Share

KABANATA 5

Alexena

Tumikhim muna ako bago magsalita. "H-Hero?" patanong kong bungad.

"Nasa pantry ka pa? Bumalik ka na rito, mag-start na tayo in ten minutes."

Ngumuso ako kahit na alam kong hindi nito ako nakikita. "Huwag mo na lang kaya akong isama? Marami pa akong gagawin, e," agad na pagdadahilan ko.

Natawa ito. "Talaga ba? Kung marami kang gagawin, dapat ay nandito ka at wala ka riyan sa pantry," panonopla nito.

Paano akong makakagawa at makakapagtrabaho kung nariyan sa opisina mo 'yong gusto kong iwasan?

"Nagkakape pa kasi ako. Break, you know. Uso ang break, Hero," palusot ko.

"Wala ka namang gagawin do'n. Mauupo ka lang at makikinig, so... sumama ka na," panghihimok pa rin nito.

Nailing-iling ako. "Exactly. Wala akong gagawin do'n. So, mas mabuti kung mag-stay na lang ako sa office mo para maging kapaki-pakinabang ako sa kompanya ninyo. Para maging sulit kahit paano ang sinusuweldo ko."

"Ah, gano'n. So... sino na kaya ngayon ang boss sa ating dalawa? Hmm? Tingin mo? Sino kaya ang dapat masunod?" tanong nito na biglang nag-iba na ang tono, 'yong pang-boss na.

Sa halip na mapahiya at mainis ay natawa pa ako.

Kainis talaga 'to, 'di kasi bagay at 'di ako sanay. Never naman kasing ipinaramdam nito sa akin na isa lang akong empleyado, kaya nga madalas na ma-misinterpret ng iba ang namamagitan sa aming dalawa.

"Si Mathos na lang kaya ang isama mo?" apela ko pa rin.

Pumalatak ito. "Huwag ka nang lumusot at magturo pa ng iba dahil kasama rin siya."

"Ando'n naman pala si Mathos. So, bakit pa ako kailangan?"

"Kailangan kita ro'n. Ikaw ang magga-gather at magte-take down ng mga napag-usapan sa meeting. No more buts. Ako ang boss, Babe."

Ba't sa akin pa iaasa 'yon? E, kaya namang gawin 'yon ni Mathos.

Napahinga ako nang malalim. "Sabi ko nga po. Pabalik na ako riyan, boss-amo," sumusuko ko nang sagot.

Narinig ko ang pagtawa nito.

Dinala ko na lang ang mug ko habang nasa tenga ko pa rin ang telepono.

"Pabalik na ako, ibaba ko na 'to," paalam ko.

"Sige, we'll wait for you," sabi nito at hinintay na ako pa ang magpatay ng linya.

Ang gentleman talaga as ever.

Pero teka... bakit we'll? Ibig bang sabihin no'n ay naroon pa rin si Mikey?! Pati ito ay hinihintay ako?!

Hays. Kapag minamalas ka nga naman!

Sumakay na agad ako sa elevator at tumuloy na tumungo sa office namin. Huminga muna ako nang malalim bago naghandang pumasok.

Sana wala na 'yong gusto kong iwasan.

Hinawakan ko na ang seradura ng pinto at pipihitin na sana iyon pero may biglang nagbukas ng pinto! Sa gulat ko ay gumewang ang hawak ko at muntikan nang maitapon ang kape sa kaharap ko!

F*ck. Mabuti na lang at hindi natuloy! Pero kinabahan pa rin ako roon, ah.

"Careful," malalim ang boses na sabi ng tinig.

Natigilan ako at agad na nag-angat ng tingin.

Si Mikey!

Ito pala ang muntikan ko nang madisgrasya!

Napatingin ako sa mata nito, halos matuod ako kaya napalunok ako nang makitang seryosong nakatingin sa akin ang mga iyon. "S-Sorry po, Sir..." paghingi ko ng paumanhin at iniiwas na ang mata rito.

Lumihis na rin ako para makalabas na ito, kumilos naman ito pero huminto ito ilang hakbang ang layo mula sa akin. Hindi ko na nga lang ito sinubukang nilingon pa. Natatakot akong makita na nakatingin ito sa akin.

Ang awkward na nga ng pakiramdam ko ay baka mas lalo lamang maging awkward pa kung gano'n nga ang madadatnan ko kapag binalingan ko ito.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Hero at ngumiti nang makita ako. "Let's go," yaya nito.

Pilit na napangiti ako, medyo nawala ang kaba ko dahil sa presensiya nito.

