Share

KABANATA 4

Alexena

Alam ko na hindi magkaapelyido ang mga ito at lalong alam ko rin na may stepbrother si Hero, pero hindi kailanman sumagi sa isip ko at hindi ko inakala na si Mikey iyon. Hindi naman kasi nababanggit ni Hero ang pangalan nito at maging ang apelyido man lang para nagka-clue sana ako, tapos noong itinanong ko naman noong nakaraan ay hindi nito ako sinagot!

Gusto ko tuloy kalbuhin si Hero ngayon at sakalin!

Argh!

Paano nga ang tagal na naming magkasama at magkaibigan tapos... tapos may koneksyon pala kami sa isa't isa! At ang koneksyon pa talaga namin ay 'yong iniwan ko dati at naging dahilan noong pag-alis ko!

D*mn it!

Ngayon tuloy ay pansin ko na parang ako lang yata ang nasosorpresa sa mga nangyayari, pati si Mikey kasi ay hindi. Parang cool na cool lang nga ito at ngayon lang talaga kami nagkita.

Pero teka... ibig bang sabihin niyon ay matagal na nitong alam na kasama ko ang kapatid nito kaya wala na akong makita ni anino o bakas man lang ng pagkagulat sa reaksiyon nito?

"I know her," sagot ni Mikey na parang tamad na tamad.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Sh*t. Uungkatin ba nito ang nakaraan namin?

Nagulat naman ang katabi ko at agad na tumuon ang tingin sa akin. "Really?" tanong pa nito para kumpirmahin sa akin ang sinabi ng kapatid nito.

Ibinuka ko ang bibig ko pero ayaw lumabas ng boses kaya itinikom ko na lang ulit, hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling na lang.

D*mn it.

"I saw her the last time I came here to visit you, Brother," walang emosyon na singit at sagot ni Mikey.

Parehong nabaling ang atensyon namin dito ni Hero.

Wow, ha! Nakaka-wow!

Hindi ba talaga ako nito nakikilala? E, sinabi na nga ni Hero ang pangalan ko, 'di ba? Gano'n ba ako kawalang halaga para makalimutan nito makalipas lang ang ilang taon at sa maikling panahon?

D*mn. Gano'n kasi ang intindi ko sa nais nitong palabasin sa naging sagot nito, e!

Nakaramdam ako ng pinaghalong kirot at inis.

What are you up to, Mikey?

Hindi ako kumibo at hinayaan na lang ito sa gusto nito, pero nasundan ko ito ng tingin nang maglakad ito at prente pang naupo sa mismong puwesto ko!

"She's busy that time. So, I didn't bother to come near her. Besides, wala naman kaming pag-uusapan nang kaming dalawa lang. Saka wala rin naman akong sasabihin sa kanya at wala ka rito kaya there's no sense na tumuloy na pumunta pa ako rito," patuloy pa nito.

Gustong tumikwas ng kilay ko sa mga narinig, ramdam ko rin ang tila pagdagdag ng kirot sa tapat ng dibdib ko.

Para sa akin kasi ay tila ba may laman ang mga sinasabi nito, kanina pa.

"Oh, baka noong ipinapahanap ko sa kanila ni Mathos 'yong naiwaglit kong business proposal," tugon naman ni Hero.

Nagkibit lamang ng balikat si Mikey na parang bagot na bagot na sa pinag-uusapan... pakiramdam ko ay dahil ako kasi ang paksa.

Tss. Ang yabang!

Humiwalay na ako kay Hero kapagkwan. "Lalabas na muna ako," mahinang paalam ko rito.

Kumunot naman ang noo nito. "Why?"

"Baka kasi may pag-uusapan pa kayo. I'll give you time to catch up with each other. Saglit lang naman, sa pantry muna ako," pag-a-alibi ko, pero ang totoo ay gusto ko lang takasan ang presensiya ni Mikey dahil naiinis ako sa mga lumalabas sa bibig nito.

Baka hindi ako makatiis ay masagot ko ito sa harap mismo ni Hero at maisiwalat nang wala sa oras ang mga bagay sa nakaraan.

Ngumiti na rin ito sa wakas. "Okay, pero bumalik ka pamaya-maya, isasama kita sa meeting, kayo ni Mathos."

Gusto ko sanang tumutol at magdahilan, wala naman kasi akong gagawin do'n, bukod pa ro'n ay ayoko rin talagang sumama dahil nando'n si Mikey na gusto kong iwasan, pero tumango na lang din ako para makaalis na ako pansamantala... para kasi akong sinasakal sa presensiya ni Mikey na tahimik na nanunuod lang sa amin. Sa halip ay baka rito ko ibunton ang nararamdamn ko at ito ang masakal ko kapag hindi ako nakapagpigil.

Nag-umpisa akong maglakad at hindi na lumingon sa direksyon nito, hindi na ako nagpaalam pa rito at tuloy-tuloy na lang na lumabas ng kuwarto.

Hindi nga kami close at lalong hindi magkakilala, katulad na lang noong pinapalabas nito sa harap ng kapatid nito, 'di ba?

Then, sige. Pagbibigyan ko ito.

Pagkasarado ko ng pinto ay saka ko lang napakawalan ang hininga na hindi ko napansin na kanina ko pa pala pinipigilan.

Kainis!

Nang makalma ako ay tumungo na lang ako papunta sa pantry para magtimpla ng kape.

I need it to calm what I'm feeling and thinking right now. Na-i-stress talaga ako.

