Share

Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO
Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO
Author: Maria Bonifacia

Kabanata 1 Wedding Day

last update Last Updated: 2025-07-24 13:45:48

Maagang dumating si Mira sa Primera Hotel event’s place, suot ang puting corporate dress at nakatali ang kanyang buhok. Tulad ng dati, organized siya at kalmado, siya ang ever reliable assistant ni Kyle Alvarado, ang CEO ng Megawide Corporation sa loob ng limang taon. Pati kasal ng boss ay siya ang nag-asikaso sa sobrang busy nito.

“Okay, flowers arranged, catering checked, music is ready,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa checklist.

Isa-isa nang nagsidatingan ang mga bisitang pawang kilalang personalidad, investors, at mga business partner. Elegante ang ayos ang lugar, mga puting bulaklak, gintong dekorasyon, at magarbong mesa. Lahat ay excited makita ang pag-iisang dibdib ni Kyle at Sofie, isang modelo.

Pero may isang problema. Wala pa si Sofie.

“Where is the bride?” tanong sa kanya ng wedding coordinator, palihim na nagpa-panic.

“Nasaan na ba siya? Hindi ba dapat nandito na siya kanina pa?” usisa ng makeup artist.

Mabilis na kinuha ni Mira ang kanyang phone at tinawagan si Sofie. Tatlong beses. Wala pa ring sagot.

Nakakunot ang noo ni Kyle habang papalapit. Suot ang classic black tuxedo, gwapo at makisig. Tila ito Greek god na nakalabas sa libro. Ipinilig niya ang ulo. Ikakasal na ang boss niya, dapat na niyang tigilan ang lihim na pagtingin dito.

“Mira,” malamig ang tono ni Kyle. "Anong nangyayari?”

“S-Sir, hindi pa po dumarating si Miss Sofie. I’ve tried calling her, multiple times, pero hindi po siya sumasagot.”

Suminghap si Kyle. Tumalikod saglit, tumingin sa altar, saka bumaling kay Mira.

“She’s coming, baka na-traffic lang.”

Tumango siya. He’s very particular with time. Wala ni isang empleyado ng Megawide ang nale-late. Pero pagdating kay Sofie, talagang nagiging soft ang cold-hearted na CEO.

Lumipas pa ang isang oras. Nasa altar na din ang pari. Nakahanda na ang lahat. Nagsisimula na ang bulungan ng mga tao sa paligid. Sino ba naman kasing matinong babae ang hindi sisipot sa kasal kung si Kyle Alvarado ang groom? Ito ang pinakamayamang business tycoon sa bansa bukod sa napakagwapo at kisig nito.

Tumunog ang cellphone nitong hawak niya. Nakita niya ang notification. Mensahe mula kay Sofie. Tila napugto ang hininga niya ng makita ang message.

“I’m sorry, Kyle. I can’t give up my career. Please forgive me,” nanginig ang kamay niya sa nabasa.

Nakita niyang palapit ang binata.

“Sir, m-may message po galing kay Ms. Sofie. Sir, huwag po kayong --”

Hindi na siya pinatapos ni Kyle. Bigla nitong hinablot ang cellphone at binasa ang message. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito.

Humakbang ito palapit at marahas siyang hinila sa pulso. Halos mabitawan niya ang cellphone sa gulat.

“S-Sir?!” sigaw ni Mira habang binabagtas nila ang red carpet.

“Well, ngayon, kailangan ko ng bride. Inuutusan kitang pakasalan ako,” malamig pero nag-uutos ang tinig ni Kyle

“H-Ha? Sir, ano pong sinasabi ninyo?”

“Ikaw na ang ikakasal sa akin.”

Tila gusto niyang kurutin ang sarili dahil baka ang lahat ng ito ay panaginip lamang. Kagabi lang ay nasa delulu land siya at ini-imagine na siya ang bride ni Kyle. Mukhang nakinig ang universe sa kahilingan niya!

“Ano?! Sir, hindi po, hindi puwede tayong ikasal,” aniyang malapit ng himatayin.

“Wala akong bride, I need one,” matigas nitong sabi na tila nauubusan na ang pasensya. Ayaw pa naman nito ng makulit.

“Pero, Sir, ako po ay isang hamak na assistant lang,” aniyang napayuko. Nawala ang puso niya sa kinalalagyan.

“Exactly. Kasal lang ‘to sa papel. Babayaran kita ng malaking halaga. Sofie will come back sa sandaling malaman niyang ikinasal ako sa iba.”

Hindi na siya nakapagsalita pa at tumango na lamang. Payag siya kahit kasal-kasalan lamang ito. Hindi na niya namalayan kung paano siya nakarating sa room upang isuot ang wedding gown.

Nilamon siya ng kaba, takot, at excitement. Tulala siyang sumunod sa glam team.

Nagsimula na ang seremonyas sa hudyat ni Kyle. Tumutugtog ang klasikong instrumental wedding song habang unti-unting nagbukas ang malalaking pinto ng grand ballroom. Napalingon ang lahat sa dulo ng aisle, at halos sabay-sabay ang bulungan ng mga bisita sa gulat at pagtataka.

