Beranda / Romance / Love you still / KABANATA 6 (Flashback)

Share

KABANATA 6 (Flashback)

Penulis: Meowpyyyyy
last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-30 13:42:40

[Four years ago..."]

Alexena

Ngawit na ako sa posisyon ko pero tinatamad pa rin akong magdilat ng mata, sobra kasi akong hinihila ng antok dahil sa malamig na hangin na nararamdaman ko na tila ba nakatutok ang pagbuga sa akin, ngunit gano'n pa man ay may kakaibang init naman na pumapawi roon na mas lalong tila ba humahatak at naghehele sa akin para ipagpatuloy pa ang pagtulog.

I don't have any clue what it is and in my current state, my energy is still drained. I am physically worn out. I am emotionally exhausted. I do need to rest both to keep myself sane. Besides, I'm really too sleepy to even care what exactly that thing is, which is really making me feel better, comfortable and somewhat safe. Finding it out can wait, but sleeping peacefully cannot. So, I think I'll just find it out later.

Bahagya akong gumalaw para maibsan kahit na papaano ang pangangawit ko at sumiksik sa mainit na bagay na nakadikit sa akin bago sumagap ng hangin habang nakapikit pa rin, nag-aagaw ang nararamdaman kong antok at ang kagustuhan ng katawan kong gumising kahit na pagod pa ako.

Kasalukuyan na akong hinihila at tinatalo ng antok nang maramdaman kong may gumalaw sa mismong tabi ko dahilan para dagli akong mapadilat nang maalala na wala nga pala ako sa bahay o sa dorm kundi nakasakay ako sa bus!

Nanlaki ang mata ko ng wala sa oras nang mabalingan at tumama ang mata ko sa braso na napansin kong nakadikit ako at sinasandalan ko na pagmamay-ari ng kung sino, kanina pa!

F*ck.

Tuliro na unti-unting umangat ang tingin ko papunta sa mukha ng may-ari ng braso, hindi nagtagal ay nasalubong ko ang mata ng isang estranghero na nakatunghay rin pala sa akin.

Napalunok ako bago parang napapaso na mabilisang lumayo rito, umayos ako ng upo at inayos pati na ang buhok kong alam kong sabog at gulo-gulo na.

D*mn, Xena! What did you do?! Nakakahiya!

Iniiwas ko ang mukha ko sa mapanuring tingin nito bago pasimpleng pinunasan ang gilid ng mata ko upang makasigurado kung may muta ba, sumunod naman ay kinapa ko pati na rin ang gilid ng labi ko, pisngi at baba ko, conscious na baka kasi may tulong laway pa ako na pakalat-kalat sa mukha!

Jusko naman! Nakakahiya talaga, Xena!

Bakit ka ba kasi sumasandal at dumidikit sa hindi mo naman kilala?!

"Don't worry, hindi ako natuluan ng laway. Walang laway ang nasayang, natapon at nabawas sa iyo," natatawang turan ng tinig ng lalaki na para bang sadyang binibiro ako dahil sa kakatwang ikinikilos ko.

Masyado ka kasing pa-obvious, Xena! Umayos ka nga!

Nang ibaling ko ang tingin dito ay hindi lang ang tinig nito ang tila ba natatawa kundi nakatawa talaga ito sa akin!

Pasimpleng naikuyom ko ang kamao ko nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha ko. "I... u-uh... I'm sorry..." paputol-putol na hinging paumanhin ko sa kawalan ng sasabihin at upang pagtakpan na rin ang pagkapahiya na nararamdaman ko.

Ngayon ko lang kasi naranasan ang ganito. Kapag nasa byahe ako ay mababaw lang ang nagiging tulog ko, I'm not letting my guard down lalo na kapag nag-iisa ako at lalaki ang katabi ko ay lagi akong alerto. Pero dahil siguro sa sobrang pagka-drain ng energy ko ay hindi ko na naisip pang ingatan ang sarili ko at inuna ko pa talaga ang matulog.

Pero nakakainis naman kasi, bakit ang naaalala ko ay ito ang nakasandal sa akin? Hays. Baka isipin pa nito na sinamantala ko ang pagkakataon habang tulog ito kanina para makadikit ako nang walang hirap dahil sa guwapo ito at para-paraan ako para makatsansing.