Hinawakan ni Hero ang kamay ko katulad nang madalas na nitong gawin pero nagulat ako nang makitang nandoon pa rin pala si Mikey na mataman na nakatingin sa amin!

Hindi ko inaasahan nang bumaba ang tingin nito sa kamay namin na magkahugpong, pagkatapos ay tumaas ang sulok ng mga labi at tumalikod na para maunang maglakad sa amin.

Nakagat ko ang labi ko.

What was that? Bakit ito huminto at bakit tila naghintay?

Hindi na ako kumibo pa at nagpatuloy na rin kami sa pagsunod rito, mabuti na lang at wala namang ibang napansin ang kasama ko. Pagpasok namin ay marami ng tao ang naroon, kasama na pati ang ama ni Hero.

Binitawan na rin ni Hero ang kamay ko at sinalubong naman ako ni Mathos, iniabot nito sa akin ang sulatan ng minutes of meeting. Kapagkwan ay tahimik na sumunod na lang kami kay Hero at tumabi sa upuan nito.

Hindi nagtagal ay umusad na rin ang meeting, pero hindi ko inaasahan na ang biglaang meeting pala ay para kay Mikey para ipakilala ito, nang matapos na i-introduce ito sa mga board ay mabilis na tumakbo at nabaling ang usapan kung paano magiging partners at magkasangga ang dalawang kompanya na sina Mikey at Hero ang magpapatakbo at mamumuno. As usual ay nakinig lang ako at naging abala sa pagsusulat ng ilan sa mga napag-uusapan na alam kong mga importante.

Nang medyo mapagod na ang kamay ko kalaunan ay inabot ko naman kay Mathos ang minutes of meeting notebook para ito naman ang magsulat. Hindi naman ito umangal at basta na lang tinanggap ang sulatan.

Nakinig na lang ako sa nagsasalita pero nang mainip na ay humayon ang paningin ko sa paligid, hanggang sa natuon ang mata ko kay Mikey na ngayon ay pinaglalaruan ang ballpen na hawak habang nakatingin sa akin nang seryoso? At base sa hilatsa ng mukha nito ay naiinip na rin ito.

So, the feeling is mutual, huh? Hindi pala ako nag-iisa. May karamay ako sa pagkabagot.

Nag-iwas din kaagad ako ng tingin nang matanto na masyado na yatang matagal na rito nakatuon ang mata ko.

Pero... sa akin ba talaga ito nakatingin?

Para tuloy akong sinisilihan sa inuupuan ko sa isipin na nakatingin ito kahit na hindi naman ako sigurado! D*mn!

Hindi ko mapigilan ang kuryosidad kaya pasimpleng tumingin ulit ako sa direksyon nito.

Jusko. Para akong teenager na nagnanakaw ng sulyap sa crush ko, ang sarap ko lang batukan!

Umawang ang labi ko dahil nakatingin pa rin ito sa gawi ko, para tuloy akong tangang tumingin sa mga katabi ko at sa likod... sinisigurado kung sa akin ba talaga ito nakatingin pero pagtingin ko ulit dito ay hindi na ito nakatingin sa direksyon ko bagkus ay nangingiti na itong nakatuon ang mata sa nagpe-present sa harap.

Sh*t. Is he making fun of me?!

Nag-init ang mukha ko noong mapagtantong pinagti-trip-an lang ako nito!

Sh*t na malagkit!

"Hey, okay ka lang?" tanong bigla ni Hero.

Marahil ay napansin nito ang pagiging malikot ko at paglinga-linga.

Nahihiyang tumango ako at iniiwas ang tingin dito, nagkunwaring nakikinig sa nasa harapan.

Nakakainis! Nakakahiya! Masyado akong pa-obvious! Argh!

Makalipas ang ilang sandali dahil hindi talaga ako mapakali at alam kong dahil do'n ay mahahati at makukuha ko ang atensyon ni Hero ay napagpasyahan kong bumulong na lang dito para magpaalam na lalabas lang ako saglit, tumango lang ito kaya dali-dali na akong sumimpleng tumalilis.

Binitbit ko ang mug ko na ubos na ang laman bago tumayo at lumabas.

Tumuloy na lang ako sa pantry at agad na tumapat sa sink para hugasan ang dala kong mug.

"You're just here all along," sabi nang boses na sa pandinig ko ay hindi kalayuan mula sa likod ko makalipas lamang ang ilang sandali.

Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko sa pagkagulat, mabuti na lang at naagapan ko rin katulad kanina.

Humarap ako rito at litong nagtanong. "W-What?"

