Ano ako invisible?

Pero... si Mikey na ba talaga ito?

Hindi ko mapigilang mapatanong sa sarili ko, hindi pa rin kasi ako makapaniwala.

Tapos, bakit kasi gano'n? Bakit... mas gumuwapo ito sa paglipas ng panahon sa paningin ko?

Ang unfair!

Iyon ba ang epekto ng napalayo ito sa akin? Nahiyang pa?

Ipinilig ko nang bahagya ang ulo ko nang matanto ang mga kabaliwang naiisip ko.

"Okay, pero ipinaayos ko na rin sa conference room. Kung naiinip ka na, you can stay there," alok ni Hero.

Umiling ito. "Later, I prefer to stay here," sagot nito at sa wakas ay tumuon na sa akin ang tingin.

Napalunok ulit ako at napakurap sa gulat, hindi ko kasi inaasahan na babaling ang mata nito sa gawi ko.

Ano? Nakilala na ba ako nito?

Lalo akong kinabahan.

Pero sa pagkadismaya ko ay parang wala lang na dinaanan ako nito ng tingin at bumalik agad ang mata sa katabi ko.

Naramdaman ko naman ang paglingon ni Hero sa akin kaya umayos akong bigla.

"Okay. By the way, isa siya sa mga assistant ko. Si Alexena. Xena, si Mikael, brother ko. You can also call him Mikey," pakilala ni Hero.

Umawang ang labi ko.

Sh*t na 'yan, si Mikey nga talaga. Pero brother?!

No fucking way! Ito 'yon? Ito ba mismo 'yong binabanggit ni Hero at naikukuwento na... babaero raw?!

OMG... what happened to him?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love you still   KABANATA 75

    Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa

  • Love you still   KABANATA 74

    Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay

  • Love you still   KABANATA 73

    Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati

  • Love you still   KABANATA 72

    AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib

  • Love you still   KABANATA 71

    AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p

  • Love you still   KABANATA 70

    AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status