At sa harap ng daan-daang bisita, siya ang biglang naging bride. Umepekto na ang pagtutulos niya ng kandila sa simbahan. Pati ang prayer request niya sa log book ng chapel at Simbang gabi tuwing Disyembre. Wishes do come true.

Dahan-dahang lumakad si Mira, suot ang wedding gown na orihinal na para kay Sofie. Ang damit ay bumagay sa kanya sa paraang ni hindi niya naisip na posible, elegante ang damit na sakto ang sukat sa kanya. May kakaibang alindog siya na hindi niya sinasadyang maipamalas sa mamahaling gown. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang bouquet, at halos hindi siya makahinga. Ni hindi alam ng pamilya niya na ikinakasal siya.

Hindi ito dapat mangyari. Pero sinungaling siya kung sasabihin niyang ayaw niya ang makasal sa CEO na matagal na niyang iniibig na nasa sa dulo ng altar, nakatayo nang matikas at gwapo sa kanyang tuxedo. Ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya at doon siya nakahanap ng lakas upang ipagpatuloy ang bawat hakbang. Kailangan siya ng boss.

Pagdating niya sa altar, inabot ni Kyle ang kamay niya. Init ng palad nito ang pumawi sa nanlalamig at naginginig niyang katawan.

Tahimik ang buong bulwagan. Pati ang pari ay sandaling natigilan, bago sinimulan ang seremonya. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari kay Sofie. Walang paliwanag ngunit walang tumutol.

Lahat ay tulalang nakamasid sa bagong bride. Nagsimula ang pari na magsalita.

“Sa hirap at ginhawa…Sa sakit at kalusugan…Hanggang kamatayan...”

Isa-isang binigkas ni Kyle ang mga salita. Diretso ang tinig at walang alinlangan.

Ngunit nang siya na ang kailangang magsalita, sandali siyang namutla. Nanginginig ang boses niya habang inuulit ang mga salita ng pari.

“...tatanggapin kita… sa hirap at ginhawa…”

Napatingin siya kay Kyle. Nalunod na naman siya sa kulay tsokolateng mata ng kanyang boss.

“...at mamahalin habambuhay.”

“By the power vested in me,” sabi ng pari, “I now pronounce you husband and wife.”

Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Legal na asawa na siya ng CEO ng Megawide Corporation. Parang panaginip. Parang eksena sa pelikula at nobela.

“You may now kiss the bride,” anang pari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maricel Delos Santos Taroma
next episode subrang ganda ng kweto
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 511 Family Dinner

    Tahimik ang hallway ng ospital.Yung klaseng katahimikan na dinig ang bawat yabag ng sapatos, bawat hinga, bawat tibok ng pusong pilit niyang pinapakalma kahit hindi naman talaga kayang pigilan.Nakaupo si Iris sa metal bench, magkapatong ang mga kamay, nakayuko. Katabi niya si Daryl, nakasandal sa pader, magka-krus ang mga braso pero halatang tensyonado. Sa loob ng kwarto, mahimbing na natutulog si Donya Ester, nakakabit pa ang IV, payapa na ang mukha.“Salamat,” mahina ang boses ni Iris, parang takot mabasag ang katahimikan. “Kung hindi ka nagpunta sa Timeless kanina… hindi ko alam kung anong mangyayari.”Tumango si Daryl. “Walang anuman. Okay na mommy mo. ‘Yun ang importante.”Napatingin si Iris sa kanya. Hindi yung mabilis na sulyap, kundi yung matagal. Yung parang may gustong sabihin pero pinipigilan.Tumahimik sila pareho.“Alam mo ba,” biglang sabi ni Iris, mas mahina pa sa bulong, “na pagod na pagod na akong maging CEO. Hindi talaga siya para sa akin.”Napatingin si Daryl sa k

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 510 Unconditional Help

    Parang may sumabog sa loob ng dibdib ni Iris.“Hindi kayo?” ulit niya, halos pabulong. “Hindi ka nililigawan ni Daryl??”Umiling si Candice, dahan-dahan. “Hindi po.”Napakurap si Iris. “Eh bakit… bakit magkasama kayo ngayon?”Bahagyang napangiti si Candice, pero may lungkot sa mga mata. “Hindi po pwede si Maya. Kaya ako ang pinapunta niya.”Tumango si Iris, pilit inaayos ang sariling hininga.“Akala ko ngakakamabutihan na kayo. Sino…” naglakas-loob siyang itanong. “Sino ang mahal ni Daryl?”Sandaling tumahimik si Candice. Tumingin ito sa salamin, saka sa kanya. “Mas mainam po siguro kung sa kanya mismo manggagaling, Ma’am Iris.”Ngumiti at tumango na lamang siya.***Pagkatapos ng event, magkasabay na naglalakad sina Candice at Daryl papunta sa parking area. Pagod ang binata, tahimik, parang may dinadala sa loob.“Bakit hindi mo ihatid si Iris?” tanong ni Candice.Hindi agad sumagot si Daryl. Sumulyap lang siya sa malayo, kay Iris na nakatayo sa tabi ni Harvey at ni Don Apollo, kausap