"I thought you're already gone. Hindi ka kasi nagpaalam," nakataas ang kilay na sabi nito.

Napatanga ako.

Ano raw? Alin ba ang tinutukoy nito?

Hindi ko mapigilang maguluhan.

Is he talking about the past? O 'yong pag-alis ko sa conference room?

Or maybe... baka gusto nitong mawala na ako ng tuluyan? Para kasing mas iyon ang intindi ko sa tono at sinabi nito.

Lumakad ito palapit at huminto rin kapagkwan upang humila ng silyang naroon para maupuan nito.

Ano 'yon? Sinundan ba talaga ako nito rito para lang i-check?

Kung iyon nga... puwes, nawiwindang na ang buo kong pagkatao sa sobra-sobrang mga nangyayari pati sa sinasabi at ikinikilos nito!

Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin. "I know what I saw earlier."

Napalunok ako at kumunot ang noo.

Alin na naman ba 'yon? 'Yong nadatnan ba nito kami ni Hero kanina? Tsk. Wala naman kaming ginagawang masama, ah?

Pero sa tono nito ay tila kung saan na nakarating ang imagination nito.

Saka teka lang nga... ano naman ang pake nito sa ginagawa namin ni Hero kung sakali? Hindi ba nga at nagkukunwari pa itong hindi ako kilala kanina tapos ngayon biglang may pakialam na sa nakita pagdating nito?

"Parang hindi mo alintana na nasa opisina kayo kanina ng kapatid ko, ah. Looks like na hindi lang boss-employee ang relationship na mayroon at namamagitan sa inyo, kung hindi higit pa."

Nanginig ang kamay ko at gusto kong mapatawa nang pagak.

Pati ba naman ito gano'n din ang iniisip tungkol sa amin? Dahil lang sa simpleng paglapit ko kay Hero at paghawak sa mukha nito na wala namang malisya.

"Tell me, are you his lover?" patuloy na direktang tanong pa nito bago ipinatong ang braso sa lamesa at hinimas ang baba habang patuloy lang na pinagmamasdan ako.

Hindi ko kayang basahin ang iniisip nito pero parang gusto kong manliit sa paraan kung paano ako nito tingnan, kung paano ako nito kausapin, kung paano nito bitawan ang mga salita at kung paano ako nito pakitunguhan.

D*mn.

Pero sa halip na mainis nang tuluyan sa lahat ng ipinapakita nito, bakit mas nangingibabaw pa rin ang ibang nararamdaman ko paukol dito?

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko gayong nakatingin lamang kami pareho sa isa't isa?

Baliw na yata akong tunay. Malala na at natuluyan na!

Nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi nito makalipas ang ilang sandali. "Stay away from my brother."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. "W-What?! W-Wait, bakit ko naman 'yon gagawin?" gulantang kong tanong.

Cool na nangalumbaba ito at inilibot ang tingin sa pantry. "You heard me. Stay away from him or I'll ruin your life. Don't mess with me."

Don't mess with him?

I'm not messing with him! Hindi ko nga ito nilalapitan? Bagkus ay lumalayo na nga ako kanina pa, hindi ba? Ito nga itong sumunod sa akin dito at kung anu-ano ang sinasabi.

He's the one who is messing with me!

Napatanga tuloy ako rito.

Kung baliw ako. Tingin ko naman ngayon ay mas baliw na ito sa akin!

D*mn this jerk! Ang lakas ng loob na sabihin iyon sa akin!

"Hmm? Gusto mo ba na dagdagan natin ang choices mo? How about, I'll make your life miserable? How's that? What do you think? Pumili ka," parang wala lang nitong sabi nang nakangiti pa.

Napatanga akong lalo at namilog ang mata sa huli nang may maisip.

Don't tell me he's getting even? Gumaganti ito sa nagawa ko rito dati?

Naikuyom ko ang kamao ko. "Is that a threat, Mr. Montreal?" umaahon ang inis na tanong ko nang mahanap ko na sa wakas ang tapang at boses ko.

Bwiset. Ito lang talaga ang may kakayahang makapagpalabas ng sungay kong itinatago noon pa man. Nawawala ang composure ko na madalas na mapansin at mapuri ni Hero na kayang-kaya kong i-maintain. Pero kapag ito talaga ang nakakaharap ko, nakakalimutan ko kung paano kumalma at gusto kong maging bayolente.

Ibinalik nito ang tingin sa akin at patamad akong tiningnan. "No. Sinasabi ko lang para alam mo kung ano ang kaya kong gawin kung hindi mo ako susundin at para hindi ka na rin magulat pa sa mga mangyayari."

