Kiss daw. Hihimatayin yata si Mira. Tuwing gabi ay madalas niyang kahalikan ang CEO sa panaginip. Pero ni sa hinagap ay hindi niya naiisip na magkakatotoo ito! Tila may nag-uunahang daga sa kanyang dibdib.
Dahan-dahang lumapit si Kyle. Hawak ang kamay niya. Pinagmasdan muna siya nito bago itaas ang belo.
Hindi siya nagsalita. Walang bakas ng pagtanggi. Mabilis na inilapat ni Kyle ang labi sa kanyang pisngi. Saglit lamang ngunit maiihi na siya sa kilig.
Nagpalakpakan ang mga bisita. May mga ngumiti, may mga nagtaka lalo ang pamilya ni Sofie na isa isa ng nag-alisan marahil ay dahil sa kahihiyan.
Nagulat pa siya ng biglang hinila siya ni Kyle patungo sa kotse nito. Gusto niyang awatin ang boss dahil may reception pa silang dapat puntahan.
“Drive as fast and as far as you can,” anitong hindi niya mabasa ang emosyon.
Isang oras na siyang nagmamaneho ng makahanap ng lakas ng loob na tanungin ang amo.
“Sir, saan po tayo pupunta?” aniyang tumingin sa rearview mirror at nakita ang mabalasik nitong anyo.
“Let’s go to hell!” kalmadong sabi nito. Willing siyang sumama kahit sa impyerno.
Nagdesisyon siyang dalahin ito sa hotel na bi-nook niya para sa honeymoon sana nito.
Tahimik ang biyahe nila patungong Isla Azul, isang sikat na private island resort. Wala ni isang salita si Kyle. Tahimik lang itong nakatingin sa malayo.
Samantalang siya ay tahimik ding nakikiramdam. Suot pa din niya wedding gown.
Pagdating sa villa, agad pumasok si Kyle sa beachfront suite. Tinanggal ang coat at niluwagan ang necktie. Binuksan nito ang bar counter, at nagsalin ng alak sa baso. Isang lagok. Dalawa. Tatlo. Apat. Hanggang sa deretso tinungga na nito ang bote.
Naging saksi siya kung paano nito minahal ang kasintahan kahit madalas na wala sa bansa ang babae dahil modelo ito ng sikat na luxury brand. Alam niyang heart-broken ang boss. Childhood sweetheart ni Kyle si Sofie. Nag-aalangan siya kung lalapit ba o hahayaan itong mapag-isa.
Pero bilang assistant, at higit pa roon, bilang taong nagmamalasakit, hindi niya napigilang lumapit.
“Sir…” mahina niyang tawag habang umupo sa sofa. “Gusto ninyo po ng kausap?”
Hindi ito tumingin. Tumungga lang muli ng alak.
“Sofie left me. She chose her career. She knew everything was set. She humiliated me, in front of everyone,” malamig pero may poot ang bawat salita ni Kyle.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Lumapit lamang siya at tinapik ang balikat ng boss.
Ang puso niya ay kumakabog, hindi sa takot, kundi sa hindi maipaliwanag na kaba. Ramdam niya ang bigat ng lungkot ni Kyle, pero ramdam din niya ang tila unti-unting pagkatunaw ng distansya sa pagitan nila.
Tumahimik muli si Kyle, bago dahan-dahang ibinaba ang baso at muling nagsalin ng alak.
Tumabi siya nang kaunti pa. “Kung kailangan po ninyo ako, nandito lang ako. Hindi ko po kayo iiwan.”
“Stay with me,” anito.
Napalunok siya at mabilis na tumango. Mananatili siya hanggang kailangan siya ng CEO. Unti-unting binabalot ng matinding takot ang kanyang puso. Saan hahantong ang pagpapakasal nila? Ano ang mga pagbabagong magaganap?
***
Sa labas ng beachfront villa, maririnig ang banayad na hampas ng alon sa buhangin. Ang buwan ay bilog at maliwanag, para bang nakikiusyoso sa bagong kasal.
Sa loob ng suite, nandoon si Kyle, nakaupo sa may balcony, hawak ang isang baso ng brandy. Ilang bote na ang nabuksan at nagkalat sa lapag.
Nakapagbihis na Mira. Buti na lamang at may shop sa loob ng resort na pwedeng bilihan ng damit at gamit. Kinuha niya ang cellphone sa bag at madaming messages at miscalls. Napahinga siya ng malalim.
Pinagmasdam niya si Kyle, malayo ang tingin, hawak ang baso at patuloy sa pag-inom. Hindi na siya nakatiis.
Lumapit siya sa balcony, maingat ang hakbang. “Sir, tama na po siguro ang inom. Magpahinga na po kayo,” malumanay niyang sabi.
Hindi sumagot si Kyle. Tumungga muli. Tila ba bingi ito na walang nadinig.