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 509 Not Me

    “Bakit napatawag ka?” sabi ni Iris.Sa loob ng bahay, nagpatuloy ang tawanan.Sa labas, unti-unting tumitigas ang desisyong hindi pa niya kayang pangalanan. Basta naiinis siya at magkasama sina Daryl at Candice.“Yes, Harvey,” ulit niya, mas malambing pa rin ang boses para ipadinig kay Daryl.Sa kabilang linya, parang agad nagbago ang tono ni Harvey, biglang mas kampante.“Akala ko busy ka. Pero I’m glad you answered. Missed your voice,” anitong may halong pag-angkin.Napapikit si Iris. Hindi siya sanay sa ganitong lambing mula kay Harvey, hindi nakakakilig. Mas nakakainis.“Harvey… kumakain lang ako, mamaya na lang,” sagot niya, iwas sa detalye.“Eat well, baby. I want to see you soon,” dugtong nito. “Public event this weekend. Gusto kitang makasama. Let them see us… together.”Tawa ang naging sagot niya ng makitang sumisilip si Daryl. “Sure,” kahit ayaw niya.Sa loob ng bahay, hindi sinasadyang narinig ni Daryl ang bahagyang tawa ni Iris. Hindi malinaw ang mga salita, pero sapat ang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 508 Pride and Jealousy

    Malalim ang iniisp ni Iris. Hindi siya dapat mauna, babae siya.Hanggang mag-uiwan na. Nakapatay na ang karamihan ng ilaw, desk lamp na lang ang bukas sa harap niya. Nakabukas ang chat box ni Daryl sa cellphone.Mahaba na sana ang naisusulat niya.“Daryl, pasensya na kung naging immature ako kagabi. Hindi ko dapat sinabi yung tungkol kay Harvey. Nasaktan ako pero mas nasaktan yata kita…”Huminto ang daliri niya.Binura niya ang isinulat.Sinubukan ulit.“Namimiss kita. Hindi ko alam kung saan ba ako nakalugar sa puso mo. Mahirap pala ang walang label.”Binura ulit.Napabuntong-hininga siya, napasandal sa upuan.Bakit siya ang mauunang magparamdam?Bakit parang siya ang naghahabol kahit wala namang label?Ipinatong niya ang cellphone sa mesa, nakabaligtad.Biglang tumunog ang notification.Napaigtad siya.“Musta ka? Kumain ka na ba?”Galing kay Daryl. Nanlaki ang mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinuha niya agad ang cellphone, tapos biglang ibinaba ulit.Hindi.Hin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 507 No Label

    Nanikip ang dibdib ni Iris. Hindi niya narinig ang usapan, hindi niya alam ang dahilan, ang nakita lang niya ay ang yakap. At sapat na iyon para masaktan.Tahimik siyang tumayo. Kinuha ang bag. Ay umalis ng hindi nagpapaalam.Pagbalik ni Daryl, hinahanap niya si Iris.“Nay, nasaan po si Iris?”“Hindi ba at katabi mo kanina? Baka nagpunta sa banyo,” sabi ni Nanay Lily.Umikot ang paningin niya.Nakita niya itong palabas.“Iris!” sigaw niya at hinabol ito.Sa labas, malamig ang hangin. Tahimik ang kalsada.“Iris, wait! Bakit aalis ka na? May emergency ba? Ihahatid na kita,” habol ni Daryl.Huminto si Iris, pero hindi humarap.“Hindi mo kailangang magpaliwanag,” sabi niya, pilit matatag ang boses. “Gets ko na.”“Get mo na ang alin?” takang tanong ni Daryl. Lumapit ito, hinawakan ang braso niya. “Please, tumingin ka sa mga mata ko.”Huminga nang malalim si Iris at humarap sa binara, nangingilid ang luha.“Bumalik ka na kay Candice mo, nakakahiya sa kanya baka hinahanap ka na. Uuwi na ako!

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 506 Birthday Celebration

    Nagulat si Daryl nang makita sina Iris at Candice sa iisang shop.“Oh,” ani Daryl, bahagyang ngumiti. “Kayo pala. Anong ginagawa ninyo dito?”Sa loob-loob ni Iris, parang may alarm na tumunog. “Hello!” tangi niyang nasabi.Si Candice naman ay biglang nagkunwaring interesado sa display ng medyas na parang iyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo.“Ah… errands lang,” sagot ni Iris, pilit kalmado. “Ikaw?”“May bibilhin lang,” sagot ni Daryl, walang bahid ng duda. Hindi man lang nito napansin ang mga paper bag na halos itinago ni Candice.Ngumiti si Candice at agad iniabot ang hawak niyang maliit na kahon. “By the way, Daryl. Advance happy birthday.”Umikot ang mata ni Iris. Akala ba niya surprise para kay Daryl? Talagang gusto nitong mauna sa pagbati.Natigilan si Daryl. “Ha? Paano mo nalaman?”“Secret,” sagot ni Candice, sabay kindat. “Buksan mo mamaya.”“Salamat,” aniya, halatang nagulat pero genuinely thankful. “Hindi mo naman kailangang mag-abala.”“Gusto ko, bagay sa’yo ‘yan. Parang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status