Umupo ako at doon na lang nagpalipas ng oras habang nag-iisip.

F*ck. Hindi ko makuhang mag-isip nang tuwid dahil sa pagkagulantang sa pagtatagpo ng landas namin ni Mikey.

Naikuyom ko ang isang kamao ko.

Paano nga ba akong makakapag-isip nang tuwid kung alam ko sa sarili ko na kahit ilang taon pa ang lumipas na hindi kami nagkita ay iba pa rin ang dating at epekto nito sa akin?

Napabuntung-hininga ako habang hinahalo ang kape ko.

Hindi ko mapigilang balikan ang sinabi nito kanina.

Kaya pala hindi na ito tumuloy pa sa pagpunta sa opisina ni Hero, sa tono nito at ang dating sa akin ay dahil sa nakita ako nito noon.

Pero matagal na kaya nitong alam kung nasaan ako?

Hinanap kaya ako nito?

Galit ba ito sa ginawa ko?

Nagbunga kaya ang naging sakripisyo at pang-iiwan na ginawa ko rito? Naka-move-on na kaya ito sa wakas sa babaeng mahal na mahal nito?

O... masaya na kaya ito ngayon?

Hays. Ang dami kong tanong.

Huminga ako nang malalim at nasapo ang ulo ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ikinikilos nito ngayon na parang hindi ako kilala.

At hindi ko rin alam kung ano ang iniisip nito, hindi ko mabasa... ang inaasahan ko kasi ay susumbatan ako nito pero parang maayos naman na ito, parang ni hindi nga ako minsan na naging bahagi at parte ng buhay nito.

O baka naman sadyang binura na ako nito hindi lang sa isip kung hindi pati na sa mismong buhay nito?

Hindi ko mapigilang malungkot.

Though, inaasahan ko naman na kasi ang ganitong treatment kung sakali mang magtagpo ang landas namin, pero bakit parang hindi ko naman tanggap?

Hays. Ang gulo ko.

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko, akala ko handa na ako anytime na magkrus ang landas namin. Pero nalaman ko ngayon na mali pala ang akala ko nang makaharap ko na ito mismo na hindi pa pala, nagkamali ako, maling-mali ako. At mukhang kailanman ay hindi yata ako magiging handang makaharap ito.

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari... jusko kasi, iba talaga ang epekto nito sa akin... mas lumala pa nga yata.

Kung dati ay patambol-tambol lang ang dibdib ko. Ngayon, aba! Improving! Feeling ko ay magkaka-mini heart attack ako on the spot! Katulad na lang nang naramdaman ko kanina.

Hays. Para na akong mababaliw!

Alam ko namang magkakaharap din kami, pero bakit ngayon na? Bakit ngayon pa? Bakit dito pa? At higit sa lahat... bakit ito pa ang naging stepbrother ni Hero?

Nawiwindang talaga ako sa mga nangyayari pati na sa lakas ng dating nito at sa hitsura nito na sobrang guwapo! Nakakawala tuloy sa focus.

F*ck. Ako na ang loser.

Sinapo kong muli ang ulo ko na parang sasabog.

Ang dami kong tanong at naiisip... pero hindi pa rin ako maka-get over na related si Hero at Mikey sa isa't isa!

Wala man lang akong nalaman sa ilang taon naming pagiging malapit ni Hero!

Nagsisisi tuloy ako ngayon dahil hindi ako naging usyusera at maurirat pagdating sa personal na buhay at sa miyembro ng bagong pamilya nito!

Dapat pala ay naging pakialamera ako at inalam ang mga bagay-bagay! Hindi 'yong ganito!

D*mn.

Kumbaga kasi sa isang giyera, ni hindi ako na-inform na 'yong tatapakan ko pala ay maaaring sumabog kapag sumayad ang paa ko!

Nag-vibrate bigla ang telepono ko na nasa bulsa ko, agad ko iyong kinuha at inilabas.

Napakurap ako dahil sa pangalan ng tumatawag.

Super Hero is calling...

At speaking, 'yong isa pa talaga sa laman ng isip ko ang tumatawag.

Napangiwi ako sa halip na mapangiti na lagi kong reaksyon kapag ito na ang nakita kong caller.

Kakaalis ko lang, e. Nakakainis naman! 'Di pa nga nag-iinit ang puwet ko sa pagkakaupo, huwag mong sabihing kailangan ko na agad na bumalik?

F*ck naman. Nagtatago pa 'yong tao, e!

Though, magkaibigan kami ay alam ko sa sarili ko na hindi ko puwedeng basta na lang na hindi sagutin ang tawag. Kahit na gaano pa kami ka-close ni Hero ay boss ko pa rin ito.

Pero ano ang dapat kong gawin para makaiwas kay Mikey at hindi mapasama sa meeting? Kailangan kong mag-isip ng alibi!

Magdahilan kaya ako na may masakit sa akin? O kaya ay bigla akong magpaalam na mag-half day leave?

Napakamot ako sa ulo ko.

Kainis kasi kapag ginawa ko naman iyon ay alam kong hindi makakapag-concentrate si Hero sa meeting dahil mag-aalala ito sa akin. Ayoko naman no'n.

Hindi pupuwede iyon. Erase. Erase. Iba na lang.

Napabuga ako ng hangin bago atubiling tinanggap ang tawag nito kahit na wala pa talagang naiisip.

Hays. Bahala na nga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status