Tumabi na siya dito, at dahan-dahang kinuha ang bote mula sa kamay nito. “Tama na po. Baka magkasakit po kayo.”
Binawi nito ang bote ng alak. “Sir, kanina pa po umuusok ang cellphone ko sa dami ng nagtatanong lalo po ang mommy at daddy ninyo. Sasagutin ko po ba ang tawag nila?”
“Nope. Never answer a call.”
Tumango siya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi maipinta ang damdamin sa mga mata ni Kyle, galit, sakit, at lungkot.
“Mira…” bulong niya, mababa ang tinig. “Make me forget.”
“Sir? A-ano po ang ibig ninyong sabihin?”
Bigla na lamang siyang hinawakan sa batok at hinila palapit. Hindi na siya nakaiwas. Nalanghap niya ang mabangong hininga ng CEO. Shit! This is it! Be careful what you wish for! Hihimatayin yata siya.
Mainit at mapusok ang halik ni Kyle. Nanlaki ang mga mata niya, ngunit hindi siya nakagalaw agad. Nanigas ang kanyang katawan na tila nakuryente.
“Make me forget, Mira…” bulong ni Kyle habang nakapikit, ang noo nito ay nakapatong sa kanyang noo. “Kahit ngayong gabi lang. I don’t want to remember her. I don’t want to feel this pain.”
Napalunok siya. Ramdam niya ang bigat ng hinanakit sa tinig nito.
“Please…Help me forget her.”
Umatras siya nang bahagya. Hawak pa rin ni Kyle ang kanyang mukha. Gusto niyang tulungan ang amo. Kung pwede nga lang kuhanin ang sakit na nararamdaman nito ay ginawa na niya.
Binagtas niya ang pagitan ng kanilang mga labi. Hindi niya alam kung paano humalik. Hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan. Ngunit fast learner siya. Wala siyang hindi kayang matutunan agad basta para sa boss. Ginagad niya ang galaw ng labi nito. Nalasahan niya ang pinaghalong alak at laway ni Kyle. Kung ito ay panaginip, ayaw na niyang magising!
Naalarma ang utak niya ng unti-unting gumalaw ang kamay ng boss at gumapang sa kanyang katawan. Tila nagbabaga ang kamay nito na nadidikit sa kanyang balat. At siya ay tuluyan ng natupok ng apoy.
Galing si Mira sa opisina nang mapadaan siya sa isang convenience store. Pumasok siya para bumili ng pasalubong para sa amang nasa ospital. Habang pumipili ng tinapay, napansin niya ang isang matandang lalaki na nakasuot ng hospital gown, at tila naguguluhan habang namimili sa snack section.May dala itong juice, sandwich, at ilang gamot.Paglapit sa counter, tila biglang nataranta ang matanda habang kinapa ang bulsa."Naku, anak, mukhang naiwan ko ang wallet ko sa ospital."“Naku, lolo, lumang style na ‘yan. Ibalik ninyo ang mga kinuha ninyo kung wala kayong pera!” anang staff.Narinig niya iyon habang binabayaran ang sarili niyang binili. Napatingin siya sa matanda at nakita ang pamumutla nito."Walang problema po, Lolo. Ako na po ang magbabayad."Ngumiti siya at inabot ang bayad para sa binili ng matanda.“Maraming salamat, iha. Babayaran kita agad.”Ngunit bago pa man niya maabot ang resibo, bigla na lang napahawak sa dibdib ang matanda. Napaluhod ito at nanginig."Lolo! Lolo! Anon
Napatitig si Mira kay Kyle, tila hindi makapaniwala. Nagsikip ang dibdib niya. Pero sa halip na umiyak, tumango siya.“Sige, kung saan ka masaya.”Binuksan niya ang pinto at bumaba. Humigpit ang hawak niya sa clutch habang ang takong ng sapatos niya ay tumunog sa sementong kalsada.Habang naglalakad siya, kahit kinakalaban ng sapatos ang bawat bato at alikabok, hindi siya lumingon. Sanay siya sa hirap at maglakad ng ilang kilometro basta hindi lang sana nakatakong.Sa loob ng kotse, nanatiling nakatitig si Kyle sa rearview mirror. Sinundan nito ng tingin ang bawat hakbang ng babae.“Damn it…” bulong nito, kasabay ng pagbunot ng cellphone.“Clara,” tawag nito sa mayordoma, “magpadala ka ng taxi na susundo kay Mira sa bandang Magalang Street. Bilisan mo, ngayon na.”Ilang minuto pa, may humintong taxi sa tapat ni Mira.“Ma’am, taxi po.”Tinignan niya ang matandang driver at ang sasakyan nitong pan-taxi naman. Mabilis siyang sumakay.Malamig ang hangin, pero mas malamig ang pakiramdam ni