Yes, guwapo ito. Hindi maikakaila dahil sa ang datingan nitong taglay na kahit saan mo pa makita ay siguradong agaw pansin lalo na sa mga kababaihan. Hindi ko lamang napansin kanina dahil nakataklob ang hood nito habang nakayukyok na natutulog.

Lalo itong ngumiti na parang aliw na aliw sa akin, ikiniling pa nito ang ulo at tiningnan akong mabuti. Nabistahan ko lalo tuloy ang kaguwapuhan nitong taglay.

Hindi ako nagkamali nang maalala ko kanina rito si Mikey. Hindi lang pala kasi ang built ng katawan at katangkaran ang may pagkakatulad ang mga ito kundi pati na sa karisma at kaguwapuhang taglay.

I wonder, ilang babae na rin kaya ang pinaluha nito?

"Sorry saan? Hmm?"

Napakurap ako dahil sa tanong nito at nag-apuhap sa isip ng isasagot dahil sa lumilipad ang utak ko sa kung saan-saan. "S-Sa ano, uh... sa ginawa kong p-pagsandal sa iyo... n-nakatulog kasi ako. Pasensiya ka na..."

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pautal-utal kong pagsasalita.

D*mn. Why do I need to stutter? I'm just explaining things. It's not as if I did something wrong to him!

Umayos ka, self! You're not being you!

"It's okay. Actually, ako talaga ang nagsandal sa iyo sa akin... para kasing nakakangawit 'yong posisyon mo tapos minsan parang ako ang nahihirapan, natatakot kasi ako na baka malaglag na lang bigla ang ulo mo, sumusunod kasi kapag nagpepreno at lumiliko. Gumegewang ang ulo mo na parang ganito... kaliwa, kanan, atras at abante," turan nito na talagang with matching action pa ang pagkukuwento.

Na talaga namang gusto kong maglaho na lang bigla dahil kung hindi magandang tingnan dito ang ginagawa nitong pagmumuwestra ngayon, paano pa kaya sa akin kanina?

F*ck. Ang hirap i-imagine kung ako ang pinapanuod nito na gano'n ang estado ko kanina.

Naalala ko tuloy 'yong mga kaklase ko na pasimple kong pinagtatawanan kapag parang naghe-head bang na 'pag tinamaan na ng sobrang antok sa kalagitnaan ng klase.

Of course I knew that it's bad, pero patuloy pa rin ako at hindi mapigilan ang sarili ko na pagtawanan ang mga ito. Sino naman ba kasi ang hindi? Nakakaaliw kaya saka dahil do'n ay nawawala ang antok na katulad ng mga ito ay gusto ring talunin ang sistema ko.

Hays. Pero dahil kaya roon kaya ako tila nakarma at ako naman ngayon ang nag-head bang habang natutulog?

I don't know how I should react and respond to what I've heard, but suddenly to my surprise, the guy in front of me burst out laughing.

Namamangha ko lang tuloy itong pinanuod hanggang sa matapos ito sa masarap na pagtawa.

Nakahawak pa ito sa sariling tiyan at tumikhim bago magsalita. "Sorry about that. I just can't help it. Nakakatawa lang kasi 'yong reaksyon mo but at the same time, you look adorable," puri nito sa huli na hindi ko alam kung totoo ba o nang-uuto lang, pero parang ang hirap paniwalaan lalo pa nga at kitang-kita ko pa rin sa mata nito ang kasiyahan.

Pagkatapos ako nitong pagtawanan ay talagang kinaya pa nito na bolahin ako at sabihan na adorable? What the f*ck?

Nang hindi ako kumibo at nanatili lamang na nakatitig dito ay tumikhim itong muli at ikininurap-kurap ang mata, kita ko kung paano nito pinipilit na magpakaseryoso.

"Sorry na. Hmm? But, seriously talking... isinandal talaga kita sa akin. I just returned the favor... noong nagising kasi ako kanina ay ako naman ang unang nakasandal sa iyo," paliwanag nito at mukhang tapos na ako nitong tuksuhin.