"Look, if this is all about the past. Stop this. Walang kinalaman si Hero kung ga-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang tumawa ito nang malakas.

Napakurap-kurap ako at umawang ang labi.

Baliw na ba talaga ito?

Hays. Halata naman, bakit ko pa ba itinatanong? Kung hindi ba naman talaga ito may saltik. E, wala namang nakakatawa sa sinasabi ko at seryoso kaya ako!

Tapukin ko kaya itong bigla para matauhan?

Tumigil na rin ito kapagkwan sa pagtawa at tiningnan ako nang diretso sa mata. "I know. But don't flatter yourself too much, Miss. Hindi lahat ng bagay ay tungkol sa iyo. At hindi ito tungkol sa nakaraan. Wala akong pakialam sa nakaraan na sinasabi mo," malamig nitong sabi, walang halong tuwa ang tono at hitsura.

Gusto kong gayahin ang ginawa nitong pagtawa kanina.

I know. Hindi tungkol sa akin, kaya nga ako umalis noon. Alam na alam ko. Wala lang ako. Wala lang ako sa iyo. Wala akong halaga at wala kang pakialam sa akin.

Pero bakit kahit alam ko naman na iyon ay parang may pumipiga pa rin sa puso ko sa nakikita kong lamig sa mata nito pati na sa mga salitang lumalabas sa bibig nito?

Itinikom ko na ang bibig ko at tumahimik na lang.

I don't have any intention of fighting him. There's no sense.

Hindi ko nga lang maintindihan ang kilos nito. Bakit kanina ay parang okay naman at kung hindi ito tungkol sa nakaraan, bakit ganyan ito tila kagalit sa akin ngayon?

Kahit na itanggi pa nito na tungkol ang lahat ng ito sa nakaraan, alam ko at ramdam ko na iyon ang dahilan kung bakit ito nagkakaganito.

"I want you to stay away from my brother," ulit nito.

Nag-iwas ako ng tingin.

Sino ito para utusan ako? Alam ko na isa na ito sa mga boss ngayon katulad na nang nabanggit kanina sa meeting, pero kasama ba 'yon sa trabaho ko? Ang sundin ang nais nito kahit na alam kong hindi na iyon sakop ng kapangyarihan nito? Personal na bagay na ang gusto nitong saklawan.

Kung mayroon man akong dapat na sundin, si Hero lang 'yon. Kapag ito mismo ang nagsabi at dito mismo nanggaling ang utos na layuan ko ito ay saka lamang ako susunod at lalayo. Walang maaaring magdikta sa relasyon na mayroon kami ni Hero, hindi lalo ang isang Mikey.

"Naririnig mo ba ako, Ms. Alexena Alfonso?" halata sa boses nito kung gaano na ito naiinis sa hindi ko pagtugon.

Buuan talaga ng pangalan, kasama pati ang apelyido?

Bakit kaya hindi pa nito idagdag ang bago kong ginagamit na apelyido para masaya at kumpleto na talaga?

Gusto kong matawa sa sobrang formal kung paano namin i-address ang isa't isa ngayon, parang hindi kami naging magkaibigan noon, ah.

Tiningnan ko lang ito.

May pagkasuya sa matang tiningnan naman ako nito. "Stay away from him. My brother doesn't deserve someone like you. Hindi ako papayag na ang katulad mo lang ang kababagsakan ng kapatid ko," mapang-uyam na sabi nito bago tumayo at lumabas nang tuluyan ng pantry.

Naestatwa ako sa huling sinabi nito.

Alam ko naman na hindi ko deserve ang isang katulad ni Hero. Pero bakit kailangan pa nitong ipamukha iyon sa akin? Bakit kailangan pa nitong sabihin sa akin nang harapan?

Do I really deserve that kind of treatment?

Nakakababa ng tingin sa sarili, parang nakakadiring klase ako ng tao.

Humarap na lang ulit ako sa sink.

Ikinurap-kurap ko ang mata ko at lumunok rin ako para pigilan ang luhang nag-uumpisa nang mamuo sa mata ko dahil sa kirot sa tapat ng dibdib na nararamdaman ko, pero wala na akong nagawa pa nang tuloy-tuloy nang bumagsak ang mga iyon habang nanginginig ang labi ko.

Inaasahan ko naman nang may magbabago rito pero bakit tila wala na akong makita at maaninag noong dating Mikey na nakilala at nakasama ko? Nasaan na 'yon? Nasaan na rin ang Mikey na minahal ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status