Hindi umiwas si Mira sa tingin ni Kyle. Sa halip, tumango lang siya upang batiin ito. Nakita niya itong palapit.“Sorry, I’m late,” malamig ngunit maginoong bati ni Kyle, nakasuot ng itim na tuxedo. Tahimik ngunit matalim ang mga mata nito kay Sebastian bago lumipat ang tingin sa kanya.Ngumiti si Sebastian, tumayo at nakipagkamay. “Kyle. What a surprise. Didn't expect to see you here tonight. Sa tagal ng charity event namin, palagi ka lang nagpapadala ng representative. Pero mukhang espesyal ang araw na ito at personal kang nagpunta.”“Well, we’re business partners, dapat lang na suportahan ko ang charity event ng Tuazon Group,” sagot ni Kyle.Saglit na katahimikan. Tapos, biglang tinawag ang auctioneer sa gitna ng ballroom upang simulan ang highlight bidding, isang prime beachfront property sa bayan nila.“Next up, 500-hectare beach property! Starting bid at 50 million pesos!” anang auctioneerAgad na sumagot si Sebastian. “Fifty-five.”Tumugon si Kyle, malamig ang tono, “Sixty.”Nap
Tila hindi nagulat si Sebastian. Sa halip, nakatingin lang ito sa kay Mira, tila inaarok ang kanyang damdamin.“May tanong ako, Mira,” mahinang sabi ni Sebastian. “Sa tingin mo ba, karapat-dapat na mapili ang proposal ng Megawide, o gusto mo lang mapalugod ang boss mo?”Natigilan siya. Alam niyang crucial ang sagot.Huminga siya nang malalim. “Karapat-dapat ang proposal. Alam mo ‘yan dahil nai-present na sa’yo. Alam kong may value din sa Tuazon Group ang partnership, pero hindi ako magmamalinis, gusto din talaga ng boss ko na makuha ito. At gusto kong matulungan siya.”Tumango si Sebastian, tila pinoproseso ang lahat.“Kung sakaling pirmahan ko,” dagdag nito, “hindi ba parang nanalo siya hindi dahil sa proposal, kundi dahil sa’yo? Alam mong hindi kita kayang tanggihan.”Hindi agad siya nakasagot at snadaling nag-isip.“Ang mahalaga, mapapakinabangan ng parehong kumpanya ang partnership at ng mga tao sa ating bayan pati na ang mga karatig lugar. Kung sino man ang maging dahilan, hindi
Napasinghap si Mira. Hindi niya inakalang ganito kababa ang iniisip ng boss niya. Kahit gusto niyang sumigaw, pinili niyang huminga nang malalim at ngumiti, isang ngiting puno ng pasensya.“Wala po, Sir Kyle,” sagot niya. “Walang nangyari sa amin. Nagtagal lang kami dahil nalibang sa kwentuhan. Umuwi ako kaagad pagkatapos.”“Pero may gusto siya sa’yo.”Hindi siya agad sumagot. Sa halip, lumapit siya at marahang inabot ang bote ng alak sa kamay nito.“Hindi ko po kontrolado ang nararamdaman ng ibang tao, Sir Kyle. Pero kontrolado ko ang sarili ko. Nandito ako dahil may responsibilidad akong tinanggap. At gagampanan ko po ng buong husay ang trabahong ibinigay ninyo.”Bumuntong-hininga si Kyle. “Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman kong dinudumihan mo ang pangalan ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo,” anitong tumalikod na.Nakahinga siya ng maluwag ng mailapat ang pinto ng kanyang silid.***Kinabukasan, maagang pumasok si Mira sa Megawide Corporation. Tinakpan niya ang pagod at
Napalunok si Mira. Gusto sana niyang itanggi. Ngunit mas mainam na manatili siyang tapat.Nagbaba siya ng tingin. “Tama ka, nagpakasal nga kami. Pero ang kasal namin ay hindi kagaya ng iba.”“Anong ibig mong sabihin? Ang sa sabi akin kanina lang ng kaibigan ko, si Sofie ang bride kaso hindi sumipot at biglang ikaw ang ipinalit. Nagulat ang mga tao dahil alam ng lahat na assistant ka ni Kyle.”“Pansamantala lang ang kasal. May kasunduang pinirmahan. Maghihiwalay din kami matapos ang anim na buwan.”Tahimik si Sebastian. Hindi ito nagulat. Ngunit may bahid ng disappointment sa mga mata nito.“So, he’s using you. Bakit ka pumayag?”“Hindi naman sa ganoon,” mabilis na tanggi niya. “Pumayag ako at tinanggap ko ang pera, hindi para sa sarili ko kundi para sa operasyon ni Tatay. Actually, sobrang laki ng ibinayad niya at plano kong isoli ang sobra kapag natapos na ang gamutan.”Muling natahimik si Sebastian. Hanggang sa bumuntong-hininga ito at tumango. “I get it. You're selfless, as always.