Oh! Mabuti naman pala kung gano'n. At least ay alam naman pala nito ang totoong nangyari at base naman sa hitsura nito ay mukhang wala naman itong iniisip na modus lang ang ginawa ko para makadikit dito. Besides, pareho naman kaming nakinabang sa isa't isa.

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa narinig mula rito.

"Isa pa... bukod kasi sa parang pagod na pagod ka at kailangan mo ng tulog, hindi naman ako gano'n kawalang puso para hayaan ka lang na mangawit at mauntol ang pahinga na kailangan mo gayong may puwede naman akong gawin," dugtong pa nito.

Napangiti akong bigla.

He's nice. Masuwerte ako na ito ang nakatabi ko... hindi masamang loob, may concern at may konsiderasyon sa kapwa.

"Thank you..." sinserong pagpapasalamat ko.

Sa halip na pansinin ang sinabi ko ay tumayo itong bigla at naglahad ng kamay sa akin. "Tara na?"

Mula sa mukha nito ay bumaba ang tingin ko sa palad nito bago ibinalik muli ang mata ko sa mukha nito. "H-Ha? Saan tayo pupunta?" may pagka-disoriented kong tanong.

Ikiniling nito ang ulo at ibinaba na ang kamay. "Hmm? Bababa na, I guess? Unless, gusto mo pang maiwan at ipagpatuloy ang pagtulog mo na nauntol. O baka naman gusto mong mapag-isa?"

Naikurap ko ang mata ko.

Nagbuga ito ng hangin na para bang naiinip. "As you can see, tayo na lang ang tao rito. Babae ka, hindi safe na iwanan na lang kita basta."

Pasimpleng inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napagtantong totoo nga ang sinasabi nito... na kami na nga lang pala ang naroon at nasa terminal na pala kami.

"Hindi ko kayang umalis na hindi kita kasama. Hindi matatahimik ang utak at konsensiya ko kakaisip na baka may nangyari na sa iyong masama, nag-iisa ka pa naman," dugtong pa nito.

Nabalik ang tingin ko rito at napatitig dito nang may pagkamangha.

Hinayaan na nga ako nitong matulog at sumandal dito kahit na alam kong nangawit ito at nainip sa paghihintay na magising ako tapos bukod pa roon... it seems na binantayan talaga ako nito at hindi pinabayaan kahit na hindi naman kami magkakilala.

Akalain mo nga naman na may tao pa pala na katulad nito, hindi mapagsamantala at mapagkakatiwalaan. Rare na lang ang katulad nito.

"Ano na? Tara na? Tayo na lang ang tao rito at sa totoo lang ay nagsasawa na ako sa amoy ng aircon kanina pa," reklamo nito at nalukot ang ilong bago inilahad muli ang kamay sa akin.

Hindi ko alam kung dahil sa hiya sa pang-aabala ko rito kanina pa o dahil sa natatakot akong mainip ito kaya may pagmamadali na kinuha at isinukbit ko ang bag ko bago walang pag-aalinlangan na tinanggap ang kamay nitong naghihintay.

Naramdaman ko kaagad ang init ng palad nito noong isinalikop nito iyon sa akin.

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko habang nakasunod dito at hila-hila ako habang naglalakad.

His hand is warm, and so is he.

Pero nang bumaba ang tingin ko sa kamay namin na magkasalikop ay unti-unting nabura ang ngiti ko dahil sa naalala kong bigla ang mga pagkakataon na si Mikey ang may hawak ng kamay ko.

Kinagat ko nang mariin ang labi ko at napangiti nang mapait kapagkwan.

Ikinuyom ko ang libre kong kamao at pasimpleng napahinga nang malalim habang pinipilit na iwaksi sa isip ko ang mga eksenang hindi ko na dapat pang binabalikan.

Move-on and let it go, girl. Kahit na gaano pa kasakit at kahirap.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Love you still   KABANATA 75

    Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa

  • Love you still   KABANATA 74

    Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay

  • Love you still   KABANATA 73

    Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati

  • Love you still   KABANATA 72

    AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib

  • Love you still   KABANATA 71

    AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p

  • Love you still   KABANATA 70

    AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status