Share

Wakas

Author: SGirl
last update Huling Na-update: 2021-09-18 17:21:01

Carlos Joseph Guevarra

Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon.

“Sir, may isa kaming nahuli.”

Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway.

“G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos.

Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma.

Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
changbinbin
asan po mababasa ang loved and Obsession? wala po kasing Lumabas sa search tool
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loved and Chained   Wakas

    Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.

  • Loved and Chained   Kabanata 31

    Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a

  • Loved and Chained   Kabanata 30

    Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai

  • Loved and Chained   Kabanata 29

    Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n

  • Loved and Chained   Kabanata 28

    Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.

  • Loved and Chained   Kabanata 27

    Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status